Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 220 - Strange VIllage

Chapter 220 - Strange VIllage

Ang Fountain of Youth.

Ang unique artifact ng Assassin Alliance. Maaaring makakuha ng ilang bukal ng Fountain of Youth ang mga Bai clansmen kada taon. Kalahati sa mga ito ay inaalik nila sa South Wizard Alliance.

Wala itong masyadong epekto, at sa katunayan, isa lang ang nagagawa nito: pahabain ang buhay ng isang tao.

Ang isang paggamit sa Fountain of Youth ay kayang pahabain ng humigit kumulang 30 taon ang buhay ng isang tao. Mabilis ring hihina ang resulta nito sa paulit-ulit na paggamit.

Dinala ni Marvin si Isabelle sa Assassin Alliance para makita kung kwalipikado itong maging isa sa mga tinitingalang Assassin, at pagkatapos nito ay maghahanap sila ng paraan para makatangap ng kaunting tubig mula sa Fountain of Youth.

Pero ngayon, isang bukal ng Fountain of Youth na ang nakapresenta sa harap ni Marvin.

Walang kahit anong dahlan si Marvin para tanggihan ito.

Isang kayamanang itong walang katumbas. Ang mga Wizard na nasa bingit na ng kamatayan ay handang ubusin ang lahat ng kayamanang mayroon sila para lang makakuha ng kahit kapiranggot na bahagi ng Fountain of Youth.

Kung hindi dahil sa lakas ng Assassin Alliance at sa epektibong pagprotekta ng mga ito sa Fountain of Youth, marahil napasakamay na ito ng ilang makapangyarihang Wizard.

Kaya naman, kahit na si Marvin na malaki na ang karanasan, ay hindi pa rin alam kung nasaan ang Fountain of Youth.

Alam lang niya na mayroong malakihang quest noon, [The Exhausted Fountain of Youth].

Isa itong quest na inilabas ng Bai High Priest. Noong mga panahong iyon, apektado nito ang lahat ng manlalaro sa Saint Desert dahil sa mataas na quest reward experience nito.

Siguradong mauubos na ang Fountain of Youth pagkatapos ng Great Calamity dahil dito.

Ngayong mayroon na siyang pagkakataon na makakuha ng kapiraso ng Fountain of Youth, siguradong susubukan na ito ni Marvin.

Matapos niyang tanggapin ang trabahong ito, ang quest menu niya na matagal-tagal nang walang nagbabago ay biglang nagkaroon ng laman.

[Incident Investigation: White Deer Murderer]

[Quest Description: Maraming White Deer na ang pinatay sa silangang bahagi ng Saint Desert. May sinundang bakas ang mga tauhan ng Assassin Alliance na dinala sila sa isang maliit na bayan ng Sha clan, dito nila natagpuan ang kanilang pangunahing ebidensiya. Pero nakasaad sa kasunduan ng mga tribo na hindi maaaring pumasok ang Bai clan sa teritoryo ng mga ito. Tanging ikaw lang ang makakalutas nito.]

[Quest Reward: Isang bukal ng Fountain of Youth, 10000 general exp]

Para kay Marvin, ang "sistema ng laro" na ito ang tumutulong sa kanya para mas madali niyang mapakibagayan ang mundong ito.

Tila ba ginagabayan siya nito.

At dahil binigyan siya ng general exp na pabuya ng sistema, ibig sabihin, hindi niya dapat palampasin ang quest na ito.

At mukhang hindi rin naman gaanong mahirap ang quest na ito.

Ang Assassin Alliance ay binuo ng mga Bai, kaya naman siguradong marami silang mga expert.

Nang malaman nila ang tungkol sa pagtugis sa mga White Deer, agad na pinadala ng High Priest ang pinakamahuhusay niyang tauhan para mag-imbestiga.

Sa huli, sinundan nila ang isang kahina-hinalang manlalakbay.

"Ayon sa nakita ng mga tauhan ko, mukhang masamang tao talaga to." Dahan-dahang paglalarawang ng High Priest, "Nagpanggap siyang malapit na siyang mamatay at matagal na naghintay sa ilalim ng sikat ng araw."

"Pero sa katunayan, hindi siya nag-aagaw buhay, kahit na tila mamamatay na 'to. Siguradong naghihintay ito ng White Deer na lalapit."

"At nang mayroon nang White Deer, na nagbabalak na tulungan siya, sinubukan niya itong patayin!"

"Noong oras na 'yon, nagulat at umalis na ang White Deer dahil kumilos na ang mga tauhan ko, pero dahil dito, nakatakas rin ang lalaki. Pero gumawa ng daan na susundan ang isa sa mga Master Tracker naming."

"Sinundan naming ito hanggang sa mapunta kami sa isang maliit na bayan ng Sha."

Makikita ang kawalan ng pag-asa sa mukha ng High Priest matapos niya itong sabihin.

Agad namang naintindihan ito ni Marvin.

Kahit na parehong nagmula sa Saint Desert ang Sha clan at Bai clan, mortal na magka-away naman ang mga ito noon. Kalaunan, pumirma sila ng kasunduan na pinangasiwaan ng South Wizard Alliance. Isa itong kasunduan na nagsasabing hindi sila maaaring umapak sa teritoryo ng isa't isa.

Kapag may isa sa kanilang lumabag sa usapan, magdudulot ito ng isang digmaan sa pagitan ng dalawang clan, at kasabay nito magkakaroon sila ng mga kaparusahan mula sa South Wizard Alliance.

At nagkataon naman na lahat ng tauhan ng High Priest na miyembro ng Assassin Alliance ay mga Bai Clansmen. Walang mga banyagang expert sa kanila. Kaya naman kailangan ng High Priest ng ibang tao para gawin ang trabaho.

At si Marvin lang ang maaaring gumawa nito. Ang mga balita tungkol sa kanyang ipinamalas sa hamon ng King Assassin ang dahilan ng kanyang desisyon.

"Hindi ka naman namin ilalagay sa malaking panganib. Kailangan lang naming imbestigahan mo kung ano baa ng tunay na nangyari," mabagal na sabi ng High Priest.

Tumango si Marvin.

Naunawaan niya ng lubusan ang pinagagawa sa kanya.

AT dahil tinanggpa niya ang quest na ito, kailangan niyang maghanda ng mabuti.

Hindi naman mahirap para kay Marvin ang pagpuslit papasok sa maliit na bayan ng Sha.

Hawak niya ang Setting Sun Maxim at ang subclass na Battle Gunner. Kaya naman para sa Sha clansmen, isa siya sa kanila.

Paglipas ng kaunting panahon, magtatakip-silim, sa harap ng maliit na bayan ng mga Sha.

Nagpalit ng damit si Marvin at ma-ingat na pumasok.

Dalawang baril ang makikita sa kanyang hita.

Para naman sa kanyang Battle Gunner skill point, ginamit na rin niya ang mga ito. Inilagay niya ang 30 na puntos sa [Market Scuffle].

Ito ang taktikang ginagamit ng mga Sha sa pakikipaglaban, kasama na dito ang mga pistol at mga shotgun. Mayroon pa itong bonus melee.

Hindi naman siya pinahirapan ng gwardya. Matapos nitong makita ang Setting Sun Maxim sa pagitan ng mga kilay nito, agad nitong pinapasok si Marvin, kahit na medyo naguguluhan ito dahil isang Battle Gunner si Marvin at hindi isang Sha.

Maliit lang ang bayan at damang-dama na walang kabuhay-buhay dito.

Naglakad si Marvin sa isang kalsadang walang katao-tao.

Makikita a sa dakong kanluran ang natitirang liwanag na nagmumua sa palubog na araw, napakagandang tanawin ang dinudulot nito. Subalit, wala sa wisyo si Marvin para pagmasdan pa ito.

'Parang may mali sa dalawang gwardiyang 'yon'

'At noong dumaan ako sa kalsada, kakaiba ang itsura ng bata, hawak niya lang ang manika niya habang lumilinga-linga sa paligid nasaan ang magulang niya?'

'Bakit parang masyadong kakaunti ang tao dito? Hindi ba dapat sa ganitong oras,buhay na buhay ang mga tao?'

,

Napaisip si Marvin.

Patuloy ang pagwagayway ng watawat ng Sha sa labas ng bayan. Nasa di kalayuan naman ang pwersa ng Assassin Alliance, pero hangga't hindi pa nakukumpirma ni Marvin ang sitwasyon, hindi pa sila maaaring sumugod.

Ang lahat ay nakadepende pa rin sa kanya.

Lumibot si Marvin at may ilang tao siyang nakasalubong. Hindi maganda ang tingin ng mga ito sa kanya at agad na lumakad palayo, kaya naman hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na kausapin ang mga ito.

Tuluyan nang dumilim ang kalangitan nang makahanap siya ng tutuluyan.

Ang boss ng inn ay mataba at nakakagulat na masayahin.

Matapos magbayad ni Marvin, agad nitong dinala si Marvin sa kwarto at siya pa mismo ang nagpa-init ng tubig.

Ang sabi nito ay matagal na raw siyang walang kita dahil masyadong liblib ang bayan na ito.

Pero may naramdamang kakaiba si Marvin.

Mayroong malaking bagay na nakabalunbon sa likod ng mesa ng inn, matatanaw ito mula sa harapan.

Talim ito ng isang curved blade, isang bagay na siguradong hindi pag-aari ng isang miyebro ng Sha. Marahil pagmamay-ari ito ng isang adventurer.

"Mauna na po kayo sa taas."

"Dadalhin ko na lang ho sa inyo ang pagkain at mainit na tubig," magalang na sabi ng may-ari ng inn.

"Boss, bakit kakaunti lang ang nagpupunta sa bayan na 'to?" Mahinahong tanong ni Marvin.

"Napansin ko medyo kakaiba ang mga tao dito, may nangyari ba?"

Natigilan ang boss, at bigla naman itong tumawa. "Wag mo nang pansinin ang mga 'yon, mahirap lang kasi kami. Kaya siguro laging nakabusangot ang mga tao."

"Wala rin masyadong pangyayari rito noong mga nakaraan, pero sa labas ng bayan mayroon. Bali-balita na may mga tumutugis daw sa mga banal na White Deer ng mga Bai. Tssk. Buti nga sa kanila."

Hindi na sumagot pa si Marvin at dumeretso na lang siyang umakyat.

Pagdaan niya sa ikalawang palapag, isang babaeng amoy pabango ang lumapit sa kanya. Ang mukha nito ay puno ng kolorete. Hindi ito gaanong kagandahan pero maganda ang pangangatawan nito.

Nang magkasalubong ang dalawa, may maharot na pagtingin ang babae kay Marvin.

Ngumiti lang si Marvin at binuksan agad ang kanyang pintuan.

Isang malamlam na kandila sa isang makalumang inn.

Mula sa bintana ng ikalawang palapag, tila walang kabuhay-buhay nag buong bayan. Isang malamig na simoy ng hanging ang umihip, at hindi mapigilan ni Marvin na iatras ang kanyang leeg.

Lumalalim na ang gabi.

Dumating na ang tubig at pagkaing inihanda ng boss para kay Marvin.

Maingat namang siniyasat ni Marvin ang mga ito at wala naman siyang nakitang problema.

Mababa lang ang kanyang perception, pero base sa kanyang karanasan, mayroong mali sa bayang ito.

Pero wala pa ring sapat na ebidensya ang Assassin Alliance para sumugod!

'Hindi kaya…'

Habang nag-iisip siya'y biglang may kumatok sa kanyang pinto.

Naka-amba lang si Marvin sa kanyang mga hita, handang bunutin ang kanyang mga baril kung kinakailangan.

"Sino 'yan?" Tanong niya.

"Ako…" Maririnig ang isang mahinhin na boses ng babae.

Saglit na nag-isip si Marvin, isang mainit na pakiramdam ang gumapang sa kanyang dibdib.

Walang kahirap-hirap niyang nalampasan ang will check.

Napangisi ito bago tuluyang binuksan ang pinto.

Ang babaeng iyon.

Mayroon lang itong suot na manipis na pantulog. Sa nipis nito ay kitang-kita ang nasa ilalim ng kanyang damit.

"Mister, sabi ni boss mag-isa raw kayo."

Nakangiting pumasok ang babae at isinara ang pinto.

"Mag-isa rin akong dumating sa walang kabuhay-buhay na lugar na 'to kanina. Medyo natatakot kasi akong matulog mag-isa."

"At saka, medyo giniginaw kasi ako, pwede mo ba kong painitin?" Pagkatapos niya itong sabihin, kinuha niya ang kanang kamay ni Marvin at idinikit sa kanyang dibdib.

Nagpanggap na naglalaway si Marvin. "San ka nilalamig? Mamasahihin ko."

"Ang pilyo naman." Ngumiti ang babae at inilagay ang kamay ni Marvin sa kanyang dibdib.

Hindi niya inakala may malalamig at matigas na bagay ang didikit sa kanya!

"Ano ito?" Nagulat siya.

Nagkibit balikat lang si Marvin. "Pampainit."

May hawak na pala itong pistol sa kanyang kanang kamay!

Nakatutok na sa dibdib ng babae ang pistol ni Marvin. Kung kakalabitin ni Marvin ang gatilyo, direkta itong tatama sa puso ng babae.

.

Biglang nagbago ang reaksyon ng babae.

Nag-iba ang anyo ng ulo nito at lumaki, patuloy itng lumaki nang lumaki sa isang iglap!

!

Walang ibang bagay sa mukha nito kundi isang madugong bibig!

"Inutil na Sha! Walang talab sakin ang baril mo!"

"Masaya kong kakainin ang ulo mo!"

"Wag kang mag-alala, gagawin kitang isa sa amin pagkatapos kong kainin ang ulo mo…."