Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 310 - Descent

Chapter 310 - Descent

Hindi magaling si Marvin sa pagpapangalan.

Saglit siyang nagdalawang isip bago siya nagdesisyon na ipagpaliban na muna ito; saka na uli siya pipili ng pangalan kapag nakahanap siya ng inspirasyon,

sa ngayon kailangan niyan mahanap ang Shadow Diamon na nakatago sa Shadow God Palace.

Naalala ni Marvin na nakatago ito sa isang lihim na kwarto sa likod ng Idol sa loob ng kapilya.

Pero ngayon, higit sa kalahati na ng kapilya ang gumuho. Kailangan niyang tyagain ang paghahanap dito.

Hinawakan niya lang ang Hellhound at patuloy na naghanap. Mabilis naman siyang gumawa ng daan base sa kanyang naaalala sa kwartong ito.

'Dito nakatayo ang Idol.'

'Mayroon dapat pasilyo sa tabi nito, diba?'

Pinag-isipang mabuti ni Marvin ang eksenang naalala niya.

Pero noong mga oras na iyon, naabala ang kanyang paghahanap ng pag-iyak ng isang sanggol!

Nagulat si Marvin!

Nakaramdam siya ng panganib kaya agad siyang naghanda para lumaban!

Pero lumingon-lingon siya at walang napansing kakaiba.

'Nasaan ang sanggol?'

'Ano 'yung naramdaman ko ngayon lang?'

Hindi pa naranasan ni Marvin na sirain ang Shadow God Palace dati. Ninakaw niya lang ang Shadow Diamond, kaya naman nagalit sa kanya ang Shadow Prince.

Dahil dito, nagkaroon na ng malaking galit sa isa't isa. Kalaunan sa laro, personal na pinatay ni Marvin ang god na ito at nag-ascend bilang Ruler of the Night at siya ang pumalit sa Domain ni Glynos.

At dahil doon, natapos na ang kanilang hidwaan.

Sa katunayan, hindi naramdaman ni Marvin na siya ang nanalo.

Lalo pa at ilan beses din siyang namatay bago niya nagawa ito.

Pero hindi na mahalaga iyon dahil kakaibang nilalang naman ang mga manlalaro. Ang Golden Children ay paulit-ulit na nabubuhay muli. Ito ay isang bagay na wala ng mga god.

Palakas nan ang palakas ang pag-iyak.

Ang mga nanonood kay Marvin mula sa ulap ay nagtataka sa kakaibang kinikilos nito.

Natalo na niya ang Idol kaya ano pa ba ang hinahanap niya?

Ano ba talaga ang gusto ng lalaking ito?

Walang makahula sa kung ano ba ang tunay na intensyon ni Marvin.

Imahe lang ang ipinapakita ng ulap, wala itong tunog. Hindi nila marinig ang umiiyak na sanggol sa Royal City.

Sa gitna ng gumuhong Kapilya, mas naging kakaiba ang reaksyon sa mukha ni Marvin.

'Hindi tama 'to!'

'Hindi lang isang sanggol 'yon, iyak 'to ng maraming sanggol.'

'Saan naman sa buong Shadow God Palace magkakaroon ng napakaraming sanggol?'

Litong-lito siya.

Magaan at mabilis ang kanyang mga hakbang habang papalapit sa isang pader sa gilid ng kapilya.

Sumimangot siya at bahagyang kinatok ang pader at gumamit ng Listen.

'May puwang sa pader na 'to… May kwarto dito!'

Agad na naunawaan ni Marvin.

Mayroong lihim na silid sa pagitan ng kapilya at katabing pasilyo.

Sa di malamang dahilan, nakakarinig si Marvin ng maraming sanggol mula sa lihim na silid.

Nanlamig siya dahil dito.

'Hindi naman siguro posible 'yon …'

Napuno ng lungkot ang puso niya!

May naalala siyang isang posibilidad.

Noong mga oras na iyon, isang kakaibang kapangyarihan ang bumaba.

Iyon ay Boundless Divine Power!

Hindi mapigilang mapamura ni Marvin. Kinuha niya ang Hellhound at mabilis na umalis!

Pagkatapos, ay nagsimula na rin gumuho ang natitirang bahagi ng kapilya!

Kasama na ang pader na iyon.

Umalingawngaw ang pagguho ng mga bato. Ginamit naman ni Marvin ang kanyang Godly Dexerity para maiwasan ang mga bumabagsak na bato.

Nagkalat ang alikabok at wala na siyang ibang magagawa kundi umalis.

Pero nang lumingon siya, ito ang nakita niya:

Ilang daang sanggol ang lumulutang sa kalangitan.

Isang kulay abo na Divine Power ang bumabalot sa kanila kasabay ng kanilang malakas na pag-iyak na tila ba nararamdaman nila ang kanilang katapusan.

Hindi naman nasaktan ang mga sanggol na ito sa pagguho ng gusali.

Protektado sila ng isang barikada.

'Divine Spell Barrier.'

Natahimik si Marvin.

Kahit na gumuho na ang lihim na silid, nakaramdam siya nang matinding pagkabahala dahil sa kanyang nakita!

"Glynos!" Nagngalit ang kanyang ngipin kasabay ng pagbulong niya ng pangalang ito.

Sa sumundo na sandali, lalo pang lumakas ang pag-iyak ng isa sa mga sanggol.

Sa harap ni Marvin, na walang magawa, biglang sumabog ang sanggol!

[Descent Failure!]

Sa lansangan ng Royal City, kinilabutan ang lahat dahil sa nakakatakot at madugong eksenang ito!

Kasama na ang mga kaninang madasaling mga Paladin!

"Diyos ko! Anong nangyayari?"

"Anak ko 'yan! Anak ko!'

Puno ng pighating sabi ng isang babae kasabay nito ay napa-upo ito sa lupa at walang nagawa kundi umiyak.

Biglang binalot ng matinding lungkot ang buong Royal City.

"Iligtas mo ang mga anak namin!"

Sa Royal City, ang mga katagang ito ay umalingawngaw sa buong kapaligiran.

Sa Imperial Palace, natahimik ang lahat.

Kahit ang pinakamalupit na tao sa kanila ay napuno ng galit at pagkabigla nang makita ang kaganapang ito!

Paano nangyari ito?

Kahit na hindi alam ng mga pangkaraniwang tao kung saan nanggaling ang mga sanggol, alam naman ito ng karamihan ng tao sa Imperial Palace!

Ang mga sanggol na ito ay tinipon mula sa buong bansa dahil plano silang palakihin bilang mga Holy Maiden at mga Holy Son.

Sa mga sanggol na ito, ang ilan dito ay anak ng mga Noble. Kapapanganak lang ng mga ito at kinuha sila ng mga tauhan ng Shrine.

Noong mga oras na iyon, matinding pighati man ang naramdaman ng mga magulang, tinaggap pa rin nila ito.

Dahil alam nilang magiging makapangyarihan ang kanilang anak balang araw. May posibilidad din na maging Holy Maiden o Holy Son sila na ipinapakalat ang kagitingan ng kanilang God.

Tulad na lang ng Holy Priestess.

Pero ang kalupitang nasasaksihan nila ay binasag ang kanilang mga kahibangan.

Sa dilaw na Divine Barrier, ang mga kaawa-awang sanggol na ito ay isa-isang sumabog at tila naging ulan ang kanilang ng laman at dugo!

Kanina lang ay buhay pa ang mga ito.

Maganda pa sana ang naging kinabukasan nila.

Noong una ay nakahiga pa ang mga sanggol na ito sa mga kuna, nakangiti habang inaawitan ng kanilang mga ina.

Pero ngayon, natapos na ang buhay ng mga batang mayroon sanang magandang kinabukasan.

Sunod-sunod na pumutok ang mga sanggol.

Pabilis ito nang pabilis.

Nakatayo si Marvin sa tabi ng Divine Barrier, nagngangalit ang kanyang ngipin sa galit!

Ito ang Descent.

'Glynos, hayop ka!'

Malinaw na siya ang pinupunterya nito. Malaki ang impluwensya ng Shadow Prince sa plane na ito. Kaya naman, magpapadala siya ng isang makapangyarihang disipolo sa plane na ito sa pamamaitan ng [Descent].

Pupunta ito sa plane na ito para patayon si Marvin at wasakin ang plane na ito!

Hindi na makapaghintay ang Shadow Prince. Balak siguro nitong patayin ang lahat ng tao rito bago muling magsimulang ng panibagong populasyon ng mga tagasunod.

Ito na ang huling alas niya.

Walang magawa si Marvin kundi panuorin ito, wala siyang paraan para pigilan ito.

Sa sobrang lakas ng Divine Barrier, hindi ito basta-basta matatanggal ni Marvin!

'Kung… Meron lang isa pang Dragon Tooth!'

Kinuyom niya ng kanyang kamao nang mahigpit.

Kung mayroon lang siyang isa pang Dragon Tooth, masisira niya ang barikadang ito at maililigtas ang mga inosenteng bata na ito.

Pero malupit ang katotohanan.

Walang magagawa si Marvin para tanggalin ang Divine Barrier.

Ipinagdarasal na lang niya na akma na ang susunod na sanggol sa kung sino man ang parating, para matigil na ito!

Maririnig ang pag-iyak sa buong Royal City. Kahit ang mga hindi umiiyak ay makikita ang mapait na reaksyon sa kanilang mga mukha.

Ito ang Shrine.

Ito ang God na sinamba nila araw at gabi.

Isa-isang tinanggal ng mga Paladin ang kanilang mga armor!

Tuluyan nang nawala ang kanilang paniniwala sa God na ito.

Nagsimulang masunog ang Divine Power sa kanilang katawan, at makikita ang sakit sa kanilang mga mukha, pero walang nagsisi.

Ito ang kaparusahan ng pagtataksil ng isang matapat na tagasunod sa kanilang god!

Ang ilan sa mga Paladin ay direktang nasunog ng Divine Fire.

Karamihan sa kanila ay kinakaya ito, pero makakakuha sila ng mga tagong sakit at hindi na sila makakapagtrabaho, o makakalaban!

Ito ang kapalit ng kanilang kalayaan.

Mangiyak-ngiyak si Nana habang pinapanuod ang nangyayar. Hanggang sa tumalikod ito at kinausap ang mga Noble, "Mga kasama, ngayon handa na ba kayong samahang ako sa pagpuksa sa Shrin sa Nottineheim Kingdom?"

"Woosh!"

Lumuhod ang lahat ng mga Noble.

Napuno ng galit ang kanilang mga puso dahil sa ginawa ng Shadow Shrine.

Walang sino man ang may gustong makitang mamatay ng ganoon ang kanilang anak.

Kung nabasag lang ng pagtalo ni Marvin sa Idol ang takot ng mga tao sa kanilang god, ang karumal-dumal na pagkamatay ng mga sanggol na iyon ang nagpaalala sa kanila ng kabagsikan ng Shrine!

Iginapos sila ng Shrine na parang mga hayop, at araw-araw pahigpit nang pahigpit ang kanilang pagkakatali.

Nasasakal na sila pero hindi sila naglakas loob na magrebelde.

Ngayon, nagdesisyon na sila.

Kalayaan.

Pinanganak na malaya ang mga tao sa mundong ito at hindi dapat minamanipula to iginagapos ng sino man.

"Kung ganoon, sundan niyo ako."

Pinunasan ni Nana ang kanyang mga luha at nanindigan. "Nagpunta si kuya sa dakong hilaga para makipagkita sa mga natitirang hukbo ng tatlong Overlord na nagrebelde noon."

"Pero marami pa ring pwersang natitira ng Shrine. Kailangan nating puksain silang lahat."

Itinuro ng isang Lord ang eksena sa kalangitan at sinabing, "Ang …Ang mga bata…"

Kinagat ni Nana ang kanyang labi, "Ano mang ang mangyari sa Shirne, hayaan na natin si Sir Marvin ang tumapos dito."

"Lagpas na 'to sa kakayahan ng kahit na sino sa atin."

"Naninwala akong kahit gaano kahirap ang susunod na mangyayari, alam kong mananalo siya."

"Dahil nangako siya sa akin."

Sa labas ng Barrier, tahimik lang si Marvin. Nakahanap na ng pagtataguan ang Hellhound matapos niyang utusan ito.

Siguradong may magaganap na laban.

Kampante naman siyang magwawagi siya.

Lalo pa at ito na ng pinakamalakas na estado niya, marami rin siyang itinatagong baraha.

Pero sadyang nakaka-awa ang mga sanggol na ito.

Para maging handa sa isang biglang pag-atake, kailangan niyang pagtuonan ng pansin ang nangyayari sa loob ng Divine Barrier!

Kinamumuhian niya ito.

'Kung ano man ang mag-Descent, pipira-pirasuhin kita!'

Patuloy niya lang pinanuod ang sitwasyon.

Noong halos kalahati na sa mga sanggol ang naisakripisyo, isang babaeng sanggol ang biglang lumutang.

Mukha itong mabait at nakakatuwa. May ilang ginintuang buhok sa kanyang ulo.

Kumurap ito.

Sa sumunod na segundo, isang malamig na boses ang narinig ng lahat!

"Hehe, pwede na ang isang 'to."

Kasunod ng pagsasalita, nagsimulang lumaki nang napakabilis ng sanggol.

Sa isang iglap, ang walong buwang sanggol ay naging isang labing-walang taong gulang na babae.

Isang pares ng gintong pakpak ang pumapagaspas sa kanyang likuran!

Huminga nang malalim si Marvin. 'Ophanim!'

Sa Royal City, isang mag-asawa ang mahigpit na niyakap ang isa't isa, umiiyak.

"Ito ba ang itsura ni Angela paglaki niya?"

Tulirong tiningnan ng babae ang anghel sa kalangitan, umiiyak.