Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 386 - Blade Technique Style Greatmaster

Chapter 386 - Blade Technique Style Greatmaster

Ang mga Chain Dvevil ay mga mid-rank Devil na balit ng mga kadena pero mukha pa ring mga tao ito.

Mayroon silang maputlang balat na maraming peklat, ang iba ay bago lang at ang iba ay bago. Sila ay mga eksperto sa pagpapahirap pero pinapahirapan din nila ang isa't isa.

Ang grupo na ito ay tila kakabalik lang mula sa Shadow Wilderness at gutom na gutom sila matapos nilang magbayad ng soul tax sa nakatataas sa kanila.

Ang dalawang kaluluwa sa harap nila ay siguradong mapupunan ang pangangailangan nila.

Nakatitig ang mga ito lalo na sa katawan ni Marvin.

Malawak ang kamalayan ng mga Devil sa mga kaluluwa. Kahit na bahagyang mas malakas si Ivan, mas malakas ang kaluluwa ni Marvin.

Marahil dahil nagsanib ang kaluluwa niya pati na ang dating may-ari ng katawan na ito pagkatapos niyang mag-transmigrate.

Kahit ano pa ang dahilan nito, masamang balita ang pagdating ng grupo ng mga Chain Devil na ito.

Nagkaroong ng kaguluhan sa malayong pampang ng River Styx.

Ang paglitaw nina Ivan at Marvin ay hindi lang naakit ang grupo ng mga Chain Devil, napukaw din ang atensyon ng maraming Barbazu.

Dalawang mortal!

Kusa silang pumasok sa Nine Hells, bibihara itong mangyari.

Wala pang nagmamay-ari sa mga kaluluwang ito. Kung iaalay nila ang kaluluwa ng mga mortal na ito sa mga nakatataas sa kanila, siguradong makakakuha sila ng pabuya, at maaari pang tumaas ang ranggo nila. Sa napakastriktong mundo ng mga Devil, ang pag-aalok suhol at pag-aalay lang ang paraan para umangat.

Sumimangot si Ivan. Ayaw niya sanang makapasok sa Nine Hells nang hindi sinasadya.

"Dahil nasa hangganan tayo ng Hell, hindi matatag ang spatial crack, kaya kung magpapatuloy tayo siguradong makakabalik tayo sa Secret Garden." Mungkahi ni Ivan.

Tumango naman si Marvin at huminga nang malalim.

Nagtinginan ang dalawa at hindi na kinailangan pang magsalita pa, agad na silang kumilos!

Mga mortal sila na nakapasok sa Nine Hells, ano pa bang sasabihin nila?

Wala silang magagawa kundi lumaban palabas dito!

Mayroong pitong Chain Devil ang grupo ng mga Devil na ito, ang bawat isa sa kanila ay matangkad at balot ng kadena. Tila wala silang kahinaan.

Sa katunayan, totoo ito. Walang mahahalagang bahagi ng katawan ang mga Chain Devil na maaari nilag punteryahin.

Ang mas malala pa rito, ang mga ordinaryong Chain Devil ay kayang manipulahin ang apat na kadena sa kanilang mga katawan para umatake, at hindi epektibo ang mga curved dagger sa mga kadenang ito.

Pero dahil umabot na sa ganito, wala nang silbi ang pag-aalala.

Ang Chain Devil ang kauna-unahang mahirap na kalaban na nakaharap niya magmula nang matutunan niya ang Desperation Style. Mabuti na lang at ang Nine Hells ay hindi Secret Garden kaya maaari niyang magamit ang kanyang mga skill dito.

Shadow Step!

Sa isang iglap, lumitaw si Marvin sa likod ng isang Chain Devil at umatake siya gamit ang kanyang mga dagger!

Wala naman naging reaksyon ang Chain Devil, pero ang kadenang bakal sa kanyang likod ay umangat para protektahan ito.

Sa kabila nito, nilakasan pa rin ni Marvin ang kanyang pag-atake!

"Klang!"

Lumipad ang mga kisap sa hangin.

Armor Break!

Shatter!

Sabay niyang ginamit ang dalawang property at ang mabigat na kadena ay nahati sa dalawa ni Marvin!

Sa isang iglap, natanggal ang malaking kadena sa likod ng Chain Devil at kita na ang balat nito.

"Aahh!""

Agad naman na umatake muli si Marvin at walang habas na hiniwa ito gamit ang kanyang ikalawang dagger!

Malakas ang kanyang pag-atake at halos mahati na niya sa dalawa ang Chain Devil!

"Hisssssssss!"

Napa-atungal ang Chain Devil kasabay ng pag-alog ng kanyang mga kadena.

"Woosh!"

Dalawang makapal na kadena ang lumipad sa ulohan ni Marvin!

Mahinahon naman niyang ginamit ang Demon Hunter Steps para maiwasan ito.

Sadyang mahirap kalaban ang mga nilalang ng Hell.

Kung ibang mga nilalang ito, kahit na hindi tinatablan ito ng malubhang pinsala, mag-aagaw buhay ang mga ito sa lakas ng pag-atake ni Marvin at marahil hindi na makakagalaw ang mga ito.

Pero may enerhiya pa ring makipaglaban ang mga ito.

Umatras siya nang kaunti at noong handa na siyang umatake muli, isa na namang Chain Devil ang umatungal at lumapit para palibutan si Marvin!

"Woosh!"

Umaalingawngaw ang tunog ng paglipad ng mga kadena sa hangin habang mas nahihirapan na si Marvin na iwasan ang mga ito.

Siguradong malalagay sa panganib ang kanyang buhay kapag tinamaan siya ng kadena ng chain Devil!

Kahit na nasa isang sitwasyon siyang walang katiyakan, mas naging mahinahon si Marvin.

Hindi nanghina ang kanyang mga hakban, at kahit na maraming mga kadena ang wuma-wasiwas, hindi siya nagmadali at iniba niya ang kanyang direksyon. Basta maging maingat siya makikita niya kung saan papunta ang mga kadenang ito.

Sa ganitong paraan, kahit na mag-isa siya laban sa dalawa, magagawa niya pa ring mabaliktas ang sitwasyon.

Tumingin siya kay Ivan at nakitang ipinapamalas nito ang napakalakas nitong kapangyarihan.

Nahihirapan si Ivan sa dalawang ito habang walang hirap na pinapatay ni Ivan ang lima.

Ito ang agwat ng kanilang lakas.

Malaki pa rin ang pinagkaiba sa pagitan ng Legend at Half-Legend!

Pero hindi pinanghinaan ng lobb si Marvin. Sa oras na Mag-advance siya sa Ruler of the Night, madadagdagan nang malaki ang kanyang lakas.

Kapag nangyari iyon, kahit na hindi pa rin siya kasing lakas ni Ivan, magiging mas malakas naman siya kumpara sa karamihan ng mga Legend!

Mas ginanahan si Marvin sa ipinapakita ni Ivan kaya ang curved dagger sa kanyang mga kamay ay mas bumangis ang pag-atake.

Mayroong siyang kakaibang naramdaman.

Hindi siya naapektuhan sa masamang tingin ng mag Chain Devil, at pakiramdam niya ay bumalik siya sa Ice Monser Cave, hawak ang kanyang kahoy na dagger at kinakalaban ang 64 na mga Ice Montster.

Tila ba naririnig niya sa kanyang tenga ang boses ni Kangen, "Kung nasa isang desperadong sitwasyon ka na, wala kang magagawa kundi ipakita ang hangganan ng lakas mo para matalo mo ang iyong kalaban. Ang bawat pag-atake ay dapat mas mabilis kesa sa nauna.

Ang bawat pag-atake ay dapat mas mabilis kesa sa nauna…

"Woosh! Woosh! Woosh!"

Biglang naging mas mahusay at maliksi ang pagkilos ni Marvin. Iniwasan niya ang atake ng Chain Devil at sunod-sunod na umatake.

Mas bumibilis ang kanyang bawat atake!

Nagulat ang mga Chain Devil at nawalan sila ng pagkakataon para depensahan ang kanilang sarili.

Isa nahiwa na siya nang naunang pag-atake ni Marvin, kaya naman mas nahihirapan na itong gumalaw.

Umepekto na nang husto ang Reckless Dual Wielder Property ni Marvin, ang kanyang mga dagger ay dila dumodoble. Sa ilang sandali lang, umabot sa limampung beses umatake si Marvin!

"Klang! Klang!"

Nasira na ang mga kadena ng kanyang mga kalaban, at kita na ang nanghihinang katawan nito.

Hindi nagpakita ng awa si Marvin, habang iniiwasan niya ang pag-atake ng Chain Devil, tinalo niya ito sa pamamagitan ng pagpapaulan ng kanyang mga atake.

Mukhaang naabot na niya ang sukdulan ng Desperation Style.

Nang makitang tumumba ang kanyang kasama, natakot na ang isa pang Chain Devil.

Hindi na niya binigyan ng pagkakataon ito na makabawi, tinitigan ito ni Marvin na may kabagsikan sa kanyang mga mata. At nang itaas niya ang kanyang mga dagger, umatake ito na kasing bilis ng kidlat.

Paglipas ng sampung segundo, natumba na ang isa pang Chain Devil, nawasak rin ang mga kadena nito!

Bahagyang nabigla si Marvin kasabay ng pagsakit ng kanyang braso.

Malaki ang nagamit na pisikal na lakas ang burst power na ito.

Pero tuwang-tuwa naman sya.

Tiningnan niya ang kanyang interface at hindi lang umabot sa Greatmaster ang kanyang Curved Dagger Mastery, umabot na rin sa Greatmaster level ang kanyang Desperation Style!

Magugulat ang gumawa ng Desperation Style na si Kangen sa progreso niyang ito.

Ang Ice Monster Cave ay akma para hasaain ang mga Blade Technique at bagay na bagay ito sa Desperation Style, kaya naman nagawang maabot ni Marvin ang Master level sa paggamit nito.

Pero ang maagang pag-intindi sa bagay na ito sa laban niya sa dalawang Chain Devil ay pabihira.

Kahit si Marvin ay natutuliro sa inilakas niya.

Mabilis niyang siniyasat ang kanyang interface at may nakita pang isang detalye.

Mayroong kumikisap sa dulo ng status window bago ito nawala…. [Swimming Fish Blessing].

Napalitan ito ng isa pang linya:

[Malaki ang itinaas ng Comprehension]

Nagkaroon ng orasan pagkatapos nito, nasa tatlong araw.

Naunawaan ni Marvin.

Noong nagdasal siya ng blessing sa kanyang kaarawan, tinupad talaga ng Swimming Fish Constellation ang hiniling niyang blessing, pero hindi pa ito nagagamit, hanggang sa punto na nalimutan na ito ni Marvin.

Dati, isa lang itong pribilehiyong nakukuha ng illang manlalaro at ng ilang mamamayan at kadalasan ay pansamantala nitong pinapataas ang ilang attribute o ibang mga status.

Ang blessing na gaya ng kay Marvin, kahit na pambihira ang mga ito, halos wala talaga ganito.

Sa loob ng tatlong araw, mas madali na ang progreso ni Marvin sa isang bagay na inaaral niya o hinahasa sa kanyang sarili.

Kaya naman pala tumaas ang level ng Desperation Style.

Ang Greatmaster Desperation Style ay may isa pang property!

[Blade Shadow]: Sa tuwing ginagamit ang Desperation, pagkatapos gamitin ang Blade Shadow, ang Attack Speed ay tataas ng 30% at ang Staminang gagamitin ay madodoble.

Isang active effect!

Dahil sa mga benepisyong nakukuha ni Marvin sa Desperation Style, patuloy na tumataas ang kanyang lakas sa pakikipaglaban. Kung wala sila sa Nine Hells, maghahanap siya ng ibang lugar para mas maunawaan ang ganitong Martial Path. Kung maabit niya ang Grandmaster at maging isang Legend, ang kanyang melee ability ay magiging sobrang lakas.

Gamit ang isang mahusay na Blade Technique Style, isama pa karanasan ng PK expert, magiging isa siyang nilalang na dapat katakutan ng lahat, kahit ng mga God!

Napabuntong hininga sa pagsisisi si Marvin.

Anong maiintindihan niya sa loob ng tatlong araw? Kailangan niya munang makaalis sa Hell at makabalik sa Secret Garden para kalabanin si Eric, maganda rin kung makukuha niya ang Underworld River Water.

Pagkatapos talunin ni Marvin ang dalawang Chain Devil, wala pang kalahating minuto ay tapos na si Ivan sa limang Chain Devil.

Napabilib naman si Ivan sa kasalukuyang lakas ni Ivan.

Pero hindi ito ang tamang oras para pag-usapan ito.

Maraming mga Barbazu ang nagsasagwan ng kanilang mga bangka sa River Styx at makikitang mas maraming mga Devil ang papalapit mula sa Shadow Wilderness.

Matalas ang pakiramdam ng mga Devil at naakit sila sa awra ng mga tao.

Kahit na ang mga Devil ay iba sa mga Demon, at baka hindi direktang atakihin ng mga ito sina Ivan at Marvin tulad ng ginawa ng mga Chain Devil, siguradong interesado pa rin ang mga ito sa kanilang kaluluwa.

Kailangan nilang umalis kaagad!

Huminga nang malalim si Ivan at tahimik na pinakiramdaman ang direksyon bago ito tumuro sa isang daan. "Dito!"

Ang pinalakas na Perception niya ay na ibinigay ng Great Elven King ang nakatulong sa kanya na mahanap ang direksyon palabas.

Sumunod naman si Marvin.

Sa sitwasyon na ito, wala na silang ibang magagawa.

Nagmadali ang dalawa at umakyat sa isang burol.

Pero sa sumunod na sandali, nanlamig ang dalawa.

Nakita nila ang napakaraming kaluluwa sa baba ng burol!

Napakaraming Erinyes ang nag-uutos sa kanila na umayos, habang ang iba naman ay nakatitig kina Marvin at Ivan.

At sa likuran nila, ay nagmamadaling humabol ang mga Chain Devil, Barbazu, at iba pa.

Mukhang wala nang pag-asa ang kanilang sitwasyon.