Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 306 - Staking It All

Chapter 306 - Staking It All

Matindi na ang labanan sa loob ng kapilya!

Kahit na lamang sa bilang ang limampung Zealot Warrior, at mag-isang sinasalo ng Hellhound ang lahat ng atake ng mga ito, isa pa rin itong nilalang na galing Hell, at hindi maikukumpra sa mga pangkaraniwang halimaw.

Kahit tigas ng bakal ang balahibo nito. Ginawa ang mabibigat na karit ng mga Zealot Warrior para lumaban sa mga malalaking halimaw, pero kahit ganito, mababaw na sugat lang ang nagawa ng mga ito sa Hellhound kahit pa binuhos na nila ang kanilang lakas!

Para lang silang mga langgam na inaatake ang isang masamang aso!

Pero wala itong masyadong epekto.

Umatake ang Hellhound gamit ang malalaking kuko nito, at nadurog ang anim na Zealot Warrior.

Kaliwa't kanan naman umaatake ang dalawang ulo nito at sinasakmal ang mga Zealot Warrior at hindi ito binibitawan hanggang sa mamatay.

Ang mga matalim nitong ngipin ay tila mga sibat para sa isang tao!

Kahit na sunod-sunod na nag-cast ng Divine Spell ang mga Priests sa Hellhound, para tulungan ang mga Zealot Warrior sa laban na ito, mabilis pa rin na nauubos ang mga ito!

Bumaba agad sa tatlumpu ang kanina'y limampung Zealot Warrior sa loob lang ng ilang minuto!

Makikita ang bagsik sa kanilang mga mata at ang hubad nilang katawan kasabay ng kanilang pagsigaw, walang takot nilang sinusugod ang Hellhound.

At mabilis naman itong pinapalibutan ng mga Shrine Paladin.

Kahit na malaki ang kapilya, hindi ito sapat para maka-atake sila sakay ng kanilang mga kabayo, at kung wala ang mga kabayo nila, hindi matatapatan ng mga Paladin ang lakas ng mga Zealot Warrior!

Hindi man lang nila maabot ang mga tuhod ng Hellhound!

'Putanginang Aso 'to!'

Pinanuod ni Capella ang mapait na eksena sa kanyang harapan, takot at walang saiguruhan sa magiging resulta.

Pero ang atensyon niya ay nakay Marvin pa rin.

Kahit na hindi na tuluyang nakakapagtago si Marvin kay Capella, sadyang napakabilis pa rin nito!

Nagpaikot-ikot lang si Marvin sa paligid at biglang umatake patungo sa gitna!

"Mga Zealot! Patayin niyo ang pagano na na'yan!'

Agad na inasinta ni Capella ang katawan ni Marvin at nag-cast ng spell!

Pero mabilis ang naging reakyson ni Marvin at tumalon ito nang mataas!

Night Jump!

Talagang nakakagulat ang taas ng kanyang pagtalon. Tinalon niya ang gitnang ulo ng Hellhound sa isang iglap!

Walang nasabi ang lahat sa kanyang ginawa. Tao ba ang lalaking iyan?

Umalulong naman ang gitnang ulo ng Hellhound!

Tila hindi ito natuwa na maapakan siya.

Pero mabilis na yumuko si Marvin.

"Tuta… Alam kong hindi mo ako naiintindihan… Pero kailangan ko ng tulong mo…"

Malumanay niyang hinimas ang ulo ng Hellhound.

Naaamoy niya ang nakakairitang usok sa.

Pero tiniis ito ni Marvin.

Isang nakakasilaw na liwanag ang kumisap mula sa Ancestor's Mystery.

Tila may naunawaan ang Hellhound sa kanyang sinabi.

Hindi nito pinansin ang mga Zealot Warrior at agad na umikot at sinugod ang grupo ng mga Priest ni Capella.

Tuwang-tuwan naman si Marvin sa biglaang pagbabago na ito na pumutol sa ritmo ng pag-atake ng Shrine!

"Kaya palang kontrolin ng lalaking ito ang Hellhound!"

"Siguradong isa siyang Devil!"

Inutos ni Capella na maghiwa-hiwalay silang lahat!

Hindi katulad ng katawan ng mga Zealot ang katawan ng mga Priest. Para lang silang mga papel sa harap ng Hellhound. Isang atake lang nito at sapat na para patayin silang lahat!

Humabol naman ang mga Zealot, ayaw nilang pakawalan ang Hellhound!

Lumingon si Marvin at inilabas ang dalawang dagger!

Blazing Fury!

Double [Blazing Fury] Spell!

Lumabas mula sa kawalan ang dalawang spell at hinarangan ang kanilang daan.

Napaka-init ng Fire Magic na ito. Kahit ang mga Zealot na dumaan sa matinding pagsasanay at mayroong mataas na Resistance sa apoy, ay hindi ito kayang balewalain.

Kahit na dumeretso lang ang mga ito sa dagat-dagatang apoy, kahit paano ay napigilan pa rin sila nito.

Dinispatya naman ni Marvin ang lang Zealot na nakakapit sa mga paa ng Hellhound, at ngayon ay malayang-malaya na ito.

Sinimulan niya nang maghasik ng lagim sa grupo ng mga Priest!

Malumanay niyang hinimas muli ang ulo ng nasa gitnang ulo.

Nararamadaman niya na ang maliit at balikong ulo na ito ang gumagawa ng desisyon.

Sa tulong ng Ancestor's Mystery, nagawa niyang bumuo ng relasyon sa Hellhound.

Nagsimula sila bilang hindi magkakilala, ngayon ay bahagyang magkakampi na sila.

"Ang babaeng 'yon…" Mahinahong utos ni Marvin.

Patuloy niyang hinihimas ang ulo ng Hellhound habang tinuturo si Capella.

Mukha namang naiintindihan siya ng Hellhound at napunta ang atensyon ng tatlong ulo kay Capella!

Nanlamig naman si Capella.

Ito ay pagtitig ng Hell!

Sa Imperial Palace, walang emosyon pa ring nakabantay ang Royal Iron Guard.

Nag-aalala at naiinip na ang mga Noble, pero walang nangahas na magsalita.

Tiningnan nila ang ulap, at malinaw na nakitang isa itong magic tool.

Siguradong pinagplanuhan ito!

Talagang itinataya na ng Nottingheim Royal Family ang lahat.

Simple lang ang layunin nila. At itong durugin ang Shrine sa ilalim ng kanilang mga paa, sa harap ng lahat ng tao!

Magagawa nga kaya nila ito?

Ito ang tanong sa isip ng lahat.

Kung magawa man nila ito, isang God pa rin ang nasa likod ng Shrine!

Gusto ba nilang patayin ang isang God?

Imposible iyon!

"Baliw! Baliw!"

Natumba ang matandang Finance Minister. Nawala na ang imahe niya kanina:

Nakangiti pa rin si Nana.

Pero walang nakaka-alam kung ano ang iniisip ng Princess.

Sa pangunahing kalsada, mayroong isang anino na kasing bilis ng hangin!

Mayrong pa ring mga kadena sa kanyang katawan habang nakasakay siya sa isang kabayo, pero mayroon siyang espdang hawak at isang malakas na presensya!

"Kuya!" Gulat na napasigaw si Nana.

"Prince Aragon!"

Tiningnan nila ang pambihirang Prince Aragon, hindi mawari kung anong klaseng pagtingin ito.

Noon ay bitbit ng lalaking ito ang kinabukasan ng Nottingheim Royal Family. Pero ngayon, dahil sa mga ginawa nito, maaaring iyon pa ang maging dahilan ng pagbagsak ng kanilang pamilya!

"Prince!"

Lumapit ang Military Minister at dinuro siya. "Gusto mo ba talagang pangunahan ang pagbagsak ng isang kaharian dahil lang sa personal na interes?!"

"Tingnan mo ang kalangitan, ano 'yon?"

"Isa 'yang halimaw mula sa Hell! Pinakawalan mo ang isang halimaw mula sa hell para kalabanin ang Shrine, sa tingin mo ba magtatagumpay ka…"

Natigil ang pagsasalita nito kasabay ng pagkislap ng liwanag!

Bumaba ang Prince mula sa kanyang kabayo at agresibong umatake ang kanyang espada, pinugutan niya ng ulo ang Military Minister!

Natigilan ang lahat!

Ito ba ang dating Prince na kilala sa pagiging mahabagin?

"Wag niyong hayaang magdusa sa pagiging alipin ang mga anak at apo dahil lang sa sarili niyong kahinaan."

"Wag niyong hayaan tapakan tayo ng tinatawag na God na 'yon dahil lang naduduwag tayo."

"Ang mga Nottingheim ay hindi laruan na pwedeng manipulahin ng isang God, mayroong kaming sariling dignidad."

Makikita ang apoy sa mga mata ni Aragon, hinakbangan niya ang bangkay ng Military Minister at sinabing, "Basta mapabagsak ko ang Shrine sa mundong 'to, wala na akong pakialam kahit pa kailangan kong makipagtulungan sa mga Devil!"

Natahimik ang mga Noble at mga opisyal.

Pero noong mga oras na iyon, isang tao na pinangungunahan ang isang daang mga Paladin ang dumating.

Ang isa sa Great Priest ng Shrine!

"Aragon! Nakipagsabwatan ka sa isang masamang nilalang at pinakawalan ang isang halimaw mula sa Hell."

"Lumuhod ka at tanggapin mo ang kaparusahan ng Father God!"

Putting-puti ang buhok at balbas ng Great Priest, at umaalon-alon ang liwanag ng Dwin Spell.

Ang isang daang mga Paladin sa kanyang likuran ay may mga hawak na sibat at galit na inaasinta si Aragon na nahaharangan ng mga Royal Iron Guard!

Ano mang oras ay magsisimula ang isang labanan.

Matapang na itinaas ni Aragon ang kanyang espada, balak sanang paunlakan ang kanilang hamon.

Pero pinigilan siya ni Nana.

"Kuya, hindi ka pwedeng maipit dito." Maingat na sabi ni nana, "Kailangan mong magpunta pahilaga."

Nagdalawang isi si Aragon. "Pero…"

"Ako na ang bahala." Biglang nagsalita ang isang boses ng matanda.

Isang scholar na nakasuot ng kulay abo na balabal at simple salamin ang naglakas palabas mula sa Imperial Palace.

"Scholar Orland…"

Gulat na tiningnan ni Aragon ang scholar na ito, at nagulat rin ang mga Noble.

Si Orland ang guro ng mga tagapagmana ng Nottinheim, isang kilalang scholar sa buong mundo.

Kilala at nirerespeto siya ng lahat. 

Pero paano lalaban ng isang scholar ang isang Great Priest na binasbasan ng isang God?

Bilang tugon, humakbang si Orland at pinunit ang kanyang kulay abo na balabal!

Sa isang iglap, isang nakakatakot na enerhiya ang bumalot sa paligid.

Nakasuto si Orland ng kulay asul na balabal sa ilalim nito. Nginitian niya ang Great Priest ng Shrine at ang isang daang mga Paladin. "Hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng pagkakataon na magamit ang skill ko matapos kong itago 'to ng ilang taon."

"Maraming salamat, Nana."

Bahagyang yumuko si Nana. "Mag-iingat kayo, guro."

Tumawa nang malakas isOrland. "Isa lang namang laruan, wag ka mag-alala."

Pagkatapos ay ibinuka niya ang kanyang mga kamay at lumabas ang walang hanggang magic power!

Level 18 Wizard.

4th-Circle spell, Spatial Rend!

Sa kapilya. Sa unang pagkakataon, natakot si Capella para sa kanyang buhay dahil sa pagtitig nag Hellhound!

"Pigilan niyo siya!" Sigaw ni Capella.

Nakatutok ang scepter niya sa Hellhound, at sunod-sunod na lumabas dito ang mga Divine Spell!

Sa katunayan, ang mga Divine Spell ng high Priestess ay nakakatakot. Sa distansyang ito, kahit ang hellhound na may mataas na Resistance ay napako sa kanyang kinatatayuan at hindi makawala.

Sinamantala na ni Marvin ang pagkakataon at tumakas.

Kung tinamaan siya ng Divine Spell ng high Priestess, siguradong mamamatay siya!

Umatungal ang Hellhound dahil sa sunod-sunod na Divine Spell na tumama sa kanya.

At muli na namang umatake ang mga Zealot.

Mukhang nakalamang na ang Shrine sa pagkakataong ito.

Pero biglang umatungal ang ulong nasa gitna ng, "Waaan!"

Tila nakakatawang marinig ang tunog na ito sa isang labanan.

Pero nagbago ang sitwasyon ng laban dahil dito!

Narinig ng dalawa pang ulo ang utos nito at sabay na binuksan ang mga bunganga nito.

Walang humpay na lumabas ang asido na para bang isang rumaragasang ilog!

Ang tumamang asido sa mga Zealot ay nagdulot ng madugong butas sa mga katawan nito.

Ang mahalaga, kahit na malaki ang nabawas sa stamina ng Hellhound dahil sa pagbuga nito ng asido, naapektuhan naman nito ang mga Cleric ni Capella.

Nanghihina na si Capella.

'Pucha, ang Divine Armor ko!'

Ito na ang huli niyang naisip.

Noong mga oras na iyon, si Marvin, na nagtatago sa likod ng poste, ay walang takot na umatake.

[Night Beheading]!

"Woosh!"

May liwanag na kumislap.

Sa harap ng mga tao mula sa Royal City, pinugutan ng ulo ni Marvin ang high Priestess!