May mga itim na rune ang nakasulat sa paligid ng altar, ginagamit nito ang Ancient God Language para hanguin ang kapangyarhan ng mga kaluluwa.
Tumayo si Marvin sa gilid ng altar. Nararamamdaman niya ang pagdaloy ng kapangyarihan mula sa pagkamatay ng mga nilalang at hinihigop ito ng altar.
Ito ang kapanyarihan ng ritwal ng pag-aalay.
Ang Black Dragon Scale ay lumulutang sa ibabaw ng altar.
Labing-anim na Dark Elf ang mahigpit na nagbabantay nito.
Kahit na nagmamasid sa paligid ang Heavenly Observer, tapat pa rin sila sa kanilang tungkulin.
Noon ay natatakot pa si Marvin na mapansin ng mga Dark Elf dahil sa taas ng perception ng mga ito. Pero dahil sa Eriksson's Brooch, alam na ni Marvin na kahit ilang ulit siyang maglakad sa paligid ng mga ito, hindi pa rin siya mahahanap ng mga Dark Elf.
Ganito kalakas ang Legendary Item na ito.
Sa katunayan, kung hindi itinago ng God of Etiquette sa loob ng maikling panahon ang brooch na ito, ang kayamanang ito ay agiging isang genuine artifact sa halip na Legendary Item.
Pero kung ganoon nga ang nangyari, hindi magagamit ni Marvin ang item na ito.
Ang mga True Artifact ay hindi kaya ng mga False Vessel.
At kailangan ay may Divinity ang sino mang magsusuot ng brooch na ito. Mayroong dalawang Divinity si Marvin kaya naman nagawa niya itong suotin.
Hindi na niya pinansin ang kaguluhan sa kalangitan at mabilis na lumapit sa altar.
Nakahanap siya ng maliit na butas at mabilis na inilabas ang tatlong maliit na garapon!
Ang mga garapon na ito ay puno ng espesyal na likido, Lava Acid!
Isa ito sa iilang bagay na kayang was akin ang Black Dragon Scale. Ang tatlong garapon lang na ito ang kinayang ipunin ng mga Sorcerer ng Hope City.
Kailangan gumana ito!
Huminga nang malalim si Marvin.
Pagkatapos ay inipon niya ang kanyang lakas at magkakasunod na ibinato ang tatlong garapon sa Dragon Scale!
Nakalusot ang mga garapon sa depensa ng altar at direktang tumama sa Dragn Scale. Isang nakakatakot na awra at barikada naman ang lumabas mula sa Dragon Scale at binasag ang mga garapon!
"Krash!"
Magkakasunod na nabasag ang mga ito. Kasabay ito ng pagsaboy ng kulay pulang likido sa Black Dragon Scale!
Sa isang iglap, ang mga Dark Elf at Heavenly Observer ay nakita ang nakakapanlumong eksena: Nasunog na ang Dragon Scale ng Black Dragon God!
"Snap!"
Nahulog ito mula sa pagkakalutang at nahulog sa Lava Acid, at kalaunan ay nawala na ang spiritwalidad nito.
Narinig ni Marvin ang isang nakakatakot na salita mula sa kalangitan!
Galing ito sa Astral Sea.
Natuliro siya pero halos matigilan siya sa kanyang kinalalagyan nang dahil sa boses.
Nabigla naman ang mga Dark Elf at agad na pinalibutan siya.
Hindi nila alam kung paano nakalusot si Marvin.
At nagulat rin ang Heavenly Observer. Napansin niya ang brooch ni Marvin at agad na napagtanto kung ano ito.
Pero huli na ang lahat. Ngumiti si Marvin at biglang nawala sa pangingin ng mga Dark Elf bago pa man maka-atake ang mga ito!
Shadow Step!
"Woosh!"
Nawala siya mula sa dulo ng altar.
At agad siyang gumamit ng Stealth.
Sa harap nilang lahat, nawala si Marvin na walang iniwang bakas!
Ganito kalakas ang Stealth na nasa 180!
Napigil an ritwal ng pag-aalay!
Hindi makapaniwala ang mga taong pumatay sa kanilang sariling mga tauhan. Naroon pa rin ang amoy ng dugo pero nawalan na ito ng saysay!
Itinigil nila ang kanilang ginagawa at natulala sa kalangitan.
…
"Paano nangyari ito?" Atungal ng Black Dragon na si Clarke.
"Kasuklam-suklam na mga tao… Paano kayo nakalusto sa paningin ng Heavenly Observer! Walang hiyang rogue!"
"Papatayin kita!"
Halos mabaliw na si Clarke!
Hindi niya inakala na may tao sa mundong ito na makakalagpas sa paningin ng Heavenly Observer at mawawasak ang Black Dragon Scale!
Isa itong mahalagang kayamanan na ibinigay sa kanya ng Black Dragon God.
Hindi lang nito kayang i-summon ang Projection ng Black Dragon God para protektahan siya sa mga kritikal na panahon, nagsisilbi rin itong plane mark.
Dahil sa Black Dragon God, alam ni Clarke na kailangan na niyang gumawa ng dominyon sa Feinan dahil sa parating na delubyo. Kaya naman, nagsimula siya ng digmaan kasama ng mga Underdark Race sa ibabaw ng lupa.
Sadyang ang isang mayabang na nilalang gaya niya, ay hindi inaasahan ang ganitong sitwasyon!
Alam niya ang tungkol sa makapangyarihang Fate Sorceress, pero sino ang tusong tao na iyon?
Anong ginawa niya para malampasan ang paningin ng Heavenly Observer?
Pero hindi na iyon mahalaga.
Nawasak na ang Black Dragon Scale at napigilan na ang ritwal ng pag-aalay. Hindi na makakababa sa lupa ang avatar ng Black Dragon God.
Wala nang pag-asang makapasok pa sa Hope City ang mga hukbo ng Underdark Race dahil protektado ito ng Fate Sorceress!
Pero tila mas naiirita siya na ang tila pangkaraniwang Fiend Sorceress na ito ay nagawa mag-summon ng isang Projection ng Great Void Demon!
Kahit na isa lang itong projection, ang kakayahan nito sa pakikipaglaban ay mabagsik at ilang beses siyang halos lamunin ng buo.
Ang isang Great Void Demon ay nakakatakot na nilalang. Kung lamunin siya nito, kahit na isa siyang Black Dragon, baka hindi siya makatakas.
Nahihirapan na si Clarke at ang projection ng Black Dragon God sa ilang spell ni Jessica dahil sa paglitaw ng Great Void Demon.
At hindi rin nila inaasahan na mawawasak ang Black Dragon Scale!
Nawalan na sila ng pag-asa!
Nanlaki ang mata ni Clarke sa galit.
Itinaas niya ang kanyang ulo at nagpakawala ng isang makabasag tenga na pag-atungal!
Sinukuan na niya si Jessica at Daisy kasabay ng pagragasa ng kanyang katawan patungo sa altar. Binugahan niya ito, pati na ang mga nakapalibot na Dark Race ng Dragon Breath!
Nabaliw na ito!
Wala na siyang pakialam kung sino ang kaibigan at kaawa, ang gusto niya lang ay mahanap ang taong sumira sa Dragon Scale.
Ang nakakasindak na Dragon Breath ay bumalot sa altar at sa paligid nito, at winasak ang hukbo ng Underdark.
Natatarantang nagsitakbuhan ang mga ito, nagtutulukan para lang makatakas dahil sa takot nab aka tamaan sila ng Dragon Breath.
Ito ay isang bagay na kahit si Marvin ay hindi inasahan!
'Pucha!'
'Baliw na ang babaeng Dragon na 'to.'
Napabuntong hininga si Marvin at agad na lumabas mula sa pagtatago. Tumakbo agad siya papalayo.
Nang biglang may isang pinto ang biglang lumitaw sa kanyang harapan!
"Sumunod ka sa akin!" Namumutla na si Daisy.
Walang pag-aalinlangan namang pumasok si Marvin.
Sa sumunod na sandali, tumama na ang Dragon Breath kung saan galing si Marvin.
Agad namang lumitaw si Marvin at Daisy sa City Wall ng Hope City!
"Kamusta ka?" Nag-aalalang tanong ni Marvin.
Pinilit na lang ngumiti ni Daisy. Malaking porsyento ng kanyang lakas ang nagagamit niya para lang i-summon ang Great Void Demon. Kahit na isa siyang Fiend Sorcerer at mayroon silang kasunduan ng Great Void Demon, mahirap pa rin ito para sa kanya
Kalaunan, tinulungan siya ng dalawang tao na dalhin sa isang lugar kung saan siya maaaing magpahinga.
Agad na lumapit si Lorie at Ding. Nakahinga naman ng maluwag si Ding nang makita nilang walang galos si Marvin.
Pero noong mga oras na iyon, ang Black Dragon na inilalabas ang kanyang galit sa Lion Town ay sinumulang ipagaspas ang mga pakpak nito at mabilis na lumipad patungong Hope City!
"Hindi maganda 'to!"
"Gustong banggain ng baliw na Dragon ang city wall!"
Nanginig si Marvin!