Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 308 - Godly Dexterity

Chapter 308 - Godly Dexterity

Ang kapilya na nasa Eastern Snow Mountain ay gumuho kasama ng kanilang Idol!

Tuloy-tuloy na umalingawngaw ang pagdagundong ng ingay.

Nagawang makatakas ng Hellhound mula sa

Biglang natahimik ang buong Shrine.

Hindi makapaniwala ang mga Paladin at Cleric na nakaligtas.

Sa puntong ito, hindi na nila alam kung ano ang dapat nilang gawin.

Namatay na ang High Priestess!

Wala na rin ang Idol!

Nawalan na ng pag-asa ang buong Shadow God Palace.

Sa Royal City, isang masayang reaksyon ang makikita sa mga mat ani Nana.

'Nagawa niya!'

Kahit pa may hindi maipaliwanag siyang tiwala sa plane traveler na ito simula pa lang, nang magawa nga ito ni Marvin, hindi pa rin siya makapaniwala.

At kung ang Princess ay hindi na maapaniwala, mas lalo pa ang mga Noble at ibang mga opisyal.

Kahit ang mga laging mahinahong Royal Iron Guard ay makikitaan ng gulaat.

"Imposible!"

"Imposible! Paanong nangyari na si Father God ay…"

Nakita ng Great Priest ang lahat at napasigaw sa kalangitan.

Isang nakakatakot na dami ng Divine Power ang naipon sa kanyang katawan.

Napansin ng Great Scholar na si Orland na hindi na maganda ang sitwasyon kaya nagbukas ito ng Teleportation Door sa tabi nito at itinulak siya.

Magkalingkis na lumilipad sa kalangitan ang dalawa!

Ang mga ntirang Shrine Paladin ay litong-lito sa nangyari. Nawala na ang paniniwala nila at hindi na nila alam ang dapat na gawin.

"Mga Paladin!" Nakangiting sabi ni Princess Nana.

"Imulat niyo ang mga mata niyo."

"Ang God ng makalumang panahon ay natalo na. Bubuo tayo ng isang malayang bansa."

"Hindi na dapat tayo mag-away."

"Sumuko na kayo."

Mahigpit na hinawakan ng mga Paladin ang kanilang mga sandata, dismayado silang nagkatinginan.

"Klang!"

Walang nakakaalam kung sino ang unang nagbaba ng kanyang sandata, pero pagkatapos nito, isa-isa nang binaba ng mga Paladin ang lahat ng kanilang sandata.

Namumutla ang kanila mukha at para bang punagluluksa ang isang kamag-anak.

Ang iba pa nga ay napaupo sa lupa at hindi mapigilang umiyak.

Ang paniniwala nila, ang halos buong buhay nilang pagsamba sa Idol na iyon… Nawala ang lahat ng ito nang ganoon lang?

Ang ilan sa mga ito ay hindi ito matanggap at pinatay ang kanilang mga sarili!

Hindi nagtagal, isang napakagulong eksena ang naganap!

Sa mgaburol sa dakong hilaga, isang anino ang dahan-dahang lumabas.

Isang matandang nakabalabal ang lumabas sa tulong ng ilang mga taong umaakay sa kanya.

May hawak siyang bolang krystal. Ang eksena ng pagbagsak ng Shrine at ng Idol ay paulit-ulit na lumalabas dito.

Naiyak sa tuwa ang lahat!

Isa-isa silang umalis sa burol at nagtungo sa hangganan ng White Elephant City.

Tatlumpung taon na ang nakakalipas, nagsimula sila ng rebelyon kasama ng nasa tatlumpung libong mga tao.

Ngayon, walong daang matatandang sundalo na lang ang natira.

Sila ang mga [Rebel].

Pero ang mga taong nalinlang ay hindi alam na sila ang nanguna sa pagrerebelde laban sa god ng plane na ito.

Sila ang pinamagagaling na mga tao.

"Tara."

"Panahon na para umuwi tayo."

Nagsalita ang matandang babae, sama-samang naglakad ang walong daang tao na ito habang akay-akay ang isa't isa patungo sa Elephant City.

Sa buong Arborea Plane.

Nakatanggap ng balita ang mga Shrine tungkil sa pangunahing God Palace sa Eastern Snow Mountain. Ang mga Priest at Paladin ay natataranta.

Ang iba ay bumuo ng pwersa para atakihin ang Royal City, pero mayroon pa ring mga mangmang na sinubukang magdasal sa kanilang God.

Hindi nila naisip na wala nang magagawa ang kanilang God.

Kung nasa puso talaga ng mga tao si Glynos, bakit napakaramig tao ang handang lumaban sa kanya?

Sa huli, itinuring niya lang na mga alagang hayop ang ang Arborea, at ang Shrine ang kanyang pastol at taga-ani.

Piniga niya ang mga ito hanggang sa tawagin siyang "Father God" na hindi naman gumana sa huli.

Maaaring sabihin na isa ito sa mga rason kung bakit ito ang napili ni Marvin para sa kanyang unang Planar War.

Syempre kailangan niyang sulitin ang bawat pangyayari!

Isa pa, ang sigalot sa pagitan niya at ng Shadow Prince sa buhay na ito, pati na sa nakaraan niyang buhay, ay kasing lalim ng dagat. Kung hindi siya ang pupunteryahin niya, eh sino pa?

At noong mabasag ang Idol, siyam na matatangkad na anino ang sunod-sunod na lumitaw malapit sa Shrine.

Ang Arborea ay mayroong sampung Shrine sa kabuoan, at ang pinakamalakas sa mga ito ay ang Eastern Snow Mountain, ang pangunahing Shrine!

Ang siyam na iba pa ay nakakalat sa iba' ibang bahagi ng mundong ito.

Pero si Marvin, na maraming nalalaman tungkil sa kasaysayan at pwersa ng Arborea, ay pinaghandaan itong mabuti.

Gusto niyang tuluyang wasakin ang pundasyon ng Shadow Prince sa Arborea ngayong gabi!

Iyon lang ang tanging paraan para tuluyan niyang mabura ang bakas ni Glynos sa plane na ito.

Sa Western Desert, sa itaas ng isang oasis. Kagigising lang ng mga Shrine Paladin nang may isang nakakatakot na anino ang pumasok sa kanilang Shrine.

"Sino yan!"

"Bilis, pigilan niyo sila!"

Magkakasunod na bumangon ang mga Paladin at nagsimulang magtipon kasama ng mga Priest. Ang Senior Priest na namamahala sa Shrine na ito ay ginising rin at para ipaalam dito ang sitwasyon.

Pero ang ikinagulat nila ay nag-iisa lang ang kalaban!

Mayroong nangahas na kalabanin nang mag-isa ang Shadow Shrine?

"Pagano! Sa tingin niya ba matatanggal niya ang lahat ng bakas ng Father God sa plane na ito dahil lang sa pagwasak ng kanyang Idol."

"Nasa paligid at nasa lahat ng bagay si Father God."

Mahinang sumagot ang matangkad ng Dark Knight habang hawak ang kanyang espada, "Hindi na mahalaga 'yon, kailangan ko lang silang patayin hanggang sa wala nang matira sa kanila."

"Kahit ang isang mahinang god gay ani Glynos ay papatayin ko."

Nanikip ang dibdib ng Senior Priest. Galit siyang sumigaw pabalik, "Sino ka?!"

Nararamdaman niyang hindi nagsisinungaling ang nakakatakot na taong ito.

May nakakatakot na awra sa kanyang katawan… at ang galit sa katawan nito ay iniwan doon ng isang makapangyarihang nilalang na isinumpa siya bago siya mamatay!

Pero buhay pa rin siya.

Sapat na ito para maipaliwanag ang maraming bagay.

"Matagal na akong walang pangalan."

"Tawagin mo na lang siguro akong [Zero]."

"Maswerte ka… Lalo pa at lumilinaw lang ang pag-iisip ko bago ang isang laban."

Biglang natawa si Zero sa kanyang sarili at napailing. Isang pulang liwanag ang biglang lumabas mula sa kanyang mga mata!

Magsisimula na ang isang madugong pagpatay!

Sa iba't ibang sulok ng Arborea, kaparehong pangyayari rin ang nagaganap.

Ang walo pang mas mababang Shrine at inatake, at mag-isa lang ang umatake sa mga ito.

Pero alam naman ni Marvin na kaya na nila itong gawin nang mag-isa.

Dahil ang bawat isa sa kanila ay para nang isang hukbo!

Ginamit niya ang mga Dark Knight para patayin pa ang mga natitira!

Sa era ng kasukalan, hindi mabilang na god ang namatay sa kanilang mga kamay!

Ang dating giting ng Feinan ay muling nagbalik sa multiverse na ito.

Sa isang tabi ng Eastern Snow Mountain, naghahabol ng hininga si Marvin.

Naubos ang stamina niya sa tatlong sunod-sunod na pagpapaputok ng [Dragon Tooth]!

Masakit ang kanyang dibdib. Sa baba ng kanyang Constitution, makakatamo siya ng pinsala kahit isang beses lang niya gamitin ang Brilliant Purple!

Lalo pa kung tatlong magkakasunod ito!

Mainit ang bariles ng Brilliant Purple. Ang Brilliant Purple na ito ay personal na ginawa ni Constantine, at totoo nga ang sinasabi sa reputasyon nito.

Kung isa itong pangkaraniwang armas ng Sha, sumabog na siguro ito.

Mabuti na lang, sapat na ang tatlong beses na paggamit nito para mapabagsak ang Idol na kontrolado ng Shadow Prince.

Hindi pa tapos ang digmaan, pero naayon na ang lahat sa plano ni Marvin.

Umupo lang siya sa malamig at manyebeng lupa, gamit ang Brilliant Purple bilang suporta, nagpahinga siya habang pinapanuod ang paglitaw ng kanyang logs.

Kakaunti lang ang nakuha niya matapos ang lahat ng iyon!

At ang rason dito ay dahil Secondary Plane ito. Ang essence dito ay mahina, kaya naman nag-iiba ang mga ito kapag naging battle exp na.

Pareho lang ito sa Sistema ng Faith. Ang Faith ay essence na natatanggap ng mga god mula sa kanilang tagasunod.

Mahina ang essesnce ng mga Secondary Plane. Ibang-iba ang sistema dito kumapara sa mga perpektong main plane, kaya naman nababawasan ang nakukuhang Faith at mayroong limitasyon sa level na maaaring maabot ng isang class-holder.

Pero nasuklian pa rin naman ang paghihirap ni Marvin.

Nakuha niya ang isang mahalagang bagay.

Dalawang puntos ng Divinity!

Ang isa ay galing sa High Priestess, at ang isa pa ay galing sa Idol.

Matapos kusang higupin ang mga itong False Divinity Vessel, naabot n ani Marvin ang limang puntos ng Divinity!

Naabot na rin niya ang limitasyon ng False Divinity Vessel. Para madagdagan pa ito, kailangan niya nang pataasin ang level ng Divine Vessel.

Kasalukuyang nasa level 0 ang Divine Vessel niya, at kung gusto niyang pumantay ito sa lakas ng isang mahinang god na level 1, kailangan niyang umabot sa godhood.

Sa madaling salita, kung hindi magiging god si Marvin, hindi na siya makakakuha ng karagdagang Divinity.

At matagal-tagal na ring pinag-aaralan ni Marvin ang tungkol dito.

Dati, naabot niya ang godhood. Pero sa pagkakataong ito, wala na siyang balak na ulitin ito.

Gusto niyang maging Ruler of the Night pero hindi isang god.

Ang pag-abot sa godhood ay ang mabilisang paraan lang ng mga tao na makakuha ng mas mataas na level ng kapangyarihan. Gamit ang tinatawag na Faith, makukuha o mahihigop nila ang essence ng mga tao.

Simple at madali man ito, marami rin itong limitasyon.

Ang mga god mula sa ikatlong era ay isang magandang halimbawa.

Inatake nila ang Universe Magic Pool dahil sa kawalan ng kakayahang baguhin ang mga bagay-bagay. Konektado na sila sa mundong ito at nag-iwan na sila ng marka dito.

Gusto nilang tumaas pero wala nang ibang paraan kundi ulit-ulitin ang parehong landas.

Alam ni Marvin na mayroong pang ibang paraan para makakuha ng mas malakas na kapangyarihan sa mundong ito.

Tulad nina Inheim at Great Elven King, hindi sila dumaan sa ascension pero nagawa pa rin nilang magkaroon ng lakas na hindi magpapatalo sa mga god!

Naniniwala si Marvin na magagawa niya rin ito!

Gayunpaman, malinaw naman ang benepisyo ng limang puntos ng Divinity.

Una, pinapataas nito ang lahat ng Resistance. Nagbibigay din ng Resistance sa Charm, Binding, at Insta-Death spell ang Divinity.

Nang bumaba ang avatar ng Shadow Prince, kung hindi dahil sa Space-Time Bind na samung beses na ginamit ni Hathaway, hindi sana makukuha ng Shadow Thief na si Owl ang Time Molt.

Kung mayroon itong isa pang puntos ng Divinity sa kanyang avatar, baka iba ang kinalabasan ng laban na iyon. Pero malaking rin ang kapalit para makapatay ng avatar ng isang god!

Umabot na sa sukdulan ang katawan ni Marvin dahil sa limang puntos ng Divinity.

Pero may isa pang pagbabago ang kanyang katawan pagkatapos maabot ang limang puntos ng Divinity!

Nakakuha siya ng +1 sa lahat ng kanyang Attribute.

Tumaas ang Strength niya, pero ang pinakamahalaga, umabot na ang kanyang Dexterity ng 30!

God level na ang 30.

Tinatawag na [Godly Dexterity] ang 30 Dexterity!

At nagbibigay ng tatlong malakas na specialty ang Godly Dexterity!

Related Books

Popular novel hashtag