Umihip ang hangin mula sa bintana habang isang mahinang boses ang patuloy na umaalingawngaw sa kwarto ng kapitan na puno ng kandila.
Isang anino na may lubid na nakatali sa baywang nito ang dahan-dahang bumababa at umabot sa labas ng bintana.
Ito ang kwarto ng kapitan.
Ngumisi si Marvin, 'Mukhang init na init ang kapitan na 'to ah.'
Kitang-kita ni Marvin ang lahat ng nangyayari sa bintana.
Isang lalaking may makapal na buhok sa bibig ay makikitang nakapatong sa isang maputing babae!
"Wag kang maingay! Puta ka!" Galit na sigaw ng kapitan habang patuloy sa ginagawa nito.
"Kapag nalaman ng ama kong nagdala ako ng babae sa barko, papatayin niya ako."
Hindi nagdadala ng babae ang tripulante sa barko. Isa itong lugar na punong-puno ng mga lalaki, baka magdulot ng gulo ang isang babae.
Sa mga mahahabang paglalayag, maging ang kapitan man o ang mga sailor, kailangan nilang pigilan ang kanilang mga sarili.
Wala silang magagawa kundi, pigilan ang nararamdaman. Kapag nagkaroon ng hindi pagkakapantay-pantay, paniguradong magdudulot ito ng kaguluhan.
Kaya naman, nang makita ni Marvin ang ginagawa ni Captain George ng Southie ay nagulat ito.
Interesante ang kapitan na ito.
Tiningnan ni Marvin ang maliliit na damit panlalaki sa isang tabi at may napagtanto.
Isinakay ng kapitan ang babae sa pamamagitan ng pagpapasuot ng damit panlalaki rito. Isa pa, maganda rin ang kwarto ng kapitan dahil walang gaanong ingay ang lumalabas mula rito, kaya naman hindi pa rin nila ito natutuklasan.
Pero kahit pa ganoon, hindi pa rin mapigilang umungol ng babae.
Galit nag alit ang kapitan. Agad niyang pinalo ang mala-porselanang balat ng babae. Nag-iwan naman ito ng pulang marka sa balat nito.
"Tanga ka ba? Kapag nalaman ng mga 'yon na nandito ka, base sa patakaran, wala akong magagawa kundi ibigay ka sa kanila!"
"Gusto mo bang mapunta sa mga uhaw na lalaki?!" Galit na sabi ni George.
Pero sa halip na pakinggan ito, sumagot pa ito, "Wala naman problema sa akin na pagpasa-pasahan kaya bakit ba hindi mo na lang ako hayaang sumigaw?"
"Duwag ka, ni hindi mo magawang protektahan ang babae mo. Kapitan ka ba talaga?"
Nagalit si George, at gusto niyang parusahan ang suwail na babae
Nang bigla niyang napansin ang isang kakaibang anino na namumuo malapit sa paanan ng kama.
'Sandali…'
Bilang isang 3rd rank expert, hindi tanga si George. Agad niyang napansing may mali.
"Anong ginagawa mo? Dapat kumikilos ka!" Lumingon ang babae at nagulat ito sa kanyang nakita!
"Krash!"
Isang tao ang biglang pumasok sa bintana at direktang patungo kay George!
Kasabay nito, namuo ang anino.
Sabay na umatake si Marvin at ang Shadow Doppleganger!
Mabilis ang mga dagger ni Marvin at walang maaaninag na emosyon sa mukha nito.
Siguradong mamamatay si George sa atakeng ito!
Dahil siguradong hindi niya masasalag ang sabay na pag-atake!
At gumulong nga si George papalayo, nalaglag ito sa kama at napunta sa isang sulok ng kwarto.
Naglabas ito ng dagger at muntik nang hindi masalag ang mga dagger ni Marvin, ngunit nahiwa ito sa baywang!
"Paalam, Captain George," mabagsik na sabi ni Marvin.
Umatake mula sa gilid ang Shadow Doppleganger, at nawalan na ng panahon para lumaban si George.
…
Kasabay nito, ikinagulat ni Marvin ang sumunod na nangyari.
Hindi naging ganoon kaayos ang naging pag-atake ng Shadow Doppleganger. Nahati ito ng isang matalas na patalim na umatake mula sa likuran!
Ang babaeng iyon!
Namumutla ang mukha nito, makikita ang galit nito habang hawak ang patalim!
'Pucha! Isang ring 3d rank expert!'
Natuliro si Marvin. Nakagawa siya ng isang malaking pagkakamali!
Nang ginamit niya ang Inspect, ang lakas lang ni George ang tiningnan niya at hindi nito tiningnan ang sa babaeng nasa ilalim nito!
Inisip niyang ang babaeng ito ay pinaglalabasan lang ng init ni Captain George. Hindi niya inasahang isa rin itong bodyguard!
Nagkamali siya!
Bahagyang napa-atras sa sakit si George.
At ang mabagsik na babae at tiningnan si Marvin, nanlilisik ang mga mata nito. "Gusto mo bang matikman ang bagsik ng isang babaeng nabitin?"
"Pasensya na…" nagkibit-balikat lang si Marvin.
Kumilos na siya bago pa man niya maapos ang kanyang sinasabi!
Uunahin niyang patayin ang babae!
Burst! Shadow Step! Demon Hunter Steps!
Sa loob ng maliit na kwarto, tila ba kasing bilis ng kidlat ang kilos ni Marvin, at tila ba hihiwa ng isang bundok ang mga dagger niya.
Nagulat ang babae. Mukha mang malakas ang babae, mabagal pa rin ang isipan at katawan nito dahil sa pakikipagtalik nito.
Naging katapusan na niya ang atake ni Marvin. Ang matalas nitong patalim ay nahulog sa lapag.
Sa isa pang pag-atake ni Marvin, walang kahirap-hirap na naputol ni Marvin ang ulo nito. Namatay ito na nanlalaki ang mga mata nito.
Dahil sa paghaharap nila, nalaman ng babae na isa palang 3rd rank si Marvin, pero hindi niya inakalang napakabilis nito!
At ito ay dahil hindi niya alam na mayroong class sa mundong iyon na kung tawagin ay Night Walker.
…
Matapos ng pagpapalakas ni Marvin sa Scarlet Monastery, umusbong na ang kanyang hidden Specialty, ang Night Kill.
Kapag ginamit niya ang hidden specialty na ito, maaaring tumaas ng walang hangganan ang lakas ng isang Night Walker!
Kahit na level 1 pa lang ito ngayon, mayroon pa rin itong malakas na attribute.
[Night Kill (Hidden Specialty – Activated)]
Type: Passive Specialty – Grow Type.
Level: 1
Effect: Attack Power +3%, Attack Speed +3%, Movement Speed +3%, Burst Power +3%, Reaction Speed +3% during battle in the night.
Five stats were increased by 3%!
Pambihira ang ganito sa buong Feinan. Isa pa, isa itong Grow Type Passive Specialty.
Kapag mas maraming napatay si Marvin gamit ang kanyang dagger, mas lalo siyang lalakas sa gabi!
Ito ang dahilan kung bakit tinatawag na isang Night Devil King ang isang makapangyarihang Night Walker sa laro.
…
Sa isang makipot na silid, kahit na napatay ni Marvin nang mabilis ang babae, nagkaroon pa rin ng pagkakataong lumaban si Captain George dahil dito.
Nang umikot na muli si Marvin para harapin ito, may hawak nang longsword sa kanyang mga kamay ang 3rd rank Swordsman na ito. Nagawa na rin nitong makapagsuot ng pantalon.
"Sino ka?!" Hindi man lang nagluksa si George sa pagkamatay ng babae.
Maingat lang nitong tinakpan ang kanyang sugat at tinitigan si Marvin, at sinubukan patagalin ang laban.
Kinalembang na niya ang alarm bell, kaya siguradong may paparating nang tulong.
Kapag nangyari iyon, siguradong patay na ang assassin na ito.
"Masyado naman atang laos na kapag sinabi kong 'ako ang taong papatay sayo.' Hindi ba?"
Tumawa si Marvin. "Wala na ring silbi ang pag-alerto mo sa kanila. Nakumbinsi ko nang mag-alsa ang mga tauhan mo."
"May naririnig ka bang papunta rito?"
Namutla si George!
Wala nga siyang naririnig. Kadalasan, kapag inalarma na ang alarm bell, si Boatswain ang unang darating.
Sapat na dapat ang dalawang 3rd rank expert para patayin o hulihin para imbestigahan ang isang assassin, para tanungin ito kung saan ito nanggaling.
Pero mag-isa lang siya ngayon, at medyo makipot ang kwarto ng kapitan…
Hinawakan ng maigi ng kapitan ang longsword nito at pinagmasdang maigi ang mga kilos ni Marvin bago tuluyang sumigaw at atakihin si Marvin.
"Hmmm? Gusto mo na atang mamatay?"
Walang nakakalusot sa mga mata ni Marvin. Sa sobrang taas ng kanyang dexterity, imposibleng hindi niya maiwasan ang walang kakwenta-kwentang atake na ito!
Humakbang ito sa gilid at walang hirap na naiwasan ni Marvin ang atake ng kapitan at nahiwa pa niya ang likuran nito.
Pero nagawa na ni George ang kanyang binabalak.
Agad itong dumaan sa bintana at tumalon.
humnga nang malalim si Marvin at agad na sinundan ito!
…
Nagbigkas ng isang incantation si George at isang kable ang nalaglag mula sa isang magandang pader na puno ng bulaklak.
Agad siyang kumapit sa lubid at nakarating sa malawak na deck!
"Pucha! Nasaan ang mga tauhan ko?!" Sigaw niya.
Pero tahimik lang na nakahimlay ang sentry sa malawak na deck. Hindi sila bahagi ng pag-aalsa ni Marvin kaya naman pinatay na ang mga ito.
Ang natatanging naiwang naglalaban ay ang dalawang Swordsmen.
Ang First Mate at Second Mate!
Halos magkapantay lang ang lakas ng dalawang ito, kaya naman hindi madaling Manalo sa labanang ito!
Ang iba sa mga sailor ay sumuko na at sumupa na ng katapatan kay Marvin. Masunurin ang mga ito at tinipon sila upang tingnan kung mayroong nakalusot.
Mabuti na lang at gabing-gabi na. Wala nang tao sa daungan. Kung hindi, maraming makakapansn ng mga nagaganap.at siguradong mas malaking gulo ito.
'Kailangan nating gawin 'to nang mabilis!'
Ginamit ni Marvin ang Demon Hunter Step para mabilis na makapunta sa deck!
Galit nag alit na tiningnan ni George si Marvin. Hindi na niya ininda ang kanyang sugat sa baywang, walang habas na iwinasiwas ang kanyang espada at inatake si Marvin.
Sa malawak lugar na ito, naniniwala siyang kakayanin niyang labanan si Marvin.
Isa pa, pwede lang samantalahin ng mga Assassin at iba pang class ang kanilang maiikling sandata kapag nasa loob ito ng mga makikpot na lugar.
Pag-aari niya ang malawak na lugar na ito!
Pero nagkakamali ng iniisip ni Captain George.
Dahil hindi isang Assassin si Marvin!
Isa siyang Ranger, isang Dual Wielding Ranger.
At isa ring Night Devil King!
Woosh!
Biglang isang malakas kapangyarihan ang lumabas kay Marvin, dalawang magkasunod na Imitation Shadow Steps ang ginawa nito. Hindi lang nito napatalsik ang espada nito, pero nasaksak rin ng mga dagger nito ang balikat ni George!
"Ah!"
Hindi pa man lubos na lumalabas ang pagsigaw ni George ay tinakpan na ni Marvin ang bibig nito at ginilitan ito ng leeg,
Muli niyang ginamit ang combo na ito.
Takpan ang bibig, Cutthroat!
Nahulog sa sahig ang isang ulo!
Nawalan na ng balanse ang katawan ng kapitan at tumumba. Naupo lang si Marvin sa lapag at pinanuod ang laban ng First Mate at Secind Mate!
…
Paglipas ng ilang saglit, nabalit ng amoy ng dugo ang deck, at ang lahat ng mga hindi sumunod na sailor ay pinugutan ng ulo ni Marvin.
Makikita ang pagkamangha sa mga mata ng mga sailor habang tinitingnan ng mga ito si Marvin. Unti-unting naging paggalang ang mangha ng mga ito.
Hindi magagawa ng isang pangkaraniwang tao ang pagpatay ng ganito!
"Maglalayag na tayo!"
Sinulyapan ni Marvin ang madilim na Black Dock Harbor at nagbigay ng kautusan.