Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 278 - Blood Swallowing

Chapter 278 - Blood Swallowing

Isa ang Night kill sa mga bibihirang maglevel-up na specialty.

Lumalakas ang kakayanan sa pakikipaglaban ng isang Night Walker sa gabi habang tumataas ang level ng specialty na ito.

Pero matagal na panahon ang pagpapataas ng level ng specialty na ito. Huling beses itong nangyari ay noong inagaw ni Marvin ang Southie. Sa isang iglap napakahabang panahon na ang lumipas at napakarami na ring napatay ni Marvin nang gabi. Sa huli, ang pagpatay sa dalawang Dark Side Vampire ang naging dahilan ng tuluyang paglevel-up nito.

Matapos itong maglevel, ito na ang nakalagay sa kanyang stat window:

[Night Kill (Hidden Specialty - Activated)]

Type: Passive/Upgradeable

Level: 2

Effect: Tuwing gabi, Attack Power +6%, Attack Speed +6%, Movement Speed +6%, Burst Power +6%, Reaction Speed +6%.

Simple at passive lang ito!

Pero alam ng lahat ng manlalaro na ang mga passive skill ay ang pinakamalalakas na specialty or skill. Kaya nitong palakasin ang lahat ng uri ng mga attribute at gawin siyang mas matalas, palakasin nag kanyang perception, at mas pahusayin pa ang kanyang pagkilos. 

Ang ganitong uri ng mga hindi nakikitang benepisyo ay malaki ang nagagawa sa isang labanan.

Halimbawa, sa laban niya sa mga Dark Side Vampire, kahit na malakas ang Night Boundary, kung hindi sapat ang kakayahan ng kanyang katawan, hindi niya rin maisasagawa ang mahihirap na pag-atakeng ginawa niya sa ere.

Kahit pa kayang gumamit ng Night Boundary ang isang pagnkaraniwang Night clansman, hindi nito magagawang itutok ang baril niya sa ulo nito bago siya sipain palayo.

Iyon ang kaibahan!

Ang katawan ang pundasyon, at ang anim na pangunahing attribute niya ang magdedesisyon ng kaidad ng kanyang katawan. Bukod sa mga ito, mayroong ding mga passive skill at specialty.

Attribute, specialty, skill at mga spell, pati na mga fighting technique.

Ang apat na gurpong ito ang bumubuo sa lakas ng isang tao.

Ang pagiging malakas sa isa sa mga ito ay hindi nangangahulugan ng pagiging malakas. Tanging sapat na lakas sa bawat isa sa apat na ito ang paraan para maging makapangyarihan ang isang tao.

Halimbawa, maraming attribute ng Half-Legend ang pareho sa mga Legend.

Pero dahil malakas ang mga Legend dahil sa kanilang mga specialty, kadalasan, hindi pa rin sila mapantayan ng mga Half-Legend.

Masayang-masata si Marvin sa kanyang Night Kill specialty.

Bilang isang specialty na maaaring palakasin, walang nakaka-alam kung hanggang saan ang kayang abutin nito kapag umabot na ito sa Legend Realm.

Sapat na sa kanya ang specialty na ito. Isa pa, ang organisasyon ng mga Night Walker ay nagbigay sa kanya ng napakaraming surpresa at mga pabor.

Maging ang maingat na paggabay sa kanya ng matandang blacksmith, ang matinding pagsuporta nina Constantine at O'Brien, o kahit ang blessing at pamana ng Night Monarch, nakakuha siya ng napakalakas na kapangyarihan kumpara sa ibang mga class.

Hindi umiikot ang mundong ito sa labanan lang.

Walang idudulot at isang katangahan ang paglaban nang mag-isa sa mundo.

Ika nga ng mga manlalaro: Malakas ang marami!

Ang isang taong mag-isang lumalaban sa isang grupo ay dominante, pero para kay Marvin, ang isang grupo ng mga Legend na lumalaban sa isang god ay kakaiba rin!

Sa panahon ngayon, sino ba namang may makitid na pag-iisip ang nanaisin ang isang dwelo?

Matapos tingnan ang kanyang specialty, tiningnan ni Marvin ng mabuti ang Dense Blood Nucleus.

Matapos ang masinsin na pagsisiyasat dito, nakumpirma niyang walang sumpa o lason na kasama ang Dense Blood Nucleus. Isa ngang tunay na Vampire si Gwyn. Nagdalawang-isip so Marvin dahil sa kabutihan nito.

Mula sa ugat na nasa nucleus, makikitang kalian lang nabuo ang Dense Blood Nucleus na ito.

Kahit sino ay mauunawaan o may makukuha mula dito.

Maraming paraan para gamitin ito. At ang pinakasimple ay ang lunukin ito.

Kahit na mas mahina ang epekto ng paglunok dito, hindi na makakapaghintay si Marvin na gawin itong mas pinong kayamanan ng isang Alchemist.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras at direkta na niyang nilunok ang malambot na Dense Blood Nucleus.

Paglipas ng tatlong minuto, biglang nanlamig ang kanyang katawan!

Isang malamig na awra ang naramdaman niya sa kanyang balat na tuloy-tuloy na bumabalot sa kanyang katawan!

Umungol sa sarap ng pakiramdam si Marvin!

Ang sarap na nadarama sa paglunok ng Dense Blood Nucleus ay sinasabing kasing sarap ng nadarama ng mga Vampire na uhaw sa dugo sa tuwing nilalamon nila ang kanilang biktima.

Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit lulong na sa ganitong pakiramdam ang mga Dark Side Vampire.

Mabuti na lang at may kataasan ang willpower ni Marvin. Matapos ang tatlong minuto, puamasok na ng tuluyan ang Dense Blood Nucleus sa kanyang katawan.

Nararamdaman niyang nagiging mas matikas ang kanyang katawan.

Ang kasalukuyan niyang itsura ay hindi na maikukumpara sa kanyang orihinal na mahinang itsura.

Mas matipuno na siya pero matalas pa rin siya at puno ng kapangyarihan.

Ang tanging pinagsisisihan ni Marvin habang nakatingin sa kanyang logs ay hindi naitaas ng Dense Blood Nucleus ang kanyang Constitution.

Tumaas ng isang puntos ang kanyang Strength.

Pero maliit na bagay lang ito. Gayunpaman, umabot na ng 15 na puntos ang kanyang Constitution dahil sa Golden Blood. Dalawang attribute point na lang ang kailangan niyang idagdag dito para maabot ang Godly Dexterity.

Level 17 na si Marvin at ang natitira niyang attribute point ay inilagay na niya sa kanyang Dexterity, kaya naman umabot na ito sa 29. Isang puntos na lang bago maabot ang 30.

Kahit na medyo mababa ang 16 na Strength, sapat na ang kanyang mga Night Walker specialty para harapin ang iba't ibang sitwasyon.

Isa pa, mayroon pa siyang mga ability ng Shapeshift Sorcerer!

Kung kakailanganin niya ng Strength, maaari niyang gamitin ng Asuran Bear…. Mali pala, Fierce Asuran Bear na pala ito ngayon!

Bukod sa pagpapataas ng kanayng Strength, binigyan din si Marvin ng Dens Blood Nucleus ng specialty ng isang Vampire.

[Low Flight]!

Isa itong passive specialty na mayroon ang isang 3rd rank Vampire!

Masaya si Marvin na sinwerte siyang makuha ito dahil kapaki-pakinabang ang skill na ito.

Pero biglang lumitaw ang sunod-sunod na logs sa kanyang harapan:

[Mayroong bagong bloodline ang natagpuan, kasalukuyang binabago ang iyong katawan…]

[Hindi sapat ang lakas ng bloodline, nilalamon na ito ng Main Bloodline (Numan)...]

[Tapos na ang proseso, ang bagong kapangyarihan ng bloodline ay nasa ilalim na ng Main Bloodline…]

Nagulat si Marvin nang makita niyang napunta na sa specialty ng Human-shape ng Shapeshift Sorcerer ang nakuha niyang Low Flight mula sa Dense Blood Nucleus!

At unti-unti nang nawala ang Vampire specialty.

'Napakalakas na bloodline… nilamon nito ang Vampire bloodline.'

Nagulantang si Marvin. Ngayon niya lang naranasan ito at hindi pa nakita sa nakaraan niyang buhay.

Ang Golden Children ay may katawan ng mga bayani, at hindi niya sinubukan ang ano mang espesyal na bloodline.

Hindi niya inasahan na sa sobrang lakas ng Numan bloodline, kaya nitong lamunin ang Vampire bloodline.

Pero mabuti na rin ito, dahil maiiwasan ang ano mang gulong maaring idulot nito sa hinaharap.

Matapos niyang tinginan ang kanyan kondisyon, nagmadali nang bumalik ng Hope City si Marvin.

Ilang beses niyang sinubukan ang Low Flight habang pabalik siya.

Maganda man ang specialty na ito, pero malaki ang nagbabawas nito sa kanyang stamina.

Maganda itong gamitin sa laban pero mas mabuting gamitin na lang niya ang kanyang paa sa paglalakbay.

Hindi nagtagal, nakabalik na siya sa hangganan ng Rocky Mountain.

Pero nang makabalik siya ng Hope City, may narinig na alulong si Marvin!

Nagmula ito sa Lion Town!

'Nagsimula na ang ritwal!'

Nanlamig si Marvin.