Bumagsak lang sa dilim si Marvin.
Makinis ang mga nakapaligid sa kanyang mga pader kaya naman kahit mataas ang kanyang Dexterity, hindi niya mapigilan ang kanyang pagbagsak.
Pero mabuti na lang noong umabot siya sa ilalim ay bumagsak siya sa isang malambot na bagay.
Isa itong makalumang sofa na balot ng alikabok na naka-irita sa kanyang mukha.
Napagtanto ni Marvin na siguradong isa itong sikretong kwarto.
Pinagpag niya ang alikabok sa kanyang katawan at pinagmasdan ang kwarto. Isang madilim na hagdang paikot ang nasa harapan niya!
Siguradong mararating niya ang papasok sa palasyo sa ilalim ng lupa dahil sa hagdan na ito.
'Ganoon pala iyon.'
Biglang naunawaan ni Marvin.
Hindi na siya nag-atubili pa at agad siyang dumaan sa hagdan.
Ang lihim na silid ay ang pagitan ng palasyo sa itaas at palasyo sa ilalim. Wala man sigurong patibong, kailangan pa rin niyang mag-ingat.
May mga naaalala siya tungkol sa Ancient Castle Tulip habang naglalakad siya.
…
Ang Ancient Castle Tulip ay dating isang mayabong at maunlad na siyudad, ngunit bumagsak ito sa mga kamay ng Blood Race.
Noong bata pa ang Lord ng Ancient Castle, mahal na mahal nito ang kanyang asawa at gabi-gabing nagtatalik ang mga ito.
Pero isang araw, may nakilalang Alchemist ang Lord.
Sa tulong ng Alchemist, nahumaling ito sa alchemy at sa pagiging immortal. Kaya naman doon nagsimula ang hindi niya pagpansin sa kanyang batang-bata at magandang asawa.
Paglipas ng panahon, lumaki ang distansya ng dalawa sa isa't isa. Kumalat sa buong Pambo Seashore ang tungkol sa pagkalulong ng Lord sa alchemy.
Kalaunan, tila nawala na sa sarili ang Lord at pinutol ang koneksyon sa maraming kaibigan.
Ang dating buhay na buhay na Ancient Castle Tulip ay naging malungkot at walang kabuhay-buhay.
Araw-araw rin ay papaya nang papayat ang Lord.
Pero isang araw, sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang asawa, may nakilala itong isang binatang noble.
Gwapo at matipuno ang binata, at magaling magsalita.
Ibang ang dating ng mga nakakatawang kwento kapag sa kanya ito nanggaling.
Hindi nagtagal, nahulog sila sa isa't isa at doon na nagsimula ang pagiging magkalaguyo nilang dalawa.
Dahil sa madalas na pagkikita ng dalawa, ang Mistress ng Ancient Castle Tulip ay nagsimulang maghangad ng higit pa sa lihim nilang pag-iibigan.
Gusto niyang itakas na siya ng binata.
Pero hindi inaasahan ng binata ang hiniling sa kanya ng Mistress. Para sa kanya, isa lang ang Mistress sa marami nitong babae. Ayaw niyang isama ang babae at hindi niya nais na malagay ang sarili sa panganib dahil sag alit ng Lord.
Kaya naman naghandog ito ng pampalubag loob.
Ang nasaksihan ni Marvin ay ang huling pagkikita ng dalawa.
Aksidenteng nahulog ang dalawa sa kwartong ito na matagal nang hindi ginagamit at nahulog sa lihim na silid.
Ang mga susunod na naganap ay madali na lang maintindihan.
Sinubukan lang nilang humanap ng daan palabas sa kwarto pero hindi sila humingi ng saklolo. Kaya naman wala silang nagawa kundi magpatuloy pababa.
Umabot sila sa palasyo sa ilalim ng lupa at nagising ang isang nakakatakot na nilalang!
Isa siya sa labing-dalawang Vampire Primogenitor, si Yin.
Isa ito sa mga iilang mosoleyong itinayo niya bago siya nahimbing sa pagtulog… at nagising nga siya muli ng dalawa.
Noong mga oras na iyon, may ginawa si Yin para paghiwalayin ang dalawa.
Tinanong niya ang dalawa kung handa ba silang mamatay para sa isa't isa.
Sinabi ng babae na handa siya habang nanatiling tahimik ang lalaki.
Kaya naman, pinatay ni Yin ang binatang Noble at binigyan ang Mistress, na nadurog ang puso dahil sa pagtuklas ng totoo, ng [Embrace]
Hindi lang siya naging isang Vampire, kundi isang makapangyarihang Vampire Duchess!
Ito ang kapangyaihan ng Vampire Primogenitor.
Sa pamamagitan ng isang Embrace, maaari na niyang gawing isang Legend Vampire Duchess ang isang babaeng walang kahit anong lakas sa pakikipaglaban!
Hindi na alam ni Marvin ang tungkol sa mga sumunod na nangyari. Pero sa madaling salita, pagkatapos mangyari nito, isang delubyo ang bumalot sa Ancient Castle.
May mga balitang may halimaw na umaligid sa palasyo. At matapos mamatay ng Lord sa isang kakaibang aksidente dahil sa alchemy, napunta ang palasyo sa Mistress dahil wala naman itong tagapagmana.
Naging isa siyang napakagandang byudang babae na kilalang-kilala.
Marami ang naglalaway sa kagandahan niya at sinubukang bisitahin siya…
Naging Blood Slaves naman ang mga ito ng Duchess!
Dahil sa kawalan sa kanya ng pakialam ng kanyang asawa at sa pagtataksil sa kanya ng kanyang kalaguyo, tumigas na ang puso at isipan nito.
Kalaunan, hindi na nagbago na ang kapaligiran ng Ancient Tulip Castle, bagkus napuno ng kamatayan ang paligid, at naging isang lugar na hindi pinupuntahan ng mga tao.
Naging paraiso ito ng mga Vampre kung saan nagdadaos sila ng pagtitipon para tumugis ng mga tao.
Mga gwapo at magaganda ang pinupunterya nila.
Kalaunan, bumuo ng isang makapangyarihang hukbo ang South Wizard Alliance para atakihin ang palasyong ito.
Matapos ang isang nakakayanig na digmaan, pinroklama ng Alliance na nalinis na nila ang palasyo.
Sinabi nilang wala na ang Vampire Duchess.
Naging mapayapa ang lugar na ito panandalian.
Pero paglipas ng maraming taon, bago ang Great Calamity, isang grupo ng mga Vampire mula sa Dark Side ang nagtipon ditto.
Palihim nilang hinihigop ang purong-puro na awra ng mga labi ng Primogenitor at patuloy na nagpapalakas.
Pero karamihan sa kanila ay natutulog.
Ang sino mang naka-alam ng tungkol dito ay pinapatay ng mga Vampire.
Kaya naman labis na nag-iingat si Marvin.
…
'Noong bumaba ang dalawa sa palasyo sa ilalim ng lupa, namamahinga si Yin at nagising lang nila 'to.'
'Pagkatapos ng digmaan sa Wizard Alliance, hindi lang nawala ang Duchess, pero namatay rin si Yin. Pero ang pagkamatay na ito ay hindi tunay na pagkamatay. Kung mayroong makakagawa ng isang misteryosong ritwal, maaari magising nila muli ang Vampire Primogenitor.'
'Pero hindi ko naman kailangan pasukin ang pinakalooban, kaya ligtas naman siguro ako.'
Maingat na sinundan pababa ni Marvin ang hagdan.
Kahit paano ay nakakaramdam pa rin siya ng kaba.
Kung biglang magising si Yin, siguradong malalagay sa panganib si Marvin. Halos kapantay na ng nilalang na iyon ang mga god!
Kung kakailanganin man ni Marvin ng tatalo kay Yin sa Feinan, tanging ang Great Elven King na si Nicholas lang ang makakagawa nito.
At iyon ay kung gagamitin ng Great Elven King ang [Shadow Silo]!
Tahimik na bumaba si Marvin, at sa wakas ay naabot na niya ang dulo ng hagdanan.
Kadiliman lang ang nasa harapan niya, at alam ni Marvin na ang daan patungo sa Underground Palace ni Yin ay dito.
Pero mayroong dalawang Golem na nagbabantay sa lugar na ito.
Hindi madaling lampasan ang mga ito.
Pero sa video, nakahanap ang expert ng isa pang lihim na daan patungo sa palasyo na hindi na madadaanan ang mga Golem. .
At ang daan na iyon ay nasa likod ng hagdanan!
Isa itong lugar na kaunti lang ang pumapansin. Nang makita niya ang video, napagtanto ni Marvin na mapagmasid ang expert.
Binuksan niya agad ang punto sa likod ng hagdan na bato at sinundan ang mamasa-masang agusan hanggang sa naka-abot siya sa ikalawang palapag ng mosoleyo.
Ang bagay na hinahanp niya ay nasa gitna ng ikalawang palapag.
Wala nang siyang oras kaya naman nagpatuloy na si Marvin.
Pero isang kakaibang tunog ang biglang umalingawngaw sa kanyang tenga!