Namutla ang mga taong nasa likuran ng mga sundalo nang marinig nila ito.
Nanlumo sila sa kanilang sitwasyon.
Kitang-kita naman ang laki ng agwat ng kanilang lakas.
Sa tantya ni Marvin na ang grupo ng mga sundalong ito ay ang namamahala sa pagdepensa sa lugar na ito nang tumama ang Great Calamity.
Nang magsimula ang kaguluhan, umakto agad ang Steel City gaya nang inaasahan sa isang siyudad military.
Ang mga nakatataas ay inutusan ang mga sundalo na samahan papasok ng Sanctuary ang mga hindi kayang lumaban.
Pero hindi nila inasahan ang susunod na nangyari.
Sinira ng mga nagwawalang Wizard Monster ang lahat.
Karamihan ng mga sundalo ay namatay sa loob ng siyudad.
Kakaunti lang sa kanila ang nakaligtas magmula nang magsimula ang kaguluhan. Pero nagawa pa rin nilang protektahan ang lugar na ito.
Sapat sana ang pagkain at mga sandata na nasa loob ng Sanctuary para mabuhay sila nang matagal-tagal na panahon. Pero sa hindi malamang dahilan, nahanap ng mga Dream Scorpion ang daan papasok dito.
May napansin mga kakaibang senyales ang mga sundalo noong mga nakaraang araw, at nagpasok nga ng malaking grupo si Senma sa Morrigan's Heart.
Nabigla ang mga dumedepensa dito at sinubukang umasa sa lamang nila laban sa mga kalaban dahil sa kanilang posisyon.
Isang tunay na underground fortress ang Morrigan's Heart, pero kailangan itong pamahalaan ng isang Wizard Craftsman.
Kadalasan, hindi bubuhayin ng Steel City ang ganitong uri ng war refuge nang walang espesyal na senyales.
Mataas ang katayuan ng mga Wizard Craftsman, kaya walang dahilan para manatiling nakatago ang isa sa mga ito sa underground fortress.
Nang tumama ang Great Calamity, walang Wizard na naroon sa Sanctuary.
Kaya naman, kahit na naiwasan nila ang bagsik ng Great Calamity, naharap pa rin sila sa ibang klase ng panganib.
At dahil hindi alam ng mga sundalo kung paano buhayin ang mga defensive rune ng lugar na ito, umaasa lang sila sa mga pisikal na depensa gaya ng mga gate at patibong para labanan ang mga ito.
Kung ipagpapatuloy ng kanilang kalaban ang panghihimasok, hindi maganda ang kalalabasan nito.
Sinuri ni Marvin ang lakas ng magkabilang panig.
Ang mga sundalo ay mayroong bilang ng isang city guard squadron, labing dalawang tao. Bukod sa mga ito, tatlong beses naman ang dami ng mga babae, bata, at matatanda na hindi kayang lumaban sa kanilang grupo.
Habang ang mga bandido naman ay nasa tatlumpu ang bilang. Kahit na ang kagamitang gamit nila ay hindi kasing ganda ng gamit ng mga sundalo, mas marami silang mga tauhang kayang lumaban.
Bukod sa pinuno nilang si Senma, na isang 4th rank expert, ang iba sa mga ito ay nasa 2nd rank lang. Ang iba ay mas malakas, at ang iba ay mas mahina.
Sa kabilang banda, ang lahat ng mga sundalo ay hindi bababa sa 2nd rank.
Dalawa sa mga ito ay mga 3rd rank expert at mukhang mga Vice Captain.
Ang kanilang pinuno ay isang 4th rank powerhouse at mukhang siya ang dahilan kung bakit hindi pa umaatake ang mga bandido.
Marami man silang maaaring makuha sa pakikipaglaban, pero malaki rin ang maaaring mawala sa kanila.
…
'4th rank Fighter.. Mukhang ang lalaking ito ang pinakamalakas sa mga sundalo.'
'Kahit na maraming talentadong tao sa Steel City, ang isang Fighter na nasa ganyang level ay hindi lang naman siguro isang Captain, hindi ba?'
'May pagdududa si Marvin sa katauan ng taong ito. Kaya naman, maingat niyang minanmanan ito panandalian at napansin niyang bahagyang nanginginig ang kanang paa nito.
Bilang isang sundalo na may ganoong rank, sa ganitong sitwasyon, hindi kaba ang ndahilan ng panginginig na iyon.
Isa lang ang dahilan.
May sakit ito.
Makikita ang bagsik sa mga mat ani Senma. Kahit na nag-iingat siya sa lakas ng kalaban bilang isa itong 4th rank expert, napansin niya na ang bagay na ito.
Kaya naman, walang habas itong nakipagnegosasyon.
Pero isang naninindigang sagot pa rin ang natanggap niya: "Asa ka pa!"
Tila hindi nagpapatinag ang pinuno ng mga sundalo, at bigla itong humakbang paharap.
Dahil sa paghakbang niyang ito, nakita ang kanyang kanang paa na may kapansanan.
Pero hindi pa rin nagbago ang reaksyon nito, "Dahil mukhang naghahanap kayo ng gulo, hindi ko sasayangin ang oras ko sayo."
"Kung gusto mo ng laban, maglaban tayo!"
Nang sabihin niya ang mga ito, galit na sumigaw ang mga nasa likuran nito, "Laban!"
"Itaya ang lahat!"
"Mga sundalo kami, hindi kami papatinag sa mga bandido!"
Ang ilan sa mga matatanda ay mahigpit na hinawakan ang kanilang mga tungkod habang hawak ang mga dagger na nakatago sa kanilang mga kamay.
Tahimik na pinunasan ng mga babae ang kanilang mga luha.
Maaaring ang labing dalawang sundalo na ito na lang ang natitirang sundalo sa Steel City. Binabantayan nila ang daan papasok sa Sanctuary.
Wala mang pinto doon, nandingan ang mga sundalo, bumuo sila ng isang city wall para protektahan ang mga sibilyan!
…
Kumunot ang mga kilay ni Senma.
Kahit na ang mga bandido ay mga taong gustong-gustong nakakakita ng dugo, may kaduwagang taglay rin ang mga ito.
Malinaw na walang silang lakas ng loob na mayroon ang mga sundalo.
Kahit ginabayan sila ng isang misteryosong tao para mahanap ang Sanctuary, malinaw na sinabi ng taong ito na kapag personal nang nasakop ni Senma ang lugar na ito, saka lang siya matutulungan nito.
Alam niya ang tungkol sa pambihirang lakas at kaalaman ng taong ito. Isang napakalakas na babae nito na tila kapantay o higit pa sa mga Legend.
Kung makukuha niya ang tulong nito, maaari siyang maging isa sa pinakamalakas sa era na ito.
Kaya naman, kailangan niyang makuha ang Sanctuary na ito!
May nagliwanag sa mga mata ni Senma.
Gumuhit ang isang ngiti sa kanyang mukhang habang sinasabing, "Hindi na kailangan."
"Magsasayang lang tayo ng mga tao."
"Ngayong nahaharap sa isang delubyo ang Human Race, mas mabuting magkaisa tayo."
Biglang namang sumagot ang pinuno ng mga sundalo, "Parang hindi naman iyon ang gusto mong mangyari base sa mga sinabi mo kanina."
Ibinuka ni Senma ang kanyang mga kamay at nag kibitz-balikat. "Paumanhin, nagbibiro lang ako."
"Ganito na lang, baguhin natin ang mga patakaran ng laro."
"Alam kong maraming pagkain at sandata sa loob ng Sanctuary na ito, pero kung hindi tayo makakagawa ng isang kasunduan, mas makakasama kung paglalabanan pa natin 'to."
"Kaya imbis na ganoon, bakit hindi na lang tayo maglista ng mga kondisyon at saka gumawa ng tatlong dwelo. Ang mga kondisyon ng grupong mananalo ng hindi bababa sa dalawa sa tatlong laban ang susundin natin. Ano sa tingin mo?"
Tumawa si Senma habang patuloy na nagsasalita, "Sinisigurado ko sayong hindi ko na isasama ang mga babaeng nasa likod mo sa mga kondisyon ko, haha."
"Kailangan lang namin ang mga pagkain at sandata niyo."
Nagdalawang isip ang pinuno ng mga sundalo.
Nagdududa siya sa biglang pag-atras ni Senma.
Pero kung magmamatigas siya, makakasama lang ito para sa mga taong nais niyang protektahan.
"Dwelo… Tatlong Dwelo…"
Tiningnan niya ang mga bandido at pati na ang kanyang mga tauhan bago kinagat ang kanyang mga labi.
"Sige. Pero gusto ko munang makita ang mga kondisyon mo."
Ngumiti nang malaki si Senma, "Kapag nanalo kami, kukunin naming ang kalahati ng pagkain niyo at dalawang sandata kada tao!"
Sumimangot ang pinuno ng mga sundalo, sa tingin niya ay sobra-sobra ito.
Pero pagkatapos mag-isip nang mabuti, mas malaki ang tyansa ng kanilang grupo na manalo, at kung ipagpapatuloy lang nila ang pakikipagnegosasyon, wala silang mararating.
"Sige!"
"Oras na para sa dwelo!"