Wala na silang magagawa. Napakabihira na pumasok ang mga mortal na may laman at dugo pa ang kanilang mga katawan.
Kahit na sa hangganan lang ito ng Hell.
'Patay tayo…'
Huminga nang malalim si Marvin.
Kahit na hindi sila mamamatay sa sitwasyon na ito, masama pa rin ito.
Hindi sila makakatakas bukod na lang kung pipirma sila ng isang kontrata sa isang makpangyarihang Devil Overlord.
Pero may kapalit ang mga kontratang ito, at kadalasan, ito ay kaluluwa nila!
Hindi maipinta ang mukha ni Ivan.
Imortal ang royal bloodline ng mga Elf. Kapag namatay sila, ang kaluluwa nila ay mapupunta sa Eternal Spring sa Secret Border ay muli silang ipapanganak paglipas ng maraming taon.
Pero kung ang kaluluwa niya ay mapunta sa kamay ng Devil, hindi ito mangyayari.
"Pucha… Kasalanan ko 'to," nayayamot na sabi ni Marvin.
Alam niya na ang lihim na daan na ito ay nasa hangganan ng Secret Garden at ng Hell, pero hindi niya inasahan na mamalasin sila at direkata silang mapapadpad sa hangganan ng Hell. Akala niya na ang pinakamasamang maari nilang pagdaanan ay kapag nakasalubong sila ng mga nilalang ng Hell kagaya sa laro.
Pero masyadong mapanganib na ito.
Ngumiti si Ivan. "Hindi kita masisisi."
At pagkatapos, naging mabigat ang kanyang naging reaksyon. "Lahat ng mga yan ay mga mid-rank Devil o mas mababa. Walang high-rank Devil o Devil Overlord, kaya baka manalo pa rin tayo."
Tumango si Marvin.
Sa ilalim ng burol, maririnig ang boses ng mga kaluluwa. Nasa kanila pa rin ang alaala ng kanilang buhay at hindi nila alam kung ano ang nangyayari.
Ang iba ay nagmumura at hinagupit ang mga ito ng Erinyes dahil dito.
Nakipagkasundo ang mga ito sa mga Devil noong nabubuhay pa sila, pero kadalasan, hindi nila alam na nagiging masama na sila.
Baka nadaya sila sa kanilang kasunduan, o baka sinulsulan sila ng isang Harvester Devil.
Ito ay maliliit na bagay na kalaunan ay nalilimutan nila.
Pero ang mga Imp at Harvester Devil ay hindi makakalimot. Sa oras na may kontrata na, kailangan itala ang pagkakautang na ito sa kanilang mga katawan.
Pagkamatay nila, ang mga kaluluwang ito ay hindi papasok sa Negative Energy Plane, at dahil hindi sila naniwala sa mga God, hindi rin sila makakapasok sa God Realm.
Ang naghihintay sa kanila ay ang marubdob na hipokritong yakap ng Devil ng Nine Hells.
…
Noong sisimulan nang lumaban nina Marvin at Ivan, isang masamang mukha ang lumitaw sa kalangitan.
Ulo ng isang Great Devil na mayroong tatlong mata!
Nanlamig si Marvin!
Isang Archdevil!
Pamilyar na pamilyar siya sa ulo na iyon.
Sa lihim na silid ng White River Valley, ang nakatagong mapa ng kayamanan na hawak ni Toshiroya, at ang Ancestor's Mystery….
'hindi niya inakalang ang bahaging ito ng Hell ay kontrolado niya.'
'Tunay nga na sa lakas ng Archdevil, kahit na mapugot ang uli nito, kalaunan ay tutubuan lang ito muli.'
'Wala nang pag-asa 'to.'
Masama ang loob ni Marvin.
Maging Hell man ito, Abyss, o ang Negative Energy Plane, walang lugar na hindi kayang guluhin ng isang katulad niya.
Hindi kasama dito si Diggles dahil ang plane niya ay konektado sa World Tree dahil sa kanyang kasakiman, kaya naman nagamit ni Marvin ang kahinaan na ito.
Kahit na mukha lang ito, ang kakayahan ng Archdevil na ito sa kanyang harapan ay pambihira.
Ang kasamaan nito ay maitatatak sa isipan ng isang tao.
Maninigas ang paa ng mga tao nang hindi man lang nakakalaban ang mga ito.
At tumigil din ang iba pang mga nilalang. Ang Hell ay isang lugar na mayroong mahigpit na antas ng lipunan at walang sino man ang mangangahas na labagin ang kagustuhan ng Archdevil.
Kinausap ng ulong may tatlong mata ang dalawa at sinabing, "Mga ignoranteng mortal, ang lakas ng loob niyong pasukin ang Nine Hells."
"Masyadong mahina ang mga katawan niyo. Madali kayong madudurog ng mga nilalang sa mundong ito."
"Pero malakas ang mga kaluluwa niyo."
"Gusto kong makipagkasundo sa inyo."
Nang marinig ito, lahat ng Devil ay nagulat at nadismaya.
Bibihirang lumitaw ang isang Archdevil at personal na kumuha ng kaluluwa ng isang mortal. Mataas ang katayuan nila at hindi sila tulad ng mga mid-rank at low-rank devil para manguha ng kaluluwa.
Ang ginawa ng Archdevil na may tatlong mata ay bibihirang mangyari sa Nine Hells.
Hindi naman ito bawal, sadyang nakakapagtaka lang.
Marahil dahil pambihira ang kaluluwa ng mga mortal na ito at kahit ang Archdevil ay interesado na siya na mismo ang kumilos.
Gayunpaman, nasa kamay na ng Archdevil ang mga mortal na ito, kaya wala nang magagawa ang ibang mga Devil kundi umatras.
Kalaunan, ang dalawa na lang ang naiwan sa Desolate Wilderness.
Ang mga Babarazu ay itinuon ang kanilang atensyon sa pagsagwan sa kanilang mga bangka, hinahatid ang mga kaluluwa sa gilid. Ang mga Amnizu naman ang nagdedesisyon kung saan mapupunta ang mga kaluluwang ito. Ang pag-alam nila kung sinong Overlord ang nagmamay-ari sa isang kaluluwa ay isang kumplikadong proseso.
Ang mga Imp at Harvesting Devil na nanukso sa kanila para mahulog sila sa kasamaan ay mag-iiwan ng marka sa kanilang marka para makita kung kaninong paksyon mapupunta ang kanilang kaluluwa.
Ang mga kaluluwang ito at napapasigawa sa sakit at pagdurusa.
…
Ang ulo ng Archdevil ay dahan-dahang bumaba. Sa isang iglap, isang spatial distortion ang bumalot sa kanila.
Ang barikada sa kapaligiran ay nagbago, imposibleng makita ng mga nasa labas ang nasa loob, at hindi rin makikita ng nasa loob ang nasa labas.
Naging maingat ang dalawa.
Pero hindi inakala ni Marvin na isang pamilyar na boses ang lalabas sa bibig ng Archdevil.
"Hindi ko inasahang makikita kita dito ng ganito kaaga, lil Marvin."
Nagulat si Marvin.
Ang Archdevil na mayroong tatlong mata ay biglang naging isang maamong binata.
"Ikaw…"
Walang ibang nasabi si Marvin dahil sa gulat.
Paglipas ng ilang sandali, umirap ang mga mata nito. "Lolo ang dapat na tawag sa akin."
Nanatiling tahimik si Marvin.
Sadyang kakaiba ito.
Ang binatang ito ay mukhang mas bata pa sa kanya kaya naman nalimutan niya itong tawaging lolo!
Mas naguguluhan naman si Ivan.
Kelan pa naging malapit sa isang Archdevil si Marvin?
"Isa kang Devil?" Tulirong tiningnan ni Ivan si Marvin. "Numan bloodline lang ang naramdaman ko sa katawan mo, kaya bakit niya gustong tawagin mo siyang….Lolo?
Umiling si Marvin. Hindi ito isang bahay na kaya niyang maipaliwanag agad.
Noong nakaraan, sa Secret Garden sinabi ng kanyang lolo sa kanya na makakatakas siya kaagad mula sa patibong at puntahan niya ito para sabihin sa kanya ang balita tungkol sa Astral Sea.
Pero hindi niya inasahang makikita niya ito kaagad.
Sa isang kakaibang paraan.
Isang dual class Sorcerer at Wizard na nag-shapeshift sa isang Archdevil.
"Nakakalito ba?"
Tumawa ang bunata. "Ipinagmamalaki ng mga Devil ang kanilang katalinuha, pero lahat sila ay mga tanga na hindi marunong makibagay sa kanilang sitwasyon."
"Ang lugar ng Archdevil na ito ay pinapanatili kong selyado. Oo nga pala, nasa sa iyo pa rin ba ang ulo? Mag-ingat ka sa pag-atake noon."
"Gayunpaman, ang pwersa ng layer ng Hell na ito ay sa akin. Sinabi ko na isa akong bagong Archdevil at pinalayas ko ang nauna."
Balisang nagkatinginan sina Ivan at Marvin.
Ang kanyang lolo na matagal nang nawala ay sinelyohan ang isang Archdevil at pinalitan ito sa pagiging Lord of Hell!
"Hindi ako pwedeng mawala nang matagal, sakit sa ulo ang Devil na iyon. Kailangan kong ipagpatuloy ang pagpigil sa kanya."
"Paano nga pala kayo nakapasok sa Nine Hells? Mabuti na lang at sa lugar na pinamamahalaan ko kayo napunta, kundi baka napahamak na kayo."
"Dadalhin ko kayo sa pinanggalingan niyo."
"Hintayin mo lang na tuluyan ko nang ma-kontrol ang pwersa ng lugar na ito ng Hell at baka bumalik ako sa Feinan na iba ang itsura."
"Hahaha, hindi na ako makapaghintay. Nabalitaan ko na pinapalawak mo ang White River Valley? Gusto ko nang bumalik at makita…"
"…. Pucha, hindi na mapakali ang Devil na iyon."
Sabi nito sa kanyang saril, nakasimangot. Tila may nangyaring masama.
Tinigil na nito ang pakikipag-usap kina Marvin at Ivan at iwinagayway ang kanyang kamay. Nahilo ang dalawa.
Nakabalik na sila sa madilim na lagusan.
Isang nakakahilong amoy ang nakabalot sa hangin.
Para bang panaginip lang ang lahat.
Umiling si Ivan habang tinitingnan ang dugo sa kanyang espada, makikita ang pagkalito sa mukha nito. "May lolo ka na malapit nang maging isang Lord of Hell?"
Tulirong nagkamot ng ulo si Marvin. "Mukhang ganoon na nga."
Bigla niyang nahawakan ang ilang bagay na nasa kamay niya.
Isang boses ng binata ang narinig niya sa kanyang tenga. "Baka magamit mo ang mga bagay na 'to."
Hindi alam ng dalawa kung kailang sumulpot ang mga bagay na iyon. Malinaw na isa itong regalo ng kanyang lolo sa batang henerasyon.
Sa kanyang kaliwang kamay ay isang kontratang tinatawag na [Hell Corps Contract].
Basta pirmahan niya ito, magagawa niyang sapilitang buksan ang gate papunta sa Hell mula sa Feinan at mag-summon ng malakas na hukbo ng mga Devil.
Susundin ng mga Devil na ito ang lahat ng utos ni Marvin.
Kahit na limitadong oras lang bubukas ang gate, at ang mga Devil ay ibabalik sa Hell ng planar law kapag nawala ang gate na ito, makapangyarihang item pa rin ito.
Ang isang hukbo ng mga Devil ay kayang-kayang dumurog ng isang makapangyarhang siyudad!
Ang nasa kanang kamay naman ni Marvin ay isang dilaw na potion.
Mukhang mayroon itong magandang effect, pero pakiramdam ni Marvin ay may kinalaman ito sa kanyang bloodline.
Marahil kapareho nito ang Golden Blood, isang potion na kayang lampasan ang limitasyon ng kanyang bloodline.
Isa nang Level 6 Shapeshift Sorcerer si Marvin ngayon. Pero maaari niya lang pataasin hanggang level 10 ang class na ito, Kung gusto niya pa itong humigit ditto, kailangan niyang maghanap ng paraan para lalong magising ang kanyang bloodline. Maraming tao ang hindi nagagawa ito sa buong buhay nila.
Ito ang kawalan ng kakayahan ng mga Sorcerer.
Sa oras na iyon, ang mga item na makakabuhay sa kanyang bloodline ay magiging mahalaga.
Marahil ang potion na ito ay may kaparehong effect, kaya naman kapaki-pakinabang ito.
…
"Naramdaman kong tao talaga siya…"
"Pero pakiramdam ko may itinatago siya. Kahit na siya nga ang lolo mo, kung magiging isa siyang Lord of Hell, baka maging kalaban natin siya sa hinaharap," paalala ni Ivan kay Marvin matapos mag-isip sandali.
Tumango si Marvin. Hindi niya rin malaman ang iniisip ng kanyang lolo.
"Makakabuti sana kung nandito pa ang tatay ko." Bumuntong hininga siya. Wala talaga siyang alaala tungkol sa kanyang lolo!
Paano kung peke ito? Lalo pa at mahusay manlinlang ang mga Archdevil.
Isinantabi na muna niya ito at nagpatuloy na ang dalawa sa dulo ng madilim na lagusan.
Kalaunan, nakakita na sila ng liwanag sa kanilang harapan.