Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 222 - Are you interested in having some fun?

Chapter 222 - Are you interested in having some fun?

"Pshh!"

Pumasok ang tatlong kutsilyo sa ulo ng Brain Eating Monster, kasunod nito ay maririnig ang isang nakakabinging ingay. Mabilis na umimpis ang ulo nito na parang isang lobo.

Nanginginig naman nag tuhod ng natirang miyembro ng Assassin Alliance.

Tiningnan niya si Marvin habang nanginginig. "Ano… ito?"

Nagkibit-balikat lang si Marvin, "Brain Eating Monster, isang Evil Spirit."

Makikita ng pagkatuliro sa mga mata ng Assassin. Malinaw na wala siyang alam tungkol sa mga ganitong bagay.

Normal lang ito. Dahil sa proteksyong dala ng universe Magic Pool, ang mga Demon ng Abyss, at mga Devil ng Hell ay hindi madaling nakakapasok ng Feinan. Kahit pa mas malapit ang Underworld sa Feinan, nahihirapan ring pumasok sa Eeinan ang mga nilalang na mula rito. Sa panahon ng kapayapaan, mabilis na nalimutan ng mga tao tungkol sa mga Evil Spirit.

May iilan ring mga Evil sorcerer o mga Evil Spirit Envoy ang nakakapasok. Pero dahil sa mahigpit na pamamalakad ng mga Wizard, nahihirapang makapagpalaganap ng impluwensya ang mga ito.

Agad silang mabubunot mula sa ugat.

Pero gumawa ng malaking hakbang ang Evil Spirit sa pagkakataong ito.

Hindi lang basta-batas makakapagpadala ng ilang Brain Eating Monster si Diggles. Kahit na maraming utak ang kayang kaninin ng mga ito, kulang ang talino ng mga ito.

Kailangan niya ng taong mas may kakayahan.

"Ano…Anong dapat nating gawin ngayon?" Nanginginig ang lalaking naka-itim habang papalapit ito kay Marvin.

Biglang kumilos na kasing bilis ng kidlat si Marvin at tinutukan ito ng pistol sa ulo.

"Bang! Bang! Bang!"

Tatlong magkakasunod na bala ang pinaputok ni Marvin sa ulo nito!

Hindi man gaanong mahusay ang pag-asinta ni Marvin, pero madali lang barilin ang pinupunterya niya kapag malapit ito.

"Bugush!"

Sumabog ang ulo ng naka-itim na lalaki… pero hindi ito nagdugo.

Nanlumo si Marvin. Mabilis siyang umatras at lumayo dito.

Hindi bumagsak ang naka-itim na lalaki matapos sumabog ang ulo nito.

Sa halip, pasuray-suray itong humakbang ng ilang ulit.

Isang mabahong amoy ang nagmula sa leeg nito kasabay nang paglaki ng ulo nito.

Pero walang kahit ano sa mukha nito, tanging isang ulong maraming ngipin.

"Hehe…" Ngumiti ang bunganga nito. "Nagawa mo talagang malaman ang tunay kong katauhan…"

"Hindi ko 'to inaasahan, nasurpresa akong nagawa mo pang makatakas mula sa loob. Masyado kong inubos ang enerhiya ko sa mga walang kwentang nilalang na 'ito at napabayaan ko ang pinakamalakas."

"Normal lang 'yan. Mas matalino ka na nga kumpara sa mga pangkaraniwang Brain Eating Monster, wala ka nang mahihiling pa." Panunuya ni Marvin.

"Sa tingin mo ba maniniwala akong isang Brain Eating Monster ang gumawa ng planong 'yon?"

Tumingin si Marvin sa madilim na gilid!

Isang nakaputing babae ang nagmamadaling lumabas.

Malinaw na ito ang gumawa ng plano.

Nang magmadali si Marvin, nawalan na siya na oras para suriin ang mga katawan na nasa lupa at agad na nagbato ng mga kutsilyo para mailigtas ang natira sa mga ito.

Pero bigla siyang may napansing kakaiba.

Naramdaman niyang ang lalaki sa harap niya ay amoy dugo.

Medyo mahina ang amoy na ito pero naamoy ito ni Marvin dahil sa talas ng kanyang pang-amoy.

Agad niyang binilang ang mga tao at napansing mayroong mali.

Ang grupong ipinadala ay mayroong pitong tao at anim sa mga ito ay nakahiga na sa lapag. Kasama ang Brain Eating Monster Servant, pito na sila.

Kaya paano nagkaroon ng isa pang tao?

Hindi kayang dispatyahin ng isang Braing Eating Monster Servant ang pitong miyembro ng Assassin Alliance.

Hindi ito mga pangkaraniwang tao. Kahit na mahulog sa patibong ang isa, mabilis ang magiging reaksyon ng iba sa mga ito.

Pero lahat sila ay naging mga bangkay na walang ulo. Iisa lang ang ibig sabihin nito. Hindi lang ang Alpha Brain Eating Monster ang umatake, mayroon pang isa pang tao.

Kaya naman hindi na nag-alinlangan si Marvin at pinasabog na niya ang ulo ng taong nasa harap niya.

Sa kasamaang palad, ang mga Alpha Brain Eating Monster ay iba kumpara sa mga taga-sunod nito. Makapangyarihan ang recovery ability ng mga ito at hindi ang ulo ng mga ito ang pinakamahalagang bahagi ng katawan nila.

Pero para kay Marvin, makasing panganib lang ang Brain Eating Monster na ito pati na ang babaneg naka-puti.

Ang babaeng ito ay kamukha at pareho ng kilos sa HolyMaiden na si Monica ng Bai clan.

Bibihira siyang makakita ng ganito kahusay na panggagaya.

Maikukumpara na ito sa hawak niyang Mask of he Deceiver….

'Teka… Deceiver?!'

Biglang nalinawan si Marvin.

Bigla niyang napagtanto kung sino ang babaeng ito.

Si Diggle sang pinaka-aktibo sa mga Evil Spirit Overlord, lalo na noong panahon ng Calamity. Paulit-ulit niyang pinapasok ang Feinan.

Nasa isa sa sampung manlalaro ng Feinan Continent ang nakakatanggap ng quest patungkol kay Diggles.

Kilalang-kilala ang lalaking ito gaya ng Shadow Prince.

May kaunting nalalaman rin si Marvin tungkol kay Diggles at sa mga mabagsik nitong taga-sunod.

Pero hindi ito napansin dati ni Marvin dahil base sa kwento, ang Saint Desert ay mapayapa bago ang Calamity.

Napagtanto niyang mga pagpatay sa White Deer ay dahil sa kanyang pagdatin na nagdulot ng man ng sanga-sangang epekto.

Pero wala siyang pakielam. Ang mahalaga lang sa kanya ay ang mabilis na pagpapalakas ng kanyang teritoryo at pagpapalakas ng kanyang sarili.

Nag-bago na ang kasaysayan? Hindi siya natatakot!

Ang kanyang pagdating ay binago na ang kasaysayan. Kung panghihinaan siya ng loob dahil lang sa maliliit na pagbabago, mawawalan ng saysay ang kanyang pag-transmigrate.

Basta manatili siyang listo at mahinahon, naniniwala siyang kahit may mga nagbago, magagawa pa rin niyang malakas ang White River Valley sa pamamagitan ng paggamit niya ng mga kaalaman niya sa mundong ito.

Halimabwa na lang dito ang paghula niya sa pagkakakilanlan ng babaeng naka-puti.

Si Deceiver.

Isang nakaka-awang tao. Nilinlang siya ni Diggle at ginamit bilang kanang kamay niya.

Hindi siya isang Evil Spirit. Pero hindi sigurado si Marvin sa tunay na race nito.

Pero dahil ito nga si [Deveiver], naisip ni Marvin na, 'Mas mabuti na 'to kesa ibang taga-sunod ni Diggle sang makaharap ko.'

Kung ibang tauhan niya ito, wala siyang magagawa kundi tumakbo.

Sigurado si Marvin na makukumbinsi niya itong wag nang magtrabaho para kay Diggles.

Pero mukhang hindi na siya nito binigyan ng pagkakataon para gawin ito!

Tiningnan ng babaeng nakaputi si Marvin at seryosong sinabing, "Nakuha na naming ang gusto naming, galit na ang White Deer Holy Spirit.

"Iiwanan na nito ang kweba ng White Deer sa loob ng tatlong araw, pupunta siya sa desert para hanapin ang pumatay sa kanyang mga anak."

"Ako na ang mauuna. Kung hindi niyo kakayaning tatlo ang nilalang na 'yon, wag na kayong mag-abala pang bumalik sa Decaying Plateau."

Matapos sabihin ito, lumutang ang katawan nito at lumipad sa desyerto!

Bago pa man makapagsalita si Marvin, bigla na itong nawala!

'Pucha, mukhang wala kong magagawa kundi patayin ang tatlong 'to.'

Lumingon si Marvin at nakita ang dalawa pa sa mga Brain Eating Monster na ito, saka ito tahimik na napa-iling.

Isa laban sa tatlo, At lahat pa sila ay mga Alpha. Kung pangkaraniwang tao ito, siguradong wala nang pag-asang mabuhay pa ito.

Ang mas malala pa rito ay habang pinapalibutan sya ng tatlong Alpha Brain Eating Monster, patungo na rin sa direksyon niya ang mga Servant mula sa bayan!

Makakarating na ito sa kanyang lokasyon sa loob ng limang minuto.

Kapag napalibutan si Marvin ng mga ito, malalagay siya sa matinding panganib.

Sa puntong ito, wala nang dahilan pa si Marvin para itago ang kanyang lakas!

2nd-circle spell, Shapeshift Basilisk!

Sa sumundo na sandal, isang Two-Headed Snake ang lumabas sa desyerto. Bago pa man magkaroon ng reaksyon ang tatlong Brain Eating Monster, nauna nang umatake ang Two-Headed Snake!

Paglipas ng tatlong minuto.

Tatlong katawang may malaking pinsala na ang nakahiga sa desyerto At sa hindi kalayuan, daan-daang mga bangkay na walang ulo na rin ang hindi kumikilos.

Ang mga Servant ay mamamatay rin kapag namatay ang Alpha.

'Mahirap talagang kalaban ang mga Brain Eating Monster… Mabuti na lang at kayang-kaya ng Basilisk na labanan ang mga ito.'

Tiningnan ni Marvin ang daan-daang mga bangkay at nakaramdam ng kaunting lungkot. Ang mga bangkay na ito ay mga inosenteng Sha clansmen.

Ang dahilan kung bakit itinuturing na 3rd rank ang isang nilalang na gaya ng Brain Eating Monster ay dahil sa kakayahan nitong magpalit-anyo at umatake ng palihim.

Sa oras na nakilala na ni Marvin ang mga ito, hindi na siya nahirapan.

Dinurog ng Two-Headed Snake ang mga Brain Eating Monster. Napakasimple lang kasi ng atake ng mga ito, kaya lang nilang mangagat.

Pero malaki ang katawan ng Two-Headed Snake at mayroon itong Soul Absorption ability. Mayroon ring kaluluwa ang mga Evil Spirit, masama nga lang ang mga ito.

Ito ang mortal na kalaban ng mga Brain Eating Monster.

Walang kahirap-hirap na napatay ni Marvin ang tatlong Alpha.

Sumakit naman ang ulo ni Marvin sa kakaisip ng susunod na gagawin.

Kung babalik siya sa Shadow Valley para ibalita ito sa Assassin Alliance, madali na niyang matatanggap ang Fountain of Youth.

Tapos na ang quest.

Pero nagdadalawang isip pa si Marvin.

Ang White Deer Cave… Kahit pa hindi siya ganoon kasama para pumatay ng mga White Deer para mabuksan ang kweba, ngayong bukas na ito, parang hindi niya mapapalampas ang pagkakataong makapasok dito.

Sa pagkakaalam niya, hindi lang kayamanan ang nasa loob nito.

Bukod sa isang item na maaaring makapagbukas ng Disaster Door, ang [Rainbow Stone], mayroon ring hindi bababa sa dalawang Legendary item sa loob nito!

At ang dalawang item na iyon ay praktikal. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya natutuksong kunin ang mga ito.

Saglit siyang nagdalawang-isip, hanggang sa pinalabas na niya ang Night Crow. Naguslat siya ng liham at ikinabit ito sa Night Crow. Ipararating nito sa High Priest ang impormasyon tungkol sa nangyari dito.

Pagkatapos magawa ito, siguro naman ay maituturing na siyang karapatdapat ng mga Bai clansmen para sa pabuya.

Ang susunod naman niyang kailangan paghandaan ay ang kanyang paglalakbay pabalik sa Deathly Silent Hills!

Pero isa itong mahaba at mahirap na paglalakbay. Kahit na mayroong siyang bilis ng isang Nightb Walker, hindi pa rin sigurado si Marvin kung aabot siya.

Baka ang naghihintay na lang sa kanya ay isang kwebang wala nang laman dahil sa Deceiver.

Kaya naman nag-isip siya hanggang sa naglabas siya ng kulay asul na papel at gintong pluma.

Nagsimula siyang magsulat sa papel!

Sa isang Wizard Tower, karamihan ng mga tagapagsilbi ay tulog na.

Isang magandang Wizard ay nasa loob pa ng isang silid na maliwanag dahil sa kandila. Masigasig nitong iniintindi ang mga lihim sa pahina.

Nararamdaman niyang kaunti na lang ay makukuha na niya. Malapit na siya.

'Kailangan ko pa ng oras… Kaunting oras pa…'

Mahigpit niyang hinawakan ang pahina ng Book of Nalu, namumula na ang kanyang mga mata.

Nang biglang, may mga salitang lumitaw sa asul na papel sa kanyang bandang kaliwa:

– Gusto mo bang mag-saya? –

Walang nasabi si Madeline.

Sumagot siya:

– Putangina mo! –