Devil?
Huminga nang malalim si Marvin. Siguradong konektado ang mga Ogre sa Devil.
Mas lumilinaw na ang koneksyon sa kanila ng matandang naka-itim na nakilala niya sa labas ng tirahan ng tribo ng mga Gno;;, at ang kayamanan nakatago sa ilalim ng palasyo.
Nagtutugma na ang mga bagay-bagay, at unti-unti nang nabubuo ang ideya.
Bigla namang lumitaw ang imahe ng Three Eyed Great Devil Head sa isip ni Marvin.
May nakuha ang mga Numan mula sa Devil noon, at ang Cridland clan ang mga inapo ng mga Numen…. Kinuha ng kanyang lolo ang kayamanang ito mula sa pamilya ng mga Lavis noong umalis ito sa kanila, ngayon, nakabaon na ito sa White River Valley, at nagdulot ito ng kaguluhan.
Ano pa man ang bagay na ito, sigurdong may kinalaman ito sa Hell.
Gustong kunin ito ni Daniela kaya siguradong alam niya kung ano ito.
Ilang saglit lang ay naka-isip na ng iba't ibang paraan para makakuha ng sagot si Marvin mula kay Daniela
Pero sa ngayon, ang pinakamahalagay ay ang matapos na ang digmaang ito.
"Sa tingin mo ba ay may halaga pa ang Iron Ogre na 'yan?" Tanong ni Marvin.
Umiling si Ivan, "Sobrang baba ng Intellegence ng taong ito. Sa tingin ko hindi niya alam ang lenggwahe natin at nagsabi lang siya ng kung ano-anong salita."
"Sige, papatayin na natin 'yan kung ganoon," mahinahong sabi ni Marvin.
"Sa wakas." Agad namang binunot ni Ivan ang isang lumang espada mula sa kawalan at ginamit ito para pugutan ng ulo ang Iron Ogre na walang malay.
Saka naman nito sinaksak ang puso nito, hiniwa-hiwa pa ito. Tumigil lang ito nang makumpirmang patay na ang Iron Ogre.
Hindi makatwiran ang ginawa ni Ivan.
Masyadong malakas ang recovery ability ng Iron Ogre. Kahit na pugutan ito ng ulo, maaaring tumubo ito muli. Kailangan mong siguraduhing hindi na ito mabubuhay,
…
Tiningnan ni Marvin ang labanan, nahihirapan na ang lahat ng mga Ogre.
Pero marahas pa rin ang mga ito. Matindi na ang natatanggap na pinsala ng mga Adventurer, mga Paladin, at mga Knight.
Pero ikinatuwa ni Marvin na hindi naman nasugatan ang mha Dark Knight.
Matapos maranasan ang isang mahabang digmaan ng Eternal Night, masmahusay na ang mga ito sa pagpapanatili ng kondisyon ng kanilang pakikipaglaban. Atang kanilang lakas, at bilis ay ang dahilan kung bakit mas madali para sa mga ito na manatiling buhay sa labanan.
"Oras na para tapusin ang digmaan ito."
Tumango si Marvin kay Ivan, at sinipa naman nito ang ulo ng Iron Ogre papunta sa kalangitan.
Tumalon naman si Marvin at sumigaw. Walang habas niyang inapakan ang ulo ng Iron Ogre sa harap ng lahat ng Ogre.
Wala pa ring tigil sa pagdurugo ang bibig ng ulo.
Natuliro naman ang mga sutil na Ogre.
Para sa mga Ogre, tila isang war god ang Iron Ogre.
Noong namatay ang kanilang pinuno, nagalit lang ang mga ito, pero ngayong namatay na ang isang Legend, nasindak at nataranta ang mga ito!
Biglang pinanghinaan ng loo bang mga Ogre at ang iba sa mga ito ay sinubukang tumakas!
"Tugisin sila!"
"Tapusin niyo na sila!" walang emosyong utos ni Marvin.
Sa di kalayuan, magkasama namang naglalakad si Constantine at O'Brien na may hawak na bola ng krystal.
Sa loob ng bolang krystal ay isang maliit na Ogre na nakalawit ang mga pangil.
Nakahinga ng maluwag si Marvin, sa pagakataong ito, tapos na talaga ang laban.
…
Paglipas ng kalahating oras, humupa na ang lahat.
Apatnapung bangkay ng Ogre ang nakahimlay na sa lupa, kasama na rito ang katawan ng iba pang mga halimaw.
Walang Ogre na nakatakas. Mabilis man silang tumakbo, hindi naman nila matatakasan ang mga kabalyero.
Nadispatya nila ang buong tribo ng mga Ogre. Namatay sa laban ang kanilang pinuno, namatay sa laban ang Iron Ogre, at ang bilanggo naman ang Ogre Mage.
Habang marami-rami naman ang namatay sa pangkat naman nila Marvin. Pero kung iisipin na natalo nila ang isang hukbo ng mga Ogre na mayroong dalawang Legend Ogre, hindi na rin masama ang naging tagumpay nila.
Kanina pa rin natapos ang laban nina Bamboo at Daniela. Bilang isang Chosen ng Azure Matriach, marunong siyang makiramdam sa kanyang kapaligiran.
Noong natalo na ni Ivan ang Iron Ogre, nagsimula na itong umatras.
Sa kasamaang palad, pilit pa rin itong sinundan ni Daniela, at hindi ito pinakawalan. Sa bandang huli, gumamit ng malaking porsyento ng lakas niya si Bamboo pero nagawa pa rin niyang makatakas.
Nainis naman ang Ice Empress dahil dito. Kahit na hindi niya ito aminin, alam niyang tumakas si Bamboo hindi dahil sa kanya, kundi dahil kay Ivan at ang dalawa pang mga Legend!
Ang mas nagpalubha pa ng init ng ulo niya ay sapat na si Constantine para pigilan siya. Tapos ngayon, mayroong pang dalawang mas malalakas na Legend sa tabi ni Marvin.
Sino ba talaga ang lalaking ito? Paano niya nagawang humingi ng tulong mula sa mga expert na ito.
Punong-puno ng pagdududa ang puso ni Daniela., pero wala namang nagpaliwanag sa kanya ng sitwasyon.
Nagsimula na ang lahat nang kolektahin ng lahat ang mga loot nila at ilibing ang mga bangkay ng kanilang kasamahan.
Marami pang bagay na dapat asikasuhin.
Pero hindi na kailangan isipin pa ni Marvin ang mga ito.
Nagpadala siya ng apat na Dark Knight kay Anna. Ihahabilin na ni Marvin ang pamamahala sa pag-aayos ng mga bagay.
Siya naman ay nasa loob ng isang tent sa loob ng kampo.
At sa loob nito, isang panibagong uri ng pagkalap ng impormasyon ang magaganap.
…
Tanging si Marvin at si O'brien ang nasa loob ng tent.
Pagkatapos ng digmaan, agad na tumawid ng bundok si Ivan at nagmadaling bumalik sa kampong itinayo ng mga sailor.
At dahil tinulungan niya si Marvin, panandaliang nawalan ng makapangyarihang nilalang dito.
Walang nakaka-alam sa posibleng gawin ng 3rd rank na si Roberts kapag wala ang isang Legend.
Habang si Constantine naman ay nanatiling "palakaibigan" na gabay ni Daniela, at hindi rin nito binibigyan ng pagkakataon na halughugin ni Daniela ang palasyo.
Kaya naman si Marvin at O'Brien na lang ang naroon.
Pambihira ang mga pamamaraan ng pinuno ng mga Night Walker na ito. Ngayon lang nakakita si Marvin ng ganitong klaseng magic.
Isang malinaw na bolang krystal ang nakalapag sa lamesa.
Isang maliit na bersyon ng Ogre Mage ang nakakulong sa loob ng bolang krystal.
"Wag kang mag-alala," mahinahong sabi ni Marvin, "naka-seal ang kanyang mana."
"Para lang siyang isang alaga sa loob ng bolang krystal. Pwede mong subukan hawakan."
Pilit na ngumiti si Marvin.
Hindi siya kasing bagsik ni O'Brien.
Marahil iilang tao lang ang makaka-isip na gawing alaga at paglaruan ang isang Legend Ogre Mage na nasa loob ng isang bolang krystal.
"Kailangan kong magtanong sa kanya," hiling ni Marvin.
"Sige," sagot ni O'Brien.
Kinuha niya ang bolang krystal, at isang misteryosong itim na pwersa ang dumaloy sa kanyang kamay at pumasok sa Ogre Mage nan a sa bolang krystal.
Makikita naman ang sakit sa mukha ng Ogre.
"Isa ito sa mga obra maestro ng mga Anzed. Ang Cursed Globe. Kakaunti lang ito sa buong Feinan." Walang ano-ano namang dagdag nito na, "At syempre, kaunti lang ang mga nilalang na sulit paggamitan ng Cursed Globe."
"Kung may mga tanong ka, pwede mo siyang tanungin, walang tanong na hindi niya sasagutin. Reckless Dual Wielder! At saka, magsasabi siya ng totoo."
Matapos sabihin ito, tumalikod na si O'Brien at umalis sa tent. "Wag mong kakalimutang ibalik ang alaga ko kapag tapos ka na. Salamat."
At naiwan nan gang mag-isa si Marvin sa tent.
Tiningnan ni Marvin ang Ogre sa bolang krystal na gulat na gulat at tinanong ito. "Sinong nagturo sayo ng magic? Hindi ako naniniwalang naintindihan mo ito mag-isa."
…
Ngayon lang napagtanto ni Marvin ang kapangyarihang ng Cursed Globe.
At tulad nga ng sabi ni O'Brien, sinabi ng Ogre Mage ang lahat ng nalalaman nito. Tila hindi nito mapigilan ang kanyang bibig.
Dinagdagan ni O'Brien ng [True Words] enchantment ang Cursed Globe. Kaya naman, sa tuwing tatanungin ni Marvin ang Ogre Mage sasagutin niya ito ng makatotohanan.
Paglipas ng kalahating oras, nanlulumong ibinalik na ni Marvin ang Cursed Globe kay O'Brien.
Masyado siyang maraming impormasyon na nakuha sa Legend Ogre.
Kailangan niya muna itong ayusin.
Una, hindi lang basta-basta naging Legend ang Ogre Mage; sinadya siyang palakasin.
Tinatawag ng lalaking naka-itim ang kanyang sarili bilang nagkatawang-taong Archdevil, isang Lord of Hell. Noong una, noong naghihirap ang tribo ng mga Ogre sa Shrieking Mountain Range, nagpakita ito sa Ogre Mage.
Siya ang tumulong dito na mag-advance sa Legend.
At an gang Irong Ogre naman ay nakapag-advance sa Legend dahil sa espesyal na pamamaraang ginawa ng nagkatawang-taong Archdevil.
At dahil dito, at dahil dito sinaktan nila ang pinakamalakas na halimaw sa Shrieking Mountain Range.
Kahit na limitado ang mga halimaw at hindi makapatay ang mga ito sa labas ng bundok dahil sa batas ni Lance, pwede pa rin nilang patayin ang isa't isa. Hindi ito pinagbabawal ng tanikala ni Lance.
Para maiwasan ang makapangyarihang halimaw na iyon, sinabi ng nagkatawang-taong Archdeil sa kanila na kung paano malulusutan ang tanikalang ito at makakapanirahan sa bundok.
Kaya naman, umalis ang tribo ng mga Ogre sa Shrieking Mountain Range.
Sa madaling salita, bahagi rin ang tribo ng mga Ogre sa plano ng lalaking naka-itim.
Kung hindi, magagawang palawigin ni Marvin ang dominion ng White River Valley hanggang sa baybayin nang hindi kailangan ang digmaang ito.
'Ang lahat ng bagay magmula kay Miller ng Twin Snakes Cult, kay Toshiroya ng Cold Water City, hanggang sa mga Gnoll at mga Ogre ay bahagi ng plano ng lalaking naka-itim."
'Ano bang ginagawa niya?' seryosong pag-aalala ni Marvin.
Kung talagang balak kunin ng isang Archdevil ang kayamanan ng White River Valley, hindi niya kakayaning harapin ito nang mag-isa.
Pero ang mas pinagtaka ni Marvin ay, kung ganoon nga, bakit pa kailangan gumamit ito ng mga ganitong pamamaraan?
Hindi ba pwedeng pumunta na lang siya dito at kuhanin na lang ito basta?
Biglang naalala ni Marvin na noong nagkita sila, tila ba nalilimitahan ng isang mas makapangyarihang nilalang ang kapangyarihan nito.
'Hindi maganda ito, kailangan kong malaman agad ang lihim ng kayamanan.' Desidido na si Marvin.
…
Matapos ang matinding digmaan, tila ba naging mas abala na ang White River Valley.
Nagpadala si Marvin ng mga tauhan para magtayo ng sentry tower sa tuktok ng Ogre Mountain. Magandang lugar ito para mabantayan ang parehong White River Valley at ang magiging bagong daungan.
Pagkatapos ay bumalik na ito sa kanyang palasyo at nagpunta sa kanyang aklatan.
Bahagya siyang nagdalawang-isip, saka niyang kinuyom ang kanyang kamao at inutos sa kanyang tauhan na hanapin si Daniela.