Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 257 - Information

Chapter 257 - Information

Agad itong lumingon, at nakita ang isang mukhang pagod na lalaking nakatayo sa likuran niya.

Hindi niya napansing pumasok ito!

"Ikaw…"

May mapait na reaksyon si Hera sa kanyang mukha, ang mga kamay nito ay nakayakap sa batang lalaki.

"Miss Hera, hindi ko naman inasahang magkikita tayo ulit kaagad."

Naglabas si Marvin ng gattas mula sa baon niya at inabot ito sa dahan-dahan itong inabot. "Buy ang pangalan mo?"

"Ang batang ganyan ang edad ay kailangan ng sustansya sa katawan."

Isang nakakatuwa ang batang si Guy. Parehong-pareho ng buhok nito sa kanyang ina.

Isa isang lugar na kasing gulo ng Rocky Mountain, bibihira ang makakitang ng dilaw ang buhok.

Natuliro si Hera. Hindi niya tinanggap ang gatas at pinrotektahan nito si Guy sa kanyang likuran.

"Ikaw… Anong gusto mo?" makikita ang pagiging alisto nito.

Puno ng pagkalito at pagkataranta ang mga mata nito.

Kung mag-isa lang siya dito, kaya pa sana nitong makatakas. Pero magiging mahirap ito habang may dalang bata!

Mahusay ang lalaking nagngangalang Robin.

Matagal nang nagtatago si Hera mula sa Golden Lion. Gusto siyang hulihin ng mga ito pero nalilinlang ang mga ito ng kanyang Appearance Changing skill.

Pero hindi niya inasahang mahahanap siya ng isang taong hindi niya kilala.

Hindi niya inaasahang mangyayari ito.

"Anong gusto ko?"

Tumawa si Marvin. "Hawak mo nag pera ko, hindi ba? Tapos tatanungin mo kung anong gusto ko."

Hindi maipinta ang mukha ni Hera, habang mabilis na ibinato kay Marvin ang pitaka.

"Wala akong kinuha dyan," sabi nito. "Kung iyan lang ang pinunta mo rito, siguro naman masaya ka na."

Sinalo ni Marvin ang pitaka at saka ito naglakad papunta sa lamesa sa gilid, at dahan-dahang ibinaba ang pitaka at ang gatas dito.

"Mukhang mas kailangan mo 'to kesa sa akin,"

Umatras si Marvin at tiningnan si Hera.

May pag-aalinlangan sa kanyang mukha. "Walang maaawa sa isang manggagantso at Thief."

"Malamang… bukod na lang kung mahirap siya at nag-iisa siyang magulang."

Makikita ang katapatan sa mukha ni Marvin. "Hindi madaling mamuhay sa ganitong lugar. Isang dating noble na napilitang ibahin ang kanyang itsura at magikot sa gabi para magnakaw ng maliit na halaga ng pera para matustusan ang pangangailangan. Ang ganoong kalaking pagbabago ay hindi kaya ng isang pangkaraniwang tao. Maraming tao ang mas pipiliin na lang na mamatay. At hindi mo ginawa iyon dahil sa kanya."

Napatingin ito sa batang lalaki.

Huminga nang malalim si Hera at sinabing, "Makinig ka sa akin, Mister Robon, wala akong interes sa mga haka-haka mo. Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang tungkol sa amin at sa pamilya ko. Pero dahil mahusay ka naman at marunong maawa, pwede bang pabayaan mo na lang kami?"

"Wala ang intensyon na pahirapan kayo," seryosong sabi ni Marvin, "Nandito lang ako para magtanong tungkol sa mga bulalakaw."

"Sa nakita ko, mukhang hindi ka naman natatakot na kalabanin ang mga tauhan ng Golden Lion, hindi ba?"

Nagdalawang-isip si Hera hanggang sa kinuyom nito ang kanyang ngipin,"Sige"

"Sasabihin ko sayo ang lahat nang nalalaman ko tungkol sa pagbagsak ng bulalakaw."

"Pero kailangan mo pa akong tulungan gawin ang dalawang bagay."

Sumimangot si Marvin.. "Dalawang bagay? Hindi ba sobra na ata 'yon?"

Mahinahon ang mga mata ni Hera. "Maniwala ka sa akin, walang mas nakaka-alam ng tungkol sa mga bulalakaw sa Lion Town bukod sa akin."

Sa wakas ay nagkaroon na ng kasunduan si Marvin at si Hera.

Nagkaroon sila ng simpleng diskusyon sa bahay nito. Paglipas ng ilang sandal, nagtiwala na si Hera kay Marvin at ibinigay ang garapon ng gatas sa kanyang anak.

Masaya namang ininom ito ni Guy.

Tiningnan nito si Marvin, paminsan-minsan, pero muling ibabalik ang tingin sa gatas na iniinom nito sa tuwing titingnan din siya ni Marvin.

Isang mahiyaing bata. Natuwa naman si Marvin dito.

Simple lang ang hinihiling ni Hera.

Kailangan niya ng proteksyon.

Matalas ang mga mata nito at dahil nahanap siya ni Marvin siguradong mahusay talaga ito.

At ngayong gabi, mayroong siyang kasunduan sa isang tao.

Hindi naman nito sinabi kung ano ang laman ng kanilang kasunduan. Sinabi lang niya na nakakatakot ang kausap niya.

At may malaking perang makukuha si Hera sa usapang ito. At magiging sapat na ang perang ito para makaalis sila ng kanyang anak sa Lion Town, malayo sa lugar kung saan naghahalo ang masasama at mabubuting tao.

Pwede siyang sumama kay Marvin patungo sa Hope City ang gitna ng Rocky Mountain.

Ito ang siyudad na itinatag ng Three Sisters.

" Sakatunayan, gusto ko talagang magpunta sa Hope City. Mas maayos doon as mas mababait din nag mga tao."

"May potensyal na mahigitan ng Three Sister ang Golden Lion."

"Sa kasamaang palad, ang kaya ko lang gawin ay magnakaw at ibahin ang itsura ko. Ayokong pagnakawan ang mga abubuting tao, kaya kailangan kong tapusin ang transaksyong ito at pagkatapos ay magkakaroon na ang ng sapat nap era para magbukas ng tindahan sa Hope City. Kahit ano pang negosyo, sapat na siguro 'yon para mapalaki ko ang anak ko."

Tahimik na ipinaliwanag ni Hera ang balak niya.

Makikita ang pag-asa sa mga mata nito.

Kahit na tinanggal na niya ang kanyang Appearance Changing Skill at disente na lang itong tingnan, para kay Marvin mas maganda pa ang kaharap niyang ngayon kesa sa nakilala niya sa tavern.

Tinanggap ni Marvin ang hiling nito.

Poprotektahan niya ito sa transaksyon, at isasama niya ang dalawang ito sa Hope City.

Pagkatapos nito, pinangako ni Hera na sasabihin niya ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa pagbagsak ng mga bulalakaw.

Tungkol naman sa transaksyong ito, kailangan magtanong ni Marvin ng kaunti, pero ayaw pa ring magsalita ni Hera.

Pero nang tanungin ni Marvin kung gaano kalakas ang mga ito, nag-alinlangan ito saglit bago sumagot, "hindi siguro bababa ng 3rd rank.. Sa katunayan, hindi ako sigurado. Mabilis siya at isang beses ko lang siya nakita kumilos."

"Dalawang 2nd rank class holder, lahat ng tauhan ng Golden Lion ay napatay niya sa isang iglap."

"Limang segundo niya ang ito ginawa lahat."

Bahagyang tumango si Marvin, kahit papaano ay nagkaka-ideya na siya.

Basta hindi ito isang Legend, magiging maayos ang lahat.

Hindi naman basta-basta na lang lumilitaw ang mga Legend, at marami nang nakilalang Legend si Marvin. Kung may makilala pa itong iba sa Rocky Mountain, mapapaisip na si Marvin kung mayroong ba siyang [Legend Attracting Halo] o ano man sa kanyang katawan.

Magaganap ang usapang ito alas-diyes ngayong gabi, malapit sa isang napabayaang kamalig sa dakol hilaga ng Lion Town.

Inamo naman ni Hera uli ang bata at muling pinagtago ito sa basement.

Sumunod naman agad ang bata sa utos ni Hera.

Tiningnan naman ni Hera ng mabuti ang paligid ng pinagtataguan ng bata bago tuluyang umalis kasama si Marvin.

Malamig ang mga gabi sa Rocky Mountain.

Tinatangay ng hangin ang mga sanga ng mga puno.

Mag-isa lang si Hera sa labas ng kamalig, at mahigpit na hawak ang scroll sa kanyang kamay habang palinga-linga sa kanyang paligid.

Si Marvin naman ay naka-Stealth na at nagtatago lang sa paligid.

Kapag nagkaroon ng problema sa transaksyon, agad niyang pupuntahan si Hera at poprotektahan ito sa kahit anong mangyari.

Ang ganitong uri ng pagpoprotekta ay madalas mangyari sa laro, at mahusay si Marvin sa ganito.

Isang maliksing anino ang biglang lmitaw mula sa dilim.

Saglit na tumingin si Marvin at nagulat.

"Siya?!"