Ikinagulat ng lahat ang pagdating ng Pale Hand na ito!
Napansin ni Marvin ang hindi kaaya-ayang reaksyon ng ilan sa mga pinuno ng Wolf Spider mercenary.
Mukhang hindi sila masaya sa pagsama ng isang Legend.
'Nag-aalala ba sila sa kung paano hahatiin ang kayamanan sa Saruha? Bakit naman? Hindi ba dapat masaya sila na may ganito kalakas na taong sumama, lalo pa at naghanap sila ng mga taong tutulong sa kanila?
Bahagyang nagtataka si Marvin.
Mukha lang ordinaryong tao ang Pale Hand na ito, pero nararamdaman ni Marvin na may taglay na pambihirang burst powe ang katawan nito.
Siguradong naabot na rin ng taong ito ang Godly Dexterity, at siguradong mayroong malalakas na skill.
Lalo pa at isang tunay na Legend class ang Pale Hand, mas malakas pa ito kumpara sa basic na Legend Thief o Legend Assassin class.
Noong pinigilan ng South Wizard Alliance ang pag-atake ng Ancient Red Dragon na si Ell, pinadala ng mga ito si Shadow Thief Owl at isang Legend Assassin. Ang taong iyon ay isang Pale Hand.
Ang Pale Hand na iyon ay iba sa Pale Hand na narito ngayon. Sa katunayan, dahil sa [Pale War Banner], ang Pale Hand ang isa sa mga advanced Legend class na madalas makita sa Feinan.
Ang organisasyon ng mga Pale War Banner ay mayroon sariling pamamaraan para mag-advance sa Pale Hand. Napakaraming kwalipikasyon na kailangan para maging isa sa kanila, pero basta kusang loob kang sumali sa Pale War Banner at susundin mo ang mga patakaran ng organisasyon, maaari mong makuha ang Pale Hand Adavancement Manual.
Kumpara sa makapangyarihan at mahusay na Ruler of the Night class, ang Pale Hand ay masasabing specialized killer.
Gumagamit ang mga ito ng mga agresibong long dagger, at dalubhasa sa iba't ibang paraan ng pagpatay.
Sa madaling salita, ang grupo ng mga peak Assassin na ito ay hindi mo gugustuhing kalabanin.
…
Ang biglang paglitaw ng isang Legend class ay nagdulot ng mga pagbabago sa eksplorasyon na ito.
Pero nanatili pa ring mahinahon ang Wolf Spider Leader at ipinakilala ang Legend na ito sa lahat.
Simple lang ang pangalan nito, Sky. Pero walang nakakaalam kung tunay ba ito o hindi, tulad ng [Kerry] na pangalan na ginamit ni Marvin.
Pagkatapos sumama ng Pale Hand sa hukbo, wala na itong masyadong sinabi, mahinahon lang itong naghihintay ng kailangan gawin.
Pero may naramdamang kakaiba si Marvin sa kanya.
Kakaiba ang taong ito.
Kahit na wala itong masamang binabalak kay Marvin, kailangan niya pa rin maging maingat.
"At dahil nandito na nag lahat, makakapagsimula na tayo," sabi ng pinuno ng mga Wolf Spider mercenary.
Sa wakas ay nagsimula na ang grupo. Sumakas sila sa mga kabayo at umalis ng Ruins City, nagtungo sila pa-silangan at nakarating sa malubak na gubat sa kabundukan.
Sa kanto ng kalsada na patungong timog bumaba ang mga ito at naglakad na lang.
Ang masukal ang mga burol na ito at madalas silang nakakasalubong ng mga halimaw.
Pero sa ganito karaming mga adventurer, hindi sila nag-aalala sa mga posibleng umatake.
Madaling nakalampas ng mga burol na ito ang grupo, nagpaikot-ikot sila at hatinggabi na nang makarating sila sa isang maliit na sapa sa bundok.
"Dito ang daan papasok ng Saruha."
"Aksidente lang naming nadiskubre ang daan na ito. Pero kaya naming buksan at isara ang pinto nito. Kapag na buksan na ito ng aming Wizard, papasok ang Wolf Spider pagkatapos ay saka susunod an iba pa, ayos lang ba 'yon sa inyo?" Malakas na tanong ng Wolf Spider Leader.
Wala namang umalma.
…
Sa ilalim ng liwanag ng buwan, naglabas ang vice-leader na si Lilia ng isang simple scroll at tumayo sa harap ng sapa at mahinang nag-chant.
Ang sapa ay dumadaloy sa isang hindi naigagalaw na baton a mayroong lumot sa magkabilang gilid. Nagpatuloy naman sap ag-chant ang Wizard.
Paglipasng ilang sandali, biglang may liwanag na lumabas mula sa scroll na hawak nito.
Tumigil sa pagdaloy ang sapa na parang bang tumigil ang oras.
"Bilis! Mayroon lang tayong tatlong minuto! Kailangan mag-ingat sa mga kalaban ang lahat ng papasok.
Nagmadali silang pumasok sa pinto na para bang walang gustong mahuli.
Hindi namang nagmadali si Marvin at nagpahuli sa pagpasok.
Noong oras na iyon, isang pamilyar na boses ang nagrinig niya. "Matagal rin tayong hindi nagkita, Mister Marvin."
"Pasensya na, Kerry ang pangalan ko," sagot ni Marvin sa nakabalabal na lalaki.
Suminghal si Gwyn, "Kahit ano pang itsura mo, makikilala at makikilala pa rin kita."
"Paano? At sigurado ka bang ayos lang na lantaran kang maglakad-lakad sa lugar na ito, lalo pa at miyembro ka ng Bright Side?" Namimilosopong tanong ni Marvin. "Teritoryo ito ng mga Dark Side. Kamusta na nga pala ang pinsan mo?
Nanatiling tahimik si Gwyn.
Kahit na ipinaubaya n ani Marvin si Karnoth kay Gwyn noon, nagbago na ito at nagkaroon na ng [Bloodthirst]. Kaya walang nagawa si Gwyn kundi isuko si Karnoth sa headquarters ng Bright Side para parusahan ng mga Elder.
Hindi na kailangan itanong pa. Maging sa Bright Side man ito o sa Dark Side, laging mapait ang kahihinatnan ng isang traydor.
…
"Mag-ingat ka," biglang babala ni Marvin.
Bahagyang namang napukaw ang atensyon ni Gwyn.
"Hinahanap mo ba ang nagmamay-ari ng Holy Blood?" Bilong ni Marvin, sinamantala na niya ang pagkakataon ng maingay na pagpasok ng iba pa. "Ang laki pala ng tiwala sayo ni Great Duke William para mag-isa kang ipadala dito sa kanlurang baybayin."
"Hindi ako nag-iisa…" Hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi dahil napagtanto niyang nilalansi siya ni Marvin.
Pero nagulat siya sa mga sinabi ni Marvin.
"Bakit ang dami mong nalalaman?" Gulat na tanong ni Gwyn.
Pilyo namang tumawa si Marvin. Nanghuhula lang siya pero nakakuha siya ng ganoong reaksyon mula kay Gwyn.
At tulad ng inaasahan, ang Holy Blood ang pakay nito.
Talagang mas matindi na ang labanan ng Bright Side at Dark Side.
Subalit, pagkatapos makuha ni Marvin nag impormasyon mula kay Gwyn, hindi na niya pinansin si Gwyn at agad na tumakbo papunta sa pinto.
Sumimangot naman si Gwyn at agad na sumunod.
Sunod-sunod na pumasok ang lahat sa pinto. Nag-aalala namang tiningnan ng Wizard ang dalawang naiwan.
SI Pale Hand Sky at ang pinuno ng mga Wolf Spider.
"Mister Sky, umaasa akong tutuparin mo ang sinabi mo at hindi ka magdudulot ng problema sa eksplorasyon na 'to."
"Lalo pa at nirerespeto naming ang Pale War Banner. At hindi namin binababaan ang binabayaran naming taon-taon," maingat na paalala ng pinuno ng Wolf Spider.
Alam niyang nakakatakot si Pale Hand. Malaking kapahamakan ang maaaring maidulot ng kanyang pagsama.
Ang dapata sana'y perpektong eksplorasyon ay mayroong na ngayong hindi inaasahang panauhin, kaya paano siya hindi kakabahan?
"Natatakot ka bang kukunin ko ang kayamanan mo? Nakakatawa. Pumunta lang ako dito para pumatay. Wala akong interes sa Saruha na 'yan." Panunyang sabi ni Pale Hand.
"Wag lang kayong haharang sa akin at baka tulungan ko pa kayo."
Pagkatapos niyang sabihin ito, suminghal siya at tumakbo na papasok.
Nagkatinginan ang pinuno ng mga Wolf Spider at ang Wizard. "Ayo slang 'yon. Kahit na mayabang siya, makatwuran naman siyang tao." Malumanay na sabi ng Wizard.
Saglit na natahimik si Rem. "Kung sana lang…. Bahala na, tara."
Itinabi na ng Wizard ang scroll at sabay na pumasok ang dalawa.
Paglipas ng ilang minute, isang kulay pulang paniki ang biglang bumulusok pababa!
Nilapitan nito ang sapa at lumipad paikot-ikot dito bago dumapo sa isang bato, at dahanpdahan itong naging isang babaeng nakahubo't hubad.
Iwinagaygay niya ang kanyang kamay at isang pulang negligee ang lumitaw sa kanyang katawan.
Hindi nito nahaharangan ang tingin ng mga tao pero wala siyang pakialam dito.
'Mukhang nahuli ako ng dating. Hm? Bakit may awra ng race naming?'
'Bahala na, maghihintay na lang ako dito. Hindi naman siguro sila magtatagal sa vestige na iyan.'
'Umaasa akong hindi ka mamatay sa loob.'
Naghikab si Stephanie. 'Dahil nakakabagot 'yon.'
…
Sa madilim na vestige.
Nalibot na ng Wolf Spider ang bahagi ng lugar na ito kaya kahti paano ay alam na nila ito.
Hindi sila maaaring magbukas ng apoy!
Hindi rin sila maaaring gumamit ng kahit anong pampa-ilaw.
Ito ang hiniling ng mga Wolf Spider sa mga taong kinuha nila.
Pwede lang nilang hawakan ang mga pader para maka-abante.
Dahil kapag may nagliwanag sa lugar na ito, magdudulot ito ng pagbagsak ng mga bato.
Siguradong mayroong mekanismo dito na sensitibo sa liwanag. Sa kasamaang palad, masyado itong komplikado at kahit ang pinakamalakas na Thief ng Wolf Spider mercenary ay hindi ito matanggal. Habang si Pale Hand naman, kahit na isa siyang Legend, sa pagpatay siya mahusay at hindi sa pagtanggal ng mga patibong at mekanismo.
Kung isa itong tunay na [Trap Master], marahil may pag-asa pa sana silang tanggalin ito.
"Tahimik lang. Ang mayroong mga Darkvision ang mauna. Mas mabuting bilisan natin ang paglagpas sa bahaging 'to." Umalingawngaw sa dilim ang boses ni Rem.
Dahil sa pagpapaliwanag niya, nanatiling mahinahon ang lahat at patuloy na umabante sa pamamagitan ng pagkapa sa pader.
Pero hindi na ito kailangan gawin ni Marvin, dahil malinaw siyang nakakakita dahil sa Darksight.
Maikli lang ang kweba, at mayroong malaking pakurba sa dulo. Doon nakakita siya ng anino.
Agad naman naisip ni Marvin kung ano ito dahil sa mga alaala niya sa lugar na ito. 'Mukhang nakahanap ng ibang daan ang Wolf Spider Mercenary!'
'Sabi na nga pa at hindi pamilyar ang daan na ito…'
'Pucha, kung ibang daan nga 'to, ang unang halimaw na makikita namin ay ang mga iyon!'
Biglang nanlumo si Marvin. Kung hindi naghanda nang mabuti ang mga Wolf Spider at makasalubong nila ang mga halimaw na ito, malalagay sila sa panganib!
Pero patuloy lang na itinago ni Marvin ang kanyang lakas. Nababahala siya dahil sa Pale Hand na kasama nila. Kahit na malinaw siyang nakakakita, nagpanggap pa rin siya.
Dahil nararamdaman niya na mayroong nagmamasid sa kanya at kay Gwyn.
Mayroon siguro itong Darkvision o Infrared Vision.
Kailangan ay hindi siya gaanong mapansin at magmukhang mahina.
…
Nagpatuloy lang ang grupo at hindi nagtagal ay nakarating na sila sa pakurbang daan. Ang nauunang scout ay nahanap na ang iniwan nitong marka at tahimik na sinabi ito kay Rem, "Dito na 'yon banda. Paglagpas sa lugar na ito, pwede na tayong magsindi ng mga sulo."
Tumango naman si Rem at pinaabante ang lahat.
Hindi nagtagal, nakalampas na ang lahat sa bahaging may patibong.
Nagsimula nang lumiwanag sa madilim na lagusan dahil sa iba't ibang gamit na pampa-ilaw.
Sa kanlurang baybayin, talamak ang pagpapalitan at pagpupuslit ng mga Alchemy item. Ang mga kagamitan ng mga Wizard ay malayang sinusubasta dito, kaya naman maraming kapaki-pakinabang na item ang napupunta sa kamay ng mga mayayamang adventurer.
"Mga kasama, hanggang dito na lang ang pauna naming napuntahan."
Seryoso ang mukha ni Rem habang hawak ang two-handed greatsword. "Maging alisto kayo dahil baka marami na tayong makasalubong na mga halimaw!"
Tumango silang lahat at binunot ang kanilang mga sandata.
Agad naman bumuo ng pormasyon ang mga Wolf Spider, habang ang iba nilang kinuhang mga expert ay mas dalubhasa sa pakikipaglaban mag-isa kaya pinalibutan ng mga ito ang pormasyon.
Bahagya silang nauna. Lalo pa at may aking kasakiman ang mga adventurer.
Pero nanatili si Marvin at Gwyn sa hulihan ng pormasyon.
"Bakit nandito ka lang?" Tanong ni Marvin.
Wala naman nasabi si Marvin sa sinagot nito. "Dahil nandito ka rin. Hindi naman ako mamalasin basta malapit ako sayo."
Habang nag-uusap ang dalawa, ang taong nasa pinakaharap ay lumiko na.
Sinipat ito ni Marvin.
Sa isang iglap isang kakaibang "Zzzz" na ingay ang narinig nila. May ilang galamay na balot ng kulay dilaw na likido ang lumabas mula sa pader na bato at pumulupot sa ilang mga scout na nasa harap!
Habang napa-atras ang lahat sa gulat, bumuka ang pader sa magkabilang panig nito at naging madugong bunganga!
"Diyos ko!"
"Ano 'to!"
"Tulungan niyo ko!"
Agad na narinig ang mga sigawan.
"Putulin niyo ang mga galamay!" pasigaw na utos ni Rem.
Mabilis siyang kumilos at pinangunahan ang pagputol sa makapal na galamay para iligtas ang scout.
Pero hindi sinwerte ang iba. Isa-isang hinila ang mga ito papunta sa madugong bunganga at nilamon sa harap nilang lahat!
Tumalsik ang dugo at idinura nito ang mga piraso ng buto!
Kahit si Marvin ay natigilan habang pinapanuod ang eksenang ito!
Nabalitaan niya lang na mayroong nakatagon grupo ng Tentacle Horror sa daang ito papasok ng Saruha na nag-aabang ng mabibiktima, pero ngayon niya lang ito nakita!
"Isang Evil Spirit!" Sumigaw ang Wizard, "Paano nagkaroon ng Evil Spirit sa Saruha?"
Patuloy na umatras ang lahat dahil sa pagkalito. Noong mga oras na iyon, isang malakas na "Tigil!" ang gumulat sa lahat.
Si Marvin na nakatayo sa likuran, ay biglang sumigaw.
"Anong ginagawa niyo?"
"Nagtatago ka sa likuran naming tapos sisigawan mo kaming tumigil, anong gusto mong patunayan?"
Hindi natuwa ang iba kay Marvin.
Tinuro ni Marvin ang kula dilaw na linya sa sahig at mapang-asar na sinabi, "Sige ituloy niyo nang mabagsakan kayo ng mga bato."
Namutla silang lahat!
May dala silang mga pampa-ilaw!
Gaya ng sabi ni Marvin, kung lumagpas sila sa linya, manganganib naman sila dahil sa patibong. Kapag nangyari iyon, mas masama ang kahihinatnan nila kumpara sa Tentace Horror. Babagsakan sila ng mga bato at maililibing sila nang buhay!
Biglang napatitig silang lahat kay Marvin.
Natauhan lang ba bigla ang lalaki ito o nanatili siyang mahinahon?
Sa gitna ng magulo at nakakatarantang sitwasyon na iyon, nagawa pa rin niyang mapansin ang detalyeng ito.
Noong lumayo sila sa linya hindi sila pinakawalan ng Tentacle Horror.
Ang mga galamay na may dilaw na likido ay gumapang sa mga pader papunta sa kanila.
"Anong gagawin natin?!"
"Leader?!"
Natatarantang sigaw nila. Hindi nila inakalang ganito kalayo ang kayang abutin ng Tentacle Horror.
"Hindi ka pwedeng gumamit ng malakihang spell, marupok ang lagusang 'to! Baka gumuho ang kweba dahil sa pwersa ng spell!
Mabigat ang naging reaksyon ni Lilia.
Tumayo si Rem sa harapan. Kinagat niya ang kanyang labi tinitingnan ang papalapit na Tentacle Horror. "Patayin niyo!"
Pero isang tinatamad na boses ang nagsalit. "Wag na. Dahil humingi naman ako ng pabor, tutulong na ko."
Ang Pale Hand.
Tamad lang itong nanunuod na tila baa yaw tumulong.
Dismayado lang ito na hindi pa man sila nakakaabot sa isang kwarto, naipit na sa matinding panganib ang mga Wolf Spider!
Pero sadyang isa sa mga Evil Spirit na mahirap kalabanin ang Tentacle Horror, at pumapangalawa lang ito sa mga Brain Eating Monster!
Biglang nawala si Sky!
"Mamatay ka na!"
Simpleng pananalita.
Isang anino ang mabilis na kaliwa't kanang inatake ang lagusan.
Halos hindi na makita ng mga tao ang galaw ng mga kamay nito.
Kahit si Marvin ay halos hindi masabayan ang bilis nito. Halos magmukhang katawa-tawa si Marvin dahil sa sobrang husay nito!
Naisip niyang madali niya lang matatalo ang Tentacle Horror. Lalo pa at pambihira ang kanyang mga dagger at mayroon siyang #4 Holy Water.
Pero hindi ito magiging kasing husay ng kay Sky.
Nagpabalik-balik lang ito, at labas-masok sa Shadow Plane, nilulusutan niya ang Tentacle Horror sa tuwing gagalaw ito!
Mas mahaba nang kaunti ang mga dagger na hawak nito, pero napakagaan. Bawat paggalaw ng aninong ito ay isang Tentacle Horror ang babagsak sa lupa.
"Woosh!"
Sa loob ng sampung segundo, higit sa dalawampung Tentacle Horror na nakatago sa mga pader ang pinutol niya!
Ito ang lakas ng isang Legend.
Huminga nang malalim si Marvin. Kaya niya rin itong gawin pero hindi niya matatapos ito nang kasing bilis ni Sky.
Kahit na pareho silang mayroong Godly Dexterity, mayroon pang ibang specialty at skill si Pale Hand na nakakapagpabilis sa kanya. Sa tantya ni Marvin sampung atake lang ang itatagal niya kapag kinalaban niya ito!
Kahit na maging Fierce Asuran Bear pa siya, madali lang siyang mapupugutan ng ulo ni Sky!
Ang mga Pale Hand ang pinakamalakas na mga Assassin. Kahit ang depensa ng isang Ancient Dragon ay walang hirap na malalampasan ng mga ito, lalo pa ang isang nilalang na gaya ng isang Asuran Bear.
'Wala akong laban sa ganitong klase ng tao, pero paano kung subukan kong tumakas?"
Nag-isip si Marvin.
Natuwa naman siya sa resulta. Dahil siguradong kaya nyang matakasan ito dahil sa kanyang mga Night Walker skill.
Masyadong nakatuon sa kakayang pumatay ang mga Pale Hand at pinapabayaan ang mga tracking method at utility. Hindi niya ito matatapatan sa isang laban pero magagawa niya itong takasan.
Mas napanatag ang kanyang loob habang iniisip ito.
…
"Tara na."
Patuloy na namimilipit ang mga galamay sa lupa.
Hindi naman ito pinansin ni Sky, inapakan at dinurog pa nga niya ang mga ito kasabay ng pagsabi ng, "Pwede na bai tong kapalit ng pabor na hiningi ko, Rem?"
Agad naman na tumango si Rem.
Pero nanlumo si Rem.
Hindi niya inasahan na ganito kalala ang Saruha. Kakapasok pa lang ng Wolf Spider at ganito na agad ang kanilang hinarap na hamon!
Ano pa kayang pagdadaanan nila kapag nagpatuloy pa sila?
Hindi naman laging tutulong si Pale Hand.
Sumakit ang ulo niya habng iniisip ito pero agad niyang winagayway ang kanyang mga kamay."Tara na!"
…
Nagkatinginan ang mga natitirang scout, pero hindi sila nangahas na humakbang paabante.
Ganoon din ang mga kinuha nilang mga adventurer.
Ikinagulat nila ang pag-atake ng Tentacle Horror at ang paglunok nito ng tatlong tao. Ayaw nilang matulad sa mga ito.
Bahagyang sumimangot si Rem. Walang gustong tumuloy!
"Sinong makakahanap ng daan?" sabi nito.
"Ang mga Scount ay magiging prayoridad sa pagpili ng loot. At kung may mahanap kayo, sa inyo na 'yon!"
Dahil sa malaking pabuya, ilang Thief sa Wolf Spider ang biglang hindi mapakali.
Pero ang laman ng kanilang kasamahan ay nasa tabi pa nila, kaya naman nag-aalinlangan pa rin ang mga ito.
Gusto nang murahin ni Rem ang mga ito.
Kilala ang mga Wolf Spider mercenary sa Ruins City. Ilang beses na silang sumugal at nalagay sa panganib pero ngayon lang sila nakaranas ng ganito!
Pinanghinaan ng loob ang mga ito dahil pagpasok pa lang nila ay nalagasan na agad sila ng tao!
Lalo pa at hindi sila pamilyar sa Tentacle Horror!
hindi na nakakagulat na wala nang gustong manguna sa sitwasyon na ito.
Pero biglang isang malumanay na boses ang nagsalita mula sa likuran ng grupo. "Ako na."
Nagpunta sa harap si Marvin.
Tiningnan niya si Rem. "Ang lahat ng mahahanap ko ay sa akin na?"
Nagkaroon ng pag-asa si Rem. Kaya agad naman itong tumango.
Ngumisi si Marvin sa kanyang loob-loob. Pagkatapos ng Tentacle Horror ay mayroong maliit na kaban ng yaman silang makikita.
Sinwerte siya sa pagkakataon na ito.
Bigla naman nagsalit ang isa pang boses. "Sasamahan ko si Mister Kerry."
Sumunod naman ang nakabalabal na si Gwyn.
Makikita ang pagdududa sa mukha ni Marvin.
Tuso ang lalaking ito! Pero mabuti na rin ito.
"Hindi ligtas ang maging mag-isa. Kung dalawa kami, pwede kaming magtulungan," sabi ni Gwyn. "Para maka-iwas sa panganib, didistansya kami sa grupo."
Muntik nang palakpakan ni Rem si Gwyn!
Buti na lang at nakakuha siya ng ganitong klase ng scout.
"Kapag nakalabas tayo dito, dodoblehin ko ang makukuha niyo!" Agad na pangako ito.
Hindi sumagot si Marvin at agad na dinaanan ang lugar kung saan lumitaw ang mga Tenacle Horror at dumeretso ito sa kaloob-looban ng lagusan.
Sinundan naman siya ng Vampire na si Gwyn at naglakad ito malapit sa kanya.
At mula sa grupo sa likuran, pinagmamasdan naman mabuti ni Sky si Gwyn. Paglipas ng ilang sandali, ngumiti ito.
__________
A/N: Ang haba ng chapter na 'to. Pero ang note na ito ay para ipaalam na umabot na sa isang milyon na tauhan at nasa 1/3 na tayo ng kwento.
"See you at two million characters".
T/N: Bibihira akong mag-sama ng Author's note dahil kadalasan ay tungkol lang ito sa Chinese site o sa kanila, at wala naman itong kinalaman sa mga ibang nagbabasa. Pero ito ang maikling summary ng sinabi ng Author para sa chapter na ito.