Makikita ang isang Teleportation Gate sa tore sa labas ng River Shore City kasabay ng pag-ihip ng hangin.
Hubo't hubad si Madeline sa harap ni Marvin!
Kahit na madilim na ang kalangitan, dahil Night Walker si Marvin, malinaw niyang nakikita ang katawan ni Marvin.
Nakakabighaning tingnan ang bawat kurba ng katawan ng Hal-Succubus na ito.
Bahagyang natuliro si Marvin.
"Naliligo kasi ako nang tawagan mo ako…" inosenteng sagot ni Madeline.
Habang sinasabi ito, ibinuka niya ang kanyang mga kamay at pinakita ang mga bula dito.
Iyon nga lang… malinaw ang mga bula na ito kaya kitang-kita pa rin ang katawan ni Madeline.
Nakadagdag rin sa kanyang alindog ang mga bula.
Nakaramdam ng init si Marvin sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.
Nag-init ang katawan ni Marvin dahil sa mapang-akit na reaksyon at kurba ng katawan ni Madeline.
"Master, kung wala ka nang iuutos, babalik na ako sa pagligo. Hintayin niyo na lang ako sa kwarto ko…" nakakabighaning sabi ni Madeline.
Hindi na siya pinatapos ni Marvin sa kanyang sasabihin at dinambahan niya ito!
Ang Half-Succubus na pumailalim sa katawan ni Marvin ay napasigaw dahil sa gulat.
"Teleportation Door." Mas lumalim ang paghinga ni Marvin.
"En…" Ika ni Madeline at isang Teleportation Door ang lumitaw sa itaas ng tore.
Pagkatapos nito, ang dalawang magkalingkos na katawan ay napunta sa malaking kama ni Madeline!
Naging pula ang kapaligiran.
Nanunuyo ang lalamunan ni Marvin, pero tanging init lang ang nararamdaman niya sa kanyang katawan. Panandalian siyang nakaramdam ng lamig sa kanyang dibdib pero agad itong nawala dahil sa nag-iinit niyang katawan!
Tanging ang malambot na katawan na ito ang nakikita niya.
Hindi lumabas si Madeline. Bahagyang kumisap sa kanyang mga mata ang itim na marka kasabay ng pagbuka ng kanyang mga hita.
Hindi na kailangan magdahan-dahan.
"Sige na…" bulong nito sa tenga ni Marvin.
Isang nakaka-akit na boses ang nag-udyok kay Marvin.
Agad naman nitong hinubad ang kanyang damit.
Nakahubad na sila pareho at magkayakap kasabay ng pagnanasa sa mga mata ni Marvin.
Nang papatong n asana si Marvin kay Madeline, hinalikan niya si Madeline.
"Bang!"
Nakaramdam si Marvin ng sakit sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.
"Pucha!"
Natauhan siya dahil sa tindi ng sakit na naramdaman niya. Napatalon siya mula sa kama ni Madeline.
Sa Three Ring Tower, si Hathaway, na nasa kalagitnaan ng kanyang mga eksperimento, ay biglang natigilan at nanlisik ang kanyang mga mata.
Sa katawan ni Madeline, hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak habang nakatingin sa City Lord ng River Shore City na naging yelo na naman.
Ang sakit na nadama niya ay dahil sa pagpatong sa isang bloke ng yelo…
Matinding sakit ang naramdaman ng kanyang ari!
"Hathaway…"
Napangiti nang mapait si Marvin.
"Bang!"
Nabasag ang iskultura ng yelo at saglit pang lumutang ang ilang piraso nito. Biglang nagliyab si Madeline at natunaw ang yelo sa isang iglap!
Kasalukuyan siyang may lakas ng isang Legend, at hindi na siya mananatiling yelo dahil lang sa spell ni Hathaway.
Isang nagliliyab na apoy ang lumitaw sa pagitan ng kanyang mga kilay at muling nag-init ang katawan ni Marvin. Pero biglang may napansin na marka si Marvin!
"Halika na Master… Pumatong ka sa akin…." Mahinang sabi ni Madeline.
Mahigpit na kinuyom ni Marvin ang kanyang ngipin at pinanatili ang linaw ng pag-iisip.
Tinulak niya si Madeline palayo at ibinuha ang mga hita nito!
Nakita niya ang malabo at itim na mga rune sa hit ani Madeline.
Ito ay marka ng God of Deception!
Nagsimula ito sa kanyang ari paakyat sa kanyang mga hita, at unti-unting nagiging Malabo.
Kung hindi niya itong direktang tiningnan, hindi sana niya ito mapapansin.
Tila walang napansin si Madeline.
Patuloy lang ito sa pang-aakit kay MArvin.
Pero paano pa nga ba makakaramdam ng init si Marvin?
Takot na lang kanyang nararamdaman!
Kung itinuloy niya ang pakikipagtalik kay Madeline, magiging katulad na siya nito!
Isang bihag ng Book of Nalu.
Ito ang nakakatakot na kapangyarihan ng Book of Nalu. Kahit na si Marvin ang master ng pahina at kahit na ang ika-anim na pahina, na Rebirth, ay mas ligtas sa iba, may panganib pa rin itong dala.
Agad niyang inutusan si Madeline na magdamit at lumabas ng kwarto.
Nagulat naman si ito at hindi pa rin alam kung ano ang nangyayari.
Pero hindi niya maaaring suwayin ang utos ni Marvin.
Wala itong nagawa kundi maluha-luhang magdamit at umalis.
Bumuntong-hininga naman si Marvin.
Sinimulan niyang tingnan ang kanyang mga log.
At nakalagay nga doon na noong nakita niya si Madeline, nagkaroon ng pagbabago sa kanyang willpower.
Ang ang pinagmulan nito ay ang Book of Nalu na dala niya.
Tahimik niyang binuksan ang ika-anim na pahina ng Book of Nalu. Marami pa rin mga rune ang nakasulat dito, pero noong mga oras na iyon, nakakita siyang namuo na ngiti.
"Magiging alipin rin kita."
"Balang Araw."
Iyon ang mga salitang bumubuo sa ngiti.
Suminghal naman si Marvin ay nirolyo muli ang pahina.
…
Mukhang masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niyang willpower.
Mapanganib na ang paggawa niyang alipin kay Madeline, pero ang paggawa niyang alipin kay Raven ang naging mitsa.
Tumaas ang koneksyon ni Marvin at ng Book of Nalu dahil sa paggamit ng pahinang iyon para manipulahin ang dalawang tao.
Gamit ang koneksyong ito, sinusubukang unti-unting sirain ng Book of Nalu ang puso ni Marvin.
Muntik na itong magtagumpay sa pagkakataon na ito.
Paano pa sa susunod?
Napakagat si Marvin sa kanyang labi.
Mukhang hindi sapat ang Vanessa's Gift. Wala na siyang ibang paraan para mabilis na mapataas ang kanyang willpower bukod sa pagkuha sa item na iyon.
…
Matagal-tagal na rin ang oras na lumipas mula nang luminaw ang pag-iisip ni Marvin. Sinigurado niyang hindi siya gagambalain ni Madeline at umidlip ito sa kama nito.
Kailangan niya ng maayos na pahinga.
Kinaumagahan hinanap niya si Madeline, na nasaktan, at inutusan ito na ipinadala siya sa White River Valley.
Maging si Anna man, Wayne, o mga gwardya, masaya ang lahat sa ligtas na pagbabalik ng kanilang Lord.
Tanging ang kanyang mapapangasawa ang hindi masaya at sinabing, "Nabalitaan ko na mayroon daw taong pinira-piraso ang isang Dragon sa Rocky Mountain gamit lang ang kamay niya. At magaganda raw lahat ng Three Sisters, mukhang mahihirapan mamili si Sir Robin, hindi ba?"
Pilit na ngumiti si Marvin.
Galing si Daniela sa Cridland clan, kaya normal lang sa kanyang magkaroon ng sariling paraan ng pagkuha ng impormasyon. Marahil hindi mahuhulaan ng iba na si Marvin iyon, ngunit kaya ni Daniela.
Pero inaasar lang naman niya ito. Habang wala si Marvin, binuo nang maigi ni Daniela ang White River Valley.
Sa larangan ng pagpapayabong ng isang teritoryo, talagang napakahusay ni Daniela!
…
Halos hindi na makilala ni Marvin ang White River Valley nang makabalik ito.
Malaki ang pinagbago ng kanyang teritoryo. Mabilis ang naging takbo ng lahat dahil sag into.
Ang daungan sa bunganga ng White River ay natapos na ang city wall nito. Kahit na wala pang gaanong laman ang loob nito, nabuo naman ito sa loob ng maikling panahon. At dahil ito sa maaliwalas na panahon ng White River Valley.
May mga inayos rin sa palasyo para mas patibayin pa ito.
Planado na rin ni Daniela ang usaping agrikultura at nilipat na rin ang lokasyon ng palengke kasabay ng pagbubukas ng mga daan patungo sa mga liblib na lugar. Mas mapapadali nito ang lahat.
Ang kampo ng mga adventurer sa dakong timog ng White River ay kumpleto na rin.
Isang maliit at abalang bayan ang nabuo doon na mayroong hindi bababa sa limang-daan na low level adventurer na tumutuloy dito.
Pumapatay ng mga halimaw ang mga ito habang nagpapadala naman si Daniela ng mga tao para bumili ng mga murang materyales.
Ang mga materyales na ito ay mapupunta sa pagbuo ng panibagong imbakan malapit sa abandonadong pantalan.
Inayos na rin ang pantalan na iyon at may barko nang naglalayag sa ilog.
Taliwas sa agos papuntang River Shore City ang ruta nito at muli nang sasama sa mga barko ng River Shore City papasok ng White River.
Kontrolado ni Madeline ang buong River Shore City pero tauhan na siya ngayon ni Marvin.
Dalawang magkaibang teritoryo man ang White River Valley at River Shore City. Pero kung titingnan, makikitang iisa na lang ang mga ito.
Ang pinag-isang buwis na inanunsyo ilang araw na ang nakalipas, ang pruweba nito.
Gamit ang ilang kanal ng River Shore City, mabilis na umunlad ang White River Valley.
Kahit na mabilis na naubos ang ginto, masaya si Marvin sa resulta. Sa pananaw niya, kailangan naman talagang gamitin ang lahat ng perang hiniram niya, dahil ang perang hindi ginagamit ay wala rin silbi.
Handa siyang mabaon sa utang para lang makabuo ng ligtas na lugar bago ang Great Calamity.
Kailangan ay kaya man lang nilang tumayo sa sarili nilang mga paa kapag natapos ito.
Dahil sa babala ni Marvin, hindi nalimutang bigyan pansin ni Daniela ang agrikultura kaya naman maganda ang ani ng mga trigo.
Mas pinalawig rin ang mga gwardya at dahil sa pagsasanay ng military instructor sa mga ito, maraming gwardya na ang nakapag-advance.
Kasalukuyang mayroong pitompung gwardya sa White River Valley, ang tatlumpu sa mga ito ay naghahanda na para sa serbisyong militar.
Sa pitumpung ito, ang orihinal na dalawampung gwardya ay nakapag-advance na lahat sa 2nd rank. Mas malakas na sila kumpara sa mga pangkaraniwang 2nd rank class holder dahil sa mga cultivation tank.
Masaya naman dito ang Necromancer na si Fidel dito. Madaldal ito at maraming tao sa White River Valley ang gusto siyang kausapin kahit na madalas itong humawak ng mga bangkay. Pero kamakailan lang, nadiskubre niya ang galing niya sa medisina. Marahil dahil ang mga Necromancer ay maraming nalalaman sa katawan ng tao? Sa madaling salita, naging doctor sya, at napagaling niya ang maraming sakit ng mga mamamayan.
Kaya naman maganda na ang reputasyon ng taong ito sa White River Valley.
May isa pang lalaking maikukumpara sa kanya.
Ang Alchemist na walang pangalan.
Dahil sa pangungulit nito, pinayagan na ito ni Marvin na bumuo ng isang laboratoryo, pero aksaya lang sa pera ang mga eksperimento nito. Laging mayroong nangyayaring mali at wala pang matinong produkto ang lumalabas dito, kaya naman patuloy na binababaan ni Daniela ang perang binibigay sa kanya.
Hindi naman ito matanggap ng Alchemist kaya gumagawa siya ng mga bagay para pahirapan si niya si Daniela.
Iba't ibang kalokohan nito ang sunod-sunod na lumitaw. At alam din ng mga mamamayan ng White River Valley ang tungkol sa nararamdaman nito para kay Anna, kaya naman hindi gaanong maganda ang tingin sa kanya ng mga tao, sa loob man o labas ng palasyo.
Kung hindi lang dahil sa paglimita nito sa kanyang sariling kalokohan, matagal na sana siyang pinalayas ni Daniela.
…
Masaya at kuntento naman si Marvin na makitang maayos at maaliwalas ang kanyang teritoryo.
Masasabing maswerte siya. Si Lola ang namamahala sa komersyo at pangangalakal, si Anna sa pamamahala sa loob ng teritoryo, si Daniela sa pagtatayo at pagbuo, at sa usaping military naman, mayroon siyang labing-siyam na Dark Knight na nagbabantay sa White River Valley.
Habang wala siya, kahit paano ay nabawi na ng mga Dark Knight ang kanilang lakas.
Umabot na sa mababang bahagi ng 4th rank ang kanilang lakas.
Nakakatakot na pwersa ang labing-siyam na 4th rank Dark Knight!
Bawat isa sa kanila ay may kakayahang magpadanak ng dugo sa isang labanan.
Kung magkakasama sila, kahit isang kabalyero ng malalakas na tao ay hindi makakapantay.
Sinisigurado ng mga ito ang seguridad sa White River Valley.
'Mukhang hindi na kailangan ng Overlord dito.' Panunuya ni Marvin sa kanyang sarili.
Bukod sa "hindi kailangan" si Marvin, dahil sa pagdating ni Daniela, nagkaroon din ng kaunting kalayaan si Wayne
Lalo pa at bata pa ito. Dahil sa paggabay ni Hathaway, unti-unti na nitong natatanggal ang impluwensiya sa kanya ng Universe Magic Pool at nag-aaral ng pambihirang pamamaraan ng magic.
Nang bumalik si Marvin, matagumpay na itong nakapagsulat ng isang 2nd circle Fireball rune.
Ibig sabihin, hindi na niya kailangan umasa sa Universe Magic Pool at kaya na niyang mag-cast ng mga spell mag-isa. Isa itong simbolo ng pagiging isang Legend!
Pero ang lakas niya ay nasa 1st rank pa rin.
Talagang mahuhusay na tao ang mga Seer.
Alam ni Marvin na ang panibagong uri ng Wizard na ito ang sisibol pagkatapos ng Geat Calamity, pero masaya siyang mas maaga na itong nasimulan ni Wayne.
Noong una ay gusto sana niyang gamitin ang oras na ito para makasama si Wayne.
Maya-maya, dumating si Anna at may magandang ibinalita sa kanya.
Nagbalik na si Constantine.
Nagsama rin ito ng isang grupo ng mga Sha clansmen… at ang loot mula sa Red Dragon!