Isang anino ang mabilis na pasulpot-sulpot sa mayabong na kagubatan.
Sa madaling salita, mabilis ang pagkilos nito habang nananatiling nakakubli sa mga halaman at dahon.
Umaga noon sa Norte. Kakasikat lang ng araw at mayroon pang hamog na naiwan sa mga puno sa Supreme Jungle.
Dinadaanan ng anino ang hamog pero hindi ito nag-iiwan ng bakas.
Tila ba pambihira ang kakayahan nito.
Mayabang nitong pinagmamasdan nito ang kapaligiran habang kumakaripas ng takbo. Iyon ay mga mahahalagang impormasyon, at pagbalik nito, siguradong may matatanggap itong pabuya.
Ang grupo ng mga Druid na iyon ay siguradong hindi naisip na mapapasok ng isang Devil ang kanilang Sanctuary na bahagyang bukas.
Habang iniisip ito, lalo pa itong nagmataas.
Pero biglang isang kamay na may malakas na pwersa ang humili sa mahalagang bahagi ng katawan nito.
Sinubukan nitong tumakas gamit ang pambihirang biis nito, pero tila alam ng humuli dito ang kakayahan nito at mahigpit itong hinawakan, kaya naman hindi ito makatakas.
Pinagmasdan ni Marvin ang nilalang na ito na mukhang daga.
Bibihira lang makakita ng ganito. Ang Hell's Familiar ay bihirang makita kahit sa mismong Nine Hells.
Ang ganitong nilalang ay walang awra ng Devil at ito ay maliit, mabilis, at kayang gumamit ng Stealth. Isa itong natural na Scout.
Sa katunayan, kung hindi lang aksidenteng nakapasok sa Hell si Marvin dati, hindi magkakaroon ng koneksyon ang kanyang Contract sa Familiar at hindi niya ito mapapansin.
Mahina lang ang Familiar. Kapag nahuli ito, wala na silang magagawa kundi subukang tumakas.
Lalo na ngayon at nahuli na ito ni Marvin, isang Legend Powerhouse. Madali na lang sa kanya ang pagdispatya sa isang Familiar.
Mausisa niyang tiningnan ang Familiar at mahinahong tinanong ito, "Bulinggit, alam kong naiintindihan mo ko."
"Ngayon, sabihin mo sa akin, kanino ka tapat?"
…
Sa kaloob-looban ng Supreme Jungle.
Sa Jadeite City.
Ilang matatangkad na anino ang nakatayo sa platform na matatagpuan sa isang malaking puno, makikita mula rito ang buong tahanan ng mga druid.
Nananatili silang tahimik. Dahan-dahang nahulog ang isang dahon.
"May isa na naman."
"Patuloy na nalalanta na ang World Tree."
"Wala tayong magagawa kundi maupo at maghintay," sabi ng isa sa mga Druid na may mabigat na reaksyon sa kanyang mukha.
Kung narito si Marvin, siguradong makikilala niya ang mga taong narito.
Ang ilan sa mga nakatataas ng Migratory Bird Council, ang mga pinakamakapangyarihang Druid ng Norte ay nakatipon doon.
Sky Fury, Mother of Creation, Dark Blue Moon.
At mayroong matandang lalaking kulubot ang balat.
Mukhang napakatanda na ng lalaking ito, na para bang ano mang oras ay papanaw na siya, pero puno pa rin ng buhay ang kanyang mga mata.
"Kailangan natin malaman ang dahilan," mabagal na sabi ng matandang lalaki.
Sa sumunod na sandali, isang liwanag ang lumabas sa kanyang palad.
Sa loob ng liwanag, sa isang kulay berdeng karagatan, isang anino ang tumatawid dito.
Tiningnan nilang lahat ang anino, na mayroong hamog sa kanyang mukha.
"Naging ganito na ang sitwasyon nito mula nang pumasok si Viscount Marvin sa World Tree." Napailing ang matandang lalaki. "At base sa nalalaman natin, ang kanyang kapangyarihan ay mas lumakas pa. Sa katunayan, magmula noong dumating siya, mabilis na lumalakas ang kanyang kapangyarihan. Mula sa isang hindi kilalang binate, hanggang sa maging isang powerhouse na kayang makapatay ng isang God…"
"Ang ano mang bagay na hindi umaayon sa batas ng kalikasan ay kakaiba. "
Malungkot na nagkatinginan ang tatlong Great Druid, gusto nilang magsalita pero hindi nila alam ang kanilang sasabihin.
Sa Huli, ang tumayo ang Mother of Creation. "Pinaggaling ko dati si Viscount Marvin. Noong mga panahon na iyon, muntik na siyang mapatay ni Glynos at muntik na rin mamatay dahil sa Nightfall curse. Noong magkaharap kami, hindi ko naisip o naramdaman na siya ang tipo ng tao na nanakawin ang kapangyarihan ng kalikasan."
Sumang-ayon si Sky Fury, "Nakasama ko siyang lumaban, at hindi rin naniniwala si Lorant na ganoon siyang klase ng tao."
"Pero alam nating lahat na ang Domain ni Viscount Marvin ay [Shadow]." Paalala ng matanda.
Napasimangot ang mga Great Druid sa kanilang narinig.
May dahilan kung bakit sila nag-aalinlangan.
tinuturing ng mga Great Druid ng Norte ang mga sarili nila bilang Guardian ng World Tree. Pinangalagaan nila ang kapayapaan at kaayusan ng mga kagubatan sa Norte. Pero kamakailan lang ay mayroon silang natagpuang kakaiba.
Ang dati'y malagong World Tree ay nalalanta!
Hindi ito simpleng bagay.
Sa buong kasaysayan ng Feinan, hindi pa kailanman nalalanta ang World Tree.
Nagsaliksik ang mga Great Druid sa hindi mabilang na mga libro, pero wala silang nahanap na nakatalang may koneksyon dito. Samantala, patuloy na nalalanta ang World Tree, araw-araw pabilis ito nang pabilis.
Mas lalo pa itong bumilis nang atakihin ng mga God ang Universe Magic Pool.
Pero naunawaan ng mga Druid na walang koneksyon ang Universe Magic Pool at ang World Tree. Madali lang nilang nasindihan ang Source of Fire's Order dahil ang Supreme Jungle ay biniyayaan ng kapangyarihan ng kalikasan.
Kaya nitong bahagyang labanan ang Chaos Magic Power.
Kahit na tuluyang masira ang Universe Magic Pool, ang malakas na kapangyarihan ng natutulog na Nature God ay patuloy pa ring bibiyayaan ang teritoryong ito.
Hindi rin dapat nito direktang maapektuhan ang World Tree.
Kaya naman, siguradong mayroong ibang dahilan.
Binibigyan nang malaking importansya ng Migratory Bird Council ang problemang ito at patuloy nila itong iniimbestigahan hanggan sa ma-alarma nito ang Chairman ng konseho, si Old Ent, na matagal nang natutulog.
Matapos magising ni Old Ent, gumamit ito nang espesyal na Divination skill.
Ang Nature-based Divination ay hindi sa Universe Magic Pool nanggaling ang kapangyarihan, kaya hindi ito masyadong naapektuhan ng Calamity.
Pagkatapos ay saka nila napanuod ang eksena.
Ninanakaw ang kapangyarihan ng Nature God!
Isa pa, ang nilalang na humihigop ng kapangyarihan ay ginagawa ito sa nakamamanghang bilis, at ito ang dahilan ng pagkalanta ng World Tree.
Dahil sa restriction ng Divination, tanging anino lang ang kanilang nakikita.
Base sa nakita ni Old Ent, isa itong powerhouse na mayroong [Shadow] Domain, o isang God na mayroong Shadow Godhood.
Ang Shadow Prince na pangunahing salarin, ay pinatalsik na ni Marvin.
At base sa impormasyong nakuha nila sa Astral Sea, matapos iselyo ng Shadow Prince ang kanyang sariling God Realm, nalubog ito sa malalim na pagtulog. Malinaw, na hindi maaaring si Glynos ang nagnakaw ng kapangyarihan.
At kaunti na lang ang natitirang salarin.
At noong mga oras na iyon, naisip nila si Marvin.
Nang tawagan ni Marvin ang Mgratory Bird Cuncil para humingi ng tulong para harapin si Dark Pheonix, nalaman ni Old Ent kay Sky Fury na pumasok si Marvin sa World Tree noon, at kaya naman naging interesado ito kay Marvin.
Pagkatapos ay sunod-sunod nang dumating ang impormasyon tungkol sa kanya sa kamay ng Council.
Tiningnan ito ng lahat ng Great Druids, at kahit ang mga may mabuting relasyon kay Marvin ay hindi mapigilang makumbinsi. At maydahilan kung bakit ganoon; hindi lang masasabing napakabilis ng progreso ni Marvin noong mga nakaraan buwan. Masasabing pambihira ito!
Isa lang siyang 2nd rank Night Walker, lumang buwan lang ang nakalipas.
Ngayon ay isa na siyang Plane Destroyer,Dragon Slayer, at God Slayer!
Tinatag niya ang White River Valley, ang pinakaunang teritoryong nagsindi ng Source of Fire's Order nang magsimula ang Calamity.
Ginamit niya ang sarili niyang lakas para patayin ang mga Black Dragon sa Feinan, at walang awa pa nitong ginawang alipin ang isa.
Tila nagtutugma ito sa pagnanakaw ng Nature Power.
Hindi lang agad na kumilos si Old Ent dahil kina Sky Fury, at iba pa.
Matapos ang pagkamatay ni Dark Phoenix, agad na siyang naghanda.
Isa lang dahilan ang tungkol kay Endless Ocean. Kahit na mahigpit ang mga Great Druid, hindi nila tatratuhin nang ganoon ang isa sa kanila.
Si Marvin ang pinupunterya niya.
"Kung siya nga talaga… Anong gagawin mo?" Malumanay na tanong no Mother of Creation.
Tumitig sa malayo si Old Ent. Doon sa malayo, isang binata ang nakahuli ng isang Familiar ang dahan-dahang naglalakad papunta sa kanila.
"Hindi siya." Lumalim ang mga kulubot sa mukha ni Old Ent.
…
Hindi tulad ng White River Valley, ang mga Druid ay mayroong suporta ng World Tree. Kaya naman, matapos nilang sindihan nag Source of Fire's Order, nagawa nilang isang Sanctuary ang Supreme Jungle.
Pero hindi katulad ng White River Valley na nakaselyo ang Sanctuary na ito, bahagyang nakabukas ang Santuary na ito.
Ang lahat ng may kinalaman sa Chaos Magic ay madidispatya.
Isa rin ito sa mga rason kung bakit pinili ni Marvin na pumasok sa Supreme Jungle nang tahimik. Kung hindi, kahit na makakapasok siya sa teritoryo, hindi niya matatakpan ang kanyang bakas.
Pagkatapos niyang makuha ang Familiar na iyon, kinausap niya ito.
Sayang lang dahil ang isa sa mga rason kung bakit gusto ng mga Archdevil ng Hell ang mga Familiar ay dahil sa kakayahan nilang magtago ng lihim.
Matigas ang mga Familiar at hindi talaga sila nagsasalita. Mahirap makakuha ng impormasyon mula sa kanila.
Pero hindi naman nag-aalala si Marvin. Kahit na walang sinabi sa kanya ang Familiar, may mga bagay nang napagtanto si Marvin.
Ang kanyang Hell Corps Contract ay nagkaroon ng koneksyon, ibig sabihin, ang nilalang na ito ay nanggaling sa Diross' Hell.
Maaari nga na ito pa ang Familiar na ito ay sa kanyang lolo, si Diross Cridland.
'Nadispatya na ba niya ang Archdevil? O nadispatya na siya ng Archdevil?'
interesado si Marvin sa kanyang sarilin lolo. Sa Lavis, nalaman niya ang ilang katotohanan tungkol dito. Pero naramdaman ni Marvin na maaaring hindi tama ang mga sinabi ng Duke. Anong nangyari kay Diross? Iyon ang gustong malaman ni Marvin.
Magiging masaya si Marvin na makita ang kanyang kamag-anak na sinasabing naging Archdevil dito sa Norte, basta hindi ito sa isang labanan.
Alam ng lahat ng importansya ng World Tree. Ang pwersa ng Hell at ng Abyss ay sinusubukang makaakyat sa World Tree para maabot ang God Realm at sakupin ang hukbo ng mga God.
Ang World Tree ng Feinan ay isa sa mga pinakamadaling daan na maari nilang gamitin.
Normal lang na maging interesado ang mga Devil dito.
habang iniisip niya ito, biglang napansin ni Marvin na mayroong mali.
Nang pumasok siya sa Supreme Jungle, wala siyang naramdamang pwersa tulad noong unang beses siyang pumasok dito sa laro.
Nababalot ang lugar na ito ng Nature Power. Hindi ba dapat ay dumaan muna siya sa willpower check?
Tiningnan ni Marvin ang kanyang interface at mayroong nakita willpower check… Pero nasa [35] lang ang level ng hirap nito, at dahil masyadong mataas ang willpower ni Marvin, hindi niya man lang ito naramdaman.
Hindi na ito nakakagulat dahil mas malakas na si Marvin ngayon kesa noon una siyang pumasok sa kagubatan na ito.
Subalit, malinaw niyang naalala na dapat ay nasa [60] ang level ng hirap nito!
Wala sanang problema kung mayroon lang maliit na pagkakaiba, pero siguradong hindi naman ito nalalayo sa numerong naaalala niya!
'Mayroon kayang problema sa World Tree?'
Nagmadali na si Marvin papunta sa Druid Village para magtanong sa mga pangyayari.
Agad siyang nakarining ng impormasyon at nakumpira nito ang kanyang mga iniisip.
Ang huling utos ng Migratory Bird Council ang mga nakarita sa mga Druid village na nasa dulo ng kagubatan na lumipat sa mas loob na bahagi.