Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 245 - Profiting From Someone’s Misfortune?

Chapter 245 - Profiting From Someone’s Misfortune?

Fatal Injuries Immunity!

Isa itong katangian ng ilang mga makapangyarihang 4th rank.

Sa oras na maabot nila ang level na ito, magiging makapangyarihan ang kanilang vitality. Kahit pa tamaan ang mga mahahalagang bahagi ng kanilang katawan, hindi agad sila mamamatay.

Ganoon ang mga Ogre na nakaharap dati ni Marvin.

Pero, hindi lahat ng class ay mayroong Fatal Injuries Immunity.

Mahihirapan ang mga rogue class tulad ng mga Thief at Assassin para makuha ang abilidad na ito kapag umabot na sila sa 4th rank. Ganoon din sa mga Wizard at Srocerer na class.

Sa lahat ng rouge na class, ang mga Ranger ang tinuturing na pinakamalakas, dahil sa disenteng constitution ng mga ito, kaya nakukuha nila ang ganitong ability.

Pagkatapos mag-advance sa 4th rank, kailangan nang gamitin ni Marvin ang kanyang 2 attribute point at ang malaking skill point niya.

Pero nagdalawang-isip ito, kaya mas pinili niyang wag munang gamitin sa ngayon ang attribute point.

Mahalaga ang mga libreng attribute point. Kaya naman, hindi niya balak gamitin ang mga attribute point niya sa ibang attribute hanggang sa maabot niya ang 30 Dexterity na [Golden Dexterity].

Pero kasalukuyang nalilimitahan ng kanyang Constitution ang kanyang Dexterity. Kung hindi niya maitataas ang kanyang Constitution, mapipilitan siyang doon ito gamitin.

May mga alam na paraan si Marvin para mapataas ang kanyang Constittion, pero wala sa mga ito ang makakapagbigay ng gusto niyang resulta agad-agad.

Kapag nagawan na niya ng paraan ang problemang ito, gusto niyang maglakbay sa Rocky Mountain, na sana ay walang… masyadong kaganapan.

Sa daan, mayroong isang espesyal na bukal na makakapagpataas ng Constitution.

Pero mayroong mga nakakatakot na halimaw na nagbabantay dito. Hindi magiging madali ang paglubog niya dito.

Habang ang mga skill point naman, agad na ginamit ni Marvin ang mga ito.

48 Ranger skill point. Hindi niya ito ginamit sa Hide. Sa laki ng nadagdag sa kanyang lakas, sapat na ang puntos ng Ranger skill na ito.

Kaya naman hindi na kailangan pang dagdagan ang puntos ng Hide. Isa pa, ang Hide at Stealth ay mayoon nang malakas na bonus mula sa Ruler of the Wilderness at Nocturnal, kaya halos wala ring magiging epekto kung dadagdagan pa niya ang mga ito.

Kaya naman ginamit niya ito sa [Sleight of Hand].

Inilagay niya ang lahat ng 48 na puntos dito

Maaaring tumaas ang liksi ng kamay ni Marvin dahil sa skill na ito. Mahalaga ang skill na ito para sa mga Thief. Kahit na Ranger si Marvin, hindi magtatagal ay mag-aadvance na siya sa Ruler of the Night at magagawa na niyang magpapalit-palit ng curved dagger at straight dagger, kaya naman maaaring maging kapaki-pakinabang ang skill na ito.

Magiging mas banayad ang mga atake ni Marvin dahil dito!

Pagkatapos umabot ng level 5 ang Night Walker, nakatanggap siya ng 36 na skill point. Kasama ng 16 na skill point na nakuha niya noon, 52 na ang kabuoan ng kanyang skill point.

Nag desisyon ulit si Marvin na gamitin ang lahat ng ito sa isang skill.

Sa pagkakataong ito, pinili niyang ilagay ang 50 na puntos sa isang level 5 Night Walker skill na [Shadow Escape]!

[Shadow Escape]: Ang mga lugar na may lilim ay maaaring gamitin para mabilis na makatakas.

isa itong uri ng skill sa pagtakas, at ito mismo ang uri ng skill na may kakulangan si Marvin.

Dahil sa Shadow Escape, Nigh Jump, at Night Boundary ni Marvin, pambihira na ang opensa at panlihis na mga kakayahan ni Marvin.

Ang mas nakakamangha pa rito, hindi tulad ng Night Jump at Night Boundary, hindi limitado ng oras ng araw ang paggamit ng Shadow Escape.

Kahit na dalawang beses lang ito maaaring gamitin kada araw, pwede naman itong magamit sa umaga!

Tumaas ang tsansang mabuhay si Marvin sa mga mapanganib na sitwasyon.

Kasabay nito, nabuksan ng 50 na puntos ang isang magandang lihim na epekto, [Quick Disappearance].

[Quick Disappearance]: Tumataas ng 50% ang bilis mo sa tuwing gamit ang Shadow Escape.

Hindi dapat minamaliit ang 50%. Kadalasan, malaking bagay ang isang iglap sa isang labanan.

At ang natitirang dalawang puntos ay ginamit niya sa [Summon Night Crow], dahil kapaki-pakinabang naman ang skill na ito.

….

Sa paglalakbay niya pabalik, mabilis na tinawid ni Marvin ang River Shore City at tahimik na bumalik sa White River Valey.

Tanghali na nang makarating siya sa White River Valley.

Pero ang ikinagulat niya ay mayroong hukbong nakapalitbot sa White River Valley!

SUmimangot siya. Tumuloy siya sa paglalakad at gumamit ng Disguise at nagkunraing ibang tao.

Tahimik siyang lumapit para mas makita nang mabuti ang nangyayari.

Ang hukbo ng iver Shore City!

'Si Madeline!'

Huminga nang malalim si Marvi!

Tamihik niyang tiningnan ang command contract. At tulad nang inaasahan, ilang araw na ang lumipas at nawala na ang kontrata!

Dahil dito, hinala ni Marvin ay naging Legend na si Madeline!

Ambisyosa talaga ang babaeng ito. Nag-advance na ito sa Legend level at kating-kati itong bumawi!

Sumimangot si Marvin at tahimik na umalis.

Sa isang silid sa White River Valley.

Isang mensahero mula sa River Shore City ang nagsasalita, "Wala na si Viscount Marvin. Nakita at alam ng lahat iyon."

"Kahit pa hindi ko naiintindihan ang mga bagay na iyon, nagdesisyon na ang Alliance."

"Dahil sa pagkamatay ni Viscount Marvin, ang kanyang posisyon ay mamanahin ng nakababatang kapatid nito, na si Master Wayne. Pero bata pa si Wayne, at malinaw na hindi pa niya kayang pamahalaan ang White River Valley."

Kaya naman, ang gaming Lord, na kaibigan ng pumanaw na si Viscount Marvin, ay nagdissyon na ilagay ang White River Valley sa ilalim ng kanyang proteksyon alinsunod sa batas ng Alliance."

"Ito ang pirmadong liham."

"Basta pirmahan ito ni Master Wayne, at sumupa ng katapatan kay Madeline, at magiging taga-sunod siya ni Lady Madeline, poprotektahan niya ang White River Valley."

Aroganteng inabot ng mensahero ang scroll.

Ni hindi man lang ito tiningnan ni Wayne at hindi ito tinanggap.

Pagkatapos nito, mahinahon niyang sinabi sa mensahero na, "Ilang beses ko na itong sinabi, buhay ang kuya ko."

Bahagyang ngumiti ang mensahero. "Siguro nga. Sa kasamaang palad, hindi ganoon ang tingin ng Alliance."

Inilabas nito ang dokumento ng pagkamatay ni Marvin na inilabas ng South Wizard Alliance. SA taas nito ay nakasulat ang mga nai-ambag ni Marvin: Pagbubukas ng mga panibagong teritoryo para sa Alliance, pagsakripisyo ng kanyang sarili para sa Feinan… at pagkatapos ng mga linyang io, nakatala dito ang pagkamatay ni Marvin.

Ang kanyang mga ari-ari an ay mamanahon ng kanyang kapatid na si Wayne. Ganito pangkaraniwang gawin ng Alliance ang mga bagay na ito.

Noong mga oras na iyon, kumilos na si Madeline. Nagbanggit ito ng mga batas, at kahit na sa panlabas ay tila gusto nitong protektehan ang White River Valley, sa katunayan, nais niyang lang gawing bahagi ng kanyang teritoryo ang White River Valley.

Hindi tanga s Wayne, at malinaw sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin.

At iyon ang manindigan na hindi pa patay ang kanyang kapatid. Kahit pa maliit lang ang pagkakataon, kahit na nagwala si Lady Hathaway at winasak ang lahat ng kuta ng Twin Snakes Cult sa buong East Coast. May bali-balitang patungo na ito sa Norte ngayon.

Nabalot ng pagkataranta ang White River Valley.

Kahit na naglabas na ng kasulatan si Miss Anna na hindi namatay si Lord Marvin at pansamantala lang itong nawalan ng komunikasyon, kinaumagahan, lahat ng naninirahan dito ay nakakita rin ng kasulatan, na pirmado ng Alliance, na sinasabing patay na raw si Marvin.

Kaya bahagyang nagkagulo ang White River Valley.

Siguradong si Madeline ang may pakana ng lahat ng ito.

Hindi maaaring walang Overlord ang isang teritoryo.

Ang isang lumalaking teritoryo ay hindi mabubuhay kung wala itong Overlord na nangangalaga sa mga mamamayan nito.

Malinaw na kahit pa kaya ni Wayne pamahalaan ang White River Valley, masyado pa siyang bata.

Magmula nang mangyari ito, si Daniela na ang umayos sa sitwasyon.

Kahit na nagpunta ang babaeng ito para sa ulo ng Archdevil, ngayong nasa krisis na ang White River Valley, ayaw niyang umatras bagkus ay lumaban ito!

Maraming problemang lumitaw sa teritoryo, at si Daniela mismo ang umasikaso sa mga ito at nilutas ito!

Walang pinagkaiba ang araw ngayon.

Sa isang silid, sa harap ng mensahero, ang Ice empress sa hinaharap at lumapit at pinunit ang scroll.

"Bibigyan kitang tatlong minuto para umalis dito."

"Hindi kailangan ng proteksyon ng White River Valley," direktang sabi ni Daniela.

"Hindi na ligtas ang mundo noong mga nakaraan, at may mga bandidong sumulpot sa pangunahing kalsada…."

Pero hindi pa niya tapos ang kanyang sasabihin naging yelo na ito!

Isang napakalamig na awra ang kumalat sa kwarto.

Isang gulat na reaksyon ang makikita sa mukha ni Anna at Wayne.

Kahit pa gustuhin nilang magsimla ng digmaan sa pagitan nila at ng River Shore City, hindi pa rin maaaring saktan ng mga sundalo ang mensahero. Kahit na nakakairita at napakaarogante ng mensaherong ito.

Pero ang ginawa ni Daniela ay tila sampal sa mukha ng River Shore City.

Pero wala na silang sinabi laban dito, dahil pinipigilan na nila ang kanyang sarili noong mga nakaraang araw!

Gayunpaman, si Daniela ay isang taga-labas na wala nang pakielam sa magaganap at direkta na niyang kinalaban si Madeline. Wala namang rason si Anna at Wayne para hindi siya suportahan!

"Hoy, tanga, dalhin mo nga ang skulturang 'to sa pesteng babae na 'yon." Sabi ni Daniela sa isang Dark Knight na nakatayo sa tabi.

Saglit na tumahimik ito, saka nito binuhat ang mensaherong naging yelo at dahan-dahang naglakad palabas.

Umalis si Daniela sa silid, at pagkatapos ng ilang sandal ay bumalik ito, seryosong sinabi kina Anna at Wayne, "Wag kayong mag-alala, hindi ko hahayaang makuha niya ang gusto niya."

"Sinusumpa ko yan sa Lavis Kingdom."

Makikita ang paninindigan sa mukha nito.

….

"Mukhang akala ng Alliance patay na ako?'

Pagkatapos gumamit ng Disguise, naglakad-lakad si Marvin sa White River Valley.

Tila naramdaman ng mga adventurer na may mali kaya nagtago ang lahat sa kampo na nasa kabilang dako ng White River.

May mga kasulatan mula sa Alliance na inaanunsyong patay na si Marvin. At nalaman na rin ni Marvin ang binabalak ni Madeline mula mismo sa mga tao!

Gusto niyang samantalahin ang "pagkamatay" na ito para sakupin ang White River Valley!

'Hahaha, gusto talagang mamatay ng babaeng ito.'

'Akala ba niya wala na siyang dapat katakutan dahil lang Legend na siya?"

Tiningnan ni Marvin ang litrato niya sa kasulatan at saka nagdesisyon.

Bigla niyang naramdaman na may Dark Knight na papalapit!

Hindi nagpakita si Marvin at patuloy na nagtago!

Ito ang pinakamagandang oras para malaman kung ano talaga ang iniisip ng mga tao.

Sinadyang magtago ni Marvin para makita kung sino talaga ang tapat sa White River Valley at sino ang mga opotunista.

….

Sa hangganan ng White River Valley at River Shore City.

Nakatindig lang ang hukbo ng Rive Shore City. Sa isang gilid, makikitang nakasabit ang bandera ng Solver Church. Doon nakatayo ang mga Paladin ng Silver Church.

"Sir, gagawin ba talaga natin 'to?" pag-aalinlangan na tanong ni Gordian.

"Iba na ang istruktura ng katimugan ngayon. Kung di mo pa napansin, isa nang Legend si Madeline, habang si Marvin naman… masyadong maagang namatay ang batang 'yon."

"Hindi na niya tayo mababayaran kaya kailangan nating tulungan si Madeline."

"Kung agad na pumayag ang kapatid niya, hindi na kailangan ng digmaan, magiging maayos na ang lahat."

"Pero…Mukhang may masamang mangyayari."

Pagkatapos magsalita ni Collins, isang Dark Knight na dala ang mensaherong yelo ang lumakad sa pangunahing kalsada.

"Blag!"

Bigla niyang ibinato ang taong yelo. Ang punterya nito ay ang isang magarang karwahe na nasa gitna ng mga hukbo!

Naglakad si Daniela sa likod nito, makikita ang paninindigan nito sa kanyang mukha.

"Bang!"

Isang malaking bola ng apoy ang nabuo at direktang binasag ang taong yelo!

Naghalo ang yelo at apoy kasabay ng pagtilamsik ng dugo at laman sa hukbo.

Hindi mapakali ang hukbo ng River Shore City.

"Tsk… Pinatay moa ng tauhan ko, gusto mob a ng gyera?"

Maririnig ang mapang-akit na boses ni Madeline mula sa magarang karwahe.

Dahan-dahang lumapit si Daniela, isang malamig na bakas ng yelo sa kanyang mga paa.

"Madeline, wag mo nang subukan umapak sa teritoryong 'to."

"Miss Daniela, alam ko na ang tungkol sayo." Mahinahong nakaupo si Madeline sa karwahe, at tila tamad na tamad kausapin si Daniela.

Kaya na niyang umasta ng ganito dahil nakapag-advance na siya sa Legend Wizard. Habang si Daniela ay Half-Legend pa lang!

"Ikaw ang prinsesa ng Lavis Kingdom. Kahit pa ikaw ang mapapangasawa ni Marvin, patay na siya. Hindi mo na ako kailangan kalabanin," sabi ni Madeline.

Kung ibang tao ito, marahil umatake agad na si Madeline.

Pero bahagya itong natatakot sa paghihiganti ng clan ni Daniela.

Pero hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nagmamatigas si Daniela!

"Uuliti ko. Wag mong subukang tumapak sa teritoryong ito."

"Hindi man ako malapit kay Marvin, malapit naman ako kay Wayne. Sa katunayan, gusto ko ng kapatid na lalaki. At syempre, gusto ko ang lugar na ito."

"Papasok ka at ng hukbo mo sa isang lugar na pinaghirapan kong ayusin. Sa tingin mo ba hahayan kong sagasaan mo lang iyon?"

Natahimik si Madeline.

Paglipas ng ilang sandal, isang boses ang nanggaling sa karwahe, "Kung ganoon, wala na kong magagawa kundi magdeisisyon?"

"Umatras o umatake."

Unti-unting nagbago ang katawan ni Daniela, mas pumuputi ang balat nito kasabay ng malamig na hangin na lumalabas sa kanyang katawan!

Ice Angel Shape!

"Ice Angel? Nakakamangha." Biglang napunta sa likuran ni Daniela ang mapagbirong boses ni Madeline!

Isang Teleportation Door ang tahimik na lumitaw sa likod nito nang walang nakakapansin.

Nabigla si Daniela nang tamaan ito ng apoy na latigo ni Madeline kaya bumagsak ito sa lupa.