Balak gumawa ni Marvin ng reserbang kampo sa Arborea.
Lalo pa at malaki ang pagkakaiba ng oras sa Feinan at Arborea. Ang isang taon sa Feinan ay katumbas ng dalawampu't isang taon sa Arborea.
Pero nang gamitin ng Dark Phoenix ang Plane Traction, nakakabit na ang Arborea sa Ashes Plain.
Kahit na sa kaduluo-duluhan pa ito ng Feinan, konektado pa rin ito sa Feinan sa pammagitan ng Legend Wizard.
Alam ni Hathaway na kapag namatay siya, maaaring sumara ang Ashes Plain. At kapag nangyari iyon, mapupunta sa wala ang pinaghirapan ni Marvin.
Kaya naman, kailangan niyang bigyan ito ng pass na maglabas pasok sa Arborea.
Sa ganitong paraan, konektado ang Arborea at ang Feinan, kahit na nasa pagitan ng mga ito ang Ashes Plain.
Ayon sa haka-haka ni Scholar Orland, sa loob ng isang buwan (sa panahon ng Feinan), papantay na ang oras ng Arborea dito.
At ang pagsasanib ng Arborea at Ashes Plain ay mas lalakas.
Sa madaling salita, babalik na sa pinagmulan nito ang Arborea.
Kahit na hindi pa rin nagbago ang mga batas ng plane na ito, ang mga powerhouse ng Arborea ay maaaring magpunta sa Feinan para magpalakas.
At isa na sa kanila si Aragon.
…
Habang nagpapagaling si Marvin, nagkaroon sila ng mahabang pag-uusap ng magkapatid na Nottingheim.
Malaking pinsala ang natamo ng Nottingheim Kingdom noong winasak nila ang Shrine. Lalo pa at bahagi ng kanilang kaharian ang mga Paladin ng Shrine.
Ang dating nasa dalawang daang libong naninirahan dito ay bumaba na lang sa humigit kumulang isang daang libo.
Hindi ambosyoso sina Nana at Aragon. Ang nais lang nila ay panatilihin ang sitwasyon at patatagin ang kanilang kaharian.
Masaya naman dito si Marvin, dahil mahalaga para sa kanya na mapatatag ang Arborea.
Nakakuha siya ng maraming bagay at kayamanan dito. Malaking halaga ang nakurakot ng Shadow Shrine sa ilang taon nitong pamamahala. Ang kalahati dito ay ibinalik sa Royal Family para masuportahan ang mga naninirahan dito at mapangalagaan ang kanilang pamamahala. At ang kalahati pa dito ay loot na ni Marvin.
Ginamit ni Marvin ang Book of Nalu para tawagin si Madeline.
Kahit na hindi gaanong malakas ang magic power ni Madeline, sapat na ang kaalaman nito sa magic. Gumawa ito nang malakihang Logistical Teleportation Array na papunta sa White River Valley.
Mayaman sa purong ginto, halamang panggamot, at tsaa ang Arborea. Halos kalahati sa nakuha nila sa Shrine ay ginto.
Kahit na ang ginto ng mga Wizard ang pinakamataas na halaga ng pera sa South Wizard Alliance, noong unang panahon pa man ay ginagamit na sa pangangalakal ang ginto.
Pagkatapos magsimula ng Teleportation Array, walang tigil na agos ng ginto ang dinala pabalik sa White River Valley.
Walang nasabi si Daniela at ang iba pa sa pangyayaring ito.
Ang purong ginto na dinala ni Marvin mula sa Arborea ay mas puro pa kesa sa gintong nakuha nila sa minahan na nasa ilalim ng Ogre Mountain.
Ginawang bareta ng Shadow Shrine ang mga gintong ito.
Hinayaan na ni Marvin na si Madeline ang magsabi sa kanila ng kanyang ipinaguutos.
Gamitin niyo ito!
Mas mabilis nilang gamitin ito, mas mabuti. Mas marami silang gastusin, mas mabuti. Kailangan nilang gawin ang lahat para magamit ang mga gold at kagamitan para mas mapabilis ang pagtatayo ng mga imprastraktura at ang paghahasa sa mga sundalo!
Kahit na hindi alam ni Daniela na magaganap na ang Great Calamity, nararamdaman niyang may malaking pinaplano si Marvin.
Siya ang naging punong-abala sa pagpapaunlad sa White River Valley.
Naguguluhan siya sa pinapakita ni Marvin, pero dahil sa pangako niya, hindi siya makakabalik sa Snowy Lands. Mabuti na lang at payapa ang kasaluuyang Lavis Dukedom.
Mayroon pa siyang oras para gawin ang mga bagay na ito, kaya naman nanatili muna siya sa White River Valley. Pero hindi niya maaaring malimutan ang kanyang misyon.
Kahit na wala mismo si Marvin doon, naroon naman si Madeline para sabihin kay Daniela ang mga ninanais niya.
…
"Ang ulo ng Archdevil?"
Nakalubog si Marvin sa bariles, unti-unti nang gumagaling ang sugat sa kanayang likuran.
Nang marinig niya ito, bahagya siyang sumimangot.
"Hindi pa."
"Sabihin mo kay Daniela, tatlong buwan pa. Aabutin pa ng tatlong buwan bago maaaring galawin ang ulo ng Archdevil."
Alam ni Marvin na walang libre sa mundong ito. Malaki na ang naitulong sa kanya ni Daniela at mayroon itong kapalit.
Malaki ba talaga ang pangangailangan ng Lavis Dukedom sa ulo ng Archdevil? Hindi alam ni Marvin.
Pero dahil sa pagiging pursigido ni Daniela, baka dahil ito sa pagiging Sorcerer.
Kailangan nilang tularan ang kanilang mga Numan na ninuno at muling kumuha ng kapangyarihan mula sa ulo ng Archdevil.
Isa itong mapanganib na bagay.
Alam ni Marvin na ang Lavis Dukedom ang isa sa iilang bansa sa Norte na nanatiling nakatayo pagkatapos ng Great Calamity, at si Daniela ay nakilala bilang Ice Empress. Pero malaki-laki na ang nabago ni Marvin sa mga pangyayari.
Pagkatapos ng nangyari kay Hathaway, hindi na magiging padalos-dalos si Marvin.
Lalo na kung may kinalaman ito sa mga Devil, kailangan niyang maging maingat, at protektahan ang kanyang sariling pwersa.
Sa loob ng tatlong buwan, magkakaroon na siya ng pagkakataon na makipagtulungan kay Daniela.
Pero bago iyon, kailangan niya munang gumaling mula sa kanyang sugat at maghintay na tuluyang mawala ang mga sumpa. Saka aalis sa Arborea para simulant ang proseso para makapag-advance sa Ruler of the Night!
…
Unti-unti nang lumalamig. Sa pagtatapos ng ika-labing isang buwan, kahit ang dakong timog ng White River Valley ay lumalamig na dahil sa lamig na nagmumula sa Norte.
'Paparating na ang taglamig.'
'Ito na ang huling taglamig bago ang delubyo.'
Tumayo si Marvin sa isa sa mga pinakamataas na tugatog sa likod ng palasyo, tiningnan niya ang buong White River Valley, napuno ng emosyon ang kanyang puso.
Humigit kumulang tatlong buwan na ang lumipas mula nang magtransmigrate siya.
Marami nangyari sa tatlong buwan na iyon, kaya nagpapatong-patong na ang mga alaala niya.
Naaalala niyang noong nasa White River Valley si Hathaway, lagi siyang naka-upo sa lugar na ito. Laging malayo ang kanyang tingin at malalim ang iniisip.
Kailan ng aba nagsimula ang kanilang relasyon?
Noon bang nakita niyang pagtatangkaan siyang patayin ng Shadow Prince sa harap Marvin? O noong nahanap ni Marvin ang Book of Nalu para makapag-advance siya? O noong pagkatapos ng Battle of the Holy Grail noong nakaligtas siya mula sa Shadow Prince dahil sa babala ni Marvin?
unti-unting lumalabo ang mata ni Marvin.
Sa totoo lang, hindi niya alam. Noon pa man ay hindi na malinaw sa kanya ang kanyang mga nararamdaman, at masyado siyang naging abala mula noong nag transmigrate siya.
Mula noong mabawi niya ang kanyang teritoryo, hanggang sa paglalakbay niya sa Thousand Leaves Forest at lahat ng sumunod pa ditto… Para siyang relo na hindi tumigil kalianman.
Ni hindi na niya tinitingnan ang oras.
Ilang nakakatuwang halik, isang masayang ngiti sa tuwing nakakabalik siya nang ligtas, isang malamig na reaksyon sa tuwing galit ito sa kanya….
Ito ang paulit-ulit na pumapasok sa isip ni Marvin.
Natapos ito sa mga salitang:
"Hihintayin kita."
Unti-unting naging desidido ang mukha ni Marvin.
Tama si Owl. Hindi siya pwedeng magpalamon sa lungkot at pagsisisi.
Kailangan niyang matutong tumayo at lumaban muli.
Malawak ang kaalaman niya sa Feinan. Basta maging maingat siya, siguradong kakayanin niya ang Dark Phoenix.
Anim na buwan, ang sabi niya, pero masyado itong mahaba para kay Marvin, at sa mundong ito!
Ang Great Calamity ay mangyayari pagkatapos ng taglamig na paparating.
Kailangan niya si Hathaway para malampasan ang delubyong ito.
Ang pinakamagandang gawin ay mailigtas niya si Hathaway bago ang Great Calamity.
Alam niyang magiging mahirap ito.
Ang lakas ng Dark Phoenix ay nagmumula hindi lang sa kanyang magic power, kundi sa kanyang pagkakakilanlan. Kapag kinalaban niya ito ay parang kinalaban na rin niya ang South Wizard Alliance.
Hindi pa ito ang oras.
'Kailangan ko ng magandang plano.'
Sumimangot si Marvin.
Sa pagkakataong ito, umihip ang hangin sa kanyang likuran at bigla siyang napatalikod.
Sa dakong silangan naroon ang hindi pa tapos na daungan. Isang barkong puno ng halamang panggamot ng Arborea at tsaa ang maglalayag na.
Ang binago nilang Southie.
Madali lang gawin ang mga bagay-bagay basta may pera. Ang nakamamanghang si Anna ay nag-imbita ng napakaraming Master level na Craftsman mula sa Bass Harbor para ibahin ang disenyo ng barko.
Ibang-iba na ang Southie ngayon kumpara dati. Hindi na nag-aalala si Marvin na mamumukhaan ito ng iba.
Paglipas ng isang oras, maglalayag na ang Southie, lalagpasan nito ang Jewel Bay at didiretso sa mas mayabong na Bass Harbor.
Ang Bass Harbor ang nasa gitna ng Norte at Katimugan. Ito ang kilalang lugar ng kalakaran sa Feinan.
At dadalhin ni Marvin ang Southie sa Bass Harbor kasama sina Anna at Lola.
Pinangangasiwaan naman ni Daniela ang White River Valley, at binabantayan naman ito ni Constantine. Naiwan rin ang walong Dark Knight kaya siguradong walang mangangahas na sumalakay dito.
"Sir Marvin, oras na po para sumakay sa barko."
Isang anino ang mabilis na lumapit na para bang isang ipo-ipo, makikita sa mukha nito ang pagkasabik.
Si Aragon.
Siya ang unang taong dinala palabas ni Marvin mula sa Arborea, ang pinakamalakas na tao sa plane na iyon.
Binitawan niya ang kanyang trono para magpunta sa Feinan at sundan si Marvin.
Marami siyang nais matutunan tungkol sa mundong ito. Naiwan naman si Nana sa Arborea at naging kauna-unahang Reyna sa kasaysayan ng Nottingheim.
Sa katanyagan ni Marvin, suporta ng mga Dark Knight, tulong ni Orland, pati na ang pinapakita niyang pamumunod, walang nakapagsalita laban sa kanya.
Lalo pa at ibang-iba na Arborea kumpara noon.
Sa harap ng sabik na si Aragon, tumango si Marvin at tiningnan sa huling pagkakataon ang White River Valley.
Talagang napakahusay at walang kapantay ang kakayahan ni Daniela. Dahil sa pagpasok ng malaking yaman, mas umuunlad ang mga naninirahan sa White River Valley araw-araw.
Dumadami na rin ang mga gwardya, at sa ilalim nang mahigpit na pangangasiwa ni Anna, garantisado ang kanilang moral at katapatan sa White River Valley.
Buhay na buhay rin ang adventurer camp na itinayo sa dakong timog ng White River Valley.
Nasisimula na ring mabuo ang bayan ng mga Sha. Isang maliit na bayan na rin ang nabuo sa Ogre Mountain. Ang mga Slave at manggagawa mula sa iba't ibang lugar ay masipag na nagtatrabaho.
Karamihan sa mga orihinal na naninirahan sa White River Valley na dating mga magsasaka ay nagbago na ng propesyon, nagbukas ang mga ito ng inn sa adventurer camp, ang iba ay nagbukas ng restawran sa Ogre Mountain, at iba pa.
Unti-unti na ring nababawasan ang mga lupagn sinasaka, pero hindi naman nag-aalala si Marvin.
Mayroon na siyang plano para dito.
Ang Arborea. Maganda ang plane na ito para sa agrikultura. Sa suporta ng plane na ito, maaari niyang isang matatag na lugar ang White River Valley!
Huminga nang malalim si Marvin habang iniisip ito.
Marami pa siyang kailangan gawin.
At ang una ay makapag-advance sa Legend!
"Tara na!"
Hindi na siya nag-atubili na iwanan ang tanawin na ito. Naging anino ito at nagmadaling pumunta sa Southie.