Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 503 - Holy Light City

Chapter 503 - Holy Light City

Sa kaibuturan ng lambak, isang malamig na liwanag ang patuloy na kumikislap. Ang mga Human na iyon ay walang mga reaksyon o hindi man lang sumigaw. Lahat sila ay namatay sa kamay ni Marvin.

Kinailangan niyang gawin ito.

Ito ang Crimson Wasteland, isa sa pinakamalupit na lugar sa buong Universe. Nawala na sa kanilang mga sarili ang mga taong ito, hindi nila kakayaning mabuhay sa lugar na ito.

At gaya ng sinabi ni Baro, mas mabuting bigyan na lang sila ng kapayapaan.

Pero matapos tumigil ang dagger, nakita ni Baro na buhay pa rin siya.

Tiningnan nito si Marvin na tahimik na pinupunasan ang kanyang dagger, at tila naguguluhan.

"Wala nang pag-asa ang mga taong 'yon, kaya ko sila pinatay," sabi ni Marvin sa isang malumanay na boses, "pero hindi ikaw."

"Hindi na ako Human," nasasaktang sabi ni Baro. "Wala na akong pakialam. Kahit naman sino siguro, mawawalan na ng ganang mabuhay kapag namatay na ang lahat ng pamilya at kaibigan nila, hindi ba?"

Seryosong sumagot si Marvin, "Sa tingin ko, kakayanin mong mabuhay dito. Pambihira ang katawan mo. Hindi tama ang ginawa sayo ng Demon na 'yon, pero nararamdaman kong hindi ka masamang tao, at mayroong matinding kapangyarihang dumadaloy sa katawan mo."

"Wala akong rason para patayin ka."

"Sinabi mong isa kang malakas na heneral dati. Ibig sabihin sapat ang lakas mo. Mayroong mga kamatayang hindi maiiwasan, pero ang mga sumusuko kahit na mayroon pa silang lakas na magpatuloy ay mga duwag." Tumingin si Marvin sa mga mata ni Baro at sinabi ito. "Malupit ang mundong ito. Kaya madalas isipin ng mga tao na kamatayan na lang ang magliligtas sa kanila."

"Kahit na mawalan ka ng rason para mabuhay, buhay ka pa din. Hindi na natin kailangan pag-usapan 'to. Mahalaga ang buhay, at ang pag-protekta sa mahahalagang buhay ay isang bagay na dapat ginagawa ng lahat."

"Ipagpatuloy mo ang buhay mo, Mayroon pang pag-asa."

Matapos sabihin ito, hindi na nanatili si Marvin sa lambak.

Kung gustong patayin ni Baro ang kanyang sarili, hindi niya ito pipigilan. Subalit, nakaramdam nga talaga si Marvin ng matinding kapangyarihan sa loob nito.

Sapat ang lakas ng willpower ng lalaking ito para malabanan ang pagpasok ng Demon Spawn, iyon pa lang ay isa nang himala.

Ginawa siya ni Balkh pero hindi niya ito kayang kontrolin. Walang interes si Marvin na pumatay ng isang kaawa-awang nilalang.

Sa kaibuturan ng lambak, hindi gumagalaw si Baro, nararamaman pa rin nito ang kawalan ng pag-asa habang nakatingin sa likod ni Marvin.

Matagal lang siyang nakaluhod doon at hindi gumagalaw.

Kalaunan, sumapit na ang gabi. Bigla naman bukas ang isang pares ng mapulang mata.

Paglipas ng dalawang minute, lumiyab ang malaking sunog at nilamon ng apoy ang lambak.

Sa gitna ng usk, isang kakaiba at matangkad na anino ang tahimik na umalis sa lambak na mayroong sirang espada.

Walang nakakaalam kung saan ito pupunta. Ngayon, tulad ng lahat ng naninirahan sa mundong ito, kahit nakatayo na ito sa harap ng isang malalim na kadiliman, maglalakad pa rin ito pasulong.

Eisengel.

Isang matandang may suot na salamin ang gulat na nakatingin kay Marvin.

"Napatay mo si Balkh?"

Inilapag ni Marin ang ulo ng Demon sa lamesa at sinabing, "Pwede mong i-appraise kung ulo ba 'yan ng Greater Demon o hindi."

Inayos ng matandang Wizard ang kanyang salamin at tinitigan si Marvin.

"Bata, hindi mo ko naiintindihan."

"Hindi naman sa walang kayang pumatay sa Demon na 'yon sa Eisengel, pero dapat mong malaman kung bakit walang may gustong gumawa nito."

Syempre alam ni Marvin.

Hindi lang ang sarili ni Balkh ang kinakatawan niya. Siya ang anak ng sikat na Demon Lord.

Si Demon Lord Balkh ay isang kritikal na nilalang sa Abyss. Kahit na hindi siya maikukumpara sa mg amalakas na Demon Lord, isa pa rin itong makapangyarihang Hegemon.

Ang Crimson Wasteland ay hindi Feinan at wala itong proteksyon ng Universe Magic Pool.

Ang lugar na ito ay puno ng mga spatial crack, kaya ang mga Demon at Devil na mayroong malakas na kapanyarihan ay kayang gumamit ng pwersa para makapasok dito.

Ang lath ng pwersa mula sa lahat ng sulok ng Universe ay naglalaban-laban para sa mga teritoryo at kayamanan. At kahit na mag-isang kumikilos si Balkh, hindi nangangahuluhan na wala siyang kasamahan.

Ang pagpatay kay Balkh ay magdudulot ng malaking panganib sa pumatay dito. Kaya naman, nagdesisyon ang mga powerhouse sa Eisengel na wag gawin ito.

Tangin ang taong nagmamadali gaya ni Marvin ang gagawa ng misyon na ito.

Pero hindi siya natatakot.

Tunay na mapanganib ang ama ni Balkh. Pero, mas mapanganib pa rin si Glynos kumpara ditto. Paano pa kaya ang Black Dragon God na ginalit niya, o ang Dream God, o si Tidoma…Hartson?

Ano man ang mangyari, marami-rami na siyang ginalit na mga God at powerhouse ng Negative Energy Plane. Kaya ano naman kung madagdagan pa ito ng isa pang Demon Lord?

Mag-aalala ang ibang tao sa ganitong sitwasyon. Pero hindi natatakot si Marvin sa mga ito. Nakatuon lang ang atensyon niya sa pagpapalakas ng kanyang sarili.

Naniniwala siyang basta mabilis niyang mapalakas ang kanyang sarili, kapag tinugis na siya ng mga God at Demon, magagawa niyang harapin ang mga ito!

Ganito kakampante si Marvin.

Matapos niyang magawa ang quest ng matandang caster, sa wakas ay nakuha na ni Marvin ang kapalit nito.

Kahit na mahalaga ang mga Blood Essence Stone, matapos siyang makakuha ng napakarami mula kay Balkh, wala nang pakialam si Marvin sa maliit na halaga ng mga Blood Essence Stone.

Mas may pakialam siya sa dalawa pang mapa.

Para sa isang baguhan, mas mahalaga ang impormasyon. At sa lahat ng imporamasyon na naroon, ang mga mapa ang tinuturing na pinakamahalaga.

Kung hindi, kapag nagpadalos-dalos siya sa kanyang pagkilos, maraming maaaring masamang mangyari.

 .

Sa totoo lang, mukhang mayroong tinatagong kaunting impormasyon mula sa mapa ang kampo ng Eisengel.

Maraming bahagi ng mapa ang hindi kumpleto.

Pero mabuti pa rin ang kalooban ng mga ito dahil nakalagay pa rin dito ang pinakamapapanganib na lugar, at bahagyang markado rin ang ilang pangunahing lugar.

Malawak ang Crimson Wasteland. Nahahati sa limang bahagi ang mapa ng mundong ito, ang bawat isa sa mga ito ay nahahati ng mahabang bulubundukin. Nasa dakong timog na rehiyon, ang pinaroroonan ni Marvin sa ngayon, ang Eisengel.

Kaunting impormasyon lang ang ibinibigay ng malaking mapa, pero mas maraming impormasyon ang makikita sa mas maliit at detalyadong mapa.

Ang mga pwersa sa paligid ng Eisengel ay nakasaad sa detalyeng nasa mapa, kasama na ditto ang Devil Pond, ang Dark Abyss, Mushroom City, at iba pang mababagsik na pwersa.

Ang pwersa naman ng mga Human na Eisengel, ay mayroon pa ring ilang ka-alyansa sa paligid.

Kasunod ng Withered Leaf Promenade sa dakong hilaga ay patungo sa Black Swan Hill.

Ito ang sentro ng komunikasyon at dito nakatira ang misteryosong matanda. Nagpapalaki ito ng grupo ng mga Black Swan at nagaalok ng interplanar information services sa mga tao.

Ang mga Black Swan na ito ay espesyal na lahi, sinasabing kaya nitong maglakbay sa oras para makarating sa isang lugar kung saan nais mong magpadala ng impormasyon.

Sinasabi rin na sa Black Swan Hill, mayroong makapangyarihang pwersa na walang sino man ang mangangahas na kalabanin.

Kaya naman, mas maliliit na tirahan ang nabuo sa paligid ng Black Swan Hill.

Pero kakaiba ang misteryosong matanda dahil wala siyang pakialam sa tulong na ipinapaabot ng ibang pwersa ng mga tao.

Ang tunay na ka-alyansa ng Eisengel ay ang teritoryong tinatawag na [Holy Light City].

At ang Holy Light Ciy na ito ay nasa dakong hilagang-kanluran ng Black Swan Hill.

'Holy Light City…'

'Hindi ba doon nanggaling ang huling mensaheng pinadala ni Half-God Minsk?'

Biglang nagliwanag ang mga matni Marvin at agad siyang naghandang umalis.