Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 512 - Jade Banshee

Chapter 512 - Jade Banshee

[Ruler's Wrath (Legendary Skill)]

[Description: Malayang maiiba ng gumagamit nito ang laki ng kanyang katawan, maaaring maging kasing laki ng higante, o kasing liit ng langgam. Depende sa Constitution ang limitasyon nito.

Sa madaling salita, isa itong size changing skill na walang ibang epekto sa katawan.

Pero ang skill na ito ay naiiba sa mga pangkaraniwang size changing skill. Kahit gamitin ni Marvin ang Ruler's Wrath, hindi pa rin magbabago ang kanyang mataas na mga attribute.

Isipin na lang kung ang isang higanteng kasing laki ng burol ay mayroong Godly Dexterity, isa itong napakalakas na pwersa para sa mga ordinaryong Legend.

At kung titinginan sa ibang perspektibo, naniniwala si Marvin na habang lumalakas siya, mas magiging nakakatakot ang kanyang mga makakalaban,

At hindi naman puro tao lang ang mga ito.

Maaaring makalaban niya ang isang malaking halimaw mula sa Astral Plane.

Bakit nga ba napakalakas ng mga Dragon? Bakit nga ba hindi matapatan ang melee fighting ng Mechanical Tita?

Karamihan sa kanila ay malalaking halimaw na inaalipusta ang mga halimaw na mayroong katamtamang laki dahil lang sa sukat nila.

Ang mga Demon Lord, mga Archdevil, mga Evil Spirit Overlord, lahat sila ay mayroong mga avatar o doppleganger na kayang palakihin ang kanilang sarili.

Ganito rin ang mga God.

Ito ang dahilan kung bakit pinili ni Marvin ang ability na ito.

Sa madaling salita, matapos niyang makuha ang Ruler's Wrath, malaki ang itinaas ng lakas ni Marvin.

Kung gusto niyang kumalaban ng isang Mist Dragon, kailangan niya lang gamitin ang Ruler's Wrath, gamitin ang Diamond-shape at umasa sa kanyang melee ability para pira-pirasuhin ito.

Sa isang sulok ng bundok, nagulat ang Paladin sa pagbagsak ng Mist Dragon.

Nabigla si Griffin. Hindi niya naisip na ang binatang Ranger na ito ay mayroong nakakatakot na Blade Technique at Burst Power.

Napakagbagsik ng pinamalas nito nang ilabas nito ang kanyang mga dagger. Noong mga oras na iyon, iniisip pa rin ni Griffin na isang Great Druid si Marvin na mayroong Ranger subclass na may mahusay na Blade Technique.

Pero mayroon pang isa pang naguaat.

Ang nagbabadyang laban sa paanan ng bundok ay bigla na lang nawala.

Gulat na tiningnan ng babaeng naka-luntian na damit ang duguang Mist Dragon na nasa taas ng bundok. Makikita ang galit sa mga mata nito.

Sa katunayan, si Bond Dragon Claudy ay alaga ng kanyang master na si Lich Bandel. At sa kanya naman ang Mist Dragon.

Agad itong nagkaroon ng reaksyon nang mamatay ang Mist Dragon.

Hindi niya inakala na matatalo ng dalawang ito nang ganoon kabilis ang Mist Dragon!

Masyado naman atang mabilis?

Winasak ng lakas ni Marvin ang buong plano ng babae. Binalak nito na gamitin ang Mist Dragon para pigilan ang dalawang ito habang ang Bone Dragon naman ang didispatya sa apat pa adventurer. At pagkatapos nito saka ito sasama sa Mist Dragon para pagtulungan na pabagsakin ang dalawang ito.

Ang resulta, malaking aberya sa kanyang plano ang naganap.

Masyado niyang minaliit ang kakayahan ni Marvin!

Kaya naman napunta siya sa sitwasyon na ito. Dahil s autos ni Lich Bandel, kailangan niyang pigilan ang lahat nang masyadong napapalapit sa bundok!

Maging sino pa man ito, kailangan niyang pigilan ang mga ito.

Pero hindi na gagana ang planong iyon ngayon.

Dahil mukhang may problema rin sa Two Headed Bone Dragon!

Ang nakakatakot at masamang Bone Dragon ay may nilalabas na pagkalansing habang tinitingnan ang Truth Scale sa itaas ng bundok.

Dahil matagal-tagal na rin niya itong kasama, naunawaan ng babae na natatakot ito!

Hindi pangkaraniwan ang Paladin. Ang kanyang Truth Scale ay mayroong malakas na epekto sa Bone Dragon!

Kahit na nahuli ni Bandel si Claudy, hindi pa ito umaabot sa punto na handa nitong ibuwis ang kanyang buhay para ditto.

Sa sumunod na sandali, itinaas ng Bone Dragon ang dalawang ulo nito at nag-chant gamit ang Draconic. Mayroong makapal na hamog na lumabas at bigla itong nawala.

Kinuyom ng babae ang kanyang ngipin at saka sumunod.

Hindi niya kakayaning talunin ang anim na taong iyon nang mag-isa, lalo na sina Marvin at Griffin.

Layunin ni Bandel na hindi matuklasan ng sino man ang Regis Ruins. Ang kanyang barikada ay nakatago at ngayon tanging ang mga tao na ito ang makakalagpas dito.

Wala namang alam sina Marvin at Griffin sa nangyayari sa paanan ng bundok.

Nakita lang nila na biglang nawala ang Two Headed Bone Dragon pati na ang Legend na babaeng naka-luntian na damit.

"Takot na takot ang Bone Dragon sa Truth Scale mo."

Nilinis ni Marvin ang kanyang sarili at mabagal na lumapit.

Tiningnan naman ni Griffin si Marvin nang may mataas na pagrespeto, "Malakas ang mga Blade Technique mo. Matagal na kong hindi nakakakita ng ganyan katinding lakas."

Tungkol naman sa apat na adventurer sa baba ng bundok, nakatanga lang silang nakatayo doon, na para bang kakalaya lang nila.

Hindi na sila pinansin ng dalawa.

Gusto lang makatawid ni Griffin sa bundok at gusto lang makapunta ni Marvin sa Holy Light City. Ngayong wala nang humahadlang sa kanila, nagpatuloy na ang dalawa.

Dahil wala na ang Mist Dragon pati na ang malakas na ulan ng nyebe, mas bumilis ang paglalakbay ng dalawang Legend powerhouse.

Di nagtagal ay naabot na nila ang tuktok ng bundok!

Nang tumingin sila sa baba ng bundok ay nakakita sila ng isang nakakamanghang siyudad sa malayo.

Mayroong ulap sa kanilang mga paa, pero dineretso ni Marvin ang kanyang likod at nakita rin nito ang barikadang bumabalot sa siyudad.

Ilang hot air ballin ang lumilipad sa itaas ng siyudad, at agaw pansin naman ang mga Wizard Tower sa dakong silangan.

Nakita naman ni Marvin ang isang pamilyar na simbolo ng isang God.

Holy Lights City.

Ang dahilan kung bakit tinawag na [Holy Light] ang siyudad na ito ay dahil dati itong isa sa mga kuta ng mga God.

Ibang-iba ito sa isang siyudad na nasa ilalim ng kapangyarihan ng isang shrine. Ang Holy Light City ay isang siyudad na mayroong iba't ibang pwersa.

Ang lugar na ito ay puno ng mga God Shrine, mga taga-sunod, at mga Divine Servant.

Ito rin ang isa sa mga rason kung bakit umaasa si Paladin Griffin na matatanggal ang curse ng batang babae sa Holy Light City.

Higit pa sa nakikita ang siyudad na ito. Pinaalala ni Marvin na hindi niya maaaring ipaalam ang kanyang tunay na pagkakakilanlan.

Nagalit niya ang ilang God sa Feinan.

At kung malalaman sa Crimson Wasteland kung sino siya, hindi niya alam kung ilang Divine Servant ang maaaring tumugis sa kanya.

Sa ibaba ng bundok, mayroong walang hanggang Black Forest, mayroon itong pulang-pulang daan sa gitna nito.

Ang daan na iyon ay karugtong ng Torch Valley, ginagabayan nito ang mga adventurer para maiwasan ang mga masasamang nilalang sa Black Forest

Nalaman ni Marvin mula sa mga mapa ng Eisengel na ang Black Forest na ito ay tahanan ng mga masasamang nilalang. Isa pa, hindi natural na nabuo o nabuhay ang mga nilala na ito. Resulta sila ng mga pumalyang eksperimento ng Regi's caster group.

Sa isang hindi tukoy na sulok ng Black Forest ay matatagpuan ang Regis Ruins, ito ang pinakamapanganib na bahagi ng kagubatan na ito.

Ang organisasyon ng Regis ay sinasabing mayroong lihim na koneksyon kay Miss Silvermoon. Kamamatay lang nito nang naglitawan ang napakaraming masasamang nilalang sa Regis Ruins.

Naisip ng mga tao na marahil konektado ang dalawang pangyayaring ito.

Walang interes si Marvin kay Miss Silvermoon, at kahit na gusto niyang makuha ang Cold Light's Grasp, wala pa rin siyang impormasyon kung paano mahahanap ito.

Mukhang mayroong ibig sabihin ang paglitaw ng Mist Dragon at babaeng naka-luntiang damit.

Pero masyadong kakaunti ang impormasyon na ito at kahit si Marvin ay mahihirap itong iaanalisa.

"Tara na, Malapit na tayo sa Holy Lights City." Mahinang sabi ni Marvin.

Tumango si Griffin, tila tuliro ang mga mata nito, pero nang tingnan niya ang batang babae sa kanyang likuran, muli itong nabuhayan ng loob.

Napabuntong-hininga si Marvin sa kanyang sarili.

Maganda ang pananaw niya sa Paladin.

Alam niya kung ano ang pinag-aalala ni Griffin.

Hindi ganoon kasimple ang Holy Light City. Kahit na mayroong Divine Servant dito o Apostle na kayang tanggalin ang curse sa batang babae, wala nang libre sa mundo ngayon.

Naniniwala siya sa God of Truth, pero patay na ito.

Para sa mga God na iyon, ang makapangyarihang Paladin tulad niya ay magandang makuha.

Mayroong mga pamamaraan ang mga God para mabago ang kanyang paniniwala nang hindi naaapektuhan ang kanyang lakas. Ang kailangan lang ay ang pagpayag niya.

Kung gusto talaga niyang matanggal ang curse sa batang babae, hindi magiging madali ang pagdadaanan ng Paladin.

Sa kasamaang palad, walang maitutulong si Marvin.

Kung naroon lang si Mother of Creation, maaari pa siguro itong makatulong, pero walang magagawa si Marvin mismo para tumulong.

Isa pa, hindi naman sila magkaano-ano, maaaring hindi na niya muling makita ang taong ito.

Wala ring silbi ang masyadong pag-aalala dito.

Habang iniisip ito, hindi mapigilang magmadali ni Marvin.

Hindi nagtagal, ligtas na nakarating ang dalawa sa flaming path sa paanan ng bundok.

Sa dulo ng daan na ito ay ang Holy Lights City.

Biglang tumigil si Marvin.

"Ano 'yon?" Gulat na tanong ni Griffin.

Isang ngiti ang gumuhit sa dulo ng labi ni Marvin pero umiling rin ito, "Wala."

Nagpatuloy maglakad ang dalawa.

Pagipas ng limang minute, nakalabas na sila ng Black Forest.

May sasabihin sana si Griffin pero ang Ranger na naglalakad sa tabi niya ay biglang naging Paper Clone!

"Hanggang sa muling pagkikita, Paladin." Nakangiting sabi ng Paper Clone.

Kumalat na sa hangin ang Paper Clone.

May naisip naman si Griffin habang nililingon ang Black Forest, tila mayroon siyang naunawaan.

"Hanggang sa muli." Bahagya itong yumuko at nagpatuloy na sa paglalakad habang bitbit pa rin ang batang babae sa kanyang likuran.

Limang minuto lang ang nakalipas, mayroong nakita si Marvin na nakapukaw ng kanyang atensyon sa dulo ng daan.

Mayroong nagmamasid sa kanila.

Mukha lang siyang hindi kumilos, pero palihim niyang ginamit ang Shadow Doppleganger at Paper Clone Substitution para makipagpalit dito at itago ang kanyang sarili.

Nakatago ang kanyang katawan sa [Eternal Night Seal] at sinamantala ang pagiging pabaya ng nagmamasid sa kanila para makapasok sa Black Forest.

'Siya pala.'

'Mukhang walang problema sa kanya kung dumaan kami dito.'

'Kung ganoon… Ano ba ang gusto niyang gawin kanina?'

Nagtago si Marvin sa dilim at malinaw na natingnan ang taong nagmamasid sa kanila.

Ang babaeng naka-luntiang damit.

Malinaw na mapang-akit ang katawan nito.

Nakilala ni Marvin ang Race nito, isa itong Jade Banshee.

Bibihira ang mga Jade Banshee, pero talentando ang mga ito pag-cast.

Kung hindi lang malakas ang Stealth ni Marvin, na sapat para malinlang ang Heaven Observer, baka napansin na siya nito.

'Ha? San siya pupunta?'

Nang makitang patungo ang Jade Banshee sa kaibuturan ng Black Forest, hindi mapigilan ni Marvin na sundan ito.