Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 391 - Blessing in Disguise

Chapter 391 - Blessing in Disguise

Sa kritikal na sitwasyon na ito, ano bang dapat gawin ni Marvin sa napakaraming enerhiya?

Kahit na agad na lumapit si Ivan at sinubukang gamitin ang Truth Tablet para ikalat ang enerhiya, nagsimula na itong dumaloy kay Marvin dahil kay Orica. 

Simple lang ang nais niyang mangyari. Gusto niyang isama si Marvin sa hukay sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang enerhiya para pasabugin siya!

Matinding sakit ang nararamdaman ni Marvin pero nagawa pa rin niyang magdesisyon nang mabilis noong lumitaw ang log sa kanyang harapan.

Sa sumunod na segundo, may nakamamanghang nangyari.

[Essence Pool opened completely, Essence Absorption System activated omnidirectionally...]

[Essence Energy Absorption… Maximum Efficiency]

Agad naman na nagulat si Marvin sa pagbabago.

Wala na siyang nararamdamang sakit.

Ang general exp sa kanyang interface ay biglang tumaas nang tumaas!

Alalang-alala si Ivan at natatarantang tinanong, "Ayos ka lang ba? Kunin mo ang Truth Tablet, bilis!"

Para mailigtas si Marvin, hindi siya nag-atubili na ipahiram dito ang pinakamahalagang kayamanan ng Wood Elven Royal Family.

Pero sumagot si Marvin, "Ayos lang ako."

"Itabi mo na ang Truth Tablet."

Medyo kakaiba ang boses nito habang nagsasalit, "Mukhang…Nakakuha ako ng hinid inaasahang biyaya…"

Sa tahimik na lambak, napakalaking halaga ng enerhiya ng kaluluwa ang tila umiikot kay Marvin, malakas ang pag-agos nito sa kanyang katawan.

Itinago n ani ivan ang Truth Tablet at natutulirong pinanuod ang eksena.

Kung ibang tao ito, kahit siya mismo… kung wala ang Truth Tablet, marahil sumabog na siya dahil sa lakas ng enerhiya.

Pero ang misteryosong tao na ito ay saglit lang na nakaramdam ng sakit at ngayon mukhang pasaya ito nang pasaya habang tumatagal.

Naguguluhan na ba ang isipan niya dahil sa enerhiya ng mga kaluluwa?

Bahagyang nag-aalala si Ivan.

Pero tila wala talagang problema kay Marvin, mas nakadagdag pa sa pagkalito ni Ivan ang palakas na palakas na awrang nagmumula sa katawan ni Marvin.

Mukhang…. Pinapalakas siya ng enerhiyang nanggagaling sa mga kaluluwa.

Kahit si Marvin ay nagulat sa biglang pagbabago ng sitwasyon na ito.

Sayang lang at si Orica mismo ay nawala na, kung hindi, baka nagkaroon ng pagkakataon si Marvin na makitang mas miserable ito habang namamatay.

Siguradong-sigurado ito na mamamatay si Marvin, pero sa huli nabuhay pa rin ito at marami pang nakuha mula dito.

Hindi alam ni Marvin kung ano ang kanyang sasabihin.

Pero may kutob si Marvin sa kung ano ang tunay na nangyari.

Ginamit ni Orica ang kakayahan ng Magic Medicine para linisin ang mga enerhiya ng kaluluwa at gamitin ang kapangyarihan nito.

Ang enerhiyang ito ay isang uri ng Essence.

Ang ibang tao na walang sistema ng gaya kay Marvin ay hindi magagawang makuha ang mga Essence na ito.

Pero iba si Marvin, dahil mayroon siyang sistema pati na ang Essence Storage Pool.

Ang Essence Storage Pool ay parang isang walang hanggang balon, nagagawa nitong makakuha ng walang hanggang halaga ng Essence.

Ang Essence na ito ay mgiging general exp.

Wala pang sampung minuto, ang enerhiyang pumapalibot kay Marvin ay nawala na nang tuluyan.

Nakalabas si Marvin nang walang galos.

Tiningnan niya ang general exp sa kanyang interface at hindi mapigilang mapalunok.

Lumapit si Ivan at nag-aalalang tinanong, "Kamusta ka?"

Ngumiti nang malaki si Marvin, "Ayos na ayos."

Higit sa 500 000 general exp!

Ito ang pinakamalaking exp na nakuha niya magmula nang magtransmigrate siya!

Isa itong matinding pagkakataon. Noong una ay gusto niyang makahanap ng isang lugar kung saan siya mabilis na makakakuha ng malaking exp gaya ng Theater sa Saruha.

Pero hindi niya inakala na kahit wala siyang gagawin, si Orica na Magic Medicine King, ay bibigyan siya ng malaking regalo bago siya mamatay.

Ito ang huling pagpapalakas na kailangan niya bago maging Ruler of the Night.

Mayroon na siyang sapat na exp para pataasin ang level ng kanyang Night Walker class!

Si Marvin na kahit papaano ay isa nang Legend, ay maaari nang mag-advance sa Ruler of the Night!

Pero nasa loob pa rin sila ng Secret Garden. Kailangan niya ng mapayapang lugar para mag-advance dahil ang advancement nito ay isang makaluma at misteryosong ritwal.

Hindi maaaring magambala ang ritwal, kung hindi, maaaring malagay sa panganib ang kanyang buhay.

Hindi na ipinagsapalaran ito ni Marvin. Kaya naman, inilagay niya ang mga experience niya sa Ranger at Night Walker sa ngayon.

Sa ganitong paraan, parehong class ay umaabot na sa level 10!

Bibihira na umabot ang Base lass at Advanced Class ng level 10 bago maging isang Legend. Karamihan ng mga tao ay gagamitin ang kanilang subclass para maaabot ang sapat ng level para mag-advance sa Legend.

Sobra-sobra pa ang exp ni Marvin para maabot ito!

Dahil umabot na sa threshold ang parehong class, malaki ang itinaas ng kanyang HP, lumagpas na ito sa dalawang libo!

2809 HP!

Kumpara sa mga Fighter na pareho ang rank, masasabing mabagsik na ito. At syempre, malaki ang kinalaman ditto ng mga bonus mula sa mga subclass ni Marvin.

Bukod dito, hindi na rin niya muna ginalaw ang mga skill point ng dalawang class. Saka na niya pagdedesisyonan kung saan niya ilalagay ang mga ito.

Ano man ang manyari, malapit na siyang makapag-advance sa Ruler of the Night kaya maaaring saka na niya gamitin ang mga ito.

Sapat naman na ang lakas niya sa ngayon.

Ang mas ikinasabik niya ay mayroong siyang nakuhang tatlong Ranger specialty nang maabot niya ang level cap!

Oo, ang mga Base Class ay mayroong lang 10 level, pero hindi ibig sabihin nito na walang paraan para malampasan ang limitasyon na ito.

Ang pinakamagandang halimbawang alam ni Marvin tungkol dito, ay ang Great Elven King Nicholas, na isang level 21 Ranger.

Isa itong bagay na wala pang nakakaabot magmula pa noon, pero nagawa niya itong gawin. Kaya naman, isa siya sa mga pinakamakapangyarihang nilalang sa Feinan.

Sa tuwing tumataas ang isang class, ang mga specialty na ibinibigay ng plane ay base sa potensyal at progreso ng path ng class holder.

Nasabik si Marvin sa tatlong specialty na ito:

[Dual Wielding Ruler]: Sa tuwing aatake gamit ang dalawang patalim, mayroong tyansang pansamantalang tumaas ang iyong Curved Dagger Mastery pati na ang iyong Blade Technique nang isang level.

[Melee Ranger]: Isinuko mo na ang mga malayuang pag-atake, ibig sabihin, mainitin ang ulo mo. Permanenteng tumataas ng 1 puntos ang Constitution at Strength.

[Class Privileges]: Tuwing ginagamit mo ang class skill, malaki ang itataas ng epekto nito.

Kapaki-pakinabang ang tatlong specialty na iyon.

Ang Dual Wielding Ruler, Two-Weapon Fighting, at Reckless Dual Wielder ay bahagi ng isang set, at lahat ay may passive effect sa laban.

Sa kasalukuyan, ang Curved Dagger Mastery at Blade Technique ni Marvin ay nasa Greatmaster level. Kung panandalian itong mapapataas ng unang specialty, aabot na ito sa peak level na Grandmaster!

Kapag nangyari iyon, ang kanyang malapitang burst power ay malalampasan ang sa ibang tao.

Mas nakakatuwa naman ang ikalawang specialty.

Alam ng lahat kung gaano kahirap makakuha ng attribute point.

Kahit na naglevel-up si Marvin, dahil hindi pa siya isang Legend, isa pa rin siyang level 20 Half-Legend, kaya naman wala na siyang makukuhang attribute point sa pagpapataas ng level.

Pero ang specialty na ito ay binigyan siya ng dalawang attribute point!

Kaya naman, ang kanyang Strength ay umabot na sa 19, isang puntos na lang mula sa unang major threshold, habang nasa 17 ang kanyang Constitution.

At ang huling specialty naman, malinaw sa paglalarawan nito na mapapataas ang mga passiv effect ng kanyang Ranger Skill. Kahit na hindi sinabi kung gaano kalaki ang itataas nito, siguradong hindi ito maliit lang.

...

Sa kabaliktaran naman, ang Night Walker ay walang bonus specialty reward sap ag-abot sa level 10.

Ang Night Walker ay isang Advanced Class, kaya ang pinakamataas na level nito ay 10. Makakakuha lang siya ng specialty sa level 11.

Pero sa ngayon, mayroon na siyang kabuoang, 80 Night Walker skill point. Kung tama ang paggamit niya ditto, makakakuha siya ng malaking pagtaas sa kanyang lakas sa pakikipaglaban.

Halimbawa, ang skill na kakalitaw lang, ang [Night Assault].

Ang effect ng skill na ito ay makakagawa ng anim na Doppleganger para sabay-sabay na atakihin ang kalaban. Ang lakas ng bawat Doppleganger ay kapantay sa lakas ng pangunahing katawan, at tatagal ito ng tatlumpung segundo.

Malakas ang skill na ito.

Kung hindi lang balak ni Marvin na gawin ang desisyon na ito pagkatapos mag-advance sa Ruler of the Night, siguradong agad niyang pipiliin ang skill na ito.

Pagkatapos iyang gamitin ang kanyang exp, naramdaman ni Marvin na puno ng kapangyarihan ang kanyang katawan.

Maaari na siyang magadvance sa Ruler of the Night ano mang oras.

Ang Shadow Diamon ay hawak na niya, pati na ang Advancement Manual, nakuha na niya ang lahat ng kinakailangan. NAkahanda na ang lahat.

Ang problema na lang ay nasa loob pa sila ng Secret Garden.

Kailangan muna nilang makaalis at magpunta sa mas ligtas na lugar.

Sa pagkawala ni Orica, ang Garden of Eden ay nawala na rin kaya wala nang halaga masyado ang Secret Garden.

Saglit na nag-isip ang dalawa saka sila naghandang umalis.

Hindi na mahirap makalabas ng Secret Garden ngayon. Patay na si Orica at maraming array na pwedeng magamit sa Secret Garden.

Kahit na si Ivan ay isang War Saint, mayroong pa rin siyang kaalaman ng isang Elf.

Makakahanap ito ng array na makakapagpalabas sa kanila sa lugar na ito.

Mayroon rin siyang malayuang Teleportation Scroll, kaya pagkatapos nilang makalabas ng Secret Garden maaari silang makaalis agad sa Dead Area at bumalik sa Thousand Leaves Forest kung gugustuhin nila.

Sayang lang at hindi nila nagawang makakuha ng Underworld River Water.

Bahagyang nakonsenya naman si Marvin dahil dito.

Lalo pa at malaki ang nakuha niya sa pagpunta niya sa Secret Garden, nakakuha siya ng hindi inaasahang malaking halaga ng exp.

Pero ang Great Elven King, na matinding tulong ang kailangan, ay nagdudusa pa rin. At dahil ito sa pag-atake sa Decaying Plateau na si Marvin ang nagplano.

Pero wala siyang magagawa tungkol dito sa ngayon. Walang Underworld River Water sa Secret Garden kaya saan siya makakakuha nito?

Umalis na ang dalawa mula sa lambak at naglakad patungo sa Desolate Tower Ruins.

Nang malagpasan nila ang gate ng Mills Garden, nakita nila na nalanta na ang Nine-Headed Vine.

Hindi naman ito nakakagulat dahil nanggaling ito mula sa katawan ng Magic Medicine King.

Ang apat na Legend naman, ang kanilang bangkay ay nakahimlay sa lupa.

Pinatay nila ang isa't isa at ang kaluluwa nila ay nilamon na ni Orica.

Ang mga Legend na ito, dahil sa pagpipigil ng Secret Garden sa kanialng lakas, ay hindi nila nagawang labanan ang mga ilusyon.

Naisip ni Marvin na maswerte siya.

Kung wala kay Ivan ang Truth Tablet, at pinili ng dalawa na magpatuloy, marahil ay namatay na rin sila.

Tahimik na nagkatinginan ang dalawa at nagpatuloy sa kanilang paglalakad.

Ang mga taong namatay dahil sa ilusyon ay sa kanilang sarili sila natalo.

Kasakiman at mga kagustuhan… sa madaling salita, namatay sila dahil sa masamang intension na nasa kanilang mga puso.

Walang dahilan para kaawaan sila.

Pero noong dumadaan sila sa Astral Beast's Remains, isang nakakatakot na pwersa ang lumabas mula dito!

Napigil ang paghinga nina Ivan at Marvin!