Biglang lumabas si Marvin mula sa arko ng pasukan ng siyudad.
Mahusay niyang sinundan ang mga anino at magkasabay niyang ginamit ang kanyang mga dagger para atakihin ang Shadow Prince, sinubukan niyang pugutan ito ng ulo.
Nagawa naman salagin ng Shadow Prince ang atake gamit ang Nightfall, pero nahilo siya dahil sa pwersa ng pagtatgpo ng kanilang mga sandata.
Natumba sa lupa si Glynos.
Agad naman sinundan ito ni Marvin ng isa pang atake, hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon.
Sa loob ng ilang minuto lang, eepekto na ang kasunod na sumpa. Kung hindi niya mapatay ang Shadow Prince bago mangyari iyon, malalagay siya sa matinding panganib.
Kaya naman ginamit na niya ang lahat ng kanyang desperate skill!
"Slash! Slash! Slash!"
Paiba-iba ang isitlo ng mga Night Walker sa pakikipaglaban, pero dahil kaharap ni Marvin ang tusong Shadow Prince, kailangan niyang manindigan at harapin ito.
Walang pag-ilag, walang pag-iwas, direktang laban lang.
Kasing bilis ng kidlat ang dalawang dagger nito.
Nahuli na niya ang awra ng Shadow Prince, hindi na niya ito hinayaang makatakas. Kahit na mayroon siyang Divinity, level 18 Assassin lang ang avatar na iyon!
Isang level 18 Assassin na nahuli na ng Night Walker sa kalagitnaan ng gabi, wala na itong takas.
Kung bilis nag pag-uusapan, mas mabilis si Marvin kesa dito, kung lakas, halos kapantay rin ito ni Marvin, at kung pagtunton dito, mayroon siyang Night Tracking. Wala nang mapupuntahan ang Shadow Prince!
Hawak na siya ni Marvin sa kanyang mga palad.
…
'Pucha!'
'Hindi ko inakalang kaya niyang umatake ng ganito!'
Natakot ang Shadow Prince.
Tila walang epekto kay Marvin ang pinasala nito. Isa pa, tila nagagawang ibalik ni Marvin ang lahat ng kanyang pag-atake. Ito ang unang pagkakataon na naglaban sila, kaya bakit parang kabisadong-kabisado na ni Marvin ang pagkilos niya?
Lahat ng gawin niya ay madali nitong natatapatan, at bukod sa pag-iwas at pagsalag sa mga atake ni Marvin, wala na siyang ibang magawa!
Yamot na yamot si Glynos sa pakiramdam na ito.
…
Pero hindi niya alam na kritikal ang pinsalang natamo ni Marvin.
Tinatablan pa rin si Marvin ng mga pinsala kahit na mayroon itong Fatal Injuries Immunity, at bumaba pa rin ang HP niya.
Pero mabuti na lang, mayroong siyang [Endurance] na specialty.
Makakatulong ang specialty na ito para pahupain ang sakit, at hayaan siyang maipakita ang tunay niyang lakas.
Ibinubuhos na ni Marvin ang lahat, at ang tanging layunin niya ay tapusin ang Shadow Prince.
Ilang beses na silang naglaban ng ganoon sa laro, at pamilyar na si Marvin sa lahat ng skill at atake ng Shadow Prince.
Noong una ay kinakaya pa niya, pero matapos ang ilang atake, hindi na siya nag-isip at ipinagpatuloy ang pag-atake gamit ang kanyang instinct.
Paglipas ng ilang segundo, napigilan na niya ang Shadow Prince.
Hindi makapaniwala si Glynos!
Kung dahil lang ito sa kaibahan sa level o lakas, maaari pang hindi ito pansinin ni Glynos.
Subalit, ito ay purong skill!
Ang kakayahan ni Marvin na mahulaan ang atake ni Glynos at matapatan ito ang nakapigil sa Shadow Prince.
Pakiramdam ni Glynos ay nakakita siya ng multo!
Nalungkot siya ng lubos.
Magmula noong pangyayaring kasama si Owl, nagtuloy-tuloy na ang kanyang kamalasan!
Nagpunta siya sa Decaying Plateau para magbakasakaling may makuha, pero nahuli at tinalo siya ng Great Elven King.
Nagkubli siya sa kanyang pugad para magsanay, pero inatake naman ang kanyang sariling plane!
At mabilis na natalo ang mga pwersa niya sa plane na iyon!
Paano siya hindi magagalit?
Ang mas ikinalungkot nya ay habang lumilipas ang oras, kahit na hindi siya naninwala, napipilitan siyang aminin na ang binatang nasa harap niya ay mas maraming karanasan sa pakikipaglaban kesa sa kanya.
'Sino ba talaga ang Marvin na ito?'
'Bakit hindi nila napansin na may ganitong henyo sa Feinan!'
Wala nang balak ang Shadow Prince na ituloy pa ang laban kay Marvin.
Gusto na lang niyang makatakas nang buhay.
Kung hindi niya hawak ang Nightfal, baka nahati na siya sa dalawa ni Marvin.
Sa isang laban ng dalawang Level 18, matatalo ang Shadow Prince!
…Sa isang direktang laban.
…
Sinimulan niya uli subukan tumakas, pero ginamit ni Marvin ang Night Tracking para hindi ito makawala.
Naghahanap ng ibang pagkakataon ang Shadow Prince para makatakas, pero lagi siyang napipigilan ni Marvin.
Sinundan siya nito at sinasamantala ang pagkakataon para umatake. Kahit na hindi niya mapatay ang Shadow Prince, magdadagdag naman ito ng panibagong sugat sa katawan ng Shadow Prince!
Mamamatay rin si Glynos kalaunan kapag nagpatuloy pa ito!
Pero bukod sa kanyang sugat, may panganib pang nakatago sa loob ng katawan ni Marvin!
Ang mga sumpa!
…
Nagkaroon sila ng matinding laban sa lansangan ng Royal City.
Nagpadala na si Marvin ng mga Dark Knight sa mga mahahalagang lokasyon, bilang paghahanda sa posibleng pagtakas ng Shadow Prince.
Kailangan niyang personal na patayin ang Shadow Prince!
Gaya dati.
Magiging katulad ito ng eksenang nakita ni Hathaway sa kanyang bolang kristal dati!
Habang iniisip ito, makikita ang determinasyon sa kanyang mga mata.
Pahina na nang pahina ang Shadow Prince.
Paatras na ito nang paatras at paulit-ulit na sinusubukang gamitin ang Vanish!
"Woosh!"
Para siyang isang multong kumikisap-kisap sa kalsada.
Tila nalito si Marvin sa biglaang buong pwersa nitong pagtakas kaya hindi agad nasundan ito ni Marvin.
Tuwang-tuwa naman ang Shadow Prince at sinubukang gamitin ang pangmalayuang escape skill. Pero hindi niya inasahang biglang maninigas si Marvin habang nanginginig at babagsak sa lupa!
Sa gitna ng walang laman na kalsada ng Royal City, natumba si Marvin.
Naglabas siya ng potion habang nanginginig, tila gusto niya itong inumin.
Pero may ingay na biglang narinig!
Isang anino ang biglang lumapit at binasag ang potion.
Kumalat sa lupa ang kulay asul na portion. May ilang bubog pa ang tumama sa katawan ni Marvin!
Tila nasa matinding panganib si Marvin.
Biglang lumitaw ang aroganteng mukha ng Shadow Prince sa harap ni Marvin.
"Mortal…"
"Mortal ka pa rin hanggang sa huli…"
"Hayaan mong tapusin ko na ang walang kwenta mong buhay!"
May masamang ngiti ang Shadow Prince sa kanyang mukha kasabay ng pagtatangkang pag-apak sa ulo ni Marvin.
Pero bago niya ito magawa, may mahigpit na humawak sa kanyang paa!
Natigilan si Glynos!
Bigla niyang nakita ang tusong ngiti ni Marvin.
'Pucha!'
'Patibong lang pala!'
Agad na nagsisi si Glynos!
Nilinlang siya nito sa pamamagitan ng sadyang pagbagsak sa lupa at pagpapanggap na umepekto na ang sumpa, kahit na hindi pa!
Sadyang napakahusay ng pag-arte ni MARvin, kaya naman inakala ni Glynos na ito na ang pagkakataon niya para patayin si Marvin.
Sa sumunod na sandal, hindi na makagalaw si Glynos sa kanyang kinatatayuan dahil sa isang malaking aninong nakakapit sa kanyang katawan.
Shapeshift Sorcerer, Shadow-shape!
Shadow Bind!
Nagulat si Glynos, pero bigla itong tumawa nang malakas. Dominyon niya ito, sinong tanga ang gagamit ng Shadow spell para pigilan siya?
Hindi ba't Shadow Prince nga ang kanyang pangalan? Dahil Domain niya ang mga Shadow at Darkness!
Bahagi ng kanyang katawan ang mga Shadow. Isang nakakatawang biro ang paggamit ng mga Shadow para pigilan ang Shadow Prince!
Tuturuan niya ng leksyon si Marvin.
Pero muli na naman siyang nasurpresa.
Hindi sinusunod ng mga ito ang kanyang mga utos!
Pansamantala siyang naigapos!
'Ang mga ito…'
Nagulat at nagalit si Glynos, pero wala na siyang oras.
Matapos igapos ni Marvin si Glynos gamit ang spell, agad niyang tinanggal ang Shadow-shape at bumalik sa Human-shape!
"Glynos" sabi niya sa isang nakakatakot na boses, "Hindi dahil ikaw ang Shadow Prince, pagmamay-ari mo na ang lahat ng mga Shadow."
"Ang mga Shadow at Darkness ay bahagi ng gabi."
Nanlaki ang mga mat ani Glynos, mas bumilis ang kanyang paghinga.
Seryoso ang mukha ni Marvin kasabay ng paghiwa ng kanyang mga dagger.
[Night Beheading]!
…
Sa isang iglap, nahulog sa lupa ang ulo ni Glynos!
Walang Fatal njuries Immunity o rebirth skill ang mga level 18 na Assassin. Sapat nang pugutan sila ng ulo para masigurong mapatay sila!
Nakahinga nang maluwag si Marvin.
Sa katunayan, hindi siya sigurado kung mapipigilan ng Shadow Bind si Glynos.
Ito na ang huling alas niya.
Mabuti na lang at tila mas malakas ang kapangyarihan ng Archdevil kesa sa Shadow Prince
Dahil doon, pati na sa Night Monarch's inheritance, may bigat ang kapangyarihan ni Marvin sa Shadow Domain.
Level 6 Shapeshift Sorcerer. Kahit na hindi pa gaanong kalakas ang level nito, malaki ang epekto nito sa laban.
Kung wala ang Shadow Bind, mahihirapan siyang patayin si Glynos!
Mahirap ang laban sa pagitan ng mga rogue class.
Kung hindi sila magkapareho ng level, kadalasan ay gagamit ang mga ito ng iba't ibang paraan para tumakas, at mas mahirap ang pumatay ng isa sa kanila.
Mabuti na lang, dahil sa patong-patong na plano ni Marvin na painin ang ahas, habulin ang ahas, at magpanggap na umepekto na ang sumpa ay nabigyan siya ng magandang pagkakataon.
Gayunpaman, dahil sa lakas at skill ni Glynos, mahirap pa rin ang naging pagpatay sa kanya!
"Whew…"
Matapos niyang patayin si Glynos, hindi na muna tiningnan ni Marvin ang kanyang logs at naupo lang sa lapag.
Lubha siyang nahirapan sa laban na ito.
"Sayang…. Ang limang puntos ng Divinity na 'to…"
Bahagyang nakaramdam ng pagsisisi si Marvin.
Kahit pa ang kanyang Essence Absorption System ay kayang humigop ng bahagi ng essence ng avatar at gawin itong battle exp, mayroon pa ring taglay na limang puntos ng Divinity ang avatar ni Glynos. At wala siyang magagawa kundi hayaan na lang ito.
Lima lang ang kayang lamanin ng False Divine Vessel, at hindi niya maaaring pagpalitin ang mga ito.
Habang nalulungkot siya, bigla siyang may narinig na tahol mula sa isang sulok ng kalsada.
Ang Hellhound.
Mabilis na lumapit ang tuta kay Marvin, agad na hinimas ito ang binti ni Marvin habang naglalaway na tiningnan ang bangkay ng Shadow Prince.
Saglit na nag-isip si Marvin bago tuluyang nagdesisyon.
Tuwang-tuwa naman ito at agad na lumapit, ibinuka nito ang kanyang bunganga.
Nagsimulang mag-iba ng itsura ng avatar ng Shadow Prince hanggang sa maging itim na usok na lang ito! Buong-buong nilunok ito ng Hellhound!
Mahinahon niyang tiningnan ang kanyang pet contract at natigilan, may kakaibang ningning sa kanyang mga mata.
"Talagang nakakain ng tutang ito ang kahita ano!"
"Hindi lang ang lumang puntos ng Divinity, pati na ang Divine Source ng Shadow Prince!"
"Galit na galit siguro ngayon si Glynos." Isip ni Marvin habang tumatawa.
Pero bigla siyang nakaramdam ng matinding sakit sa kanyang dibdib
'Pucha, 'yung sumpa!'
Sa sumunod na sandali, nahilo siya tila nagdilim ang kanyang paningin.