Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 228 - Angry Heavenly Deer

Chapter 228 - Angry Heavenly Deer

Sa sobrang bilis nang pangyayari ay walang nagawa si Marvin.

Kontrolado ni Diggles si Deeiver gamit ang isang skill na hindi mauunawaan ng isang pangkaraniwang tao. Kinuha niya ang Rainbow Stone at biglang nawala sa loob ng kweba.

Nakatakas siya!

'Pucha!'

Nag-aalala si Marvin, habang nagkakagulo naman ng mga batang White Deer. Kahit hindi malinaw sa kanila kung anong kahulugan nang pagkawala ng Rainbow Stone, nararamdaman pa rin nilang hindi ito maganda.

'Kailangan kong habulin si Deceiver at pigilan siyang buksan ang Disaster Door,' padedesisyon ni Marvin.

Subalit naroon pa rin ang mapanganib na Assassin. Hindi niya alam kung saan nagtatago ang taong ito.

Sa isang iglap, gumamit ang Assassin na ito ng isang high level na pamamaraan ng pagtago.

Sumakit ang ulo ni Marvin.

May isang 4th rank Assassin na gusto siyang patayin. Bahagya siyang nabahala.

Alam niya kung gaano kalakas ang mga Assassin.

Pero may ikinagulat siya. Noong kinakabahan na siya, isang kahali-halinang boses ang umalingawngaw, "Hinahanap mob a siya?"

Si Madeline.

Ang pagpunit ni Marvin ng Azure Letter ay ang paraan niya para iparating ay Madeline na may masamang nangyari. Sa sobrang bilis nang mga pangyayari, pagdating ni Madeline na ang paghuli na lang kay Hawley na nagtatangkang tumakas ang nagawa nito. Sa katunayan, hindi naman sa walang kwenta si Hawley, pero noong laban niya kay Deceiver at kay Marvin, masyado nang maraming escape skill siyang nagamit.

Karamihan sa mga skill na ito ay mayroong limitasyon ng paggamit sa isang araw.

Nakasalubong siya ni Madeline, at gamit ang isang Bind skill, hawak na ni Madeline ang buhay nito.

Pagkatapos nito ay, gumamit si Madeline ng iba't ibang restriction spell, pagkatapos nito ay iginapos na niya ito at dinala pabalik.

Pero nang makita niya ang dagger na nakabaon sa pwetan ng Asuran Bear, hindi niya mapigilang matawa. "Sa totoo lang, ngayon lang kita nakita sa ganitong klaseng sitwasyon."

Tuwang-tuwa sa pagtawa si Madeline.

Natuwa siyang makita si Marvin, sa unang pagkakataon, sa ganitong sitwasyon.

Malinaw na hindi naman ganoon kalakas ang taong ito, pero nagawa pa rin niyang hawakan ang sitwasyon ng maayos kahit ano pa ang nangyari.

Bibihirang makita si Marvin sa ganitong uri ng sitwasyon. Bihira lang din matawa ng ganito si Madeline.

Pero nawala ang ligaya nito dahil sa mga sumunod na sinabi ni Marvin. "Nakuna na niya ang Rainbow Stone."

Biglang nag-iba ang itsura si Madeline.

"Nasaan siya? Susundan ko siya!" Desididong sabi ni Madeline.

Kung sino man nag may hawak ng Rainbow Stone, sa kanya nakasalalay ang kapalaran ng River Shore.

Bilang Lord ng River Shore City, malinaw na siya ang pinakang nag-aalala para dito.

"Teka."

Tiningnan ni Marvin ang Assassin na si Hawley. "Kailangan muna naming tapusin ang alitan naming dalawa."

Pilit na ngumiti si Hawley. "Wala tayong alitan. Sa totoo lang, tumanggap lang ako ng pera para tulungan ang isang tao."

"Sinong nag-utos sa iyo?" Seryosong tanong ni Marvin.

"Kung sasabihin ko sayo, papakawalan mo ko," sagot ni Hawley.

"Sige..." sagot ni Marvin.

"Ang miyembrong iyon ng Unicorn clan… Kung di mo alam, nagtatrabaho siya sa loob ng Finance Department ng Alliance." Direktang sagot ni Hawley.

"Kung pakakawalan mo ko, Ako mismo ang magdadala sa kanya sayo. Tapos pwede mo nang gawin sa kanya ano mang gusto mo."

Pero nang matapos niya ang kanyang sinasabi, isang kamao ang humapas at direkta siyang nadurog at naging karne!

Sumimangot si Madeline. "Ang rahas naman."

"Hindi ba pumayag ka?"

"Walang silbi nag ganitong usapang hangin. Isa pa, kailangan tapusin ang lahat ng bagay," kaswal na sagot ni Marvin.

"Pero baka marami kang impormasyong hindi makuha dahil sa ginawa mo," sagot ni Madeline.

Inalog ni Marvin ang kanyang katawan at dahan-dahan siyang bumalik sa dati niyang anyo.

Pagkatapos ay kinuyom niya ang kanyang ngipin saka niyang binunot ang dagger sa kanyang pwetan.

Lumingon palayo ang Holy Maiden Muse habang lumapit naman ang isang batang White Deer at gumamit ng isang malakas na healing spell at tinanggal ang ano mang lason.

Nakangiti namang tiningnan ni Madeline ang kaganapan.

Mabilis na nagbihis si Marvin. "Hindi na mahalaga 'yon, nakuha ko na ang impormasyon kailangan ko mula sa kanya."

Kinuha niya ang isang gintong barya mula sa durog na bangkay. Sa tabi ng gintong barya ay isang malakit guhit ng gagamba na may numerong 7.

Shadow Spider 7th killer. Mayroon pang anim na makapangyarihang miyembro na mas mataas sa kanya.

Kay Marvin, sa ganitong mga kalaban, kailangan ibalik sa kanila ang pabor. Wala siyang pakielam kung ilan pa ang natitirang miyembro ng Unicorn clan o ng Shadow Spider Order, siguradong maghihiganti siya.

Pero ang kailanagn nilang gawin sa ngayon ay ang mabawi ang Rainbow Stone.

Agad niyang hinanap nag bakas ng Deceiver.

Hindi nagtagal, sa tulong ng mga White Deer, nahanap niya ang ilang piraso ng buhok niya sa kweba.

Matapos magpaalam sa mga White Deer at sa Holy Maiden Muse, gumamit na si Madeline ng isang spell para magbukas ng Teleportation Portal at umalis na ang dalawa sa White Deer Cave. Nakabalik na sila sa Deathly Silent Hills.

Ito ang lugar kung saan nag lagay ng Teleportation Portal si Madeline.

Maliwanag pa ang kalangitan, kaya hindi pa magagamit ni Marvin ang kanyang Night Tracking.

Pero para mabuksan nag Disaster Door, kakailanganin pa nila ng hindi bababa sa 8 oras.

Sa loob ng isang oras ay dumidilim na ang kalangitan, kaya naman may oras pa sila.

Sumakay si Marvin at Madeline sa Magic Carpte at nagsimulang maghanap sa Deathly silent Hills.

Sa Saint Desert, hindi mabilang ang mga Foul Anemones na lumalabas mula sa ilalim ng lupa.

Sa gitna ng hukbo ng mga Foul Anemones ay may isang White Deer nag alit na umaatungal.

Ang mga Foul Anemones na ito ay sadyang nakakadiri. Mayroong silang mga galamay na mala-pugita at pambihirang kakayahang magparami.

Sa tuwng gagamit ang White Deer ng spell para dispatyahin nag ilang sa mga ito, hindi magtatagal ay mayroon na namang mga lalabas mula sa ilalim ng lupa.

Pinagplanuhan itong mabuti.

Isang makapangyarihang Evil Spirit ang nagtanim ng napakaraming buto ng Foul Anemone para mahuli siya.

Ang mga madikit na galamay ng mga ito ay patuloy na sinusubukan siyang igapos.

Galit na galit ang White Deer Holy Spirit.

Pero noong mga oras na iyon, tila may naramdaman siyang mali.

Sa gitna ng napakaraming Foul Anemone, may nakita siyang kaganapan.

Isang babae ang nakakuha ng Rainbow Stone mula sa kamay ni Muse!

"Ang Rainbow Stine!"

"Paanong nakuha ng kasuklam-suklam na Evil Spirit na ito ang kayamanan ko!"

Biglang may napagtanto ang White Deer Holy Spirit.

Tumingala siya at galit na umatingal, isang nakakatakot na Heavenly Holy Power ang lumabas mula sa kanyang katawan, na nilinis ang kapaligiran sa isang iglap!

Ang Heavenly Holy Power ay isang malakas na kapangyarihan. Hindi lang ito ang kalaban ng Chaos Power, ito rin ang natural na kalaban ng mga maruruming nilalang na iyon!

Sa isang iglap, nawala ang lahat ng naapaligid na Foul Anemone.

Agad namang tumakbo patungo sa Deathly Silent Hills ang White Deer Holy Spirit!

Sa Deathly Silent Hills, sa isang tagong kweba.

Kinukumbolsyon ang katawan ng Deceiver. Nasa kamay pa rin niya ang Rainbow Stone, pero walang tigil sa panginginig ang kanyang mga kamay.

"Gawin mon a ang Disaster Door."

"Makukuha mo ang gantimpala. Pakakawalan ko ang kapatid mo."

"Pag-isipan mong mabuti, siya na lang ang natitirang pamilya mo sa mundo." Bumubulong sa tenga nito ang boses ni Diggles na tila ba hinihikayat ito sa kasamaan.

Pero malakas ang kanyang willpower!

Kumulo ang kanyang dugong Numan at mas luminaw ang kanyang pag-iisip.

"Hindi. Nililinlang mo ako."

"Nagsisinungaling ka."

Sinusubukan niyang tanggalin ang markang inilagay ni Diggles sa kanyang katawan.

Pero biglang dumating ang utos ng Evil Spirit Overlord:

"Ang lakas ng loob mong suwayin ang utos ng iyong Lord!"

"Mamamatay ka nilabag moa ng sinumpaan mong tungkulin, at ang kaluluwa mo ay mapupunta sa akin, habang-buhay na hindi makakawala."

Bahagya itong napa-atras.

Nang biglang may isang kakaibang ngisi ang gumuhit sa labi nito.

"Diggles… Hay …Diggles. Tuso ba ang tawag mo sa sarili mo."

"Hindi mo ba nauunawaan ang ibig sabihin ng pangalan ko?"

Deciever.

Sa trono ng Decaying Plateau, maririnig ang galit at gulat na sigaw ni Diggles. "Paanong nangyari ito?!"

"Paano niya natanggal mag-isa ang kontrata!"

Ginawa niya ang lahat para masundan ang bakas ni Deciever.

Pero wala siyang makita.

Ito ay dahil noong ginamit niya ang kapatid nito para pinilitin itong pumirma ng kontrata, may problema ang mismong kontrata.

Si Deceiver, bilang isang Numen, ay isa sa mga nilalang nahumuhugot ng lakas sa Devil's Head, kaya naman mahusay ang mga ito sa mga kontrata.

Mahusay siya sa paglalaro sa mga kontrata at pag-peke nito.

Kahit na ang Evil Spirit Overlord ay walang nakitang butas dito.

Kaya naman wala na siyang paraan ngayon para matunton si Deceiver!

Galit na umatungal si Diggles, "Head Knight! Douglas!"

"Mayroon akong mahalagang misyon para sayo!"

"Kahit na pinagtaksilan tayo ni Deceiver, nag-iwan siya ng marka ng plane sa White Deer Cave! Pwede pa rin tayong makabalik!"

Sa tahimik na White Deer Caver.

Pag-alis nina Marvin at Madeline, bumalik na sa kanilang tirahan ang mga White Deer at ang Holy Maiden na si Muse.

Nagpadala na sila ng mensahe ng paghingi ng tulong kay Lorant, at kinumbinsi itong bumalik na kaagad.

Habang ang Rainbow Stone.

Umaasa na lang sila na mababawi ito ni Marvin at ng kasama nitong Witch.

Nang biglang may isang masama at kasuklam-suklam na kapangyarihan ang kumalat sa buong kweba.

Nanginig ang lahat ng White Deer.

Napatingala si Muse dahil hindi siya makapaniwala habang tinitingnan ang bitak na bumukas sa kanilang harapan.

.

Isang Knight na may masamang presensya ang lumabas mula sa bitak.

Ang mukha nito ay balit ng lumot, at nginitian ang lahat kaya naman nakita ang madugong bibig nito!

Pagkatapos nito ay maririnig ang mga sigawan sa buong White Deer Cave.

Pero hindi nagtagal, ang ingay ay naging katahimikan.

Paglubog ng araw, napakinabangan na nila ang Night Tracking ni Marvin.

Dahil sa nakuha nilang buhok nito, nakita nilang hindi malayo ang tinakbuhan ni Deceiver.

Sinundan nila ang pulang linya hanggang sa nakita nila si Deceiver sa isang kweba.

Hawak nito ang Rainbow Stone sa kanyang kamay at tinititigan sina Marvin at Madeline.

"Gusto niyo baa ng Rainbow Stone na 'to?" Tanong niya.

"Sa totoo lang, wala kaming interes diyan." Kibit-balikat na sagot ni Marvin.

"Pero hindi 'yan pwedeng mapunta sa kamay ni Diggles."

"Pero mukhang hindi na mangyayari 'yon dahil malinaw na ang pag-iisip mo."

Naramdaman ni Marvin na wala na ang Presensya ni Diggles kay Deciever.

Pero tahimik na umiling si Deceiver at sinabing, "Nagkakamali ka."

"Iilan lang ang taong makakapigil sa pagkuha ni Diggle sng gusto niya."

"Kahit pa tinraydor ko siya, makukuha …"

Biglang naputol ang kanyang sinasabi ng isang galit na pag-atungal mula sa White Deer Cave!

Isa itong boses ng pighati.

Ito ang boses ng White Deer Holy Spirit.

Biglang nagbago ang mukha ni Marvin.

"Anong nangyari?"