Papalapit na ang paniki, pero hindi ito bumagal at dumeretsong lumapag sa lupa.
Isang maikling tunog ang lumabas sa bibig nito at pagkatapos ng ilang sandali, humarap ito pa-hilaga.
"Hindi tanga si Gwyn, alam niyang marami tayo," sabi ng babaeng Vampire na tila nauunawan ang ginawa ni Gwyn.
"Ano? Tatlo lang tayo. Sa tingin mo ba natatakot siyang harapin tayong mag-isa?" Isang kakaibang kulay ang kumislap sa mga mata ni Karnoth. "Dinadala niya tayo sa isang abandonadong bayan dahil natatakot siyang baka mas marami pang magising sa atin at kunin ang Dense Blood Nucleus."
"Tara na!"
B
Ang tatlong Vampire ng Dark Side ay naging mga paniki at lumipad pa-hilaga.
…
Mula sa lagusan ng Ancient Castle town, dahan-dahang lumabas si Marvin.
Nag-iisip pa rin siya.
Noong una ay pumunta lang siya sa Ancient Castle Tulip para sa Eriksson's Brooch.
Ngayong nasa kanya na ang kayamanan, dapat na siyang umalis.
Pero napukaw ng Dense Blood Nucleus ang kanyang atensyon.
Isa itong kristal ng kapangyarihan ng isang high level na Vampire. Hindi lang ito magbibigay ng magandang benepisyo sa mga Vampire, magkakaroon din ito ng kaparehong epekto sa ibang mga nilalang.
Ang bagay na ito ay parang Nature Leaf. Mapapaganda ang katawan o madaling matututunan ng sino man ang mga bagong Blood Spell kapag nakuha at naintindihan ang nasa loob ng kristal na ito.
Isa pa, alam din ni Marvin na ang Dense Blood Nucleus, tulad ng Earth Crystal na nababad sa bukal. Isa ito sa mga iilang kayamanan na makakapagpataas ng kanyang mga attribute nang ligtas.
Sa kabuoan, kapag may Legend na gumamit ng Dense Blood Nucleus, bahagyang tataas ang Strength at Constitution nito.
At ang dalawang attribute na ito ang kailangang-kailangan ni Marvin sa ngayon.
Sa huli, pinili niyang gamitin ang Demon Hunter Steps para sundan ang mga ito.
…
Mablis ang paglipad ng mga paniki at gabi pa, kaya ginamit ni Marvin ang Night Crow para sundan ang mga ito.
Habang siya naman ay pinanatili ang ligtas na distansya sa mga ito.
Hindi nagtagal, nakarating na ang grupo na ito sa bayan na binanggit ni Gwyn.
Pangkaraniwan lang sa Wasteland of Death ang mga ganitong bayan. Madalas ay nag-ikot dito ang mga kaluluwa pero wala naman itong gagawing masama sa mga buhay.
Karamihan sa mga bahay dito ay gumuho na.
Ang tatlong paniki ay bumalik na sa kanilang anyong tao kasabay ng pagbaba nila sa lupa.
Isang lalaking nakabalabal ang naghihintay sa kanila.
Tahimik na dumating si Mavin na handing nang panuorin ang magaganap.
Mukhang mas lumakas pa ang nakabalabal na si Gwyn kumapara noong huli silang nagkita. Noong mga panahon iyon, siya ay nasa hangganan ng 3rd rank pero ang lakas niya ngayon ay papalapit na sa isang Legend!
Pambihira ang ganitong paglakas para sa sino man, kahit pa isa itong mahusay na Vampire.
"Karnoth, dala ko na ang hiniling mon a Dense Blood Nucleus." Mahinahong tiningnan ni Gwyn ang kanyang nakababatang pinsan at tinanong, "Bakit kasama mo pa rin ang mga Vampire na galing sa Dark Side?"
Suminghal ang dalawang Vampire pero hindi nagsalita ang mga ito.
Ngumiti si Karnoth kasabay ng pagtingin nito kay Gwyn. "Para ipagkatiwala sayo ng mga nakakatanda ang Dense Blood Nucleus… Hay nako, pinsan."
"Basta isuko mo na ang pagsapi sa Dark Side, handa akong ibigay sayo ang Dense Blood Nucleus …." Mahinahong dagdag ni Gwyn.
"Isuko?"
Nang marinig ito, biglang sumabog sa kakatawa si Karnoth. "Gusto mo kong sumuko?"
Biglang nagbago ang katawan nito. Kahit na hindi ito lumaki, ma kumisig naman ang katawan at braso nito!
Isang nakakatakot na pulang liwanag ang makikita sa kanyang mga mata.
Isang pa-ikot na marka ang lumabas sa pagitan ng kanyang mga kilay kaya nagmukha itong demonyo.
"Ang [Bloodthirst] ng Dark Side?"
Sa unang pagkakataon ay maririnig ang kawalan ng pag-asa sa boses ni Gwyn. "Hindi ko alam na sasapi ka sa kanila agad-agad!"
"Syempre, pagdating sa paghabol ng kapangyarihan, pareho lang tayo." Tinitigan ni Karnoth si Gwyn. "Pero hindi tulad mo, limitado lang ang mga maaari kong gawin."
"Magmula noong pagkabata natin, sinasabi na ng lahat na mas malakas ka kesa sa akin, mas talentado ka kesa sa akin, mas nagpupursigi ka kesa sa akin. Sinubukan kong gawin ang lahat para malampasan ka pero hindi pa rin ako nagtagumpay."
"Hanggang sa naunawaan ko na: sa Bright Side, habang buhay akong magiging mas mahina sayo."
"Ang mga tulad mong Vampire ay dapat dispatyahin tulad ng mga walang kwentang tao! Ang walang tigil na pagpatay lang sa kanila ang paraan para mas lumakas kami!"
Habang sinasabi niya ito, mararamdaman ang nakakatakot na awra mula sa kanyang katawan!
Nakakagulat na tila kapantay na ng kapangyarihan niya si Gwyn.
At pinakawalan na rin ng dalwang Vampire ang kanilang kapangyarihan, lumapas na rin ang pa-ikot na marka sa pagitan ng kanilang mga kilay.
Ito ang simbolo ng Bloodthirst, isang kapangyarihang tanging Dark Side lang ang mayroon.
'Nasa panganib si Gwyn!'
Nanlumo si Marvin.
…
Sa mga Blood Race, ang laban sa pagitan ng Bright Side at Dark Side ay mabangis. Mas malaki ang poot at galit ng mga ito sa isa't isa kumpara sa poot at galit nila sa ibang mga race.
Naniniwala ang mga Bright Side na ang mga Vampire ay dapat na mataas at makapangyarihan, at hindi dapat sila maging halimaw na walang alam kundi ang pumatay. Kailangan sibilisado sila at dapat palakasin ang sarili gamit ang tamang pamamaraan.
Kabaliktaran naman ito para sa Dark Side, isang grupo ng mga mapagmalabis na Vampire.
Nilinang ng mga ito ang mga ability na para lang sa Dark Side, isa na rito ang Bloodthirt.
Ang Vampire na gumagamit ng Bloodthirst ay magiging sabik sa dugo.
Sa ganitong estado, tatlo o apat na beses silang lalakas.
Noong una, siguradong hindi mananalo ang tatlong Dark Side na Vampire kay Gwyn, pero nagbago na ang sitwasyon noong gumamit ng Bloodthirst ang mga ito.
Pero may kahinaan pa rin ang kakayahang ito.
Tulad ng inaasahan, ang isang Vampire na gumagamit ng Bloodthirst ay uhaw para sa dugo. Mawawala sa sarili ang mga ito at lalamunin ng ligayang nadarama nila sa pagpatay at paghigop ng dugo.
Sasailalim ng willpower test ang mga ito kada 20 minuto at kapag hindi sila pumasa dito, mababawasan ang kanilang Intellegence hanggang sa maging halimaw na ang mga ito!
Isa ito sa mga rason kung bakit binabatikos ng Bright Side ang mga Dark Side: Naniniwala ang mga ito na hindi dapat maging katulad ng mga Demon ng Abyss, na uhaw sa dugo, ang mga Vampire.
Bilang matatalinong nilalang, hindi dapat sila maging halimaw na hindi nag-iisip.
Pero laging mayroong mga nilalang na gagawin ang lahat para sa kapangyarihan.
Isa na rito si Karnoth.
Hindi siya nag-alinlangan na lumipat sa Dark Side at gamitin ang Bloodthirst para Manalo laban kay Gwyn na laging ikinukumpara sa kanya.
Gusto niyang patunayan sa mga Bright Side, lalo na sa mga nakatatanda, na mas malakas siya kay Gwyn!
…
Agad na nagsimula ang labanan.
Kitang-kita ang pagkasabi ni Karnoth pagkatapos gamitin ang Bloodthirst. Bigla na lang itong tumalon na wala nang ibang sinasabi!
"Woosh!"
Isang pulang nilalang ang mabilis na lumipad patungo kay Gwyn.
At ang dalawa pang Vampire ay inatake naman si Gwyn mula sa magkabilang gilid!
Pinigil ni Marvin ang kanyang hininga habang hawak ang dalawang pistol niya!
[Satan] sa kaliwa, [Astaroth] sa kanan, naka-karga na ang mga bala niyang gawa sa pilak.