Biglaan na lang lumitaw ang anino na ito at kahit gaano pa kalakas ang perception ng sino man, walang nakaramdam ng pagdating nito.
Pero sa loob ng maikling oras, nakuha na nito ang atensyon ng lahat!
Lalo pa at naliliwanagan ng parola ang walang hanggang latag ng yelo, kaya naman kitang-kita ang isang aninong bigla na lang lumitaw na napakabilis ng pagkilos.
"Kuya!"
Naluluhang sinabi ni Wayne kung sino ang aninong iyon!
Noong mga nakaraang araw, napakaraming balita ang kumakalat, kaya namang nakahinga siya nang maluwag nang makita na niya ang kanyang kapatid.
Masaya namang nasurpresa ang mga tao na nasa city wall ng Sword Harbor.
Pamilyar na pamilyar sila kay Marvin at kitang-kita nga nila na nagbalik na si Marvin.
Tala sa tuwing nasa kritikal na sitwasyon ang kanyang teritoryo, darating siya bigla.
At ang paglitaw niyang ito ay nangangahulugan na, hindi magtatagal, matatapos na rin ang krisis na ito.
Ito ang nasa isip ng lahat!
…
'Anong ginagawa niya! Mag-isa siya!'
Tanging si Daniela lang ang nag-aalala. Ibang-iba siya sa mga tao, hindi lang siya basta-basta naniniwala kay Marvin.
Lalo pa at iyon ang Sea Monster na umokupa sa Emeral Sea sa loob ng isang libong taon, ang Logenath!
Pinigil ni Anna ang kanyang paghinga, at pinanuod nang mabito ang anino na tumatakbo sa yelo.
Pinag-alala niya ang mga tao.
Pero sa wakas, nagbalik na siya.
At dahil nagbalik na siya, magiging maayos naman na ang lahat, hindi ba?
Alam niyang hindi gagawa si Marvin ng isang bagay na hindi siya sigurado. At dahil sinugod niya ang Sea Monster, sigurado siyang matatalo niya ito.
...
Hindi na rin mapakali ang White Elephant Chamer of Commerce at ang mga pirata nang mapansin nila si Marvin.
Bukod kay Pirate King Pietrus, hindi nila alam ang tungkol sa pagkamatay ni Monica.
Nagulat lang sila sa biglang paglitaw ni Marvin.
.
Pero nang makita nilang mag-isang umaatake ang tinatawag nilang Hero patungo sa Logenath, napanatag ang mga ito.
"Gusto na ata niyang mamatay! Kahit isang Legend powerhouse ay hindi mangangahas na kalabanin ang Logenath sa dagat." Panunuya ng mga Wizard ng Alliance.
Sumang-ayon naman ang isa, "Syempre! Dahil kung hindi, napasailalim na sana ng Alliance ang karagatan at hindi na nila hinayaang maging malaya ang Pietrus na 'yon nang ganoon katagal.'
Pero nang matapos nito ang sinasabi niya, napagtanto niyang mayroong mali.
Sa kagustuhan ng Alliance, nakipagtulungan sila sa Pirate King na si Pietrus at sa pribadong hukbo ng White Elephant Chamber of Commerce.
Gayunpaman, hindi nila inaasahan ang pagbabalik ni Marvin.
Sumimangot si Pietrus, tinitingnan niya ang anino sa yelo.
'Ito ang tao na kinakatakutan niyo?'
'Mukhang malakas siya… sayang lang at mukhang mahina ang utak niya.'
Ngumisi ang Pirate King at palihim na nagbigay ng utos, kaya naman iniba ng Sea Monster Logenath ang pinupunterya nito.
Kalimutan mo na ang yelo, ibihos mo ang lahat sa pag-atake kay Marvin!
...
…
"Wuwuwuwu!"
Maririnig ang boses ng Sea Monster sa dagat.
Pero biglang tumigil ang aninong tumatakbo sa yelo.
Pumunit ng isang scroll si Marvin para palakasin ang kanyang boses at nagsalita:
"Sa mga barkong nandyan, pakinggan niyo ang Lord na 'to!"
"Pumasok na kayo sa pribadong karagatan ng White River Valley. Parte na ito ng teritoryo ko. Mayroong lang kayong limang minuta para umalis dito."
"Kung hindi, makakatanggap kayo ng matinding parusa."
Nagkagulo ang mga tao dahil sa sinabi ni Marvin.
Maging ang grupo ng Pirate King man o ang mga tao sa White River Valley, bumilis ang tibok ng puso ng mga ito.
Balisang nagkatinginan ang mga tao sa White River Valley. "Kailan pa kumapal ang mukha niya nang ganyan?" Hindi mapigilang sabi ni Fidel.
Naubo naman ang iba. Kahit na hindi sila nagsalita, pareho sila ng iniisip.
Sa matinding panganib ang dala ng hukbo sa kanilang teritoryo, mukhang hindi pa malinaw sa Overlord ang sitwasyon..
Pinagbantaan ba talaga niy ang mga kalaban?
Kahit na mayroon siyang magandang sinabi sa sitwasyon, siguradong hindi ito palalampasin ng kanilang kalaban. Hindi ba lalo lang magagalit ang kalaban dahil sa kanyang sinabi?
…
At tulad ng inaasahan…
Isang magulong pagbulyaw ang umalingawngaw mula sa kalaban.
Kumlipkado ang bumubuo sa pwersa ng Alliance sa karagatan.
Binubuo ito ng mga pribadong barko ng White Elephant Chamber of Commerce, ang mga tauhan ng South Wizard Alliance pati na mga kinuha nilang adventurer, at ang pwersa ng Pirate King.
Lahat sila ay nagtarabaho para sa Dark Phoenix at magkakasamang pinunterya ang White River Valley.
Noong una ay gusto nilang gamitin ang kanilang pwersa para kunin ang White River Valley habang umaabante si Monica mula sa kabilang dako, pero hindi nila inaasahan ang pangyayaring ito.
Una, napigilan sila ng pagtigas ng tubig at kinailangan tagawin ang Logenath, at ngayon ang Overlord na dapat ay "patay" na ay buglang lumitaw.
Sa tuwing nagpapakita sa publiko ang taong ito, lagi siyang gumagawa ng makayanig mundong kaganapan.
Kaya naman, maraming expert ang naalarma at naging maingat nang lumitaw ito.
Pero walang nakaisip na hindi ito mag-iisip at basta na lang manggagalit!
Naging mas kampante naman sila dahil dito.
Ito lang pala ang usap-usapang si Marvin.
Unti-unti namang humupa ang bulyawan, at kalaunan, personal nang nagpakita ang Chamber of Commerce.
Lalo pa at ang ginagamit nilang dahilan sa digmaan na ito ay ang pagnanakaw ni Marvin ng Southie. Kaya mabuting magpakita ang mismong nagmama-ari nito.
…
"Mister Marvin, ikinalulungkot ko, pero mukhang may hindi kayo nauunawaan."
"Binawi na ng Alliance ang titolong ibinigay nila sa iyo. Ang teritoryong ito pati na ang karagatan nito ay pag-aari ng South Wizard Alliance. Inutusan kami ng Alliance na bawiin ang teritoryong ito para sa ngalan ng Alliance."
"Hindi mo na ito pag-aari. Kung malinaw pa ang pag-iisip mo, sumuko ka na at posbileng hindi na maapektuhan ang mga taong malapit sa iyo."
Lalo pang ipinaliwanag ng may-ari, "Pero ikaw, ito na ang mga krimen na ginawa mo: Pagnanakaw ng barko ng Alliance, pagpatay sa isang noble ng Alliance, hindi pag-sunod sa kautusan ng mga nakatataas sa Alliance, pakikipagsabwatan sa mga Devil… Higit pa sa sapat ang mga kasong ito para matanggap ang parusa ng Alliance."
Tumayo lang si Marvin sa yelo at sinabing, "Gusto naman talaga akong kalabanin ng Alliance, bakit kailangan pang mag-imbento ng mga kaso."
"Gayunpaman, binalaan ko na kayo. Kung sino man ang umabante ay mamamatay!"
Nagulat ang lahat ng nasa White River Valley.
Hindi sila makapaniwala sa mga sinabi ni Marvin.
Hindi na lang ito pagsuway sa Alliance, naghahanap na siya ng gulo!
Balak niya ba talagang kalabanin ang South Wizard Alliance?
Makikita ang pagkabahala sa kanilang mga mata.
…
At ang mga tao sa barko ay galit na galit na!
Arogante!
Napaka-arogante!
Isa na siyang baliw!
Sino ba siya sa tingin niya? Kahit mga Legend ay hindi mangangahas na sabihin ang mga bagay na iyon!
Isang lalaking mag-isang nakatayo sa dagat ng yelo habang kaharap ang napakaraming barko ay may lakas ng loob na hamunin sila?
Karamihan sa mga barkong ito ay hindi mapigilang gustuhin na lumabas at bugbugin ang aroganteng bata na ito.
Pero nangunguna ang Sea Monster ng Pirate King kaya hindi sila nangahas na luapit, sa takot na baka aksidente silang masaktan ng Logenath.
Hinihintay ng lahat ang reaksyon ng Pirate King.
Sumilip si Pietrus at ngumiti. 'Nakakamangha, kaya naman pala wala siyang takot at mabilis na umangat. Naging Legend siya, at mukang pambihira ang kanyang Legend class."
'Pero wala pang nananalo sa ganitong hukbo noon pa man. Kahit isang Legend Wizard ay hindi pa nagagawang manalo.'
'Ang isang digmaan ay hindi isang bagay na kayang ipanalo nang mag-isa. Masyado kapang bata.'
Sa sumunod na sandal, ang Sea Monster sa ilalim ng yelo at biglang lumabas at umatungal!
Umalon nang napakalakas nang basagin ng Sea Monster ang yelo. Hindi mabilang ang mga galamay na luambas mula sa mala bola niyang katawan.
Sa likod ng bawat galamay ay napakaraming itim na butas, mayroon itong kulay berdeng likido nanggagaling sa loob nito!
Ang ilang mga itim na butas ay mayroon pang mga butong tinutunaw pa!
Natigilan ang lahat nang makita ito.
Kinilabutan ang lahat ng nanunuog sa nakakatakot na Sea Monster na ito. Hindi dapat nabubuhay sa mundong ito ang ganitong klase ng nilalang! Delubyo ang idudulot nito!
Napigil ang paghinga ng mga tao sa White River Valley.
Tumayo si Marvin sa harap ng malaking Sea Monster at tahimik na ibinuka ang kanyang mga kamay.
Bumulong siya ng isang incantation habang nananatiling kampante.
'Gusto kitang lumabas!'
Kung umatake ang Sea Monster mula sa ilalim ng dagat, malaking problema ito. Pero nagalit si Pietrus sa ipinakitang pagka-arogante ni Marvin, kaya naman ginusto nitong patayin siya ng Logenath. At ang naging resulta ay gaya ng pinlano ni Marvin!
Sa sumunod na sandal, may mga kulay lila na gate na nagbukas sa kalangitan!
Maririnig ang pag-atungal ng Dragon mula dito!
Namutla ang lahat.
Isang Black Dragon!
Umatungal ang Black Dragon na si Izaka at bumulusok pababa. Nahuli nito ang Logenath gamit ang mga kuko nito habang paahon ang ito mula sa tubig, at inaabot si Marvin gamit ang mga galamay nito!
"Aooow!" Hiyaw ng Sea Monster sa sakit!
Pinagaspas nang pinagaspas ng Black Dragon ang mga pakpak nito!
Napakabigat ng Sea Monster, pero ang mga Black Dragon ang pinakamalakas na nilalang sa mundo pagdating sa pisikal na katawan. Sinamantala niya ang pagkabigla ng Sea Monster para bitbitin ito pataas!
Nagulat si Pietrus, pero bago pa man ito magkaroon ng reaksyon, lumipad nang mataas ang Black Dragon at inihagis ang Sea Monster sa kasukalan sa dakong timog ng Sword Harbor!
Nagpagulong-gulong sa lupa ang nakakatakot na Sea Monster. Tila napagod naman ang Black Dragon at lumapag sa isang burol sa tabi para magpahinga habang binabantayan kung may kakaibang kilos ang Sea Monster.
Sa katunayan, hindi niya kayang tapatan ang Logenath sa dagat.
Kung hindi ginamit ni Marvin ang [Eternal Night Banish] sa tamang tyempo para iselyo ang Black Dragon saka ito pinakawalan, hindi magagawan mahuli ni Izaka ang Sea Monster!
Pero ikinagulat pa rin ng marami ang pangyayaring ito!
Mayroong Black Dragon na katulong si Marvin!
Ang Sea King na inaasahan ng Pirate King para walang makapigil sa kanilang pag-abante ay itinapon sa lupa ng Black Dragon. Malinaw hindi na lang lakas sa pakikipaglaban ang usapan dito, kundi buhay at kamatayan!
Kung ang Logenath ang pinakamalakas na nilalang sa karagatan, sa lupa, kahit isang kaawa-awang angel ay mas malakas pa dito!
Sapat na ang Black Dragon para bantayan ito.
Nakatayo pa rin si Marvin sa basag na yelo. Nang lumitaw ang Sea Monster, hindi lang niluwagan ni Marvin ang selyo kay Izaka, pumasok rin siya sa Shadow Plane.
At dahil dito naiwasan niya ang duming nanggagaling sa Sea Monster.
Noong mga oras na iyon bumalik na si Marvin sa normal.
Ang kaninang pagiging mayabang niya ay para lang matanggal ang tagong panganib na dala ng Sea Monster. Gumana ang pagkukunwari niyang hindi nag-iisip.
Gayunpaman, hindi nababahala si Marvin.
Bago ang pag-descent ng mga God, kahit na hindi masasabing walang makakatalo sa kanya, magagawa naman niyang labanan ang sino man. At kung hindi man niya matalo ang kalaban, maaari pa rin siyang tumakas. Kung hindi pa rin gumana ang pagtakas, maaari naman siyang humingi ng tulong sa iba!
Habang iniisip ito, may ngiting gumihit sa kanyang mukha. "Wag na nating sayangin ang oras ng isa't isa."
"Kung gusto niyong atakihin ang Sword Harbor, umatake na kayo. Narito lang ako, at paninindigan ko ang sinabi ko."
"Kung sino man ang umabante, mamamatay. Ginawa ko nang halimbawa ang Sea Monster na 'yon."
Habang nagsasalita siya, dahan-dahan niya nang pinakawalan ang kanyang kapangyarihan.
Sa pagkakataong ito, hindi na siya nagpipigil.
Kumalat ang makapangyarihang awra ng Ruler of the Night, kasama ng awra ng kaluluwa ng Night Monarch. Kinilabutan ang lahat.
Sa isang iglap na iyon, tila ang buwan at mga tala ay dumilim!
Dumilim ang buong karagatan, habang ang parola ay nakatuon kay Marvin. Mukhang walang makakatalo sa kanya habang nasa likuran niya ang Weeping Sky at dalawang dagger sa kanyang baywang.
Sa di kalayuan, ang atungal ng Black Dragon at paghiyaw ng Sea Monster ay maririnig.
Ang isang nilalang na mapang-api na gay ani Izaka ay hindi palalampasin ang pagkakataon na ito na durugin ang makapangyarihang Sea Monster na ito.
Pagkatapos makabawi ng lakas, balak pa niyang patayin ang Sea Monster.
Kinilabutan ang lahat sa paghiyaw ng Sea Monster.
May epekto pa rin ang Dragon Might at maraming tao ang gustong lumikas.
Nagulat at nagalit si Pietrus.
Hindi niya inaasahang may nilalang na kayang tumapat sa Sea Monster sa karagatan!
Paano tinulungan ng Black Dragon ang Marvin na ito?
Hindi sinabi sa kanya ni Dark Phoenix ang tungkol dito.
Nababahala na siya pero wala siyang maisip na plano.
Napapraning na ang Pirate King. Nakatayo lang si Marvin doon, tila mag-isa, pero walang nakaka-alam kung ano pa ang tinatago niya.
Pinapalapit lang ba siya nito? Gaya ng ginawa niya sa Sea Monster?
Nagdadalawang isip siya.
.
Umatungal ang anim na Sea Dragon, tila hindi mapakali ang mga ito dahil sa Dragon Might ng Black Dragon.
Habang nagdadalawang isip ang Pirate King, kinakalkula na rin ng mga Wizard ang tyansa nilang magtagumpay at matalo.
Ang orihinal na plano na samantalahin ang high Tide para umatake ay hindi na nila magagawa, at ngayon naman, kahi ang Sea Monster ng Pirate King ay natalo na. Kahit umatake ang buong Wizard Regiment, hindi nila alam kung anong gagamitin ni Marvin laban sa kanila.
Labis silang natakot sa Legend awra na pinakawalan ni Marvin.
Ang pinakakinakatakutan ng mga Wizard ang mga Legend rogue.
Dahil asa dakong kanluran si Monica, ang pinakamalakas na sa kanila ay mga 4th rank Half-Legend.
Ang pagpatay ng mga Half-Legend Wizard ay para lang pagpatay ng manok para sa isang Ruler of the Night. Kaya hindi sila nangahas na umatake basta-basta.
Tanging ang White Elephant Chamber of Commerce ang hindi natakot sa Legend awra ni Marvin.
Mahinahong pinanuod ng matandang lalaki si Marvin habang bumubulong siya sa babaeng mayroong mabangis na awra at nakasuot ng maikling damit. "Patayin mo siya."
Dinilaan ng babae ang kanyang mapulang labi at tumango.
Makikita ang kagustuhan nitong pumatay sa kanyang mga mata!
"Woosh!"
Habang may respetong nanunuod ang iba, nawala siya mula sa deck.
…
Sa bitak-bitak na yelo, malinaw na napansin ni Marvin ang nangyayari sa barko.
Ito ang kagandahan ng pagiging isang Night Walker.
'Legend Killer Amazon?'
Tumingin nang mabuti si Marvin. 'Interesante 'to.'