Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 507 - Ice Worm

Chapter 507 - Ice Worm

__

Sa Crimson Wasteland, sa Lost Path.

Isang grupo na mayroong pitong tao ang naglalakad sa masukal na daan.

Medyo mainit ang klima ng lugar na ito, pero nakikita na nila ang ilang bundok na mayroong nyebe sa malayo.

Ang mga tao sa grupong ito ay pamilyar na sa Lost Path, kaya hindi sila maliligaw.

Para sa mga daan gaya ng Withered Lead Promenade, tinatakdang oras para dispatyahin ang mga halimaw ditto, kaya naman, kakauti lang ang mga halimaw na makikita sa daan na ito. At ang iilang halimaw na mga ito ay hindi mangangahas na atakihin ang isang grupo na mayroong anim na Legend.

Sa pitong tao, apat dito ang mukhang iisa lang ang pinanggalingan at matagal nang magkakasama.

Habang ang tatlo pa ay sina Marvin, isang Paladin, at isang babaeng mukhang mahina.

Kadalasan, sensitibo ang mga Paladin class na nasa Crimson Wasteland.

Dahil nagmumula ang lakas ng isang Paladin sa kanyang paniniwala sa isang God, kakailanganin nila ng suporta ng Divine Spell ng kanilang God. Ngunit, maaari rin silang lumakas kahit paano sa pamamagitan ng sasanay. Ang layunin ng mga God ay isa sa mga bagay na binabantayn ng maraming pwersa sa Crimson Wasteland.

Kaya naman, bago sila nag-imbita ng Paladin para sumama sa kanilang grupo, inalam na ng apat na orihinal na miyembro ang tungkol dito at kung saan ito nagmula.

Nagulat sila sa maga nalaman nila sa pagtatanong-tanong.

Itong paladin na ito ay taga-sunod ng God of Truth!

Walang nakuhang impormasyon ang karamihan ng mga Priest, Cleric, at mga Paladin nang bumagsak ang God of Truth. Kahit na iniwan God of Truth ang [Eternal Scale] bilang kanyang Divine Vessel bago siya bumagsak, at inilagay ang kanyang Divine Fire sa loob nito, hindi na sinusunod ng karamihan ang God of Truth.

Lalo pa at sigurado ang mga God na ang Ancient God of Truth ay patay na talaga. At ang pinaniniwalaan ng mga taga-sunod ay isa lang mechanical law.

Bibihira na ang mga Paladin na naniniwala pa rin sa God of Truth.

Ang mas nakakagulat pa ay nagawa pa rin niyang maging Legend at makapunta sa Crimson Wasteland.

Interesadong-interesado si Marvin sa Paladin. Pero mahirap itong kausapin dahil nanatili itong tahimik matapos sumali sa grupo.

Ang maliit na babae sa kanyang likuran ay natutulog lang, at tila mayroong awra ng kasamaan na nagmumula dito. Kahit sa tuwing nagpapahinga sila, hindi pa rin ito makausap at nanatiling tahimik. Kaya naman hindi alam ni Marvin kung paano makakakuha ng impormasyon dito kasi napakahirap nitong lapitan.

Nagawa niya lang makakuha ng impormasyon tungkol dito mula sa ibang miyembro ng grupo. Ang batang babae ay nagdudusa dahil sa isang matinding Curse

Ang ganitong uri ng curse ay matatanggal lang ng isang Divine Servant ng isang makapangyarihang God.

At siyempre, kung buhay pa ang God of Truth, maaari sanang natanggal na mismo ang Paladin ang curse na ito… Pero ang God na pinaniniwalaan niya ay namatay na, kaya kahit gaano man katatag ang kanyang paniniwala, hindi siya mabibigyan ng kanyang God ng Divine Spell na kailangan niya para mailigtas ang batang babae mula sa Curse na ginamit dito.

Ito na ata ang pinakamalungkot na parte ng kanilang sitwasyon.

Bukod sa paladin at maliit na babae, ang apat na orihinal na miyembro ay sinabing pupunta sila sa Holy Light City para kitain ang kanilang mga kaibigan.

Hindi naman na nila pinaliwanag ang eksaktong rason. Lalo pa at magkakasama lang naman sila na maglalakbay.

Sa Crimson Wasteland, mas ligtas kung sama-sama silang maglalakbay at lahat pa sila ay mga Human. Pero hindi sila basta-basta magbibigay ng impormasyon tungkol sa kanilang mga sarili.

Kahit si Marvin ay nakahanap ng rason para itago ang ilang impormasyon mula sa mga ito.

Maingat niyang pinagmasdan ang lahat at napansin na ang apat na kasama niya ay mayroong malakas na kakayahan sa pakikipaglaban. Ang grupo nila ay binubuo ng dalawang lalaki at dalawang babae. Ang dalawang lalaki ay mukhang melee fighter habang ang isang babae ay mukhang Cleric, at ang isa pang babae ay isang Legend Wizard.

Sa grupong iyon, malinaw na ang katayuan ng Legend Wizard ang pinakamataas kumapara sa iba.

Malamang siya rin ang pinakamalakas na miyembro ng grupo.

Habang mukhang pantay-pantay naman ang tatlo pa at tila level 3 Legend na ang mga ito, mas mataas kumapra kay Marvin na kailan lang namn nag-advance sa Legend level.

Pero hindi sinabi ni Marvin ang kanyang tunay na class ang sumama siya sa mga ito.

Sa katunayan, dahil hawak niya ang Greyhawk Staff, madali niya lang maiiba ang kanyang katauhan.

Maaari niyan ipresinta ang kanyang sarili bilang isang Legend Druid.

Nakasakay na siya ngayon sa isang magandang kabayo, na na-summon niya gamit ang kanyang staff at banayad niyang sinusundan ang iba pa.

Mayroon siyang suot na makapal na balabal habang hawak ang Greyhawk Staff. Ang sino mang hindi siya kilala ay iisiping isa talaga itong caster.

Masasabing napakahaba ng Lost Path. Ayon sa kalkulasyon ng [Hunter] na si Fenno, kapitan ng grupo, sa bilis ng kanilang paglalakbay, makakarating sila sa paanan ng bundok bago magdilim

At kapag dumating ang oras na iyon, maaaring may harapin silang matinding pagsubok. Sa ngayon ay kalmado pa ang lahat.

Hindi naman masama ang pakikitungo nila sa isa't isa. Malakas ang dating ng pagsasalita ni Fenno, at madalas pa itong magbiro. Kahit na hindi pa rin makikitaan ng ano mang emosyon ang Paladin, pinagaan ni Fenno ang pakiramdam ng grupo.

Mukhang mayroong malalim na pagkakaintindihan ang apat. Ang dalawang babae ay tila walang ginagawa, pero ang alaga ng Legend Wizard, na isang uwak, at lumilipad-lipad sa kapaligiran. Mapanglaw ang mga mata ng uwak at tila mayroon itong kakayahan na makita ang nasa kabilang dako ng mga solidong bagay at tila nararamdaman rin nito ang mga invisble na nilalang.

Paminsan-minsan ay gumagamit ng Detection ability ang Cleric as lupa, para maiwasan na masurpresa sila ng ano mang nasa ilalim ng lupa.

Nagtutulungan ang dalawang caster, at ang ganitong klase ng pag-scout ay mainam. Bibihira silang masurpresa ng sino mang kalaban.

Sa simula, gumamit-gamit si Marvin ng Earth Perception maya-maya, pero kalaunan, natuklasan ni Marvin na hindi na kailangan ito.

At maaari niya ngang tipirin ang kanyang lakas dahil sa pagsama niya sa grupong ito.

Lumipas ang oras habang nagpatuloy sila sa paglalakbay. Paminsan-minsan ay nakikipag-usap si Marvin kay Fenno para maibsan ang kanyang pagkabagot.

Habang unti-unting dumilim ang pulang liwanag sa kalangitan, naabot na nila ang paanan ng bundok ng nyebe.

Mayroong karatulang nakapaskil sa kalsada. Gawa ito sa Magic Wood. Hugis palaso ito at mayroong nakalagay na [Torch Valley (patungong Holy Light City)].

"Kapag umalis tayo sa daan na 'to, nasal abas na tayo ng proteksyon ng Lost Path," seryosong sabi ni Fenno. "Noong huli, hindi pa tayo nakakalayo ay nakaranas na tayo ng avalanche, kaya maging alisto kayo."

Tahimik na tumango ang lahat.

Ang mga taong nagagawang mabuhay sa Crimson Wastelang ay hindi mga baguhan. Alam nila kung kailan magpapakakampante at kailan kailangan maging alisto.

Sinundan ng grupo ang direksyon na tinuturo ng karatula.

At tulad ng inaasahan, paglipas ng ilang sandali, nakaramdam ng pangingilabot si Marvin.

Ito ang pakiramdam ng pagpasok sa isang napakalamig na lugar mula sa mainit na lugar,

Malaki ang ibinaba ng temperature, at umabot na ito sa punto na nagising ang batang babae sa likod ng Paladin.

"Nasaan tayo? Tito Griffin?"

Nanghihina ang boses ng babae, mukhang nauubos ang lahat nito sa bawat salitang binibigkas nito.

"Malapit na tayo sa pupuntahan natin."

Ito ang unang beses na narinig ni Marvin na nagsalita ang Paladin. Ang kanyang boses ay matatag at may pwersa, mayroon din itong kaunting Faith Power.

"Ipikit mo lang ang mga mata mo, Kahit ano man ang marinig mo, wag kang mumulat. Poprotektahan kita."

"Opo." Sagot ng batang babae na malaki ang tiwala sa Paladin kaya ginawa nito ang inuutos niya.

Hindi naman pinansin ng iba pa ang naging pag-uusap ng dalawa. Seryoso ang kanilang mga mukha. At ang dalawang melee fighter ay mahigpit na hawak ang kanilang mga sandata.

Ang isang malaking great axe at isang slender sword ay hindi pangkaraniwang mga sandata. Tila hindi naman nababagay para sa isang tao ang great axe, habang ang isang slender sword naman ay masyadong magarbo na para bang isa itong dekorasyon. Pero hindi na kailangan pagdudahan ni Marvin ang lakas ng mga ito. Nararamdaman ni Marvin ang lakas ng mga ito mula sa kanilang mga katawan.

'Maaaring hindi lang sila basta mga Human.'

Tahimik na nanuod si Marvin.

Hawak ang kanyang espada, malumanay na nagpatuloy si Fenno, at mukha itong isang Human na mayroong dugong Elf. Habang may kagaspangan naman ang isa pa. Ang great axe sa kanyang kamay ay hindi bagay sa kanyang pangangatawan, pero nagagawa pa rin niya itong itaas nang walang kahirap-hirap.

Biglang nagbago ang kalupaan sa kanilang harapa, nababalot ng nyebe ang lupa.

Ang kaninang maaliwalas na kalsada ay natatakpan na ng nyebe, kaya bumagal ang kanilang pag-usad.

Naramdaman ni Marvin na tila mayroong nagmamasid sa kanya.

Pero inasahan na niya ito.

Bago sila umalis, mayroong siyang narinig na ang mga pag-ulan ng nyebe ay maaring gawa ng tao. Kung isa itng Legend Wizard na mayroong sapat na Magic Power para gawin iyon, siguradong kaya rin nitong bantayan ang kabuoan ng lugar na ito. At mas madali naman gawin ito para sa isang Divine Servant na mayroong suporta mula sa Divine Power ng isang God

Kung sino pa man ang humaharan sa kanilang daan, isang bagay lang ang nasa isip ni Marvin: ang mabilis na lampasan ito!

Gusto na niyang mahanap si Minsk at walang makakapigil sa kanya na makarating sa Holy Light City.

Hawak pa rin niya ang Greyhawk Staff. Sinusuportahan ang kanyang mga kasamahan gamit ang ilang Nature Halo, kaya mas nagmukha siyang isang Druid.

Pero sa katunayan, ang kanyang kaliwang kamay ay nakahawak sa Azure Leaf na nasa kanyang baywang.

Kung mayroong paggalaw, mabilis siyang magpapalit mula sa isang Great Druid at magiging isang mabagsik na assassin.

Pero ang ikinagulat ni Marvin ay ang naramdaman niyang nagmamasid ay agad rin nawala.

Maayos silang nakatawid sa bundok nang walang nakakasalubong na aberya.

"Malapit na ang Torch Valley."

Makikita ang saya sa mukha ni Fenno at tila nakahinga na ito nang maluwag.

Apat na beses na nilang apat nagawa ang paglalakbay na ito, kaya wala na sigurong magiging problema.

Tulad ng Lost Path, ang Torch Valley ay nasa ilalim rin ng protektadong teritoryo. Ang kinaibahan lang nito ay: ang Lost Path ay pinoprotektahan ng Black Swan Hill, habang ang Torch Valley ay pinoprotektahan ng Holy Light City.

Kapag nakaabot na sila sa Torch Valley, hindi na nila kailangan pang matakot sa pag-ulan ng nyebe at iba pang problema.

Pero noong mga oras na iyon, ang Cleric na si Nolane ay biglang nagbabala:

"Mag-ingat kayo! Mayroong nasa ilalim ng nyebe!"

Sa isang iglap, nagbago ang kulay ng kanyang detection spell mula kulay ginto ay naging pula ito!

Biglang nabuo ang isang pattern mula sa pulang liwanag.

Nakita ng lahat na tinatakpan ng nyebe ang isang butas!

Isang pugad ang butas na iyon.

Napakaraming Ice Worm naman ang lumabas mula sa pugad!

"Humanda kayo sa laban!" Sigaw ni Fenno.

Pinanghiwa ni Fenno ang hawak niyang espada sa lupa, at nagtalsikan ang dugo at nyebe!

Related Books

Popular novel hashtag