Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 249 - Avengers Alliance?

Chapter 249 - Avengers Alliance?

Makikitang bumabagsak si Marvin mula sa world Tree.

Kasunod nito, makikita ang magandang mukha ni Bamboo at ang Nine Headed na simbolo.

Pagkatapos manuod ni Marvin, natawa lang ito at napa-iling.

Nauunawaan na niya kung bakit inakala ng lahat na patay na siya!

Hindi niya inasahang magdudulot ng pag-aalala ang pawasak niya sa Decaying Pleateau.

Alam niyang mabilis na tumaas ang kanyang Fame at tinuturing siyang isang bayani, pero hindi niya inasahang mangyayari ito.

Akala niya ay gantimplaan ng Sistema ang Fame. Hindi niya inaasahang dahil pala ito sa pagpapalabas ng mga nangyari sa buong Feinan!

Ngayon lang siya nakakita ng ganito.

Mukhang may kinalaman sa batas ng mga plane ang ganoong pangyayari, at si Marvin, bilang manlalaro, ay walang alam dito.

Kaya naman, nagkamali siya. Akala niya na hindi makikita ng mga tao ang ginawa niya sa World Tree.

Nangyari ang ganito dahil hindi agad siya nakapagpadala ng mensahe.

Inakala ng lahatna namatay na si Marvin, at naghiganti ang mga ito para kay Marvin dahil sa hinagpis at galit habang banayad lang ang kanyang paglalakbay sa World Tree.

Wala siyang masyadong inaalala noong bumalik siya ng Feinan, at direkta lang syang bumalik ng White River Valley.

Sa katunayan, kung hindi lang gumagawa ng malaking gulo si Madeline, hindi pa niya malalaman na akala nila ay patay na siya.

Ang lahat ng ito ay dahil sa hindi pagkakaintindihan.

"Pasensya na kung pinag-alala ko kayo. Wala akong paraan para matawagan kayo mula sa loob ng World Tree Domain." Dalawang beses na umubo si Marvin saka humingi ng tawad.

Sa ngayon, siya at si Hathaway ay wala sa White River Valley, kundi na sa Ashes Tower.

Matapos halikan ni Hathaway si Marvin, sapilitang isinama ni Hathaway si Marvin at tanging si kay Wayne lang nagpaalam.

Alam na ng lahat na si Hathaway ang kumuha kay Marvin kaya nakampante na ang lahat. Isa si Lady Hathaway sa mga kaibigang Legend ni Marvin.

Ligtas na nakabalik si Marvin, kaya natural lang na kailangan niyang makausap ang mga ito.

Dinala siya ni Hathaway sa Ashes Tower at pinapanuod sa kanya ang nangyari sa bolang kristal.

Huminga ulit nang malalim si Marvin. "Pasensya na talaga…"

"Hindi ako galit. Hindi ko lang napigilan ang emosyon ko." Nanumbalik na ang pagiging mahinahon ni Hathaway.

Siya ay nasa anyo ng isang 16 anyos na dalaga, at bahagyang mas maliit kay Marvin.

"Makinig ka, Marvin."

"Hindi mon a pwedeng ulitin 'yon. Masyadong mapanganib. Higit pa 'yon sa kakayanan mo. Isang bagay 'yon na kahit ang mga god ay hindi kayang gawin!"

"Espespyal na Seer ka man, na nakakakita ng mas malayo sa hinaharap kumpara sa akin, pero pabago-bago ang hinaharap!"

Seryosong tiningnan ni Hathaway si Marvin. "Nahulog ka sa abyss…'yon ang nakita ko sa hinaharap."

"Mabuti na lang at nakabalik ka nang buhay. Isa ito sa mga posibleng hinaharap. Pero paano kung ang hinarap na nakita ko talaga ang nangyari?"

"Wag na wag ka nang gagawa ng isang bagay na higit sa kakayahan mo!"

Tumango si Marvin.

Mapanganib naman talaga ang bagay na ito. Bukod sa delikado at masyadong mapangahas ito, nadamay pa ang mga Legend.

Tulad ng sabi ni Hathaway, kung hindi dahil sa Great Elven King, baka hindi na sila nakalabas ng Decayong Plateau!

Hindi na dapat niya sinubukang sumira ng plane noong mga panahong iyon.

Lahat kasi ay maganda ang kinalabasan mula nang mag-transmigrate si Marvin, kaya naman mas lumalakas ang loob nito. Pero sa katunayan, ilang beses na siyang muntik mapahamak

Isang pagkakamali lang ay maaaring ikinamatay na niya ito!

Hindi ito isang laro na maaari siyang mabuhay muli kapag namatay siya.

Tunay na mundo ito.

"Oo, pangako."

"Hindi na mauulit ito," seryosong sagot ni Marvin.

Malumanay na tumango si Hathaway. Pagkatapos ay hinila niya si Marvin at dinala sa bubong ng Ashes Tower.

"Saan tayo pupunta?"

Di nagtagal ay nakarating na si Marvin sa bubong ng Ashes Tower at nakita ang isang Teleportation Gate na pang malalayong distansya.

"Sa Norte," simpleng sagot ni Hathaway.

At biglang nabalit ng arcane magic si Marvin!

Tila mga patalim na tumama sa mukha ni Marvin nag malamig na hangin.

Nang buksan niya ang kanyang mga mata, isang lugar na balot ng nyebe ang nasa harap niya.

Isang lalaking Wizard ang kakaiba ang tingin sa kanya.

Isa itong 4th rank Wizard na nakasuot ng puting damit, isang Wizard mula sa organisasyon ng mga Wizard sa Norte, ang Wizard's White Tower.

"Lady Hathaway, naparito ka," magalang na pagbati ng isang Wizard ng White Tower, "Naihanda ko na ang lahat para sa iyo.."

"Hindi na kailangan," direktang sagot nito.

Pagkatapos ay bigla niyang malumanay na hinawakan ang kamay ni Marvin.

Namula ang mukha ng Wizard.

Tumaas ang magic carpet at lumipad na kasing bilis ng bulalakaw, at nawala sila!

Nagpatuloy sila pa-Norte.

Halos hindi makita ni Marvin kung saan sila papunta.

Napakabilis ng lipad ng magic carpet, hindi pinapansin ni Hathaway ang presyo para mas bilisan pa ito. Higit sa 20000 Wizard gold na halaga ng magic powder ang nagagamit nila!

Hindi maintindihan ni Marvin ang nangyayari. Nagsasayang siya ng pera!

Pero bago pa man siya makabalik sa ulirat, isang makayanig mundong tunog ang maririnig sa kanilang harapan!

Biglang pinabagal ni Hathaway ang kanilang takbo!

Nasa harap nila ay isang malaking tipak ng yelo mula pa sa sinaunang panahon.

Isang itim na linya ang makikita sa nyebe sa dakong timog ng gleyser. Mayroong iilang mga aninong nakatayo malapit sa linya.

Maya't maya, may mala-kulog na ingay ang umaalingawngaw mula sa gleyser.

Tiningnan ni Marvin nang maigi ang mga nakatayo at nakitang pamilyar ang mga ito!

O'Brien!

Binasak niya ang gleyser at kinakalaban ang isang kulay azure na anino na nasa loob!

"Teka… Ang lugar na 'to…"

"Wag mong sabihing nasa lugar tayo kung saan natutulog ang Azure Matriarch?" Napigil ang paghinga ni Marvin.

Tumango si Hathaway at nanlisik ang mga mata nito. "Oo, tama."

"Pagkatapos kang patayin ng Chosen ng Azure Matriarch, o sinubukang patayin, kumilos kami. Gusto mo bang makita ang Bamboo na 'yon?"

Nagulat si Marvin, "Nahuli niyo si Bamboo?"

Tahimik na nilabas ni Hathaway ang using bagay na nakabalot at inabot ito kay Marvin.

Binuksan ito ni Marvin.

Ang ulo ni Bamboo.

Namatay ito na bukas ang kanyang mga mata, na tila puno siya ng paghihinagpis.

"Wag kang mag-alala, siguradong patay na siya," paliwanag ni Hathaway.

"Nahanap ko ang lugar kung saan siya nagpapagalin, at pinatay ko siya," mahinahong sabi nito.

Pero kita ni Marvin ang paghihirap na pinagdaanan ni Bamboo, base sa reaksyon ng mukha nito bago ito namatay!

Bigla niyang naramdaman niyang nagbago na ang malamig na reaksyon sa mukha ni Hathaway!

"Salamat…Salamat…" sabi ni Marvin.

Pagkatapos ay tiningnan niya ang mga anino sa ibaba!

Shadow Theif Owl, White Deer Holy Spirit Lorant, Constantine, Endless Ocean, kasama ang isang kakaibang matanda, at isang Legend Barbarian.

Agad na pinababa ni Hathaway ang magic carpet.

"Bakit Bumalik ka agad? Hindi pa oras ng palitan…"

Tumalikod si Owl.

Biglang nagbago ang mukha nito.

"Pucha!"

"Punyeta ka!"

Agad na tinakpan ni Marvin ng mga kamay niya ang kanyang ulo!

Agad siyang pinalibutan ng mga Legend, tinititigan ang namatay na Marvin na muling nabuhay. At tulad ng inaasahan ni Marvin, isa-isa siyang binugbog ng mga Legend!

Legend ang mga ito!

Hindi biro ang lakas nila!

Pero hindi siya inatake ni White Deer Holy Spirit Lorant. Tuloy-tuloy lang nitong ginagamitan si Marvin ng healing magic!

Sa unang tingin ay tinutulungan nito si Marvin.

Pero lalong naging mas marahas si Owl at Constantine dahil dito!

Kung pinapagaling siya nito, hindi sila matatakot na baka mapatay nila ito!

Paglipas ng sampung minute, iniligtas na ni Hathaway si Marvin mula kina Owl at Constantine.

Tumawa naman nang malakas si Lorant at nag-cast pa ng ilang Legend level na pagpapagalong kay Marvin. Gumaling naman agad si Marvin.

Pero hindi na mawawala ang sakit na naranasan niya.

"Sabi ko na nga ba, hindi ka basta-basta mamamatay!" Malakas na tumawa si Constantine. "Medyo marami akong Dawn Light na nagamit para pasabugin ang ilang siyudad, kaya nakalista lahat iyon sayo!"

Tumawa rin si Owl, "Kalahati sa mga nakabalabal na kulay lila sa Twin Snakes Cult ay namatay sa kamay ko. May bayad ang pagkilos ng isang Legend Shadow Thief. Ikaw na bahala magbilang."

Tumawa rin si Marvin. Sa paraan ng panunukso ng dalawang ito ay may ibig-sabihin ito, pati na ang init na naramdaman nito.

Ito ang pakiramdam ng pagkakaibigan.

Tunay na masaya ang lahat nang makitang "muling nabuhay" si Marvin. Habang wala namang nagluksa para sa Twin Snakes Cult.

"Tama na 'yan," sabi ni Hathaway habang winawagayway ang kanyang kamay, "Dapat na nating itigil ang nangyayari sa loob.

Tumango silang lahat.

Muling tiningnan ni Marvin ang itim na linya sa kanyang harapan. Malinaw na hangganan ito.

Hindi niya mapigilang magtanong, "Paano siya nakapasok?"

Umiling si Constantine,"Walang nakaka-alam. Hindi kami makapasok, si O'Brien lang."

"Ito ang lugar kung saan natutulog ang Azure Matriarch. Mayroong siyang tuloy-tuloy na daloy ng kapangyarihan na galing sa World Ending Twin Snakes. Natatakot kami na baka hindi na kayanin ni O'Brien kaya nagpapalitan kami para tingnan ang sitwasyon."

"Kung hindi maganda ang kalabasan, susubukan pa rin naming, para makita kung kaya ba naming piliting makapasok."

Tiningnan ni Hathaway si Marvin. "Ito ang rason kung bakit dinala kita agad dito."

Biglang naintindihan ni Marvin.

Time Molt.

Nasa kanya pa rin ang bagay na ito.

Ito ang pinakamagandang artifact sa mundo na kayang pasukin ang lahat ng hangganan. Kahit ang Universe Magic Pool ay kaya nitong lampasan. Paano kaya ang World Ending Twin Snakes?

Agad na sinuot ni Marvin ang Time Molt sa kanyang balikat at pumasok sa gleyser.

At nakita niyang binubugbog ni O'Brien ang Nine Headed Azure Matriarch!

'Pucha…'

'Apat sa siyam na ulo na ang sumabog...'

Tiningnan ni Marvin si O'Brien habang walang habas na inapakan ang isa sa mga ulo at mahinang simigaw ng. "Pinuno, ayos lang ako…"

Nang marinig ang boses na ito, biglang tumalikod si O'Brien.

Makikita ang saya sa mukha nito kasabay ng pagsipa nito sa ika-limang ulo!

"Bang!"

Sumabog na ang ika-limang ulo!

Kung hindi lang dahil sa tuloy-tuloy na daloy ng kapangyarihan mula sa World Ending Tiwng Snakes, malamang ay napatay na ni O'Brien ang Azure Matriarch!

"Umalis na tayo!" Binati ni O'Brien si Marvin at muling ginamit ni Marvin ang Time Molt para umalis sa gleyser.

"Uhhh…."

Hinihingala ang pinuno ng mga Night Walker habang nanghihinayang na tinitingnan si Marvin. "Salbahe ka rin eh. Halos maubos ang lakas ko dahil akala ko patay ka na…"

Pinagpawisan ang lahat.

Pinamalas ng lalaking ito ang lakas ng isang Dragon at bagsik ng isang tigre habang nasa loob ng gleyser, paanong mauubos ang lakas niya?

Pilit na ngumiti si Marvin. "Pasensya na, kasalanan ko 'to."

"Hindi, wala kang kasalanan."

Noong oras na iyon, ang matandang may dala-dalang garapon ng alak ang lumapit, tiningnan nito si Marvin at nagsalita. "Tsk. Kung hindi dahil sayo, hindi ko masasaksihan na natutulong-tulong ang napakaraming Legend para sa iisang layunin."

"Nabalitaan kong bumuo sila ng pansamantalang alyansa para ipaghiganti ka."

"Ano ang pangalan…?"

Hindi mapigilang sabihin ni Marvin na. "Hindi naman Avengers Alliance, hindi ba?"