Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 514 - Miss Silvermoon

Chapter 514 - Miss Silvermoon

Jade Banshee!

Naramdaman na ni Marvin ang awra nito.

Nasa itaas ng mataas na platfrom si Marvin, tinitingnan ang buong dungeon.

Nakita niya ang Jade Banshee na mabilis na kumikilos sa dungeon. Hindi siguro nito inaasahan na mayroong nakasunod sa kanya, dahil mahinahon lang ito at hindi sinusubukang itago ang kanyang mga bakas.

Mas napadali naman nito para kay Marvin ang pagsunod sa kanya.

Bumalik na sa normal si Marvin at ginamit ang kanyang Stealth bago hinabol ito.

Magkasunod na tumakbo ang dalawa sa buong Regis Ruins. Maingat na sinundan ni Marvin ang rutang dinadaanan ni Banshee.

Balot ng nakakakilabot na awra ang lugar. Walang nakakaalam kung gaano karami ang patibong dito.

Nais na manatiling tago ni Marvin, at base sa kaswal na pagkilos ni Banshe, tila sigurado itong wala itong maaapakang patibong.

Sampung minutong mabilis na tumawid ang dalawa sa dungeon bago naabot ang gitnang bahagi ng lugar.

Isa itong plasa.

Ang dulo ng plasa ay sira-sira at base sa itsura nito, mukhang mayroong naglabas ng matinding kapangyarhan sa lugar na ito kaya naman gumuho ang mga gusaling katabi nito.

Maingat na nagtago si Marvin sa likod ng ruins.

Hindi siya mapakaling tumingin sa dakong silangan kung saan malakas ang pagtibok ng Dungeon Core.

Mayroon din Chaos Magic Power na lumulutang sa hanging. Nararamdaman ni Marvin na ang Chaos Magic Power na lumulutang ay tila mukhang Fairy na pinagnanasaan siya.

Kaya naman hindi naging komportable sa sitwasyon na ito si Marvin.

Masyadong kakaiba ang Magic Power.

Pero nang tumigil si Banshee sa harap ng isang istatwang bato sa plasa, nanlaki ang kanyang mga mata!

Miss Silvermoon!

Mayroon palang istatwa ni Miss Silvermoon dito!

Sumimangot si Marvin. Ang isang istatwa ni Miss Silver moon sa loob ng Regis Ruins… Anong ibig sabihin nito?

Ang ganoong klase ng istatwa ay madalas gamitin sa pagsamba.

Hindi kaya ang mga Regis caster ay hindi pangkaraniwang Magic Organization na naniniwala kay Miss Silvermoon?

At may kinalaman ba ang pagkawasak nila sa pagbagsak ni Miss Silvermoon?

Sunod-sunod na haka-haka ang pumasok sa isip ni Marvin.

At dahil masyadong kampante at pabaya ang babae, nagdesisyon si Marvin na lumapit pa.

Ang Jade Banshee ay nasa harap mismo ng istatwa ni Miss Silvermoon.

Dahil sa talas ng paningin ni Marvin, nakakita siya ng lumulutang na bungo!

Isang malamlam na liwanag ang lumalabas mula sa bungo.

Napagtanto ni Marvin na isa iyong bungo ng Lich!

Wala man doon ang mismong Lich, pero ang ganitong bungo ay nagsisilbing half-avatar niya.

Naging mas maingat si Marvin at pumili ng isang madilim na lugar para magtago habang pinapanuod pa rin ang nangyayari.

Noong oras na iyon, napansin ni Marvin na mayroong mali sa istatwa.

'Ang istatwa… Hindi ba masyadong makatotohanan?'

'Kung ginawa 'yan ng isang craftsman, napakahusay naman niyang gumawa.'

Kahit na hindi pamilyar si Marvin kay Miss Selvermoon, alam niya kung anong klaseng nilalang ito.

Lalo pa at dahil sa labis na pagkahilig niya sa laro, marami siyang nalalaman tungkol sa halos lahat ng pangunahing karakter sa Feinan.

Masyadong makatotohanan ang istatwa.

Kahit ang nasasaktang rekasyon nito ay naipakita nang napaka-ayos, kaya naman makatotohanan talaga ito.

Hindi makapaniwala si Marvin.

'Teka! Hindi tama 'to!'

'Kung ang istatwa ay ginamit lang para sa Faith, hindi ito malalagay sa ganitong sitwasyon.'

Pinunasan ni Marvin ang kanyang mga mata at muling tiningnan ang istatwa ni Miss Silverman bago napagtanto kung ano ang nararamdaman niyang mali dito.

Mukhang ito ang eksena ng pagkamatay ni Miss Silvermoon!

Mayroong nakamamatay na sugat sa kanyang sikmura, at ang pareho kamay ay walang buhay na para bang may gustong abutin.

Makikita ang matinding sakin na nararamdaman nito sa kanyang mukha, magkahalong paghihirap at pagkatuliro.

Iba't ibang emosyon ang makikita mula sa istatwa. Hindi naniniwala si Marvin na mayroong craftsman sa buong mundo na makakagawa nito!

 .

At bukod dito, mayroon lang isa pang posibleng dahilan.

Ito mismo si Miss Silvermoon!

Ito ang namatay niyang Divine Body!

Kahit na isa itong nakakatawang hula, nararamdaman ni Marvin na ito ang katotohanan.

Kahit na babagsak at bubuo ng isang kakila-kilabot na Blackhole kapag namatay ang isang God, at hihigupin nito ang Divine Body bago ito paunta sa kaibuturan ng Astral Plane, mayroon pa ring mga namumukod tanging sitwasyon. Minsan, dahil sa espesyal na rason, ang Divine Body ng isang God ay maaaring manatili.

Sa ngayon, bahagyang naging interesado si Marin sa pagkamatay ni iss Silvermoon.

Si Miss Silvermoon ay isang nilalang na hindi dapat ginagalit sa mndong ito.

Kahit na tahimik lang si Moon Goddess Faniya, na 1st Generation Ancient God na bibihirang ipakita ang kanyang mukha, ka-level ng lakas nito ang Nature God at Elven God.

Inalala ni Marvin ang pinagmulan ni Miss Silvermoon:

Sinasabi na noong unang panahon, kumawala ang Feinan sa Chaos at nangibabaw ang power of Order dahil sa lakas ni Lance.

Noong mga panaon na iyon, hindi na lumitaw ang mga halimaw mula sa kaibuturan ng Universe at nagkaroon ng panandaliang kapayapaan sa Feinan.

Ang Moon Goddess, bilang isang 1st Generation Ancient God, ay kasabay na ipinanganak kasama ng Nature God at Elven God.

Isang araw, umalis ito para magtungo sa kaibuturan ng Wildeness at sinasabing umidlip ito sa ilalim ng isang matandang Osmanthus Tree. Nang magising ito, mayroon nang sanggol sa kanyang mga braso.

Mayroong makapangyarihang Divinity ang sanggol at natuwa naman ditto ang Moon Goddess. Naramdaman niya na ang sanggol na ito ay anak niya na ipinagkaloob ng kalangitan at binigyan niya ito ng bahagi ng kanyang Divine Power.

Isinama niya pabalik sa Feinan si Miss Silveroon, na naging bahagi na ng mga Ancient God na inaprubahan ni Lance.

Nang tumanda si Miss Sivlermoon, personal na gumawa ng isang pares ng straight dagger si Faniya para sa kanya.

At iyon ang maalamat na Cold Light's Grasps.

Hindi lang ito tinuturing na obra maestra sa mga Divine Weapon, mayroon din itong naka-enchant na Magic at Divine Property. Isa pa, nilinang din ito mismo ni Miss Silvermoon, at umabot sa punto na nalagpasan na ng Artifact na ito ang reputasyon ng Nightfall, na ginawa ng Shadow Prince sa pamamagitan ng paglibot sa buong Universe.

 .

Ito ang nalalaman ni Marvin tungkol kay Miss Silvermoon.

Alam niya ito dahil sa Cold Light's Grasp. Tungkol naman sa kanyang pagbagsak, walang opisyal na impormasyon tungkol dito sa laro, wala ring manlalaro ang naapagsabi ng tungkol sa bagay na ito sa mga forum.

Pero nakaramdam ng pagdududa si Marvin.

Ang Moon Goddess ay isa sa mga pinakamakapangyarihang Ancient God. Kahit na hindi ito nangingialam sa ibang God Realm, kapag mayroong gumalit sa kanya, hindi maganda ang kalalabasan nito.

Sa kasaysayan, dati ay mayroong isang talentadong Demon Lord na lumitaw sa Abyss.

Ang Demon Lord na ito ay ipinanganak na mababa lang ang estado, pero nakakagulat na likas ang pagiging mahusay nito. Lumaban siya at pimatay siya para makaalis sa bloody sea at unti-unting nakilala ng iba pang mga Demon. Pero dahil nagpapasikat ito habang umaangat ito, may nagawa ito para magalit sa kanya ang Moon Goddess. Dahil dito, direktang winasak ng Moon Goddess ang Abyssal Plane kung saan nakatira ito!

Isang buong Abyssal Plane!

Ang nakakapagtaka pa dito, nanatiling tahimik ang mga Demon Lord.

Isang malaking sampal ang ginawa ng Moon Goddess, pero wala man lang nagsalita.

Kahit na maliit na bagay lang ito, sapat na ito para maipakita ang lakas ng Moon Goddess.

Hindi siya mas mahina kumpara sa mga Great God ng mga New God.

Sa ganoon sitwasyon, kung mayroon mang kumilos laban kay Miss Silvermoon, kahit na hindi direktang makakapagsimula ng laban si Moon Goddess, dahil sa mga batas ng Crimson Wasteland, tahimik pa rin itong maghihiganti.

Kung mayroong gustong lumaban, kailangan muna nilang alamin kung mayroon silang sapat na lakas para maging isa sa mga pinakamalakas sa buong Universe.

Mayroong sikreto sa likod nito.

Habang nag-iisip si Marvin, biglang bumuka ang bibig ng lumulutang na bungo. "Basura!"

Biglang umalingawngaw sa buong runins ang isang galit na boses kaya naman muling bumalik ang atensyon ni Marvin sa kanyang pagmamasid.

Hindi niya direktang tiningnan ang bungo ng Lich dahil kadalasana, mayroong malakas na Perception spell ang mga avatar ng mga Lich.

Kailangan niya lang makinig, at hindi tumingin.

"Hindi mo napigilan ang iilang Human, kaya hinayaan mo silang makatakas!"

"Labis akong nadismaya sayo!"

"Mayroon kaming nakaharap na malalakas na kalaban," paliwanag ng Jade Banshee.

"Ang isa sa kanila ay isang Paladin na gumagamit ng Truth Scale. Alam mo naman ang epekto ng Truth Scale kay Puppy. Matagal nang namatay ang Truth God. Kaya hindi ko naman inasahan na biglang lilitaw ang isang taga-sunod ng Truth God doon."

"At ang isa pa ay isang Great Druid. Nakakatakot ang kanyang bilis at kinaya niyang pabagsakin sa isang iglap ang Mist Dragon ko gamit ang blade technique niya!"

"Sa sitwasyon na 'yon, wala akong magagawa kundi bantayan na lang ang ruins."

Malinaw na may bigat ang sinasabi ng Jade Banshee.

Matapos ang ilang sandali, muling nagsalita ang bungo, "Paladin ng God of Truth? Matagal na akong hindi nakakakita ng tulad niya."

"At isang Great Druid na kayang patayin sa isang iglap ang Mist Dragon? Pucha, masyado kong minaliit ang dalawang 'yon."

"Sige, kalimutan na natin. Mabuti at hindi nila nakita si Luna. Ma-aactivate na ang Barrier ko sa loob ng kalahating oras, wala nang nabubuhay na nilalang sa dungeon kaya makakaalis ka na."

"May kaunting problema ako dito, kailangan ko ang tulong niyo ni Puppy."

Bigla naman natuwa ang boses ng Jade Banshee, "Sige. Pupunta ako kaagad!"

Wala nang sinabi ang dalawa pagkatapos nito, at agad na dumilim ang ulo ng Lich, at napunta ito sa braso ng Banshee.

Tiningnan nito ang istatwa, pero nanatili itong tahimik at agad na umalis.

'Kalahating oras? Barrier? Luna?'

Tiningnan ni Marvin ang paalis na Jade Banshee habang napupuno ng pagdududa ang kanyang puso.

Hindi naman kakaiba ang paglitaw ng isang Lich, pero ano ang sinusubukan niyang gawin?

Luna ang palayaw ni Miss Silvemoon, kaya mukhang mayroon magandang relasyon ang dalawang ito.

Ito nga ba talaga ang Divine Body ni Miss Silvermoon?

Sinamantala ni Marvin ang pag-alis ni Jade Banshee para umabante ng kaunti upang siyasatin pang mabuti ang istatwa.

Pero hindi niya inasahan na habang papalapit siya, biglang gagalaw ng kaunti ang daliri ng istatwa!

Related Books

Popular novel hashtag