Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 501 - Devil Horsemen

Chapter 501 - Devil Horsemen

Dahil sa hindi inaasahang Characteristic niyang nakuha kaya nagawang malabanan ni Marvin ang Abyssal Corruption.

Ginamit na rin niya ang pagkakataon na ito para makatakas at mawala sa paningin ni Balkh.

Matapos niyang siyasatin kung ano ang Molten Bloodline, nakaramdam ng kaunting bigat sa kanyang puso si Marvin.

Isang tunay na makapangyarihang bloodline ang Molten Bloodline.

Ang Molten Archdevil ang isa as mga Lord ng Nine Hells, kaya natural na walang hanggan ang lakas ng bloodline na ito.

Bilang isa sa mga pinakamataas na Greater Devil, ang kanyang bloodline ay sadyang napakalakas!

Pero hindi pa kailanman nakakasalamuha ni Marvin ang Molten Archdevil, at ang kanyang Shapeshift Sorcerer ability ay nagmula naman sa isa pang Ancient Archdevil.

Ang pinagmulan ng kapangyarihang iyon… Saglit na nag-isip si Marvin.

Mas lalo pang bumigat ang kanyang pakiramdam dahil hindi niya alam kung ano ang maaaring maging epekto ng pagkakaroon ng ganitong klase ng bloodline.

Sinasabi ng kanyang kutob na hindi ito ganoon kasimple.

'Diross… Hindi ko naisip na mayroon pang misteryosong bagay tungkol sa bote bago siya nagtungo sa pagsubok ng Great Duke.'

Hindi mapigilan na pilit na ngumiti ni Marvin.

Siguradong hindi sa kanyang katawan nanggaling ang bloodline gn Molten Archdevil. Malamang ay galing ito sa kanyang lolo.

Hindi niya alam kung bakit ito ginawa ng kanyang lolo o akma nga ba ang kanyang kaatawan para sa bloodline na ito, wala pa rin siyang kasagutan sa tanong na ito.

Pero sa ngayon, bahagya lang nagising ang Molten Bloodline, kaya bukod sa Arch-Enemy Characteristic nito, ang [Fire Adept] na specialty lang ang nakuha ni Marvin.

Ang Fire Adept na specialty ay nagbibigay ng resistance sa lahat ng uri ng pinsalang maaaring matamo mula sa apoy. Hindi na rin masama ang ability na ito.

Syempre, ang nagising ang bloodline na ito dahil sa pag-atake sa kanya gamit ang Abyssal Corruption.

Lalo pa at mortal na magkalaban ang Hell at ang Abyss.

Habang nakatago si Marvin sa dilim para tingnan ang kanyang bagong bloodline, nagwala naman si Balkh.

Si Corrupt 29th na pinaghirapan niyang gawin ay pinira-piraso lang ni Marvin!

At nagawa pa nitong makatakas!

"Tusong Devil!" Sigaw ni Balkh, "Nagpanggap ka pa talagang Human!"

Pamilyar na pamilyar sa kanya ang awra na lumabas mula sa katawan ni Marvin. Ito ang awra ng Nine Hells!

Nangako ito na dudurugin niya si Marvin!

Lumabas ang liwanag sa altar, at sinundan ito ng makakapal at itim na ulap!

Tumingala si Marvin at saglit na natulala nang makita niya ang namumuong kulog at kidlat!

'Gumagamit ng malakihang killing array ang lalaking 'yon!'

Tumakbo papalayo si Marvin.

Isang makapangyarhang kalaban si Balkh. Binigyan siya ng mawalang humpay na daloy ng enerhiya ng Demonic Altar at ng Abyssal Blood Pon, kaya naman mahihirapan si Marvin na patayin ito.

Kahit na ang Eternal Night Seal ay wala ring kwenta dahil itinali na nito ang kanyang kaluliwa sa altar.

Hindi alam ni Marvin kung bakit ito nagawa ni Balkh.

Bilang anak ng isang Demon Lord, masyadong padalos-dalos ang naging desisyon ni Balkh.

Dahil nangangahulugan ito na mabubuhay siya at mamamatay sa Demonic Altar.

Ang kinaganda lang nito para kay Marvin ay kung gusto niyang patayin si Balkh, kailangan niya lang wasakin ang altar.

Kahit karamihan ng mga powerhouse sa Crimson Wasteland ay mag-isang kumikilos, sa katunayan, kahit isang grupo ng mga Legend ang magtulong-tulong hindi ito nangangahulugan na mawawasak ng mga ito ang Demonic Altar.

Nakakatakot pa rin ang Abyssal Spell ni Balkh.

Marahil dahil ito sa alam ni Balkh na mayroong sumusuporta sa kanya, pero mapanghamak ito nang kaharap nito si Marvin.

Sa mga mata nito, hinding-hindi siya matatalo ni Marvin.

Marahil ganito nga ang mangyayari kung ibang tao ang nakaharap ni Balkh.

Pero iba si Marvin.

Mayroon pa rin siyang alas na hawak.

'Hindi ko inakalang gagamitin ko ang bagay na iyon.'

'Hindi ko alam kung magkakaroon ng ibang epekto o kapalit 'to…'

'Pero mabuti na rin 'to. Kung makikita ko siya, matatanong ko siya tungkol sa Molten Bloodline.'

Mas tumindi ang kidlat sa kalngitan. Gustong gamitin ni Blakh ang [Thunder Purgatory] para wasakin ang lambak at mapilitan lumabas si Marvin.

Biglang inihagis ni Marvin ang scroll!

Hell Coprs Contract!

Sinabi sa kanya na maaari niyang gamitin ang contract na ito para mag-summon ng grupo ng mga Devil mula sa Hell para lumaban para sa kanya!

Ang contract na ito, katulad ng potion, ay ibinigay sa kanya ng kanyang lolo.

Hindi pa niya ito ginagamit dahil natatakot siya sa mga karagdagang epekto nito.

Lalo na sa Feinan. Kapag nagbukas siya ng Hell Gate sa Feinan, magkakasala siya sa buong plane.

Pero mas magaan sa kanyang loob na gamitin ito sa Crimson Wasteland.

At dahil sa Molten Bloodline, mas dumami ang tanong ni Marvin. Dahil mapanganib si Balkh, walang nagawa si Marvin kundi gamitin ito bilang huling alas niya.

Tunay nga na karamihan ng Legend, o kahit isang grupo ng mga ito, ay hindi magagawang masira ang Demonic Altar. Pero kayang-kaya ito ng isang buong hukbo!

Noong oras na iyin, sumabog ang isang matinding liwanag mula sa contract.

Ang bulong ng Hell ay narinig ni Marvin sa kanyang tenga.

Maraming beses na niyang narinig ang ganoong uri ng boses.

Sadyang iba lang ang ritmo nito.

Nang marinig ni Balkh ang mga boses na ito, nakaramdam ng takot si Balkh.

"Woosh!"

Namuo ang kidlat sa kalangitan.

Hindi pa man nagbubukas ang Teleportation Gate pero maririnig na ang pagtakbo ng mga kabayo.

"Tigidig, tigidig, tigidig!"

Ilang saglit lang, pakiramdam nila ay tila may isang hukong tumatawid sa buong plane!

Isa itaas ng lambak, sunod-sunod na lumalabas ang mga anino mula sa kulay dugong gate.

Nakasuot ang mga ito ng itim at putting maskara at nakaupo sa mga Skeletal Warhorse. Ang bawat Devil Horseman ay mayroong hawak na kulay berder sibat.

Isang malamlam na berdeng apoy ang makikita sa dulo ng sibat. Ito ay Hell's Fire!

Nag-summon ng 24 na Devil Horsemen ang Hell Corps Contract!

Sapat na ito para wasakin ang ano mang siyudad sa Feinan na walang makapangyarihang pumoprotekta ditto dahil ang pinuno ng mga Horsemen ay isang middle-rank Devil.

"Middle-rank Devil, Blackhand Bard, anong maipaglilingkod ko?"

"Ito ang ikatlong pulutong ng Dark Blade Horsemen Regment"

"Ipinapaabot ni Lord Diross ang kanyang pagbati at sinabing matapat kong gawin ang lahat ng inyong iuutos!"

Lumabas ang pinuno ng mga Devil Horsemnen at nagsalita sa isang napakalamig na boses habang kausap si Marvin.

Alam ni Marvin na strikto sa pagsunod sa kanilang awtoridad ang Devil Race.

Ang mga Greater Devil ay may kapangyarihan sa mga Lesser Devil. At ang mga Archdevil ang may pinakamataas na kapangyarihan.

Kahit na hindi gustong sumunod ng mga Devil na ito sa utos ng isang Human, dahil sa utos ni Diross, hindi sila nangahas na sumuway.

Tumango si Marvin at tinitigan ang Demonic Altar.

"Wasakin niyo 'yon!" Utos niya.

Sabay-sabay na sumugod ang mga Devil Horsemen, at pinunterya si Balkh na nasa altar.

Namumutla naman ng husto ang mukha nito!