"Luck?"
Mukhang walang nang makakatinag sa Black Dragon matapos ang muling pagsilang nito.
Ibang-iba na ito mula kay Clarke, mas mahinahon ito.
Interesado nitong pinanuod si Ding habang kitang-kita ang kasamaan sa mga mata nito.
"Bulinggit, hindi ka matutulungan niyan."
"Walang nagtatagumpay nang dahil lang diyan."
"Hindi ba bahagi ito ng lakas ng isang tao? Kung tutuusin, kung sapat ang swerte ng isang tao, kayang patayin ng isang mortal ang isang god nang isang suntok lang." Galit na sagot ni Ding.
Biglang natawa ang Black Dragon.
Pero nakipagtalo pa rin ito kay Ding.
"Sa kabuoan, ang isang bagay na 5% lang ang tyansang maaaring mangyari, ay tinuturing na isang bagay na hindi maaaring mangyari. Ang tyansang makapatay ng isang god ang isang mortal ay napakaliit."
"Kung hindi si Wizard God Lance mismo ang magkaroon ng interes, walang sino man ang suswertehin ng ganoon…"
"Pero sandali… Nakaka-amoy ako ng kaunting Fate Aura sa iyo. Hindi pangkaraniwan ang pinagmulan mo."
"Sabihin mo sa akin, sino ka?"
Seryosong tiningnan ng Black Dragon si Ding.
Sa isang gilid, hindi pinapansin nito si Marvin o kahit si Jessica.
Nanatiling tahimik ang lahat.
Bakit biglang naging madaldal ang Black Dragon matapos itong magpalit ng anyo?
Ganoon ba ito katagal nakulong sa loob ng katawan ni Clarke at walang makausap kaya kahit sino ay kakausapin nito? Kung ganoon,nga, mas mapapanatag ang loob ng mga tao sa Hope City.
Pwede silang maghanap ng mga alagang nagsasalita at salitan nila itong ipapakausap sa Black Dragon, sa ganoong paraan, wala nang laban na magaganap.
ANg Hope City ay isang lugar kung saan nagtitipon ang mga Fiend Sorcerer. Madali lang makahanap ng mga alagang nagsasalita.
Pero sa kasamaang palad, hindi napansin ng karamihan ang mahalagang sinabi ng Black Dragon.
Fate Aura!
Isang bagay ito na wala dapat ang mga alaga.
Sa mata ng karamihan, si Ding ay isang personal na alaga lang ni Lady Kate.
Malaki ang bibig nito, madaldal, mahilig mag-alboroto, at mapaglaro.
Sa mata ng mga mamamayan ng Hope City, nakakatawang nilalang si Ding.
Pero walang nakaka-alam ng tunay na katauhan nito, at hindi malakas na nilalang ang tingin sa kanya ng karamihan.
Pinanuod lang ng mga tao ang usapan sa pagitan ng maliit na si Ding at ang malaking Black Dragon. Panandaliang nawala ang takot nila para sa kanilang sarili at nag-alala para kay Ding.
Natatakot sila na lalamunin ng Black Dragon nang buong-buo si Ding.
…
Sa labas ng siyudad, matapang na sinagot ni Ding ang Black Dragon. "Ako si Ding!"
"Oh, Mister Ding." Tumikwas ang ulo ng Black Dragon. "Bakit…"
"Babae ako!" Galit na pagsabat ni Ding.
"Ganoon ba, O siya, Miss Ding."
Mukhang naubos na ang pasensya ni Clarkson. "Sabihin mo nga sa akin, bakit mayroong Fate Aura sa iyong katawan?"
"Kung matuwa ako sa isasagot mo, baka hayaan pa kitang mabuhay."
"Lalo pa at ngayon lang ako nakakita ng nilalang na katulad mo."
"Marami pang klase ng nilalang na hindi mo pa nakikita." Mapagmataas na sabi ni Ding.
"At hindi ko kailangan ng awa mo, dahil nagpunta ako dito para talunin ka."
Umabot ang boses ni Ding sa buong Rocky Mountain.
Napangiti si Lorie na nakatayo sa city wall, makikita ang ningning sa mga mata nito. Pero saglit lang tumagal ang kanyang mga ngiti.
'Kung lalaban nga si Ding, ibig sabihin… at si Ate Kate…'
Bago pa man matapos nito ang kanyang iniisip, biglang tumawa nang napakalakas ang Black Dragon!
…
"Hahahaha…!"
"Mamatay ako sa kakatawa!"
Hindi mapigilan sa pagtawa ang Black Dragon. Napa-iling si Clarkson. "Pasensya ka na, pero nakikita kong walang kang kakayahan sa pakikipaglaban! Wala ka man lang kahit anong klaseng attack power".
"Paano mo ako tatalunin?"
"Kalimutan mo na ang mga sinabi ko, kakainin na lang kita." Inilabas ng Black Dragon ang matatalas na ngipin nito."
Pero biglang lumipad pataas si Ding.
Tinitigan nito ang nanghihina na si Marvin at huminga nang malalim bago sabihin na, "Una sa lahat, alam mong ayaw ko sayo."
"Pangalawa, ginagawa ko lang 'to dahil kailangan."
"At panghuli, Gusto kong makitang pira-piraso ang Dragon na iyan."
Nagulat si Marvin.
'Anong sabi ni Ding?'
Bago pa man siya makasagot, biglang sumigaw si Jessica, "Ding!"
"Huwag mong gawin 'to!"
Tila napagtanto na nito kung ano ang balak gawin ni Ding at sinubukan niya itong pigilan.
Pero huli na ang lahat.
Sa harap ng Dragon, pumagaspas ang matabang pakpak ni Ding. "Nakakainis na lalaki, tanggapin mo ang Great Ding's Punishment!"
[Aurora Burst]!
Ang Legend spell!
Aurora Burst!
Nagulat si Marvin.
Sa lagay niya ngayon, hindi siya makaka-ilag.
Isa pa, ayaw niya itong iwasan dahil may naalala siya tungkol kay Ding.
Dati, noong ginamitan siya nito ng Aurora Lightning, nakakuha siya ng isang puntos ng Luck.
Ngayon naman, ang mas malakas na Aurora Burst. Hindi kaya…?
Wala nang oras para mag-isip si Marvin.
Agad namuo ang nakakatakot na magic at agad na tumama sa katawan ni Marvin!
Nagulantang ang lahat ng tao sa Hope City!
Kahit ang Black Dragon ay nagulat.
Anong nangyayari? Hindi ba magkakampi sila?
Alam ni Marvin na walang Attack Power si Ding!
Nang tamaan siya ng Aurora Burst, biglang nawala ang panghihina niya.
At lumabas sa kanyang logs na nakakuha siya ng 5 puntos ng luck! Kahit pa nakalagay na [Temporary], lang ito, nagulat pa rin si Marvin.
Ang 1 Luck ay sapat na para magising ang kanyang Shapeshift Sorcerer bloodline.
Paano pa kaya ang 5 Luck?
Sa isang iglap, naramdaman ni Marvin na nagbabago ang kanyang katawan.
Maaari na muli niyang magamit ang Shapeshift Sorcerer!
Kasama na dito ang Diamond-shape. Humaba na rin ng 40 segundo ang itatagal nito!
40 segundo ng Unbreakable Diamond!
Kung nakikita man ito ng mga manlalaro, marahil sumigaw ang mga ito ng "BUG"!
Kasabay nito, makikita ng determinasyon sa mga mata ni Jessica.
"Pagkatapos kong tanggapin ang pagbibinyag ng kapangyarihan ng Plane, hindi na maaaring tumanggap ng Luck nag katawan ko."
"Dahil handang isugal ni Ding ang lahat sayo. Pinagkatiwalaan ka niya ng ganito, handa na kong pagkatiwalaan ka."
Pagkatapos ng mga misteryosong pananalitang ito, ang liwanag na may pitong kulay ay unti-unti nang nawala. Paisa-isang nawawala bawat isa sa mga ito.
Ang limang layer ng Fate Power ay nawala sa katawan ni Jessica at napunta sa katawan ni Marvin.
Damang-dama ni Marvin na napupuno siya ng kapangyarihan.
Matapos mapunta ito sa katawan ni Marvin, naghalo ang lima sa pitong kulay bago muling naghiwa-hiwalay.
Paglipas ng ilang segundo, nagkaroon na ng anim na layer ang Fate Power!
6th layer Fate Power!
Huminga nang malalim si Marvin at tiningnan ang sina Jessica at Ding.
Wala nang kailangan sabihin.
Humarap siya sa Black Dragon at sa projection ng Black Dragon.
"Ako na ang bahala."
"Hindi na ko magkakamali sa pagkakataong 'to!"
Si Marvin, na taglay ang 5 Luck at 6th layer Fate Power, ay taimtim na ipinangako ito.
Biglang lumukso ang katawan niya na para bang isang bala, at sinugod si Clarkson!