Interesadong-interesado si Marvin sa mga Nature Leaf.
Isa rin ito sa mga pakay niya sa pagpunta sa Supreme Jungle.
Pero hindi siya komportable na sa bibig mismo ni Old Ent nanggaling ang iniisip niya.
Nahihirapang sumabay sa pagigign matalas ni Old Ent ang mga tao sa paligid niya.
Humarap si Marvin. "Anong kailangan kong gawin?"
Hindi siya naniniwala na ang isang grupo ng mga makalumang Druid ay basta-basta na lang siyang bibigyan ng mga Nature Leaf dahil lang sa reputasyon niya. Siguradong may kailangan ang mga ito.
At tulad ng kanyang inaasahan, malumanay na ipinaliwanag ni Old Ent, "Mister Marvin, Naramdaman ko ang awra ng ilang Nature Leaf sayo… siguradong maraming kang natutunan at marahil wala kang pakialaam sa mga skill na ito pero ang mga Nature Leaf lang ang paraan para matuto ng magic ang mga Ranger at ang pinakamadaling paraan para palakasin ang kanilang sarili, Alam mo naman siguro lahat iyon."
"Ang pagkalanta ng World Tree ay hindi lang may kinalaman sa Feinan, may kinalaman rin ito sa kaligtasan ng buong Universe. Naniniwala akong napagtanto mo na ito dahil sa iyong taglay na talino."
"Hindi mo tungkulin ang pagbabantay sa World Tree, tungkulin naming iyon. Pero kung tutulungan mo kami, babayaran ka namin."
Agad na sumagot si Marvin. "Kailangan ko munang malaman anong klaseng "tulong" ang kailangan niyo!"
Saglit na nanahimik si Old Ent at saka dahan-dahang sinabing, "[Crimson Wasteland]."
Agad na humarap si Marvin at sinabing, "Hindi!"
…
Nagbibiro ba siya?
Kahit na mahalaga ang mga Nature Leaf, napakapanganibna lugar ng Crimson Wasteland. Hindi kailangan ibuwis ni Marvin ang kanyang buhay para doon!
Ano ng aba ang Crimson Wasteland?
Isa itong madugong labanan.
Isa itong twisted plane na kung saan nagtitipon-tipon ang lahat ng nilalang ng universe para kalabanin ang isa't isa.
Angels, Divine Servants, Demons, Devils, Evil Spirits, Beasts… at lahat ng uri ng halimaw!
Para itong palaruan ng mga pumapatay, at Paraiso ng mga powerhouse. Isa itong lugar na paboritong bisitahin ng mga Grim Reaper!
Walang nakakaalam ng pinagmulan ng Crimson Wasteland. Sinasabi nan ang matapos ang isang nakakatakot na digmaan matagak na panahon na ang nakakalipas, maraming mga powerhouse ang nasawi. Ang kanilang mga inheritance at mga kayamanan ay nabaon sa misteryosong plane na iyon.
Ang alamat na ito ay paminsan-minsang nakukumpirma, dahil mayroong mga balita na may mga taong nakakapaghukay ng mga Divine Treasure mula sa isang sulok nito.
Pero para sa karamihan, isa lang kalokohan ang alamat na ito.
Ang tunay na layunin ng lugar na ito ay para magpalakas ang mga tao sa pamamagitan ng pakikipaglaban.
Maging ang God Realm man ito, Hell, o ang Abyss, kinikilala nila ang Crimson Wasteland.
Tanging ang mga pambihiran Elite sa mga Lesser God, mga Demon, at mga Devil ang kwaliipikadong sumali sa laban sa Crimson Wasteland. Dadaan sila sa hindi makataong pagsasanay doon, maglalaban-laban sila hanggang sa umabot sila sa isang tiyak na limitasyon, saka lang sila aalis.
Kahit na kaunti lang ang mga God powerhouse doon, ang sino mang makikita doon ay hindi bababa sa isang Legend powerhouse.
Ang lugar na ito ay puno ng mga pinakamalalakas na nilalang ng Universe at masasabing ito ang Universe Arena.
Ang mga matatapang na adventurer ay padalos-dalos na pupunta sa Crimson Wasteland. Ang sino mang pumasok doon nang hindi sinasadya ay hindi na makakalabas nang buhay.
Tanging ang mga Legend Wizard lang na nasa dulo na ng kanilang buhay ang may tapang naharapin ang panganib para subukang makahanap ng espesyal na bagay sa misteryosong lugar na ito na maaaring makapagpahaba ng kanilang buhay.
Siguradong hindi kusang pupunta ang mga pangkaraniwang tao doon.
Para naman kay Marvin, kahit na ang Nature Leaf ay mahahalagang item, hindi niya ibubuwis ang kanyang buhay para dito.
Hindi siya ganoon kapusok para pumunta sa Crimson Wasteland para lang makakuha ng ilang Nature Leaf.
Pero bago siya makaalis ng kwarto, muling nagsalita si Old Ent. "Huminahon ka, Mister Marvin."
"Hindi ko pa nasasabi sayo ang lahat ng makukuha mo."
Dahan-dahang lumingon si Marvin, hindi maipinta ang mukha niya at sinabing, "Iniiisp ko kung iniisahan moa ko o hindi. Sa tingin mo ba hindi ko alam kung anong klase lugar ang Crimson Wasteland?"
Makikita ang kawalan ng pag-asa sa mukha ni Old Ent. "Mukhang hindi pa rin lumilipas ang epekto ng hindi natin pagkakaunawaan. Wala ka pa ring tiwala sa amin."
"Kung hindi lang kulang sa ta tao ang Council, hindi ka na naming sana aabalahin para dito."
"Lalo pa at, kung ikukumpara sa pagdadaanan mo, mas malaki ang pagbabayaran naming."
Sumimangot si Marvin. "Kahit na mahalaga ang mga Nature Leaf, malinaw na hindi iyon sapat para sa pagpunta sa Crimson Wastleand."
Tumango si Old Ent, makikita ang pagsang-ayon nito, saka sinabing, "Paano kung hindi lang sila pangkaraniwang Nature Leaf?"
"Isa pa, may isa pang piraso ng impormasyon na may kinalaman sayo."
"Kung hahayaan mo kong matapos sa sasabihin ko, sa tingin ko, gugustuhin mong tulungan kami."
Makikitang hindi makapagdesisyon si Marvin.
Nararamadaman niyang dahil nagawang sabihin ni Old Ent ang mga bagay na ito, siguradong hindi niya matatanggihan ang sasabihin nito.
Ano ba ang pabuya na kampante siyang makukumbinsi nito si Marvin na pumasok sa Crimson Wasteland?
Sa sumunod na sandali, isang ginintuang liwanag ang lumitaw sa palad ni Old Ent.
Bumagal ang paghinga ni Marvin, "Mga Origin Leaf!"
…
Napaupo si Marvin, nakikinig nang mabuti sa kwento ni Old Ent.
Paglipas ng tatlumpung minute, naglakad siya palabas ng treehouse na mayroong mapait na ngiti sa kanyang mga labi.
Dahil sa inalok na kapalit ni Old Ent, tila imposible itong matanggihan ni Marvin.
Tatlong Origin Leaf, at isang kayamanan na makakatulong sa kanyang malampasan ang level 30 restriction!
Kung ang mga Origin Leaf lang ang inalok ni Old Ent, maaari pa sanang nalabanan ni Marvin ang temptasyon, pero hindi niya maaaring palampasin ang item na makakatulong na higitan niya ang level 30 restriction.
Ang pinakamalaking problema niya ngayon ay hindi kung paano hahasain ang sarili, kundi ang mga law restriction.
Kahit na unti-unting malalagpasan ang level 30 restriction dahil sa paglinang sa Advance False Divine Vessel, matatagalan pa rin ito.
At dahil sa inalok ni Old Ent, mas mapapabilis ang proseso nito. Isa itong uri ng kakaibang pamamaraan.
Alam ni Marvin na epektibo ang pamamaraan na ito dahil bukod sa nasa kasaysayan ito ng mga Druid, narinig na rin niya ito dati.
Hindi siya niloloko ni Old Ent nang sabihin na mayroong ganitong pamamaraan.
Matagal na nag-isip si Marvin bago tuluyang pumayag sa pinapagawa sa kanya.
Ang mga Origin Leaf ang pinakamahalagang uri ng Nature Leaf, nakuha pa ito sa tutok ng World Tree. Naiipon nito ang pinakamalakas na kapangyarihan ng Nature God.
Sapat na ang tatlong Origin Leaf para maramdaman ng Migratory Bird Council ang sakit ng pagkawala ng mga ito sa kanila.
Sa tatlong iyon, ang unang Origin Leaf ay ginawang paunang bayad, at ibinigay na agad ito kay Marvin.
At tulad ng nais ni Marvin, ang Origin Leaf na ito ay mayroong Advance Shapechanging na nakapaloob dito.
Ginamit ni Marvin ang Origin Leaf at agad na nakuha ang sumusunod na Ranger ability:
[Advanced Shapechanging – Royal Griffin]
[Description: Kapag ginamit ang spell na ito, ang sino mang gumagamit ay magkakaroon ng mga attribute at ability ng isang Royal Griffin nang tatlong oras. Isang beses kada araw lang ito magagamit.]
…
Isa itong makapangyarihang ability.
Ang Royal Griffin ang pinakamalakas na ebolusyon ng mga Griffin. Mas mataas pa ito kesa sa Golden Griffin at mas malakas pa ito sa Blue Griffin at iba pang mga uri ng Griffin.
At ang mga melee ability nito ay mas mahina lang nang kaunti kumpasa sa mga Dragon!