Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 480 - Corrupt

Chapter 480 - Corrupt

"Pigilan siya!" nababahalang sabi ng Fairy.

Nabigla si Marvin. Masyadong mabilis lumitaw ang Green Dragon at ang buong atensyon ni Marvin ay nakatuon sa transparent na lagusan. Wala na siyang oras magkaroon ng reaksyon.

Habang ang Fairy naman ay tila hindi ganoon ka-makapangyarihan at wala sadyang wala itong lakas para pigilan si Modana.

"Woosh!" Lumusot ang Green Dragon sa transparent na lagusan!

Tinankpan ng Fairy ang kanyang mukha at napasigaw, "Tapos na!"

"Tapos na ang lahat!" Naghihinagpis ito. "Nabigo ako sa trabahong ibinigay sa akin ni Sir Lance."

Hindi pinansin ni Marvin ang mga sinabi ng Fairy, sa halip, tinuon niya ang kanyang atensyon sa mga pagbabago sa transparent na lagusan!

Hindi napigilan ng sinasabi nilang selyo si Modana.

Tila bali-baliko ang katawan nito, nangangahulugan na mayroong malakas na force field sa loob.

Pero dahil sa malakas na pangangatawan ng mga Dragon, nagawa niya itong pasukin.

Tila makukuha na nito ang istatwa nang biglang may isang malakas na pwersa ang lumabas!

Sa isang iglap, may lumitaw na apoy sa mga kamay ni Modana noong hahawakan na sana niya ang istatwa.

"Aah!"

Napasigaw sa sakit si Modana.

Nakikita ni Marvin na ang apoy na iyon, na maikukumpara sa Divine Fire, ay sinusunog ang Green Dragon!

Pero Dragon si Modana, kaya naman makapangyarihan ang kanyang Dragon Magic.

Agad siyang umatake pabalik, at pinagpatuloy ang paggamit ng iba't ibang uri ng magic para subukang tanggalin ang mga negatibong epekto nito.

Subalit, tila hindi umeepekto ang kanyang magic.

"Walang silbi." Maririnig ang awa sa tono ng Fairy. "Kahit mga god ay maabo sa Divine Punishing Fire ni Sir Lance!"

Nanginig sa pagkalito si Marvin, "Eh anong pinag-aalala mo?"

Iritableng pinaliwanag ng Fairy, "Kada sanlibong taon, Personal na pumupunta si Sir Lance ditto para palakasin ang selyo."

"Lalo pa at, hindi ganoon kadali i-selyo ang Divine Source ng Dragon God, isa pa, walang humpay na pinahihina ng Evil Spirit Sea ang selyo."

"Ako ang namamahala sa pagbabantay sa lugar na 'to. Kadalasan, nagagawa kong harapin ang mga pangkaraniwang sitwasyon."

"Pero limitado ang Magic Power ko. Hindi dumating si Sir Lance tulad ng nakatakda noong lumipas na sanlibong taon. Kaya naman, wala akong ibang magagawa kundi protektahan ang selyo gamit ang sarili kong kakayahan. Habang lumilipas ang oras, nauubos na ag Magic Power ko."

"Sa madaling salita, kahit na gumagana pa rin ang Divine Punishin Fire, ang mismong selyo ay humihina na."

"Hindi lang pinatay ng Green Dragon na 'yan ang sarili niya, nag-iwan pa siya ng mas malaking problema!"

Nalilitong nakinig si Marvin.

Noong mga oras na iyon, sa likod ng transparent na pinto, tila sinusubukan pa ring makawala ng Green Dragon.

Pero wala ring patutunguhan ito.

Isang malaki at nabubulok na kamay ang lumitaw mula sa kawalan at sinusubukan siyang hulihin.

Isang madilim na pagtawa ang sumunod. "Hehe…."

"Mahal kong anak, pinasasalamatan kita sa iyong pagtulong."

Isa itong pamilyar na boses na kikilabutan ang sino mang makarinig.

Nabigla si Marvin at hindi napigilang mapasabi ng, "Si TIdomas!"

Tiningnan ng Fairy si Marvin at sinabing, "Anong Tidmas?"

"Malinaw na ang tampalasang si Hartson 'yon!"

Nanlaki ang mga mata ni Marvin.

Mukhang nagagalit ang Fairy sa nangyayari sa loob ng transparent na lagusan. Malumanay na hinawakan ng malaking kamay ang Green Dragon at lumipat sa kanyang katawan ang nakakatakot na Negative Energy.

Nakakagulat na biglang tumigil sa paglagablab ang Divine Punishing Fire.

Pero bilang kapalit, nabulok ang mga bahagi ng katawan ng Green Dragon.

"Ito ang… Corrupting Ritual?"

MAraming beses nang nakaharap ng mga Evil Spirit si Marvin, mula sa mga low level Evil Spirit Enboy hanggang sa mga high level Evil Spirit Overlord. Alam niyang hindi pa ang purong lakas ng mga ito ang nakakatakot sa kanila. Bagkus, ito ang hindi na mababawi paglason sa isipan ng mga ito.

Sa aspetong ito, mas Malala pa kesa sa Chaos Magic Power ang Evil Spirit Sea.

Karamihan ng mga taong naiimpluwensiyahan ng mga Devil ay nagkaganoon dahil sa kasakiman, habang ang mga biktima ng Chaos Magic Power ay dahil sa hindi sapat ang lakas ng kanila ng willpower.

Pero ang mga nalalason ang isipan ng Evil Spirit Sea ay nahulog ditto dahil hindi nila nakayanang labanan ang napakalakas na kapangyarihan nito!

Mayroong balita sa Negative Energy Plane.

 Kapag ipinanganak ang huling Evil Spirit Overlord sa Evil Spirit Sea, ang mga pinakamalalakas na nilalang ay manunumpa ng katapatan dito at mararanasan ng buong daigdig ang pwersa ng Evil Spirit Sea.

Mawawasak ang lahat, at tanging matitira ay ang awra ng kalungkutan at hinagpis, mapupuno ang kalupaan ng negatibong enerhiya mula sa mga Evil Spirit.

Habang tinitingnan ni Marvin ang hindi makalaban na si Modana, tumigil ang kanyang puso.

Hindi niya inasahan na ang pagputna niya sa Nightmare Boundary ay mayroong kinalaman sa Negative Energy Plane.

Malinaw na ang boses na iyon ay ang boses ng Tidomas na nakilala niya kanina lang.

Naalala niya na matapos niyang mapatay si Diggles, kinamuhian siya ni Tidomas.

At kahit na hindi niya alam ang pinaplano ng lalaking 'yon, mukhang mapanganib ito.

Sigurado si Marvin na papatayin siya ni Tidomas kapag nagkaroon ito ng pagkakataon.

Maaaring isa itong Outer Plane, at sa lakas ni Tidomas, kung gusto niyang paayin si Marvin, madali niya lang itong magagawa na parag pagpatay sa isang insekto!

Lalo pa at hindi pa niya kayang lumaban na direkta sa isang tunay na God.

Ang pinakamahalaga ngayon ay malaman niya kung ano ang nangyayari.

Kinuha ni Marvin ang Fairy at mabilis na nagtanong, "Anong lugar 'to? Bakit mo sinabing siya si Hartson?"

"Sabihin mo sa akin ang nalalaman mo, sabihin mo sa akin ang lahat."

Sa lambak.

Nakatitig lang si Ell sa White Dragon at Blue Dragon na patuloy ang pag-inom mula sa Rainbow Spring.

Talaga namang nakakahalina para sa kanya ang pangako ng pagkakaroon ng malakas na kapangyarihan.

Maraming taon na ang lumipas magmula noong naramdaman niya ang pakiramdam ng paglagpas sa limitasyon.

Matagal nang naipon ang kanayng tunay na lakas. Sa paglipas ng mga taon, naghanap siya sa buong kalawakan ng maraming kayamanan, pero hindi niya nahanapan ng solusyon ang kanyang problema.

Ar ang Rainbow Spring na nasa kanyang harapan ay isang paraan para lumakas siya!

Isa itong matinding kagustuhan ni Ell na hindi niya kayang itago.

Pero ang dahilan kung bakit namumukod-tangi si Ell ay dahil sa kanyang instinct.

Kapag mas nakakahalina ang isang bagay, mas lalo niyang pinagdududahan ito.

'Hindi, kailangan ko munang mahanap si Modana para malinawan ang lahat.'

Tumalikod ang Red Dragon at balak na sanang umalis.

Naramdaman niyang hindi niya matatalagan na pigilan ang temtasyon kapag nanatili siya doon.

Tutal, tila wala namang hangganan ang pinagmumulang ng tubig sa Rainbow Spring, kaya siguradong hindi ito mauubos ng dalawang hangal na ito.

Saka niya lang ito iinumin kapag nakumpirma na niyang walang problema ito.

Pero hindi niya inaasahan na mayroong aalingawngaw na sigaw ng sakit sa kanyang likuran noong aalis na siya!

Muling tumalikod si Ell.

Maririnig sa lambak ang pag-atungal ng isang Dragon!

Habang gulat na nanunod si Ell, ang Blue Dragon at White Dragon ay hindi na magawang panatilihin ang kanilang Shapechange.

Nasa orihinal na anyo na sila.

Pero mas kinilabutan siya nang makitang parehong ang napakaputing kaliskis ng White Dragon, at ang magaspang pero matatag na balat ng Blue Dragon, ay parehong nababalatan.

Pinapalitan ang mga ito ng nabubulok na lumot.

Nagsimulang mahulog ang kanilang laman at makikita na rin ang kanilang mga buto!

Isang malalim na boses naman ang umalingawngaw sa tenga ni Ell, "Matalino ka."

"Bibigyan kita ng pagkakataon. Ikaw ang magiging Deputy ko. Hindi ka matutulad sa kanila, magiging isa kang ganap na Corrupt Evil Dragon."