Sa entablado, kumikisap-kisap ang mga malamlam na dilaw na ilaw.
Unti-unting bumubukas ang malalaking tabing habang nakatayo si Marvin sa gitna ng entablado na para bang nag-eensayo siya para sa isang dula.
Nagtago naman ang naguguluhang si Gwyn sa likod ng mga kurtina, may pagdududa niyang pinapanuod si Marvin habang kaharap nito ang daan-daang mga Evil Spirit.
Kahit na pangkaraniwan lang ang lakas ng mga Evil Spirit na ito, masyadong malaki ang bilang ng mga ito. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit sinabihan siya ni Marvin na manuod lang.
'Magppapakitang gilas ba siya?' Tuliro pa rin si Gwyn.
Para sa kanya, mas madadalian si Marvin kung tutulungan niya ito.
Pero ibang-iba ito sa pananaw ni Marvin.
Simple lang ang pakay niya sa pagpunta niya sa Saruha, at iyon ay magpalakas!
At ang mga kayamanan na gaya ng [Rosenthal Bracelets] na nagawa niyang makuha, ay bahagi lang ng mga makukuha niya dito. Ang pinakamahalagang makuha niya ay battle exp!
Hawak na ni Marvin ang Legend Advancement Manual, Sa oras na maabot niya ang mga kailangan para mag-advance sa Ruler of the Night, maaari na siyang makapag-advance sa Legend!
Pero ang pinakamalaking suliranin niya ay ang kakulangan niya ngayon ng battle exp!
Dati, hindi alintana ni Marvin ang paggamit ng kanyang exp para pataasin hanggang level 9 ang kanyang Ranger class. Ganoon din para sa kanyang Shapeshift Sorcerer class na ngayon ay nasa level 6 na. Ang ganitong paggamit niya ng kanyang exp ay para lang sa mabilisang pagpapalakas, sa pamamagitan ng pagkuha ng mga makapangyarihang skill at attribute, pero nalayo ito sa kanyang misyon na maging Ruler of the Night.
Malinaw na nakasaad sa Advancement Manual na ang kailangan niya para mag-advance mula Night Walker at maging Ruler of the Night: Ranger Level 8- Night Walker.
Level 10.
At ang Night Walker class ni Marvin ay halos Level 6 ang. Malayong-malayo pa siya sa Level 10.
Para sa mga ordinaryong tao, maaaring hindi kayang punan ng mga ito ang pagkukulang na ito sa buong buhay nila.
Dahil ang mga mamamayan ng FEinan ay kailangan ng tuloy-tuloy na pagsasanay at pagpapatalas para tumaas ang kanilang level. Ang mga henyo lang na mayroong malalim na pag-unawa sa ilang mga class ang patuloy na tumataas ang level. Pero, karamihan ay buong buhay silang nagsasanay pero kalaunan ay tumitigil na dahil sa limitado ang kanilang talent.
Pero iba si Marvin.
Mayroon siyang [Essence Absorption System], tulad ng sinabi ni MArvk 47, ang sistema na ito ay nagbibigay kakayahan kay Marvin na malampasan ang mahirap na proseso sa pagpapataas ng level. Basta patuloy lang siyang pumatay, makakakuha siya ng tuloy-tuloy ng daloy ng battle exp.
Sa katunayan, dahil sa Sistema na ito, hindi kailan man naging problema kay Marvin ang pagpapataas ng level.
Sa pagkakataong ito, masasabing ito ang unang pagkakataon na ginawa niya ang isang bagay para makakuha ng exp.
Kilala ang Saruha sa pagkakaroon ng napakaraming Evil Spirit.
Karamihan ng mga Evil Spirit ay hindi gaanong mataas ang ibinibigay na exp. Bukod na lang sa iilang mga 4th rank powerhouse na nasa loob, kung tutuusin, bawat Evil Spirit ay magbibigay lang kay Marvin nang humigit kumulang na 500 exp!
Pero sa kabuoan, kaunti pa rin ito!
Noong mga oras na iyon, punong-puno na ng mga Evil Spirit ang McKenzie Theater. Hindi bababa sa isang libo ang bilang ng mga ito na naka-abang kay Marvin!
Sa mga ito, ang pinaka mababalang level ng Evil Spirit ay nasa 2nd rank. Ang mga ito ang bumubuo sa 70% ng mga Evil Spirit na ito, habang ang mga 3rd rank ay nasa 25%.
Kakaunti lang ang mga 4th rank Evil Spirit na kasama sa mga ito, nag-aabang ng pagkakataon na atakihin si Marvin.
Ito ang plano ng dalwang Evil Spirit Envoy para patayin si Marvin. Gagamit sila ng napakaraming low level na mga Evil Spirit para lituhin si Marvin, habang ang mga tunay na expert ay nakatago sa mga ito, nag-aabang ng pag-kakataon na dambahan siya.
Pero sa kasamaang palad, palpak ang kanilang plano. Dahil pinaghandaan na ito ni Marvin.
Isa pa, dahil sama-sama na ang mga ito, hindi na kailangan isa-isahin ni Marvin ang mga pugad ng Evil Spirit!
Sa harap ng dagat-dagatang Evil Spirit na mga ito, makikita pa rin ang kumpiyansa ni Marvin at ang bagsik sa mga mata nito!
Masaya siyang maaari niyang samantalahin ang pagkakataon na ito at makakuha ng exp sa pagpatay sa grupo ng mga Evil Spirit na ito
Hawak ang kanyang mga dagger, umatake si Marvin na kasing bilis ng kidlat.
Kuminang ang #4 Holy Water mula sa kanyang Azure Leafe dagger, naglabas ito ng malakas na awrang nakakapigil sa mga Evil Spirit!
Kayang-kaya niyang makapatay ng isang 2nd rank Evil Spirit sa isang atake lang!
Kailangan lang gamitin ang kanyang karanasan at kakayahan para hindi maipit sa isang labanan sa pagitan niya at ng malalakas na mga Evil Spirit. Sa halip, ay mabilis niya lang iniiwasan ang mga ito.
Ibang-iba na ang kanyang ginagawa ngayon.
Talaga napataas ng 16 Constitution ang kanyang stamina. Kahit na nasa isang libong Evil Spirit ang nasa loob ng teatro, naniniwala si Marvin na kaya niyang patayin ang lahat ng ito.
At dahil dito, hindi na niya kailangan ang tulong ni Gwyn na magiging kahati niya lang sa exp.
…
"Woosh!" Sa entablado, napakabilis nang pagkilos ni Marvin habang dumadaan siya sa pagitan ng mga Evil Spirit.
Sa harap ng mga Brain Eating Monster, Tentacle Horror, at iba pang malalakas na halimaw, piniling umatras ni Marvin pansamantala.
Simple lang ang taktika niya. Ginagamit niya ang kanyang malakas na Dexterity para ikutan ang hukbong ito at patayin ang mga low level Evil Spirit.
Wala sa mga low level Evil Spirit na ito ang makasabay kay Marvin.
Nagagawa niyang makakawala sa kahit anong pagtatangkang palibutan siya dahil sa Godly Dexterity. Isama pa dito ang makapangyarihan niyang mga Night Walker skill, sadyang hindi siya natatakot na mapapaligiran siya ng mga Evil Spirit.
'Uunahin ko na ang mga 2nd rank Evil Spirit na ito!' Isip ni Marvin.
Kumislap ang mga [Azure Leaf] na hawak ni Marvin at humihiyaw naman na namatay ang mga Evil Spirit.
Noong sinimulan ni Marvin ang paghahanda sa pag-advance sa Legend, pinlano niyang mabuti ang lahat. Kailangan niyang makaipon ng maraming battle exp, ang problema ay ang pagkukuhanan nito.
Hindi naman siya basta-basta papatay nang walang dahilan.
At wala rin naman siyang masyadong mapapala kung iisa-isahin niyang patayin ang mga halimaw sa Feinan. Kahit ang pagpatay sa Dragon ay humigit kumulang 30000 exp lang ang makukuha niya.
At iyon ay nakuha niya dahil sa pambihirang Divine template ni Clarke. 16000 exp lang ang nakuha niya sa Red Dragon.
At para makakua ng 10000, kailangan lang makapatay ni Marvin ng 20 na halimaw na magbibigay sa kanya ng 500 exp bawat isa.
Kaya naman, para mabilis siyang makapagpataas ng level sa Feinan, kailangan niyang piliin ang dami kesa kalidad.
Pero napakaraming mga nilalang gaya ng mga Devil, Demon, at iba pang mga halimaw ang hindi madaling patayin.
Ang tanging mga nilalang lang na kayang patayin ni Marvin nang maramihan ay mga Evil Spirit at mga Ghost, dahil marami siyang naka-imbak na Holy Water.
Kaya naman, nang magpunta siya sa Dead Area ng Pambo Sea, naisip niyang maghanap ng mga Ghost para lang makakuha ng ilang exp.
Hindi naman niya inaasahan na magbubukas na ang Saruha habang nasa Ruins City siya, kaya naman mas napadali ang kanyang gagawin.
Dahil sa paglitaw ng pagkakataon na ito, hindi na ito pinalampas ni Marvin.
"Ha!"
Night Jump!
Lumipad si Marvin sa itaas ng hindi mabilang na mga Evil Spirit, iniwasan niya ang dalawang Brain Eating Monster habang tumalon naman siya papunta sa isang grupo ng mga low level na Moss Monster!
Nawalan ng lakas ng loob ang mga Moss Monster na ito nang makita nila kung gaano kalakas si Marvin, kaya naman napa-atras sa takot ang mga ito.
Muli na namang kumislap ang mga dagger ni Marvin at nadispatya nang tuluyan ang grupo ng mga Moss Monster na iyon.
Naging essence na lang ito at pumasok sa katawan ni Marvin, at naging battle exp!
Nasabik naman si Marvin habang nakikitang unti-unting tumataas ang kanyang battle exp.
Ito ang unang pagkakataon na nakakuha siya ng ganito karaming exp magmula nang dumating siya sa Feinan!
Nag-iinit si Marvin. Ang mga Evil Spirit ay para lang maliliit na pakete ng exp!
Iwinasiwas ni Marvin ang kanyang mga dagger at patuloy na inubos ang mga Evil Spirit!
…
Sa Desolate Ancient Altar, ikinagulat at ikinagalit ng dalawang Evil Spirit Envoy ang mga kaganapan sa McKenie Theater!
Kahit na alam nilang marahil hindi pangkaraniwan ang taong ito na sumira sa Decaying Plateau, nang ipamalas ni Marvin ang kanyang pambihirang lakas at galing, nagulat pa rin ang mga ito.
"Ang bilis niya… naabot na kaya niya ang [Godly Dexterity]? Imposible, siguradong nasa level 18 pa lang siya!'
"Namatay nang ganoon lang ang Moss Monster? Ano ba ang mga sandata na iyon? Sandali… May awra ng Holy Water ang mga iyon."
"Mas handa siya kesa sa atin!"
Namumutlang nag-usap ang magkapatid.
Paglipas ng dalawampu't limang minuta, kalahati na ng mga Evil Spirit sa McKenzie Theater ang napatay ni Marvin!
Nadurog ang mga puso ng mga Evil Spirit Envoy!
Hindi ito ang Negative Energy Plane. Mas mahirap magpalaki ng mga Evil Spirit sa Feinan. Tanging mga nilalang na masama, sakim, at may baluktot na pag-iisip ang maaaring maging mga Evil Spirit.
Kapag ipinapanganak ang mga Evil Spirit, kung walang Evil Spirit Envoy na gagabay sa kanila, mabilis lang didispatyahin ang mga ito ng planar law ng Feinan.
Sinamantala ng magkapatid na Evil Spirit Envoy ang mga idyeang naiwan ng mga Ancient Gnome at nagsimulang gumawa ng mga Evil Spirit sa loob ng mahabang panahon, hanggang sa umabot na sila nang ganito karami.
At ngayon, mabilis na nawala ang higit sa kalahati sa mga ito dahil lang sa misyon na ito!
At mukhang hindi maganda ang kalalabasan nito!
Nakakatakot ang lakas na taglay ng Marvin na iyon. Nagawa niyang mapatay nang walang kahirap-hirap ang mga low level na Evil Spirit habang iniiwasan ang atake ng mga High Level Evil Spirit!
Ano pa man ang sitwasyon.
Hindi na maaaring magpatuloy pa ito!
"Gumising ka ngayon din, Sleeping Max!"
Nagtinginan ang magkapatid at nagsimulang mag-chant ang dalawa.
…
Sa loob ng teatro, tuwang-tuwa si Marvin sa pagkalap ng mga exp nang biglang magsimulang umatras ang mga Evil Spirit.
'Ha? Nagbago ba sila ng plano?"
Noong una, inisip ni Marvin na nagbabago ng istratehiya ang mga Evil Spirit Envoy.
Pero bigla siyang may napansin….
Hindi umatras ang mga Evil Spiri dahil inutusan sila ng mga Evil Spirit Envoy.
Kusang umaatras ang mga Evil Spirit.
Anong kinatatakutan nila?
Pinili ni Marvin ang McKenzie Theater para maging lugar ng kanilang laban para mapilitang kumagat sa pain ang mga Evil Spirit Envoy.
'Nawalan na ba sila agad ng pag-asa?'
Lumingon si Marvin at nagmadali, mabilis niyang dinispatya ang ilang Evil Spirit sa kanyang daan habang pabalik siya sa entablado.
"Kamusta?" Tanong ng gwapong Vampire na makikita ang gulat sa mukha.
Sinipat ni Marvin ang bawat sulok ng teatro. Sa sumunod na sandali, lumamlam ang mga ilaw!
Maririnig ang hangin kasabay ng pag-sayaw ng mga kurtina.
Nanlamig ang pakiramdam ni Gwyn na para bang may nakatingin sa kanya!
Kasabay nito, isang mahinang boses ang narinig ni Marvin:
"Narinig mo na ba ang tungkol sa Theater Spirit…"