Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 329 - Vestige

Chapter 329 - Vestige

Kulay abo.

Ito ang pangunahing kulay ng baybayin ng Pambo Sea.

Dahil ang Pambo Sea ay nasa mismong hangganan ng kulay abo na Dead Area.

Hindi normal ang panahon dito. Bihirang sumikat ang araw dito at kadalasan, may malalaki at maiitim na ulap ang umiikot dito.

Gamit ang malayuang Teleportation Array, nakarating si Marvin sa isang maliit na bahay sa loob ng Ruins City.

"Sir Marvin, ako ang pinuno ng mga Wood Elf na nadestino sa Ruins City. Joan ang pangalan ko."

Isang magandang babaeng Elf ang bumati kay Marvin.

Tumango si Marvin.

Saglit na nakipag-usap si Marvin sa Elf at nalaman na binabantayan nila ang Teleportation Array na ito. Kapag nahanap niya si Ivan, kailangan niya lang bumalik dito para mabilis silang makabalik sa Thousand Leaves Forest.

'Talagang gagawin ng mga Wood Elf ang lahat para sa pamilya nila, at bilang pinakamakapangyarihang Elven King, talagang naghanda si Nicholas para dito.'

Noong una ay inakala ni Marvin na mayroon lang mga Wood Elf sa Thousand Leaves Forest.

Hindi niya inakala na ganito na kalayo ang naabot ng Elven King na umabot na ito sa Pambo sea sa dakong hilagang-kanluran.

Base sa mga sinabi ni Joan at sa mga nalalaman ni Marvin sa PAmbo Seashore, kahit paano ay naiintindihan na niya ag sitwasyon.

Ang Pambo Sea ay isa sa maraming dagat sa Feinan Continent, pero mas nakakatakot ito kumpara sa ibang mga karagatan.

Bukod sa makikitang mga itim na ulap at hamog, nagkalat rin dito ang iba't ibang uri ng nakakatakot na halimaw. Marahil dahil sa Dead Area, kaya madalas makaranas ng kababalaghan ang lugar na ito.

[Ghost Ship], [Skeleton Ship] at iba pang mga alamat ang kumakalat sa mga naninirahan sa dakong kanlurang bahagi ng baybayin na ito.

Ang rehiyon na ito ay hindi sakop ng Katimugan. Itinuturing itong hangganan ng Katimugan at Norte.

Maraming malayang bansa sa Pambo Seashore, ginagaya nito ang sistema ng mga siyudad sa Norte. Makapangyarihan ang South Wizard Alliance pero sa hindi malamang dahilan, hindi sila nakikialam sa lugar na ito.

Sa madaling salita, ang kapaligiran ng Pambo Sea ay mas magulo kumpara sa East Coast.

Kaya maraming oportunidad sa lugar na ito.

Ang Ruins City ay ang pinaka tipikal na uri ng siyudad sa Pambo Seashore.

Ang siyudad na ito ay naitatag sa hindi mabilang na mga ruins at iba't ibang uri ng mga adventurer ang naninirahan dito. Naghahanap ang mga ito ng bali-balitang kayamanan ng mga Ancient Gnome.

Maraming tao ang nakahanap ng kayamanan at nagawang umangat mula sa kanilang adventurer status habang yumayaman sila.

Pero mas maraming tao ang naging kalansay na lang at nilisan na ang mundong ito.

Ilang beses nang naglibot si Marvin sa Pambo Sea, binisita niya rin ang mga dungeon dito. Kinilabutan siya sa dami ng bangkay ng mga adventurer na nakita niya sa loob.

Hindi madaling pasukin ang mga Gnome ruins. Kahit ang pinakamahusay na mga Thief sa kanila ay nailibing ng buhay dahil sa patibong ng mga Gnome.

Isa itong malaking emperyo ng mga Gnome dati.

Mag-isang nagpunta si Marvin sa siyudad. Buhay na buhay ang mga kalye, halos kapareho nito ang Jewel Bay ng Six Pearl Harbor.

Maraming barko nag naka-daong sa pantalana, Pero ang mga barkong ito ay naglalayag lang sa pagitan ng iba't ibang mga siyudad at estado, hindi nagtutungo ang mga ito sa Dead Area na nasa kabilang dako ng Pambo Sea.

Ang pangunahing kailangan gawin ni Marvin ay mahanap si Ivan. At para magawa iyon, kailangan niyang maglakbay patungo sa Dead Area.

Kahit na may mga alam na pamamaraan at mabilis na ruta patungo sa Dead Sea, kailangan niya pa rin ng barko para sa unang bahagi ng kanyang paglalakbay.

"Anong barko ang papuntang [Sunrise Island]? At kahit anong barko ay pwede na?" Pinagmamasdan ng isang lalaking mukhang tuso si Marvin.

Bahagyang ngumiti si Marvin ay hinagisan ito ng pilak. Kinuha ng lalaki ang pilak at sumimangot. "Taga Katimugan ka?"

Nanatiling mahinahon si Marvin. "Ayaw ko ng gulo."

Itinabi na ng lalaki ang pilak. Kahit na pilak ito na galing sa South Wizard Alliance, mahalaga pa rin ito sa mga siyudad sa Pambo Seashore.

Agad niyang tinuro ang isang pangit na barko na malapit sa kanila at sinabing, "Ang Parrot. Maglalayag na si Captain Anu sa loob ng sampung araw. Ito na ang pinakamaaga. "

Pagkatapos magpasalamat ni Marvin, nagpunta na siya sa Parrot.

Paglapit ni Marvin bukod san aka-daong ang barko, wala rin dito ang mga sailor, Marahil bumaba ang mga ito para maliwaliw.

Taning ang navigator ang nasa barko, matyagang inaaral ang isang mapa ng dagat.

Nagtanong si Marvin at nakumpirma na aalis ang barkong at magtutungo sa Sunrise Island sa loob ng sampung araw. Agad siyang nagbayad at kumuha ng kwarto dito bago tuluyang umalis ng pantalan.

At dahil sampung araw pa bago ito umalis, ayaw magsayang ni Marvin ng oras.

Para sa kanya, mahalaga ang bawat segundo.

Naglakad-lakad si Marvin sa kalsada, naghahanap siya ng matutuluyan.

Pero bigla niyang napansin ang tumpok ng tao sa di kalayuan, tila may pinapanuod ang mga itong kapana-panabik.

Nagtaka naman si Marvin kaya lumapit ito.

Noong papalapit siya, napansin niyang nagkukumpol ang mga tao sa pinto ng isang patyo. Mayroong nakapaskil ditong abiso na mayroong nakasulat na [Wolf Spider].

 "May nahanap raw ang Wolf Spider mercinaries na daan papasok sa isang bagong Gnome ruins. Naghahanap sila ng mga expert na 3rd rank pataas."

"Anong klaseng Gnomish Vestige ang nakita nila para mapilitan ang Wolf Spider, na mayroong napakalakas na grupo, na maghanap ng iba pang mga miyembro."

"Hindi ko alam. Pero sabi nila, ang [Saruha] daw…"

Buhay na buhay na nag-uusap ang mga tao habang may mabigat na reaksyon si Marvin.

Ang Saruha?!

Mayroong kakaiba dito… ang Saruha ay isang high level instance na nagbukas lang isang taon pagkatapos ng Great Calamity!

Kapantay nito ang level ng Scarlet Monastery, pero mas mahirap ang mga pagsubok dito!

Ang Gnomish Vestige na ito ay ang is bagay na nagmula sa emperyo ng mga Ancient Gnome. Hindi ang mga patibong ang pinakanakakatakot na laman nito, kundi ang mga constructs at mga Evil Spirit!

Kung hindi ito paghahandaan nang mabuti, kamatayan lang ang maidudulot ng pagpunta sa Saruha.

Bakit mas maaga nilang Nakita ang daan papasok sa Saruha? Dahil ba nabago na niya ang kasaysayan?

Sumimangot si Marvin.

Base sa abiso, mukhang ang mga [Wolf Spider] mercenaries na ito ang nakahanap ng daan papasok sa Saruha.

Nakahanap sila nang daan para malaya silang makalabas-masok dito, at nakahanap rin sila ng mapa nito. Pero sa tantya nila, hindi nila kakayanin ito nang sila lang, kaya nagdesisyon sila na maghanap ng mga tutulong sa kanila.

Malinaw ang nakasulat sa abiso. Ang mga tutulong sa kanila ay pantay sa porsyento ng loot ng mga miyembro ang makukuha nila.

Bibigyan din sila ng malaking pabuya.

Kukuha sila ng sampung 3rd rank na expert.

Habang ang tatlo o higit pang mga 4th rank expert ang kukunin nila. Mas marami mas maganda.

Hindi naman sila umasang makakakuha sila ng mga Legend. Malalakas ang mga Legend, at hindi sila ang tipo ng tao na kayang bayaran ng mga Wolf Spider.

Marami sa mga taong nakapalibot sa pinto ang nais na sumama sa eksplorasyon.

Mahusay at kilalang mga mercenary sa Ruins City ang mga Wolf Spider. Hindi sila kukuha ng mga taong hindi tunay na mga expert.

Kaya naman, kung sino mang nais sumama sa iskursyon na ito, ay kailangan dumaan sa kanilang pagsubok.

Simple lang ang pagsubok: isang peak 3rd rank Barbarian ang nakatayo sa pintuan. Kailangan nila itong malabanan.

Malakas ang stamina ng mga Barbarian at perpekto sila para subukin ang mga tao.

Maraming tao ang nakilahok at nagrehistro, isa-isa nilang kinalaban ang Barbarian.

Pero karamihan sa mga ito ay hindi kinaya ang Barbarian!

Malinaw kay Marvin n amalakas ang Barbarian na ito. Kayang-kaya nitong labanan ang isang 4th rank expert.

Hindi kakayaning salagin nang pauli-ulit ng isang ordinaryong adventurer ang axe nito. Kahit na tila hindi ito gaanong seryoso, pinatalsik niya ang napakaraming mga adventurer.

Natakot at umalis ang grupo ng mga tao, at ang mga naiwan ay siguradong sila ang may tunay na kakayahan.

Sabi sa anunsyo ay kinabukasan sila magsisimula at sa tantya nila aabutin ng pito hanggang walong araw ang paglilibot doon.

At sa pagkaka-alala niya sa Saruha, hindi ito aabutin nang ganoon katagal. Hindi gaanong malaki ang vestige na ito. Sadyang napakarami lang halimaw sa loob nito.

Ang iniisip niya ay karamihan sa mga halimaw sa Saruha ay mga Construct.

Naaalala niya na mayroong espesyal na nilalang sa mga construct na ito, Ang Big Boss ng Saruha, ang [Chaotic Memory Construct].

May angking katalinuhan ang construct na ito at kaya nitong makipag-usap sa mga tao, pero paminsan-minsan ay nagkakaproblema ito sa kanyang mga alaala.

Kung hindi niya ito nakita noon, hindi niya ito maaalala.

'Chaotic Memory Construct…'

'Nawawalang Memory Chip…'

'May koneksyon kaya ang mga 'to?'

Noong napagtanto niya ito, agad siyang nagdesisyon.

magrerehistro na siya sa ekspedisyon na ito!

Kahit na mapanganib ang Saruha, sa kasalukuyang taglay na lakas ni Marvin, alam niyang kakayanin niya ito.

Mayroong naman siyang sampung araw na kailangan gugulin sa Ruins City, kaya hindi na niya ito sasayangin.

Isa pa, kahit ngayong nasa kanya na ang Legend Andvancement Manual, kakailangan niya pa rin ng malaking halaga ng battle exp para makapag-advance sa Ruler of the Night.

Sa kasalukuyang level niya, gusto niyang mag-advance sa Ruler of the Night sa pamamagitan ng pagiging Level 8 Ranger at Level 10 Night Walker. Nasa Level 6 pa lang ang kanyang Night Walker kaya kung gugustuhin niya itong umabot ng level 10, kailangan niya ng napakalaking halaga ng battle exp.

Sa paglalakbay niyang ito sa Dead Area, handa siyang pumatay nang walang habas para makapag-ipon ng battle exp.

Malaki-laki rin ang naibibigay na battle exp ng mga halimaw sa Saruha. Kasabay nito, pwede niyang tingnan ang Chaotic Memory Construct para makita kung hawak ba nito ang Memory Chip ni Mark 47. Tatlong ibon sa isang bala. Kaya hindi papalampasin ni Marvin ang pagkakaraon na ito.

Kaya naman pinakalma niya ang kanyang sarili at tahimik na pumila.

Natigilan silang lahat nang makita nila si Marvin at nagulat ang mga ito.

Kakatapos lang talunin ng Barbarian ang isang tao at napatingin ito sa linya ng mga tao, bahagya itong napasimangot.

Pero napunta ang kanyang tingin sa taong nasa hulihan!

Ang matangkad na lalaking ito ay nasa katamtamang gulang at markado ang mukha nito ng mga karanasang pinagdaanan niya.

"Dragon Slaye, Sir Robin!" Sabi ng Barbarian.

Mabilis ang naging reaksyon ng mga tao nang marinig ang mga salitang iyon.

"Si Robin na mano-manong pinira-piraso ang Black Dragon?"

"Sasali siya?"

"Teka, kaya niyang mano-manong pira-pirasuhin ang Black Dragon na si Clarke, kung ganoon may lakas siya ng isang Legend! Ang swerte ng Wolf Spider mercenary!"

Muling nabuhay ang pag-uusap ng mga tao.

Napansin na nila ang Disguise ni Marvin pero hindi nila ito binanggit dahil baka mali sila.

Lalo pa at kahit na kumalat ang kwento tungkol sa Robin ng Rocky Mountain sa Pambo Seashore, karamihan sa mga tao ay hindi mailarawan nang mabuti ang itsura nito.

Pero personal na nakita ng Barbarian na ito si Robin!

Kaya naman nakilala niya agad ito sa unang tingin.

Mapagkumbaba itong lumapit at nagtanong, "Naparito po ba kayo para lumahok sa eksplorasyon?"