Umaasa si Marvin na matsempuhan ang Black Dragon sa ikalawang palapag.
Hindi siya sigurado kung kaya niyang manalo laban sa iba pang mga Ancient Chromatic Dragon.
Kahit na malaki ang mababawas sa kanilang lakas dahil sa restriction ng kanilang Shapeshifting, mga Legend Wizard na mayroong malakas na mga katawan ang kanilang katumbas.
Tanging ang mga Black Dragon ang walang magic ability, kaya kayang harapin ni Marvin ang mga ito.
Ito ang sinasabing dahilan sa likod ng pagtataksil ng mga Black Dragon.
Kahit na interesado si Marvin sa kasaysayan, hindi ito ang pinakamahalagang bagay sa ngayon.
Ang prayoridad niya ngayon ay makapunta sa aklatan.
Tungkol naman sa Night Boundary, kahit na ngpresinta siya, hindi siya bahagi ng pangunahing pwersa.
Dahil sa pangunguna ng mga nilalang tulad ni Blade Master Kangen at ni Professor sa misyon na ito, umasta si Marvin na parang karagdagang pwersa lang at gusto niyang makita kung mayroon siyang mga benepisyong makukuha.
Lalo pa at kahit na mapanganib ang underground temple, marami rin itong tinatagong mahahalagang kagamitan, isa na dito ang aklatan.
Isa pa, kumplikado ang underground temple. Hindi magiging madali ang paghahanap ng daan patungo sa susunod na palapag.
Naniniwala si Marvin na kahit ang mga Chromatic Dragon ay hindi nila ito madaling mahahanap. Ito ay ayon sa impormasyon nakalap ng Metallic Dragon.
…
Sa tantya ni Marvin, magiging mahirap ang pagpasok sa aklatan, base sa impormasyong mayroon siya.
Si Librarian Fati ay isang makapangyarihang caster na namamahala sa buong aklata at sa pagbabantay ng daan papasok dito.
Kung may taga labas na gustong pumasok sa aklatan, kakailanganin nitong humingi ng permiso dito.
Binalaan ng Dragon Soul si Marvin na matapos ang pagbagsak ng Dragon God, umikli na ang pasensya ni Fati, at tila lalo itong sumama.
Tauhan siya ng Dragon God, kaya natural lang na sumama ito sa pagbagsak nito.
Sa hindi malamang dahilan, nagpatuloy ang kanyang buhay pero nag-iba ito.
Ang descendant na ito na nagmula sa Human at Dragon Race ay nakakagamit ng mga makapangyarihang Draconic Spell at isa ring Divine na nilalang. Tila isa itong napakamakapangyarihang Divine Servant.
Hindi nababahala si Marvin sa mga ordinaryong Divine Servant, dahil karamihan sa mga ito ay mga caster at karamihan sa mga nalalaman ng mga ito ay puro Divine Spell at Magic Spell.
Ang kanilang pisikal na katawan ang kanilang kahinaan, pero dahil sa proteksyon ng Divine Power, pababayaan lang nila ito.
Lalo pa at ang mga sandatang may Divine Restraint ay bibihira sa mundong ito.
Isa na rito ang mga [Azure Leaf] ni Marvin.
Kaya naman, gustong-gusto niyang maghanap ng mga Divine Servant.
Pero ang problema, bukos sa pagiging Draconic Sorcerer ni Fati, may binago rin si Hartson sa katawan nito.
Sinasabi na binigyan ito ni Hartson ng kanyang dugo at Divine Source, na mayroong kakaibang lakas.
Hindi magpapadalos-dalos si Marvin sa isang nilalang na mayroong Divine Source.
Dahil kailan lang, kinailangan niyang patayin si Dark Phoenix nang paulit-ulit.
Kung nagkamali si Marvin kahit isang beses, siguradong namatay siya agad-agad.
Sa katunayan, nagkaroon ng pagkakataon si Dark Phoenix, kung hindi dahil sa biglaang pagdating ni Eve, hindi magagawang patayin ito ni Marvin.
Malinaw na mahirap ang paglaban sa isang nilalang na paulit-ulit nabubuhay.
Ayaw kalabanin ni Marvin si Fati.
Kaya naman kailangan niya ng tulong.
At magandang gawing katulong si Black Dragon Ikarina.
…
Sa harap ng hinihiling ni Marvin, saglit na nagdalawang isip si Ikarina bago ito tuluyang pumayag.
Sa katunayan, wala naman siyang magagawa.
Ang sino mang Dragon na nasa anyong tao, ay hindi maiiwasang manginig kapag pinagbantaan gamit ang Dragon Slaying Spear.
Naririnig nila ang mga boses na hindi naririnig ng mga tao, ang mga naghihinagpis na atungal ng mga Dragon na napatay ng Dragon Slaying Spear.
Narinig pa ng ani Karina ang atungal ng ilang mga Black Dragon.
Nagmamaka-awa ang mga ito na ipaghiganti sila.
Pero wala siyang magagawa kundi makipagtulungan kay Marvin.
"Pwede mo bang itago ang spear?" Tanong ni Ikarina na walang bahid ng pagkabahala. "Hawak mo pa rin ang buhay ng asawa ko, hindi mo kailangan mag-alala na may gagawin ako sayo."
Ngumiti si Marvin. "Para magkaroon tayo ng maayos na pagtutulungan, sa tingin ko ay dapat pumirma tayo ng Contract."
Naging maingat si Ikarina. "Contract? Anong Contract?"
"Kung isa rin yang Enslavement Contract, gaya nang kay Izaka, mas gugustuhin ko pang mamatay."
Umiling si Marvin at sinabing, "Hindi. Isa lang itong Contract na magsisiguro sa pagtutulungan natin."
Hindi naman balak gawing alipin ni Marvin ang mga Black Dragon.
Kahit na may kakayahan siyang gawin ito.
Hinuli niya lang si Izaka noon dahil sa sitwasyon.
May hinaharap na krisis ang White River Valley. Ang pag-aalipin sa isang Black Dragon ay isang panakot sa kanyang mga kalaban at pagpapalakas ng loob ng kanyang mga pwersa.
Makapangyarihan ang mga Black Dragon, at nakita naman ito sa mga naganap na labanan.
Bukod sa tatlong Dragon Slaying Weapon, kakaunti lang ang mga bagay na makakapagdulot ng pinsala sa katawan ng mga Black Dragon.
Sa kabila nang matinding insalang natamo ni Izaka at hindi pa ito gumagaling, ang hukbo ng mga Black Dragon ng White River Valley nagsisilbing babala sa mga may masamang balak rito. Kahit na ang hukbo na ito ay napagkamalan lang ng mga tao na Black Dragon ang mga Shadow Dragon.
…
Kailangan lang ni Marvin ang tulong ni Ikarina sa ngayon.
Syempre, makakabuti rin kung mapipigilan nilang ang mga Chromatic Dragon na buksan ang Nightmare Boundary.
Sinabi ni Professor na hindi lang ang susing hawak ng Green Dragon ang kailangan nila, kundi pati na rin ang pagtitipon-tipon ng mga Chromatic Dragon. Mayroong pa ngang binanggit na pagbabalik ng mga Black Dragon sa propesiya.
Kung mapipigilan niya si Ikarina, malaking bagay ito para kina Professor at sa iba pa.
Mas hahaba ang oras nila para magplano at maghanda.
…
Ang Contract sa pagitan nila ay isang One-Time Contract. Tatlong araw lang ang itatagal nito.
Sa loob ng tatlong araw, hindi nila pwedeng kalabanin ang isa't isa. Kaialngan libaning ni Ikarina si Fati para kay Marvin, habang pinangako naman ni Marvin kay Ikarina na kapag tinupad nito ang kanilang usapan, pakakawalan niya si Black Dragon Izaka sa loob ng tatlong buwan.
Tila lugi pa si Marvin sa Contract na ito.
Kailangan lang pukawin ni Ikarina ang atensyon ni Fati at malaki na ang makukuha nito.
Pero kung titingnan mabuti, hindi naman nalugi si Marvin sa kanilang usapan.
Isa pa, may ginawang butas si Marvin sa Contract. Inilagay niya doon na kung gustuhin ni Izaka na tapusin na ang Enslavement Contract, papayag si Marvin dito.
Pero dahil sa nangyari noon, alam na niya kung paano mag-isip si Black Dragon Izaka: Gagawin nito ang lahat para manatiling buhay. Aapihin niya ang mahina at katatakutan ang malakas!
Bakit nga ba ito pumayag na pumirma ng Enslavement Contract kay Marvin?
Isa lang ang dahilan: Takot!
Kahit na maaari siyang utus-utusan ni Marvin dahil sa Slave Contract, ipinagbabawal din ng Contract si Marvin na saktan si Izaka!
Isa itong tagong proteksyon.
Pag dating ng panahon, kung makaramdam mang si Izaka ng kahit kaunting kagustuhan kay Marvin para patayin siya, hindi ito papayag sa pagputol ng kanilang Contract.
Lalo pa at kapag nawala na ang Contract, wala nang makakapigil kay Marvin para gamitin ang Weeping Sky sa kanya..
Ganito kawalang pag-asa ang mga Black Dragon.
Pakana rin ito ni Marvin. Maraming beses na niyang nakasalamuha ang mga Devil sa laro, kaya mahusay na siya pagdating sa paggawa ng mga Contract.
…
'Magiging mas madali na 'to dahil sa tulong ni Ikarina.'
'Ano man ang mangyari, kakambal at asawa niya si Izaka. Siguradong hindi niya ilalagay ang buhay nito sa alanganin, hindi ba?'
Nasa hara psi Ikarina ng madilim na daan papasok, habang si Marvin ay nagtatago sa dilim sa gilid, tahimik na nag-iisip.
Tiningnan siya ni Ikarina bago dahan-dahang nagpatuloy sa pasukan.
Isa na namang pasilyo ang lugar na ito. Dalawang pasilyo lang ang layo nito sa pasilyo kung saan sila nag-uusap kanina.
Lalo pang dumami nang dumami ang bilang ng mga Biting Book, kaya naman nangilabot ang ulo ni Marvin.
Kung hindi dahil sa pagkilos ni Ikarina, marahil nakagat na siya.
Bukod na lang kung mag-shapeshift sa Fierce Asuran Bear.
Pero masyadong malaking komosyon ang idudulot nito, at siguradong maaalerto nito si Librarian Fati.
May mga bagay na natutunan si Marvin mula kay Ikarina habang nagpapatuloy sila.
Pinatay niya ang mga apoy kanina dahil sa isa pang makapangyarihang halimaw sa ikalawang palapag. Ang mga apoy ay mga mata ni [Warrior Roger].
Ang buong ikalawang palapag ay nasa ilalim ng pamamahala ni Warrior Roger.
Kung si Librarioan Fati ay ang tipong walang gagawin sa iyon basta hindi mo susubukang pumslit sa aklatan, si Warrior Roger naman ang kikilos labansa sino mang manghimasok sa ikalawang palapag.
Malinaw na mas maraming impormasyong hawak ang mga Chromatic Dragon. Hindi ito nabanggit ni Professor. Kaya malamang ay hindi niya alam ang tungkol dito.
Mas marami pang gustong malaman si Marvin kay Ikarina. Sa kasamaang palad, bigla lang nabanggit ng Black Dragon na si Warrior Roger ay alaga ni Dragon God Hartson.
Isa itong malakas at mapanlinlang na Salamander. Walang nakakaalam kung saan ito nanggaling, at walang nakakaalam kung ano ang gusto nito.
Gayunpaman, nang malaman ni Marvin na kayang gamitin ni Warrior Roger ang mga sulo para magmanman sa iba't ibang bahagi ng palapag, nanlamig ang pawis nito.
Napakarami niyang nakitang mga sulo. Maswerte siya at walang nangyari.
Ang underground temple na ito ay puno ng panganib.
Subalit, hindi siya binalaan ng Dragon Soul Tungkol kay Warrior Roger… Hindi ba talaga alam nito?
O mayroon bang ibang layunin ang Dragon Soul na iyon?
Nahagyang nagduda si Marvin.
Ang underground temple na ito ay puno ng surpresa, at ang mga ganitong uri ng bagay ay malaki ang magiging epekto sa kanyang pagdedesisyon.
Sa ngayon, wala siyang magagawa kundi, dahan-dahang maglakad.
…
Alam ni Ikarina ang direksyon patungo sa aklatan.
Subalit, hindi masyadong interesado ang mga Black Dragon sa mga aklata. Hindi tulad ng mga tao, hindi uhaw sa kaalaman ang mga ito.
Kaya noong inalok niyang bigyan ito ng kapalit para sa mga pahinang nahuhulog mula sa mga Biting Book, ibinigay lang ito agad ng Black Dragon.
Hindi makapaniwala si Marvin.
Binilang ni Marvin ang mga pahinang mayroon sita. Matapos niyang isama ang mga pahinang nakuha ni Ikarina, ilang pahina na lang ang kulang para makabuo ng buong libro.
Ang pangalan ng libro ay –Bireger's Theory of Barriers–.
Noong unang panahon, isang Wizard na nagngangalang Bireger ay isinulat ang kanyang mga karanasan patungkol sa mga Barrier, Force Field, at iba pa.
Dahil isa itong Wizard Book, hindi nauunawaan ni Marvin ang nilalaman nito, pero inipon niya pa rin ang mga pahina. Kung gusto niya itong basahin, kakailanganin niya ng mga Wizard ability tulad ng [Spellbook Deciphering], [Rune Knowledge], at kung ano-ano pa…
Bilang isang taong nakadepende sa mga dagger, sa harap ng librong ito, halos wala siyang pinagkaiba sa isang taong hindi marunong magbasa.
…
Mahinahon na naghintay si Marvin.
Hindi nagtagal, isang galit na sigaw ang nanggaling mula sa madilim na pasukan.
Ang sigaw na iyon ay sinundan ng isang aninong mabilis na dumaan, tila tumatakas ito.
Si Ikarina.
May humahabol ditong kulay pulang anino na mas mabilis pa kesa kay Ikarina!
Kumibot ang mat ani Marvin. Iyon ba ang tunay na bilis ni Librarian Fati?
Tanging anino lang ang nakita nito kahit na isa na siyang Legend?
Ibig sabihin, mas mabilis ito kesa sa kanya kapag naka-buff!
'Kaunti lang ang oras ko! Hindi ko alam kung gaano katagal kakayanin ni Ikarina 'to!'
Alam ni Marvin na kailangan niyang magmadali.
Hindi na siya nag-atubili pa, matapos akitin palayo sa bundok ang tigre, pumuslit na si Marvin papasok.
Agad siyang sumuong sa dilim.
Sa tabi ng entrance ay isang malawak na espasyo.
Hindi mabilang ang istante ng libro doon.
Tila walang hanggan ang mga istanteng ito.
Pero ang mga istanteng ito ay naroon lang para lituhin ang mga tao.
Kung hindi dahil sa paalala ng Dragon Soul, siguradong titingnan pa ni Marvin ang mga ito, at tanging mga librong walang kwenta ang kanyang makikita.
Maaari pa siyang makasagi ng alarm, mamatay dahil sa patibong!
Tunay na peke ang espasyon ito na mayroong mga istante ng libro.
Hindi ito ang tunay na aklatan ng Dragon Race.
'Pasukan!'
'Pasukan…'
Mabilis na pumunta si Marvin sa mga istante habang bumubulong, "ika-39 na hanay, ika-39 na hanay…"
"Ika-72 na bookshelf…"
…
Dalawang itim na anino ang mabilis na tumatakbo papalayo mula sa daan papasok.
Biglang tumigil si Ikarina.
"Sapat na siguro 'to."
Ngumisi ang Black Dragon habang tinitingnan nito si Fati, "Ganoon ka ba kasimple mag-isip? Sa tingin mo interesado talaga ako sa mga librong 'yon?"
Isang pangit na babae si Librarian Fati.
Napakataba nito na parang isang lobo, at mayroong mga kulugo sa kanyang mukha.
"Traydor, sinusubukan mo pa rin ba akong linlangin?" Malalim na sabi nito.
"Ang buong Black Dragon Clan ay mga patapon at traydor. Kahit na wala kang interes sa aklatan, papatayin pa rin kita."
Ngumiti ang Black Dragon, "Talaga? Paano kung sabihin ko sayong may binatang palihim na pumapasok sa aklatan ngayon?"
Biglang nagbago ang reaksyon ni Fati. "Sinungaling!"
Mabilis na naglabas si Ikarina ng salamin. Ang eksena ng pagtakbo ni Marvin sa pagitan ng mga istante ay lumitaw dito.
"Interesadong-interesado siya sa aklatan. Kung gusto mong gawin ang trabaho mo, dapat mo siyang patayin."
Aroganteng itinaas ng Black Dragon ang kanyang ulo, "Pero sa kasamaang palad, mas tuso siya kesa sa inaakala mo. Sa tingin ko hindi mo siya kayang hulihin sa loob ng aklatan."
"Kaya naman, balak kitang tulungan. Pero syempre, gagawa tayo ng kasunduan."
"Sasabihin mo sa akin kung nasaan ang daan papunta sa ikatlong palapag at ibibigay ko sayo ang salamin na 'to. Wag kang masyadong maghinala, Fati. Isa lang Common Alchemy item ang salamit na ito. May inilagay ako sa kanya kaya matutunton siya nito."
"Sa tingin mo maganda ang plano mo?" Walang emosyong sabi ni Librarian Fati.
"Pwede kitang patayin bago ko habulin ang taong 'yon. Hindi ako naniniwalang mabilis mahahanap ng isang tao ang…"
Biglang nagbago ang reaksyon nito!
Bilang Librarian, naramdaman niya ang reason ng daan papasok ng aklatan sa kanyang isipan.
Nang mahanap ni Marvin ang lihim na pintong binanggit ng Dragon Soul at ginamit ang lihim na code para buksan ito, napansin ito ni Fati.
Saka ito sumigaw, "Akin na 'yang salamin!"
Kung makakapasok si Marvin sa aklatan at hindi niya agad ito mahanap, maaaring matinding parusa ang matanggap niya!
Kahit na nasa ilalim ng kanyang pamamahala ang aklatan… mayroon pa rin itong mga lugar na hindi nakikita.
Kapag pumasok si Marvin sa mga lugar na iyon,… ayaw na niya isipin ang mga posibleng mangyari.
"Ituro mo muna sa akin ang daan patungo sa sunod na palapag." Mapang-asar na sinabi ng Black Dragon.
"Alam mo naman siguro kung nasaan 'yon, hindi ba?"
…
Sa aklatan.
Sa likod ng isang lihim na pinto ay isang liblib na mundo.
Nagulat si Marvin nang buksan niya ang kanyang mga mata.
Ganito pala talaga ang aklatan ng Dragon Race.
Isa itong isla.
Mayroong matataas nab undo sa isla at nahahati ang kapaligiran sa apat na uri ng lupain: Desyerto, Lawa, Gubat, at Kabundukan.
Kasalukuyang nakatayo si Marvin sa tuktok ng bundo, nakikita niya ang lahat.
Napapaligiran ang islang ito ng walang hanggang karagatan.
'Isa ba 'tong… external plane?'
Halos mabulunan si Marvin.
Kung isa nga itong external plane, ibig sabihin, mas mapanganib pa ang lugar na ito kesa sa inaakala ni Marvin.
At ang [Book of Forgiveness] ng Dragon Soul at [Wisdom Chapter] na sinasabing makakapigil sa Book of Nalu ay nakatago sa isang lihim na lugar sa islang ito.
'Paano ito maituturing na aklatan? Malinaw na isa 'tong isla ng mga libro,' Hindi mapigil sabihin ni Marvin.
Saka siya kumilos.
Una, tiningnan niya kung mayroong mga libro sa kinatatayuan niya.
Marami siyang nakitang mga kweba noong pababa siya. Puno ang mga kweba at nakaselyo gamit ang Divine Power.
Nakikita ni Marvin sa mga Transparent Barrier na may mga liwanag na patuloy na nakakaapekto sa mga selyo.
Mga libro ito na napakatanda na. Nakahigop ang mga ito ng Divinity at nagkaroon ng kaunting dunong.
Kung mayroon lang siyang oras, gusto sanang kumuha ni Marvin ng mga libro.
Kahit aling libro man ang piliin niya, kahit na hindi kasing bagsik ng Book of Nalu ang mga ito, maituturing na kayamanan pa rin ang mga ito.
Sa kasamaang palad, hindi siya hahayaan ni Librarian Fati na gawin ang nais niya.
Maaari niya lang hanapin nang mabilisan ang kailangan niya.
Base sa paliwanag ng Dragon Soul, ang Book of Forgiveness at ang Wisdom Chapter ay nakabaon sa silangan at kanlurang bahagi ng aklatan.
Pero nawala na ang ulirat ni Marvin sa direksyon sa lugar na ito, kaya pumili na lang ito ng isang direksyon at mabilis na tumakbo patungo doon.
…
Pag-alis niya sa mataas na bundok, dumaan siya sa mabundok na bahagi.
Interesante ang ilang sa mga bundok. Maraming mga lamesa bato na mayroong mga librong nakakalat sa ibabaw nito.
Mukhang magulo ang koleksyon ng mga libro na ito, pero mayroon itong sinusundan na pagkakaayos.
Ang bawat libro ay may anotasyon sa tabi nito na nakasulat sa Draconic, Elven, at Common.
Mabuti na lang at mayroong Common, kaya naman naiintindihan ni Marvin ang mga ito.
Mabilis niyang nilampasan ang mga lamesa pero hindi niya basta-basta hinawakan ang mga libro.
Kapag hinawakan niya ang mga libro, maaalarma si Fati.
Hindi alam ni Marvin na tinraydor siya ng Black Dragon at pabalik na si Librarian Fati.