Dahil nagkaroon na ng kasunduan ang magkabilang panig, ang susunod na kailangan gawin ay pag-usapan nag mga patakaran ng mga dwelo.
Nakatago lang sa isang sulok si Marvin, nanunuod lang habang pinag-uusapan ng mga ito ang mga detalye.
Masyadong mabait ang sundalong ito… pinaniwalaan talaga niya ang mga sinabi ng bandido.
Siguradong hindi isasantabi ni Senma ang kanyang kasakiman kahit na matalo siya.
Siguradong desidido ito sa pagkuha ng mga pagkain at sandata mula sa Sanctuary.
Kung gayon, ano pa ang silbi ng dwelo na ito?
Sumimangot si Marvin habang nag-iisip, 'Gusto niyang subukin ang lakas ng mga sundalo gamit ang mga dwelo.'
'Pwede niya rin biglain ang kabilang grupo habang nasa kalagitnaan ng dwelo.'
At gaya ng inaasahan, nang bumalik na si Senma para kausapin ang iba pang mga bandido, gumagamit sila ng codeword.
Tila mayroong sariling salita ang mga bandido sa pagtukoy ng ilang mga bagay.
Kahit na hindi naiintindihan ni Marvin ang mga codeword na ito, malinaw na hindi maganda ang ibig sabihin ng mga ito.
Masasabing pareho lang ang pinupunterya niya at ng mga bandido.
Pero hindi siya gagamit ng pamamaraan na ginagamit ng mga bandido. Maaari niyang ampunin ang mga ito sa White River Valley, isang bagay na hindi maaaring gawin ng mga bandido.
Lalo pa ang ang Morrigan's Heart ay isang Sanctuary na puno ng mga pagkain at kagamitan para malagpasan ang ano mang sakuna, pero wala naman kasing nakapagsabi na isang araw ay mawawasak ang Universe Magic Pool.
Tila isang imbakan ng kayamanan ang lugar na ito at hindi isang Sanctuary.
Pero kakaunti lang ang taong nakaka-alam ng tungkol dito
Pero hindi magtatagal, aalis rin sila sa lugar na ito. Hindi maganda ang pamumuhay underground, at hindi rin ito makakabuti para sa mga matatanda at mga bata.
Naghintay lang si Marvin, gusto niyang makita kung anong balak gawin ni Senma.
'Mayroon lang dalawang posibilidad kaya nahanap agad ng mga bandidong ito ang Morrigan's Heart.'
'Una, mayroong traydor sa grupong nasa loob ng Morrigan's Heart. Pero sa nakikita ko, mukhang hindi ganoon ang nangyari. Mortal na magkalaban ang mga sundalo at mga bandido, at ganoon din ito para sa sino mang may koneksyon sa military. Kung mayroon man traydor sa kanila, pambihira siguro ang galing sa pag-arte ng taong ito.'
'Ikalawa, ang misteryosong nilalang mula sa laro ay mas maagang kumilos.'
Mas pinaniniwalaan ni Marvin ang ikalawang posibilidad.
Lalo pa at maraming pagbabago na mula sa kasaysayan ang nakita niya dahil sa kanyang pagdating. May mga bagay na mas maaga nang nagaganap, gaya ng Great Calamity.
Maaaring ginustong kumilos nang mas maaga ang misteryosong nilalang para mas maraming bagay ang makuha nito bago pa man bumaba ang mga God.
May hinala na si Marvin kung sino ang sumusuporta sa mga bandidong ito. At ang nilalang na ito ay may kinalaman sa God Realms!
Maaaring tauhan ito ng isang God, Avatar, Apostle, Chosen, Divine Servant, o ano man na minamanipula ng mga ito nang palihim.
Malawak ang Universe, at kahit na tanging ang Time Molt lang ng Shadow Prince ang malayang makakalusot sa barikada ng Universe Magic Pool, maaring mayroon pang ibang bagay na may kaparehong epekto nito.
Mas malaki pa ang tyansang magkatotoo nito dahil dalawang harang na ng Universe Magic Pool ang nasira. Hindi na magugulat si Marvin kung may nilalang mula sa Astral Sea ang makakalusot dito.
Hindi rin siya natatakot.
Sa kasalukuyan, ang pinakamasamang nilalang na maaaring bumaba ay isang Divine Servant, na nasa level ng isang Angel. Bahagyang mas malakas ang mga ito kesa sa mga Legend. Pero para sa isang God Slayer na si Marvin, walang binatbat ang mga ito.
Nakadurog na siya ng isang ordinaryong Angel sa Arborea bilang isang Fierce Asuran Bear.
Ang problema nga lang, hindi pa nagpapakita ang kanilang tunay na kalaban, at ayaw takutin ni Marvin ito kaya naman nanatili lang siyang nanunuod.
Pero bigla niyang nakita ang isang pamilyar na mukha!
'Ha? Siya? Anong ginagawa niya rito?'
Natigilan si Marvin. Masyadong tinuon ni Marvin ang kanyang pansin sa mga bandido, sibilyan, at ang dalawang pinuno at hindi niya gaanong napansin ang mga sundalo.
Umabot pa sa punto na kahit napakalakas ng kanyang Perception, halos hindi na niya napansin ang batang Elf dahil sa uniporme nito!
Nakasuot ito ng armor at isang kakaibang sombrero, pero malinaw na itinatago niya ang kanyang mga tenga. Subalit, napaka-amo pa rin ng mukha nito.
Para sa karamihan, mukha lang itong pangkaraniwang binate.
Pero nakilala ni Marvin ang batang ito.
Nang magpunta siya sa Thousand Leaves Forest para mag-advance sa Night Walker class, napadaan siya sa isang bayan ng mga Elf habang hinahanap ang pahina ng Book of Nalu. Kasabay nito, nagkataon na nasa proseso rin ng advancement si Black Jack para maging isang Outlaw of the Crimson Road, at pinatay nito ang isang buong bayan ng mga Elf.
Dahil sinundan siya ng Elf na ito, siya lang ang nakaligtas sa lahat ng naninirahan sa bayan na iyon.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, dinala ito ni Ollie sa isang Elven City. Binigyan rin siya ni Marvin ng dagger.
Noon pa man, pakiramdam ni Marvin ay maaaring hindi na mamuhay ng payapa ang matalinong batang ito kasama ng ibang mga Elf.
Hindi niya lang inasahan na muli niya itong makikita rito.
Base sa kanyang pananamit at sa pamamaraan ng pakikihalubilo sa iba, mukhang maayos naman ang pakikibagay nito sa Steel City.
Hindi alam ni Marvin kung ano ang nangyari noong mga nakaaang buwan, pero nasurpresa si Marvin sa mga pagbabago sa bata.
Ang dating mahinang bata ay isa na ngayong 3rd rank expert.
Hindi sigurado si Marvin kung anong class ang mayroon ito, pero mukhang malapit ito sa Ranger class. Subalit, may kakaibang naramdaman si Marvin sa awra nito.
Mukhang isa itong specialized class.
Huminga nang malalim si Marvin, at inalala ang ginawa ng Outlaw of the Crimson Road sa mga kapamilya ng Elf na ito.
'Hindi kaya… ang class na 'yon?'
May tanong na biglang lumitaw sa isipan ni Marvin.
Sa mga oras na ito, nagsimula na ang unang dwelo.
Isang matipunong lalaki ang lumabas mula sa grupo ng mga bandido. Habang saglit naman na nag-usap ang mga tao sa Morrigan's Heart bago ipinadala ang Wood Elf.
'Mukhang maganda 'to.'
'Mukhang ang batang ito ang namamahala sa scouting.'
'Sa isang grupo, ang mga elite lang ang namamahala sa scouting. Hindi sapat ang talento niya kaya hindi siya maaaring sumalisa mga Elven Iron Guard… Sa mundong tio, walang lakas na bigla na lang lumalabas mula sa kawalan.'
Tahimik na nakatuon ang atensyon ni Marvin sa batang umalis mula sa kanilang pormasyon.
Dahil sa pagsigaw ng mga tao sa kanya, nagawang malaman ni Marvin ang pangalan nito.
Amo.
Isang ordinaryong pangalan na maaaring palayaw nito. Pero hindi na ito mahalaga.
Pero mukhang naniniwala ang lahat ng tao sa kanya.
Marahil dito niya nahanap ang tahanan na hindi niya pa nakikita mula nang mawasak ang bayan nito.
…
Mabilis na nagsimula ang laban.
Nagpunta ang dalawa sa isang lugar na walang laman.
Ang matipunong lalaki ay may gamit na palakol na may nagliliyab na apoy.
Ang lalaking ito ay isang commong 3rd rank class holder na mayroong Figher-type class. Nakakatakot ang palakol nito. Siguradong isa itong Magic Weapon.
Bawat galaw ay naglalabas ng apoy. Mahirap para sa mga rogue ang kalabanin ang ganitong uri ng sandata.
Dahil hindi masasabi ang galaw ng apoy, mahirap itong iwasan.
At kahit na hindi alam ng apoy ang pagkakaiba mula sa gumagamit nito at sa kalaban, hindi naman ito gaanong inisip ng Fighter.
Hindi siya natatakot saapoy na ito. Bilang isang 3rd rank Fighter, siguradong mayroon siyang [Unmovable Mountain], [Steady Strengt] at iba pang mga specialty para dito. Kaya naman hindi siya nag-aalala tungkol sa magic enchantment ng kanyang sandata.
Hindi pa umaatake ang magkabilang panig, pero tila dehado na agad si Amo.
"Mamatay ka na, bata." Tumawa nang malakas ang matipunong lalaki habang nilalaro ang palakol sa kanyang kamay at tila nang-aasar.
Kalmado naman si Amo at nagsimulang ikutan ang lalaki.
Kakaiba ang bawat hakbang nito. Hindi siya mabilis pero tila mabilis pa rin ito.
Patuloy lang iwinasiwas ng Fighter ang malaking palakol.
Lumipad ang apoy sa lahat ng direksyon.
Masasabing nagbigay ng kauntin lamang ito sa Fighter sa kanilang laban.
Pero may kakaibang kaganapang nangyari.
Ang katawan ni Amo ay tila naging isang ahas, napakalambot nito. Madali niyang naiwasan ang bawat apoy.
Naging malinaw ang reaksyon nito, habang ang malumanay ang kanyang pagkilos, maliksi ang bawat hakbang nito.
'Hindi ganoon kalakas ang natural na kakayahan ng mga Wood Elf…' Nagliwanag ang mga mat ani Marvin.
Ang kakayahan niya sap ag-iwas ay hindi kasing husay ng kay Marvin, pero para sa mga hindi Legend, masasabing napakahusay nito.
Lalo pa at ang kakayahan ni Amo ay nalilimitahan dahil sa maliit na espasyo.
Pero ang magkabilang panig ay tila tabla.
TIla napakabangis ng Fighter, pero hindi pa rin niya tinatamaan si Amo. Habang dahil sa husay ng pag-iwas ni Amo, nagawa nitong umatake nang ilang ulit, kaya naman nasa panganib na ang Fighter.
Kakaiba ang istilo nito sa pag-atake.
Ibang-iba ito sa mga common Assassin, Thief, o Ranger, gumagamit ito ng biglaang pagsaksak.
Sa isang tunay na labanan, madaling masisira ang kanyang rapier, pero kaya nitong magdulot ng matinding pinsala sa loob lang ng ilang segundo!
Ngayon lang ay nakagawa na siya nang dalawnag magkasunod na pagsaksak patungo sa puso ng Fighter, kaya naman napilitan itong umatras.
Makikita ang pagkabigla sa mga mat ani Senma.
Hindi niya napansin ang lakas ni Amo.
Pero bilang isang tunay na expert, nakikita niyang ang magiging resulta ng laban na ito ay hindi tulad ng kanyang inaasahan. Nananalo na si Amo.
Malaki man ang panganib na dulot ng apoy ng palakol, pero kung hindi naman nito tatamaan ang kalaban, wala pa rin itong pagkakataon na manalo.
Ang rapier ni Amo nabigla na lang sumasaksak ay ang mas mapanganib sa ngayon.
Pero kahit na hindi tinatablan ng nakamamatay na pinsala ang Fighter na ito, kapag nasaksak siya ng rapier, makakatamo pa rin ito ng matinding pinsala.
Lumakas naman ang loob ng mga nasa panig ng Morrigan's Heart.
Walang kahirap-hirap na naiwasan ni Amo ang palakol ng Fighter, walang habas namang umatake ang rapier nito at pinupunterya ang leeg ng Fighter!
Kapag nasaksak niya ito, siguradong talon a ang Fighter!
Halos mapigil ang paghinga ng mga nanunuod.
Pero bigla na lang sumigaw ang Fighter!
Isang makapangyarihang Divine Power ang lumabas mula sa dibdib nito. Nagmumula ito sa isang pendant!
Biglang lumabas ang makapangyarihang Divine Power at nakakagulat na sinalag nito ang rapier ni Amo.
"Klang!"
Nabasag ang rapier!
Nagulat at nagalit si Amo, nasira ang kanyang sandata nang ganoon-ganoon lang.
Bumalot ang armor na gawa sa Divine Power sa katawan ng Fighter at tila hindi ito kayang wasakin!
"Mamatay ka na!"
Makikita ang bagsik sa mga mata ng Fighter kasabay ng pagwasiwas nito ng kanyang palakol.
Hirap naman na umiwas si Amo!
"Tama na!"
Sa pagkakataong ito, nanlulumong sinabi ng sundalo, "Tama na. Talo na kami sa dwelong 'to."
Alam niyang handa ang kanilang kalaban.
Malinaw na hindi pangkaraniwan ang Divine Power armor na ito, kahit ang pag-atake ni Amo ay hindi nalagpasan ito.
Kaya naman nagdesisyon na siya.
Pinigilan ni Senma ang Fighter na tila gusto pang tumuloy, habang nakangiti, mahinahon nitong sinabi na, "Tuloy pa?"
"Sunod na laban na." Mahinahong sagot ng pinuno ng mga sundalo.
Sa sunod na segundo, nanginig ang kanyang kanang paa nang magbalak itong lumapit.
"Captain!"
Makikita ang pagkadismaya sa mga mata ni Amo.
Tinapik ng Captain ang balikat ni Amo at sinabing, "Nagawa mo na ang makakaya mo, magpahinga ka na muna."
"Ako naman!"
Pero biglang may isang hindi pamilyar na boses ang umalingawngaw sa tabi ng Captain:
"Nandito pa ako!"