Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 238 - The Fall of a World!

Chapter 238 - The Fall of a World!

Plague God!

Dahan-dahang napa-atras ang anim na Legend, at bumuo sila ng depensa sa palibot ng maliit na World Tree, maingat nilang pinagmamasdan ang isterikong si Diggles at ang Plague God na biglang lumitaw.

Ginamit nito ang kanyang Divine Power para putulin ang rainbow passage.

Ito ang kakayahan ng isang Ancient God.

Tinitigan ni Diggle sang Plague God. Bilang isang Evil Spirit Overlord, malinaw na hindi maganda ang tingin niya sa mga god.

Pero dahil sa grupo ng mga Legend na ito, mas gugustuhin pa niyang makipagtulungan sa Plague God!

"Pareho lang naman tayo ng gusto, hindi ba?" Nakangiting tiningnan ng Plague God si Hathaway habang nakangiti. "Hangga't hindi natin sila napapatay, magkakampi tayo."

Tahimik lang si Diggles. Noong mga oras na iyon, nakarating na ang ikatlong doppleganger.

Napapalibutan niya at ng tatlo niyang doppleganger ang maliit na World Tree.

Tinititigan naman ng Plague God si Hathaway mula sa gilid. Malinaw kung sino ang punterya niya!

Gusto niyang tapusin na ang Seer na ito habang narito pa sila sa plane na ito!

Gaganda ang posisyon niya sa God Assembly dahil dito.

'Anong gagawin natin?'

Iyon ang tanong sa isip ng mga Legend.

Kahit pa kayang magbukas ng lagusan patungon Feinan ng Rainbow Stone, hindi nila ito magagamit dahil sa Plague God!

Kahit pa masusuportahan sila ng maliit na World Tree, hindi ito tatagal.

Sandali na lang ito mananatili.

Isa pa, umalis na ang tunay na Diggles mula sa kanyang trono dahil wala nang saysay na bantayan pa ito. Hindi maganda ang sitwasyon ng anim na Legend.

Atras? Wala na silang takas.

Ang tanging pag-asa na lang nila ay si Marvin!

"Hindi ko 'to inaasahan." Napailing si Lorant. "Sir Plague God, bakit ka nakikipagtulungan sa mga Evil Spirit?"

Tumawa ang Plague God. "Lorant, matag rin tayong hindi nagkita. Wala akong galit sayo. Pero may kailangan bayaran sa akin ang Witch na iyan. Kung ibibigay niyo sa sa akin, pinapangako kong hindi na ako makikielam."

"Pwede niyong kalabanin si Diggles hangga't gusto niyo."

Namutla si Hathaway.

Alam niyang napukaw na niya ang atensyon ng Shadow Prince, pero hindi niya inakalang pati ang Plague God ay interesado sa kanya.

Kating-kati ang mga god na ito na dispatyahin siya.

Pero hindi siya natatakot. Sinabi sa kanya ni Marvin na wag na muna siyang makiisa rito pero nagpumilit siyang sumama.

At dahil sumama siya, lalaban siya.

Isa pa, dahil sinabi ni Marvin na may paraan siya, siguradong tutuparin niya iyon!

Makikita ang paninindigan sa mga mata ni Hathaway.

"Wala kaming ibibigay sa inyo."

Umabante si Inheim at tinitigan ang Plague God. "Kahit pa na ako. Kahit ako lang ang makalabas nang buhay dito ngayon, malaki ang mababawas sa kapangyarihan niyo sa Feinan."

'Paano ang tusong lalaki na 'yon?' Isip-isip ni Hathaway. Nang bigla siyang napasigaw, "Mag-ingat ka!"

Isang anino ang biglang lumabas sa likuran ni Inheim!

Masama ang ngiti ni Glynos.

"Sa tingin mo makakatakas ka? Dahil lang sa Void Boots?"

"Anong akala mo nasa Feinan ka? Wala pa sa kalahati ng lakas ko ang kaya kong ilabas dito!"

"Pero ang lower plane ang lugar na ito, kaya samantalahin mon a 'yan, Inheim!"

Gusto sanang tumulong ng ibang Legend nang marinig nila ang boses ni Glynos, pero huli na ang lahat.

Direktang bumaon sa likod ni Inheim ang Nightfall!

Hindi Makapaniwala si Inheim!

Hindi man lang niya napansin ang pag-atake sa kanya ng Shadow Prince!

"Pasensya na, nalinlang ko ang perception mo." Nakangiti pan rin ang Plague God habang may aninong lumabas sa likod ni Inheim.

Ito ang Divine Spell ng Plague God, na kayang pababain ang perception ng isang Monk.

At ang tanging ginawa lang nito ay pagtakpan ang lihim na pag-atake ng Shadow Prince.

"Putangina mo!" Galit na sumugod si Ivan.

Dahil matagumpay ang kanyang pag-atake, ngumisi si Glynos at biglang nawala.

Nasaksak ang puso ni Inheim ng [Nightfall]. Nag-aagaw buhay na ito!

Kahit na matagal na siyang hindi mortal, at walang mahahalagang bahagi ang kanyang katawan, nasa panganib pa rin ang buhay nito dahil sa lihim nap ag-atake ng Shadow Prince.

.

"Ivan, bumalik ka rito!" Malakas na sigaw ni Endless Ocean.

Kinuha ni Ivan si Inheim at agad na bumalik sa tuktok ng maliit na World Tree.

"Wala tayong magagawa kundi dumikit sa World Tree! Hindi tayo pwedeng umatake mula dito!" paalala ni Endless Ocean sa kanilang lahat.

Hindi maipinta ang kanilang mga mukha. Kahit na tatlo lang ang kanilang kalabas, ang dalawa dito ay makapangyarihang low god!

Isa pa, kalaban rin nila ang pangunahing katawan ni Diggles.

Nagtatago naman ang Shadow Prince sa Shadow Realm para umatake nang palihim, at ang Plague God, ang nakangiting nilalang na ito, ang pinakanakakatakot!

Kaya niyang tahimik na maglagay ng sumpa sa isang tao, kaya wala itong magagawa para lumaban.

"Miss Hathaway, isang pagkakamali ang buhay mo."

Dahan-dahang itinaasn ng Plague God ang kanayng kanang kamay at itinuro si Hathaway habang malumanay na sinabing, "Dapat kang mamatay."

Biglang naipon ang walang hanggang Divine Power nito.

Takot na tiningnan ni Hathaway ang Divine Power. Siguradong gumagamit ang Plague God ng isang nakakatakot an Ancient Divine Spell!

Anong maaari nilang gawin?

Sa anim na Legend, si Inheim na pinakamalakas sa kanila, ay nag-aagaw buhay na. Nagdulot ng napakalaking sumpa ang straight dagger na Nightfall sa katawan nito. Isang himala na mabuhay pa siya!

Sinubukang i-dispel ni Lorant at Endless Ocean ang sumpa sa katawan nito pero wala itong epekto.

Lumapit si Diggles at ang kanyang mga doppleganger, at metatag na mapak sa liwanag ng World Tree.

Intensyon niyang ibuhos ang lahat ng kanyang lakas!

"Sige na." Nakangiting sabi ng Plague God.

Isang kulay abong ilaw ang lumabas mula sa daliri nito at patungo kay Hathaway!

'Kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko!' Kinuyom ni Hathaway ang kanyang ngipin at inisip na gamitin ang kanyang Legendary Spell na hindi pa niya tapos para harangin ang atakeng ito.

Nang biglang yumanig nang malakas ang Decaying Plateau!

"Aaaaaaah!"

Hindi mapigilang humiyaw ni Diggles. Tila matinding sakit ang nararamdaman nito, nakaluhod na sa lupa ang pangunahing katawan at mga doppleganger nito!

Nang biglang, hindi mabilang na bitak ang lumitaw sa Decaying Plateau.

Ang kulay abo na liwanag na tinira ng Plague God ay nilamon ng isang bitak na biglang lumitaw.

"Ito ang…"

"Ang batang 'yon!"

"Paano niya nagawa 'yon nang napakabilis!"

Biglang nanginig ang Plagye God. Nagawa niyang hanapin ang Decaying Plateau sa dami madahing sanag ng World Tree?!

Isa itong bagay na imposibleng magawa kahit ng mga god!

Kahit gaano pa niya kalalim ito isipin, nagsisimula nang mawasak ang Decaying Plateau.

Nawawasak na rin ang kalangitan.

"Hindi!"

"Hindiiiii!"

Humiyaw sa kalangitan si Diggles, pero huli na ang lahat.

Ang nakita ni Marvin matapos pumasok sa vortex ay isang punong konektado sa mundo.

Ito ang tunay na World Tree. Ang lugar na ito ay teritoryo ng Ancient Nature God at bukod sa kanya ay wala nang iba pang maaaring makapasok.

Nag-ugat ang World Tree sa Feinan at lumawig ito sa buong Feinan Continent. Kahit ang God Realm, pati na ang mga lower plane ay mga dahon sa mga sanga nito.

Bawat dahon ay kumakatawan sa isang plane.

Ang Ancient Nature God ay may isang kayamanan, ang Golden Scissors.

Natural na nabuo ang Golden Scissors. Base sa kwento, bago pa daw mabuhay ang World Tree, mayroong labing-dalawang Golden Scissor.

Bago matulog ang Ancient Nature God, nagamit na nito ang sampu sa mga ito.

Ito na ang pang labing-isa

Tunay nga na ang pagputol ng dahoon ay katumbas ng pagputol ng isang plane, at ang bawat Golden Scissors ay maaari lang magamit nang isang beses.

Sa harap ng napakalaking World Tree, nararamdaman ni Marvin ang mapayapang kapaligiran.

Ito ang tunay na World Tree.

Inakala ng mga Druid mula sa Migratory Bird Council, na ang maliit na bahaging tumutubo sa Feinan ay ang World Tree. Pero sa katunayan, isa lang itong sanaga ng World Tree na dumadaloy sa Feinan.

Marami pang ibang sanga sa paligid ng Feinan at bawat isa sa mga ito ay kumakatawan sa mga secondary plane.

Humihigop ito ng sustansya mula sa World Tree habang patuloy itong lumalaki.

Habang ang mga Nature Leaves naman na nagtuturo sa mga Ranger ng mga spell, tumutubo lang ito sa isang espesyal na sanga.

Iyon ang World Tree.

Ang napakalaking punong ito na nasa harap ni Marvin ay ang World Tree na sumusuporta sa isang buong multiverse.

Sinasabi nila na kahit daw ang Ancient Nature God mismo ay hindi pa lubos na alam ang lahat ng sikreto ng World Tree.

Minsan nga ay tinuya pa nito ang sarili na isa lang siyang arborist na nangangalaga lang sa mga sanga nito.

Sinundan ni Marvin ang paikot-ikot na ugat at hindi nagtagal ay nakarating siya sa dahin na iyon.

Kahit pa maliit lan gito, ang maitim na kulay nito ang pinagkaiba ng dahon na ito sa iba pa.

Ito ang Decaying Plateau ni Diggles.

Basta-basta na lang ikinabit ng taong iyon ang sarili nitong plane sa World Tree.

!

Sa kasamaang palad, mayroon itong kapalit. Kung mayroong may hawak ng Golden Scissors, maaari nilang putulin ang dahol na iyon!

Huminga nang malalim si Marvin at yumuko.

Kuminang ang Golden Scissors sa dilim ng void.

Sa sunod na sandal, nahati na ng Golden Scissors ang dahoon!

Tsak!

Bahagyang nahati na ang dahoon.

'Matibay ah…' Hinawakan nang mahigpit ni Marvin ang Golden Scissor at gumamit pa ito nang lakas!

"Guguho na ang mundong ito, kailangan nating umalis agad!"

Dahil nadadama na nila ang pagbabago sa buong plane, pinaalalahanan ni Endless Ocean ang lahat.

"Aalis? Sa tingin niyo makaka-alis kayo?"

Si Diggles na may matinding sakit na nararamdaman ay tiningnan ang anim na Legend. "Isasama ko kayo sa hukay!"

Muling nagbukas ang rainbow passage, kasabay nito namutla ang mukha ni Lorant na naghahanda sa laban.

Pero ang lagusan ay agad na isinara ng Plague God!

"Pasensya na, pero hindi kay maaaring umalis."

"Gusto kong mamatay kayo kasama ng lalaking 'yan." Panunuyang sabi ng Plague God.

Pagkatapos nito ay naglaho na siya at si Glynos mula sa Underworld!

Hindi pa ito umalis, at nasa paligid lang, kaya naman hindi pa rin makakabalik sa Feinan ang anim na Legend!

"Panuorin natin mamatay ang mga hangal na mortal na 'to sa Decaying Plateau!" Naka-ngiting lumutang sa ere ang Plague God.

Nang biglang isang banayad na boses ang umalingawngaw sa kanilang puso. " Glynoss, Ann Maria, matagal rin tayong hindi nakita."

Nagkatinginan ang Shadow Prince at Plague God, hindi nila mapigilang manginig sa takot!

Biglang may isang malaking anino ang bumaba.

Tila naging langgam ang dalawang god na ito.