Pagkatapos buksan ni Marvin ang baul, bigla siyang umilag.
At tulad ng inaasahan, isang nakakatakot na asido ang tumalsik, na madali namang naiwasan ni Marvin. Habang muntik naman tamaan si Gwyn na malayo ang isip!
Mabuti na lang at mabilis ang kanyangnaging reaksyon kaya nagawa pa rin niya maka-iwas.
Pero tumalsik naman ang ilang patak nito sa palawit ng kanyang damit kaya bahagya siyang nalungkot.
Nang makita ito, tahimik na nag-isip si Marvin.
Hindi lang mukhang isang magandang babae ang Vampire nito, kundi pati kilos ito.
'Hindi naman kaya siya babaeng nagpapanggap na lalaki, hindi ba?' Isip-isip ni Marvin.
Pero syempre, mas mahalaga pa rin sa kanya ang baul.
Wala naman sigurong ibang patibong bukod sa asido, kaya binuksan na niya nang tuluyan ang baul, at nakita niya ang ilang piraso ng kagamitan. Karamihan sa kanila ay mga Common lang, pero masaya si Marvin na nakita niya ang kanyang hinahanap:
[Rosenthal Bracelets]
[Quality: Magic]
[Property: All Ranger skills +20]
…
Kahit na mayroon lang itong isang effect at hindi ito masyadong nakakamangha, ito ang pinakamagandang item para kay Marvin ngayon!
Gamit ang Eriksson's Brooch, umabot na ang kanyang Stealth sa 180 na puntos!
Pero sa kasamaang palad, nagamit na niya ang kanyang mga libre skill point, at kailangan niyang pataasin muli ang level ng kanyang Ranger class para makakuha uli.
Pero para makapag-advance sa Ruler of the Night, kailangan gawing prayoridad ni Marvin ang kanyang Night Walker class. Kaya naman, matatagalan pa bago niya mapataas ang level ng kanyang Ranger class.
Pwede pa rin naman niyang mapalakas ang kanyang Stealth sa pamamagitan ng pagsasanay, pero magiging mabagal ito habang tumataas.
Matagal nang naghahanap si Marvin ng item na mayroong kaparehong katangian. Sa kasamaang palad, noong pinasok ni Owl ang imbakan ng yaman ng Evil Spirit Overlord, wala itong nakitang magagandang item na may bonus para sa Stealth. Nakahanap ito ng ilang item na pwede na sana, pero para lang ito sa mga Thief at Assassin class, at hindi sa isang Ranger na gay ani Marvin.
Kaya naman, kahit na napakalapit n ani Marvin sa 200 threshol, hindi niya pa rin ito maabot.
Ngayon nasa kanya na ang Resenthal Bracelet, bukod sa matagumpay niyang nalampasan ang threshold, lumakas din ang iba pa niyang Ranger skill!
Muli na namang lumakas ang mga kakayahan ni Marvin!
Stealth (200) ay bibigyan siya ng hidden effect na [Stealth Master]!
Ibig sabihin, malaya nang makakatakbo si Marvin nang hindi siya natutunton!
Sa tingin ni Marvin, umabot na sa lakas ng pag-assassinate ng isang Legend ang kanyang mga Night Walker skill kahit na Level 18 pa lang siya!
…
Pagkatapos niyang isuto ang Rosenthal Bracelets, hindi pinansin ni Marvin ang nag-aalalang Vampire at agad na binuksan ang isa pang baul, na may laman na malaking halaga ng kayamanan.
Ang isang baul ay puno ng mga blueprint. Ang mga blueprint na ito ay parang ang Mechanical Gargoyle blueprint na nakita niya noon.
Hinalungkat ni Marvin ito at nakakita ng sayantipikong blueprint ng mga Ancient Gnome. Mayroong kayang Steam Engine Prototype sa mga ito?
Magulo ang mga nilalaman nito. Kakailanganin niya ng Master Alchemist para malaman kung alin ito dito.
Sumakit ang ulo ni Marvin dahil kailangan niyang makahanap ng Master Alchemist. Sa katunayan, magmula noong nag-transmigrate siya, ilang beses na siyang muntik mamatay.
Pero hindi siya isang mahusay na Fighter dahil pinili niyang maging isang Assassin dati. Pinili niya rin ang Pharmacist bilang Life Class. Dahil kinuha na niya ang Blacksmith bilang kanyang Life Class sa pagkakataong ito, imposible na siyang maging Alchemist.
Mayroong malaking kakulangan ng mga talento sa Alchemy sa kanyang teritoryo. Kahit na hiningan ng tulong ni Constntine ang kanyang kaibigan para iproseso ang Red Dragon at Black Dragon pagkatapos itong i-harvest, hindi ito Alchemist ng White River Valley.
Ang pagpoproseso sa mga bangkay ng Dragon ay maaari pa ring makuha sa ibang lugar. Pero ang kaalaman gn mga Gnome ay isang sikreto na gustong mapasakamay ni Marvin nang buong-buo.
Pero sa kasamaang palad, bukod sa nag-iisang pambihirang pinamalas nito laban kay Bamboo, puro na kabiguan ang Alchemist na walang pangalan.
Kahit paano ay mabuti ang kalooban ni Marvin. Kung ibang ordinaryong Overlord ito, malamang ay ipinatapon nanila ang Alchemist na ito!
'Kapag nakabalik ako, kailangan kong gumamit ng mataas na sweldo para makakuha ng mga mahuhusay na craftsman sa Craftsman Tower.'
'Kakailanganin ko ang tulong ni Leymann para makipagnegosasyon.'
Itinago na niya ang mga blueprint habang iniisip kung paano niya magagamit ang mga ito.
Sa Three Ring Towers, ang Tower Master ng Craftsman Tower ay bata pa. Kahit na wala pa itong lakas ng isang Legend, hindi siya basta-basta.
Simple lang ang dahilan. Kahit na hindi kapantay ng Legend Wizard ang kanyang magic power, mayroong naman siyang mga Legendary Item!
Sinasabi na dating Tomb Raider ang taong ito, mahusay siya sa pagpasok at pagnanakaw sa mga Ancient Tomb ng Legend Wizard, kaya marami siyang mahahalagang item na hawak.
Hindi lang ang pagpapalakas ng sarili ang mahalaga sa pakikipaglaban; mahalaga rin ang ibang mga bagay!
Ang Craftsman Tower ay Paraiso ng mga Alchemist. At ang mga Wizard Alchemist ay ang pinakamalakas na uri ng mga Alchemist.
Kung makakakuha siya ng ilang mahuhusay na Wizard Alchemist para sa White River Valley, kayang-kaya nang mapasakamay ni Marvin ang kaalaman ng mga Ancient Gnome.
Kapag nangyari iyon, ang teknolohiya ng White River Valley ay magiging kakaiba.
Sa isang banda, magkakaroon ng mga mekanikal na imprastraktura ng mga Gnome, sa kabilang banda nasa kanya rin ang sandata ng mga Sha. Kasalukuyang gumagawa si Wayne ng panibagong pamamaraan para magsanay ang mga Wizard, habang si Marvin naman ay kumakalap ng kayamanan mula sa buong Feinan. At pagkatapos ng Great Calamity, mapoprotektahan na ng White River Valley ang sarili nito dahil sa Source of Fire's Order.
Ang mga taong nababaliw dahil sa Calamity ay pansamantalang hindi mangangahas na lumapit sa Source of Fire's Order. Dahil dito magkakaroon ng oras na mas umunlad pa ang White River Valley.
At hindi pa doon natatapos ang plano ni Marvin.
Bukod sa Source of Fire's Order, gusto niya ring magtatag ng [Ancient Refuge]!
Kaya naman, nang makita niya ang kulay dilaw na piraso ng kristal sa mga hiyas sa ikatlong baul, tuwang-tuwa siya!
Isang piraso ng Earth Crystal!
Ikalawa na niya ito.
Kapag nakakuha siya ng tatlo ay makakabuo na siya ng isang buong Earth Crystal.
At ang isang Earth Crystal ay ang pinakamahalagang pundasyon ng Ancient Refuge!
…
Sa Crystal Hall, ang mga adventurer ay naakit ng mga ilusyon.
Tanging ang reaksyon lang ni Pale Hand Sky ang hindi nagbago. Matatag ang kanyang willpower kaya naman hindi siya nalinlang ng Nightmare Crystal!
Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ng mga tao na malaki ang pagkakaiba ng mga ordinaryong tao sa mga Legend. Ang Level 21 ang naghihiwalay sa mga ito.
Ang ganoong uri ng specialty ay nakukuha pagkatapos makapag-advace sa Legend ay isang bagay na hindi makukuha ng mga pangkaraniwang tao.
Mabilis na kumilos si Sky, at hindi nagtagal nakarating na siya sa harap ng tatlong pinto.
Pinagmasdan niya ang tatlon pinto habang nakasimangot.
Pagkatapos ay lumapit siya sa ikatlong pinto at pinindot ang pindutan!