Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 313 - Crisis

Chapter 313 - Crisis

Sa Arborea, pagkatapos ng digmaan sa Shadow God Palace.

Tuluyan nang binura ni Marvin ang pagiging arogante ng Shrine.

At talagang ginalit ng Shrine ang mga tao dahil sa kanilang ginawa. Ang buong Nottingheim Kingdom ay nagsimula na ring mag-aklas laban sa mga natitira sa Shrine.

Sa dakong hilaga ng White Elephant City, ang mga rebelde dito ay bumalik na sa kanilang mga tahanan at muntik nang lumaban sa mga gwardya ng siyudad at mga miyembro ng Shrine.

Mabuti na lang at dumating si Prince Aragon bago mangyari ito.

Mabilis ang naging aksyon nito at agad na pinugutan ng ulo ang Senior Priest ng Shrine. Pagkatapos ay ginamit niya ang kanyang karisma para makuha ang suporta ng mga gwardya.

Ang mga Paladin at Priest ay dinisarmahan o pinatay.

Sa loob ng isang gabi, ang matayog at makapangyarihang Shadow Shrine ay bumagsak.

Lalo pa at mabilis kumalat ang balita mula sa Royal City

Nagulat ang buong bansa.

Nabasag ang Idol!

 Pumatay ng sanggol ang Shrine!

Nag-Descent ang isang Angel at napatay!

Ang lahat nang narinig nila ay taliwas sa kanilang paniniwala. Pagkatapos makitapagtalo sa kanilang mga sarili, karamihan sa mga tao ay tinalikuran ang Shrine

Ang mga tauhan naman ng Shrine ay naging punterya ng galit ng mga tao. Gusto silang murahin o bugbugin.

Pinangunahan naman ni Aragorn ang hukbo ng White Elephant City mula sa hilaga para puksain ang pwersa ng Shrine.

At sa Royal City naman, dahil sa ipinakita ni Marvin, nagkakagulo na ang pwersa ng Shrine.

Pinagsama-sama naman ng Nottingheim Royal Family ang kanilang lakas militar, nagkipag-ugnayan kay Prince Aragon at nagsimulang linisin ang mga Shrine sa buong kaharian.

At ang mga Noble mula sa Imperial Palace ay tumulong rin sa layunin na ito.

Halos lahat ng Noble ay ipinadala ang kanilang personal na hukbo para tumulong.

At ang mga natitirang miyembro ng Shrine ay namili kung isusuko nila ang kanilang paniniwala o lalaban sila hanggang kamatayan.

Ganito kabagsik ang laban para sa kanilang paniniwala.

Sa loob ng maikling kalahating buwan, hindi na makikita kahit anino ng Shrine sa buong Nottingheim Kingson.

At ang lahat ng ito ay dahil kay Marvin.

Sa bawat military campaign, kahit na hindi siya mismo ang kumilos, naglunsad naman ng paunang pag-sugod ang siyam na Dark Knight.

Sa lakas ng mga ito, at ang napakatapang na si Aragon, ang ganitong tagumpay ay normal lang.

Malaki naman ang pasasalamat nina Aragon at Nana sa mga nagawa ni Marvin.

At syempre, hindi naman nagpunta si Marvin sa plane na ito para lang magpabayad sa kanyang nagawa.

Napakataas ng halaga ng isang Planar War. Mabuti na lang at tinulungan siya ni Hathaway at pinadala siya at ang kanyang mga Dark Knight dito.

Kahit na nagpunta siya sa Arborea para sa Shadow Diamon at TwinFate Flower, at nagkataon lang na inatake niya ang mga pwersa ni Glynos, malaki ang halaga ng nakuha nilang kayamanan.

Nagkasundo ang magkabilang panig: hahatiin nina Marvin at ng Nottingheim Royal Family ng 50-50 ang makukuha nilang yaman sa digmaang ito.

Kuntento naman ang magkabilang panig sa ganitong hatian.

Lalo pa at kung wala si Marvin doon, baka nabura na ang Royal Family!

Siguradong namatay si Prince Aragon at si Nana ay magiging isang laruan lang na sunod-sunuran sa utos ng Shrine.

Gayunpaman, ang napakalaking ulap sa kalangitan ay nawala na rin.

Nakaramdam ng kalayaan ang lahat.

Kaya naman, pakiramdam ni Aragon ay dapat nilang bigyan ng regalo si Marvin.

Sa Imperial Palace.

Pagkatapos ayusin ang mga usaping politika, bumalik na si Priness Nana sa kanyang maliit na patyo. Kasalukuyang nasa loob ng Royal City si Prince Aragon para tuluyang dispatyahin ang mga natitirang bakas ng Shrine. Sa tulong ng City Guards at ng Royal Iron Guards, pansamantalang pinamamahalaan ni Nana ang lahat.

At wala namang problema dito ang mga tao.

Noong gabi ng pagpatay ng Plane Traveller sa Angel, nakumbinsi ni Princess Nana ang lahat dahil sa katapangan niyang ipinakita. Ang kaalaman nito sa politika at ang kakayahan niya sa pamumuno ay mahusay. Humanga rin si Marvin sa kung paano niya pinakalma ang mga tao.

Si Marvin mismo ay walang alam sa politika, pero nakikita niya pa rin ang epekto nito. Araw-araw ay paayos na nang paayos ang sitwasyon sa Royal City, at ang lahat ng ito ay dahil kay Nana.

Namatay naman ang matandang king noon araw na nag-Descent ang Angel.

Hindi niya kinaya ang takot sa Shrine kaya nagpatiwakal ito.

Malala ang sitwasyon noong mga panahong iyon kaya naman ginamit ni Nana ang Royal Iron Guard para panatilihin ang kaayusan. Paglipas ng tatlong araw, nang humupa na ang epekto ng digmaan, kumalat ang balita tungkol sa pagkamatay ng hari.

Malinaw naman na hindi maaaring walang mamuno sa kaharian, at kalaunan ay kailangan nang maupo sa trono ang panibagong hari.

Pero sa ngayon, tanging si Princess Nana lang ang may kakayahan ayusin nag lahat. Lalo pa at si Nana lang at Aragon ang anak ng king.

Ang dating tahimik na patyo ay mayroong nang isang kakaibang gusali.

Kasalukuyang nasa loob ng gusali si Wizard Orland, walang humpay nitong inuukit ang isang rune na para bang ito na ang pinakamagandang bagay sa kanyang buhay kaya naman ayaw na niyang tigilan ito.

At hindi magawang makialam ng ilang apprentice sa tabi.

Ilanga raw na siyang ganito.

Tiningnan ni Nana ang kanyang guro at hindi maiwasang ngumiti.

Ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ay dahil sa blueprint na ibinigay sa kanya ng Lord na iyon.

Lumapit siya at naroon si Marvin, naka-upo sa tabi ng gusali habang hawak ang isang tuta.

Paminsan-minsan may sasabihin ito kay Orland, pero ang pinakamahahalagang parte ay kailangan si Orland mismo ang makaunawa.

Ginagawa niya ang Space-Time Lighthouse!

Naging mas madali kesa sa inaasahan ni Marvin ang pagkuha sa Arborea. Naisip pa nito na maaaring ang buong bansa ang kakailanganin niyang kalabanin.

Pero dahil sa sobrang sama ng mga ginawa ni Glynos, naging bayani pa nga si Marvin ng plane na ito.

Sa sobrang ayos ng daloy ng mga bagay noong nakaraang labing-limang araw, kahit paano ay naging mapayapa na ang mundong ito.

Napigilan na ang mga pwersa ng Shrine.

Nakakuha rin si Marvin nang malaki-laking halaga ng kayamanan. Nagmula ito sa iba't ibang bahagi ng bansa, at araw-araw ay dumadating ang mga karitelang may dala ng mga ito

Noong mga oras na iyon, walang nangahas na magsalita.

Ang titolong God Slayer Marvin ay kumalat na sa buong Arborea.

Mayroong mga balita na sinasabing siya ay pagkakatawang tao ng isang god na nagpunta dito para iligtas sila sa kanilang paghihirap. Malinaw naman ang naging sagot dito ni Marvin: hindi siya isang god.

Isa lang siyang mortal.

Pagkatapos ng gabi ng laban, isang beses lang siyang nagpakita sa mga tao at ito ay para pasinungalingan ang balitang ito.

"Hindi niyo kailangan sambahin ang sino man. Malaya ang mga tao." Dagdag pa ni Marvin.

Nagkagulo ang buong kaharian.

Napa-isip sila dahil sa mga sinabi ni Marvin.

Iba't iba ang mga tao sa Feinan na naniniwala sa iba't ibang mga god. Sa kabilang banda, naimpluwensyahan na ang mga Secondary Plane kaya pakiramdam nila na wala nang makakatalo sa mga god.

At tanging isang mas malakas na god lang ang makakatalo sa isang god.

Pero pinasinungalingan ito ni Marvin.

Hindi naman sila mapakali dahil dito at puno ng pag-aasam

Pwede ba talagang maging ganito kamakapangyarihan ang mga tao?

Ang ilang sa mga class holder na hindi nan aka-usad dahil hindi gaanong matatag ang kanilang dibdib, ay nahanap na ang kanilang mga path.

"Sir Marvin."

 Dahan-dahan lumapit si Nana. Hindi ito nakapormal na kasuotan at napakagandang tingnan. Kahit pa medyo bata pa ito, hubog na ang kanyang pangangatawan.

Naupo siya sa tabi ni Marvin, habang tinitingnan ang kakaibang gusalit, "Planar….Lighthous? Tama ba?"

Tumango si Marvin.

"Gaano pa katagal ang kailangan ni Sir Orland bago niya matapos?" Mahinhin na tanong nito.

Tiningnan ni Marvin si Orland na abalang-abala, "Siguro mga apat o limang araw."

Tumango si Nana. Nanatiling tahimik ang dalawa.

Sa isa pang sulok ng patyo, mayroong mga sirang pakpak na hindi pa naisasaayos.

Mayroing gustong sabihin ang babae pero hindi ito nagsalita.

Matalino ito, alam niyang magkaiba ang mundo nilang dalawa ni Marvin.

Mas mabuting may mga bagay na wag na lang sabihin.

'Nagawa niyang patayin ang isang Angel nang walang kahirap-hirap, siguro kasing lakas n ani Sir Marvin ang mga god.'

'Ano kaya ang itsura ng mundo nila.' Habang iniisip ito, hindi mapigilang umiling ni Nana.

Hindi naman napansin ni Marvin ang kakaibang kilos ng babaeng katabi niya.

Pinaplano pa rin niya ang paglalakbay na ito.

Dahil mas mabilis na natapos kesa sa kanyang inaasahan ang digmaan sa Arborea, mas marami na siyang oras para paghandaan ang Great Calamity.

Ang tanong ngayon ay kung mag-aadavance sa Legend, o mananatili muna sa level 18 para mag-loot pa sa ibang Secondary Plane.

Ang Arborea Plane ng Shadow Prince ay napakaraming Deep Saphhire. Bibihira ang ganito sa Feinan. Naalala ni Marvin na ang mga bagay na mula sa secondary plane ng ilang New God ay malaki ang halaga sa Feinan.

Kahit na malaki ang halaga ng isang Planar War, basta maging matagumpay ito, sulit naman ito.

Ang mahalagang taong ay kung kailangan niya pa bang gawin ito ulit.

'Hindi ko mapipigilan ang Great Calamity, kapag dumating ang panahon, ang Hell, Abyss, at ang Underworld ay aatakihin ang Feinan. Lilitaw rin ang mga Celestial na nilalang.'

'Kalaunan, lilitaw na rin ang mga nilalang mula sa Astral Sea. Ang mga tagasunod mula sa mga Secondary Plane ay magiging tau-tauhan ng mga God. Magiging makapangyarihan pa rin ang mga ito kapag ginamit nila ang mga tao.'

'Pero maraming mga Secondary Plane, at pagkatapos kong kunin ang isa mula kay Glynos, siguradong magiging mas maingat ang ibang mga god, kaya mas mapanganib na ito.'

Sumimangot si Marvin at nag-isip mabuti.

Ayaw niyang pumasok sa hindi pamilyar na mundo dahil baka mahulog siya sa isang patibong. Siguradong napansin na siya ng iba pang mga god.

Kung ipagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa, siguradong malalagay siya sa malaking panganib.

Nagdesisyon na si Marvin.

Ang pinakamahalaga ngayon ay magpalakas siya!

Gayunpaman, ang Shadow Diamond, ang pinakamahalagang kagamitan para makapag-advance sa Ruler of the Night, ay nasa kanya na. At basta mayroon siyang sapat na exp, madali na lang ang pag-abot sa Legend level!

Pero habang iniisip ito ni Marvin, isang anino ang papalapit sa kanya mula sa labas.

"Dumidilim na ba?" sabi ni Nana

Hindi napansin nito ang pagdating ng panibagong krisis.