Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 186 - Wilderness Clearing Order

Chapter 186 - Wilderness Clearing Order

Paglipas ng dalawang araw, sa Black Dock Harbor, sa loob ng Furnace Fire Tavern.

Abalang-abala ang lahat at labas pasok ang mga adventurer. Amoy na amoy sa hanging ang alak at ang usok ng sigarilyo.

Pinag-uusapan ng lahat ang isang pambihirang kaganapang inanunsyo ng South Wizard Alliance.

Isang wilderness clearing order!

Ngayon lang uli nagkaroon ng wilderness clearing order sa loob ng 50 taon.

Natural lang na mapukaw ang atensyon ng lahat dahil sa pagbabalik ng isang bagay na sa tagal nawala ay ngayon lang uli bumalik.

Sa East Coast, 80% ng mga adventurer ay binabasa nang maigi ang nilalaman ng wilderness clearing order na bigla na lang lumabas.

Agaw pansin ang ilan sa mga salitang nakasulat sa loob nito!

Minahan ng ginto, kayamanan, bagong pantalan!

Isama pa rito ang malaking sweldo. Naaakit ang lahat ng adventurer ng Jewel Bay sa mga nakasulat ditto.

Isang grupo ng mga delingkwente ang hindi na masaya sa pagpatay ng mga Triton sa shadow sea at pagpatay ng mga mounted bandit.

Agad na kumalat ang balita tungkol sa wilderness clearing order nang lumabas ito.

Sabay-sabay rin kasing inilabas ang clearing order na ito ng lahat ng mga guild!

Ibig sabihin, ang Overlord na naglabas nito ay isang makapangyarihang tao!

Sa loob gn maikling panahon, umalingawngaw ang ingay patungkol sa mga nagawa ni Baron Marvin ng White River.

Nakilala siya dahil sa Battle of the Holy Grail, posibleng siya rin ang Masked Twin Blades, at ang misteryosong relasyon niya sa master ng Ashes Tower ng Three Ring Towers na si Hathaway….

Kumalat ang mga kwentong ito sa buong East Coast.

Ang mga balita tungkol kay Marvin at ang kanyang kahusayan.

Nagsimula na ring makilala sa East Coast ang maliit na White River Valley.

Sa loob lang ng dalawang araw, nakatanggap na ng higit sa tatlong-daang pagtugon si Marvin.

Ang lahat ng iyon ay mga adventurer na gustong maging bahagi ng clearing order na ito. MArami sa kanila ang sinundan ang mapang kasama sa order, dumaan ang mga ito sa Spider Crypt patungong White River Valley.

Gustong umangat ng mga taong ito. Kung tunay ngang si Marvin ang mamumuno nito, maaari nga silang makapagbukas ng panibagong teritoryo sa dakong timug ng Shrieking Mountain Range, maaari ring tumaas ang kanilang mga standing.

Isa pa, nabanggit ang isang minahan ng ginto sa wilderness clearing order na ito, kasama na dito ang intension ni Marvin na bumuo ng panibagong pantalan.

Pinag-uusapan na itong buong East Coast.

...

'Aling mundo man, importante pa rin gumamit ng mga koneksyon.'

Nakaupo si Marvin sa Furnace Fire Tavern, tinitingnan ang lahat na pinag-uusapan an gtungkol sa wilderness clearing order. Kahit paano ay natutuwa siya sa kanyang nasasaksihan.

Kung hindi dahil kay Hathaway at sa mga koneksyon niya, hindi makakakuha si Marvin ng wilderness clearing order ng ganito kabilis.

Dahil sa komprehensibong kautusan na ito, maaaring nang mangalap ng mga tao si Marvin sa Jewel Bay.

Pagsapit ng madaling-araw, inilabas niya na ang kwalipikasyon para sa pag-Sali, inanunsyo na rin niya ang magiging sweldo ng mga ito.

Kasalukuyan pa ring mahirap ang White River Valley at umaasa lang ito kay Marvin para tustusan ito. Mabuti na lang at may malaking halaga pa ng pera si Marvin na nakuha niya kay Black Jack.

200 ginto ng wizard ay sapat na para mabuhay sila ng mahabang panahon, isama pa ang nakuha niya sa Hidden Granary pati na sa Scarlet Monastery

Paglipas ng ilang araw, isang grupo ng mga craftsmen ang dumating. Kasama sa mga ito ang mga stonemason, carpenter, tailor, at iba pa.

Pumirma siya ng isang pangmatagalang kontrata, saka niya pinadala ang unang grupo ng mga ito, na hindi pa alam ang tunay na lakas, sa White River Valley.

Para naman sa mga adventurer na handa nang sumali sa wilderness clearing, hindi naman niya kukunin ang lahat ng mga ito.

Maaari lang siyang direktang kumuha ng iilan sa mga ito, habang ang iba ay maaari lang sumunod kung nais pa nilang sumubok na makakuha ng mga benepisyo.

Kung kakailanganin ni Marvin, maaaring gawing pain ang mga ito.

Ganito karahas ang mundong ito. Alam naman ni Marvin ang sarili niyang lakas. Kaya niya lang protektahan ang isang maliit na grupo ng tao.

Gayunaman, lumawak ang impluwensya ni Marvin at ng White River Valley dahil sa lumabas na wilderness clearing order. Nagsimula na ang lahat.

Nagpadala si Madeline ng dalawang patrol bilang suporta, dumating rin ang Silver Church.

Ang ikinagulat ng lahat ay nagpadala si Hathaway ng isang pulutong ng mga 2nd rank Wizard.

Parami na nang parami ang nagtungo sa White River Valley para subukang kumita.

Kahit na si Marvin ay nakaupo ngayon sa Black Dock Harbor, naiisip na niya kung gaano kabuhay ang White River Valley ngayon.

Ang pagdating ng mga adventurer ay magdudulot ng pagbubukas ng iba pang mga nnegosyo tulad ng mga bahay alak, mga kainan, at mga bahay aliwan…

Pero wala pang balak na magbukas ng bahay aliwan si Marvin sa White River Valley sa ngayon. Kung gugustuhin nilang ilabas ang init na nararamdaman nila, kakailanganin pa nilang pumunta sa River Shore City na malayo sa White River Valley.

'Kung nandoon naman si Constantine pati na ang mga mas pinalakas na gwardya, wala naman sigurong magiging problema.'

'Isa pa, paparating na ang Wizard corps. Base sa sulat ni Hathaway, makikinig ang mga ito sa mg autos ni Wayne. Kaya siguradong hindi mangangahas na manggulo ang mga adventurer na 'yon.'

Nakaupo lang siya sa upuan at natutuwa sa mga naging epekto ng wilderness clearing order.

Mayroon pang natitirang tatlong araw bago ang opisyal na pagtitipon-tipon ng mga ito.

Pero mayroong rason kung bakit hindi pa siya bumabalik ng White River Valley.

'Si Lola.' Nakaupo lang si Marvin sa Tavern, at matyagang naghihintay.

Ayon sa imbestigasyon ni Marvin, at tulad ng sinabi ni Anna, karamihan sa mga tao sa Black Dock Harbor ay maraming nalalamang impormasyon pero ni isa sa kanila ay walang nakakita kay Lola.

Malinaw na itinakbo na siguro nito ang pera.

Pero iba ang kutob ni Marvin.

Hindi pa rin niya nahahanap si Little Tucker.

Noong panahong iyon, kasama itong naglakbay ni Lola. Hindi rin napadpad sa Black Dock Harbor ang batang Halfling.

Maging ang mga City Guard o ang mga informer na nagtatrabaho sa mga liblib na lugar ay hindi pa nakikitang pumasok ang Halfling sa siyudad.

Isa pa, siguradong makakapukaw ng atensyon ang isang Halfling na papasok sa siyudad ng mga tao. Kung tunay ngang nakarating ito sa Black Dock Harbor, paano nangyari na walang nakakita sa kanya?

Kaya naman, may kutob si Marvin na hindi na nakaabot muli si Little Tucker at Lola pabalik ng Black Dock Harbor.

Marahil may nangyaring masama sa kanila sa daan.

Buhay na buhay ang Tavern at lalo pang nabuhayan ang mga tao dahil sa pagsaway ng mga mananayaw.

Mahinahon at tahimik lang na nakaupo si Marvin sa isang sulok.

Hindi nagtagal, isang serbidor ang dahan-dahang lumapit. "Mister, ang Gerbera Beer na hinigingi niyo."

Pinasalamatan siya ni Marvin sa pamamagitan ng pagtango at kinuha na ito ni MArvin.

Mayroong ngang baso ng serbesa sa tray, ngunit amyroon ring papel na nakasingit sa ilalim nito.

Mayroong mata na nakaguhit sa dulo ng piraso ng papel na ito.

"Gumagawa pa ng palabas," suminghal si Marvin. Binulatlat niya ang piraso ng papel at nakita ang laman nito.

[Clairvoyance]. Nakakalat ang organisasyon na ito sa buong Feinan. Kaya nilang makakuha ng kahit anong impormasyon sa halos lahat ng bagay.

Suablit, mahal ang serbisyo ng mga ito at mayroong matinding kinakailangan. Hindi lahat ay kayang bayaran ang mga ito.

Ilang ulit na sinubukang hanapin ni Marvin ang middle-man ng Clairvoyance para lang makita kung matutunton niya si Lola o hindi.

Lalo pa't hindi siya naniniwala na dadayain siya ng babaeng ito nang dahil lang sa pera.

Mayroon siyang kutob.

Sa papel ay nakasulat ang ilang grupo ng salitang hindi mabasa.

'Dalawang ginto ng wizard, para sa pangalan ng barko, higit na sa sapat 'yon,' bulong ni Marvin.

Tinandaan na niya ang nakasulat sa papel at saka ito nilamukos, lumabas siya sa likuran at itinapon ito sa kanal.

'Southie?'

Inalala ni Marvin ang isang impormasyon tungkol sa barkong ito.

Mukhang pangkaraniwang barkong pangkalakal ito, pero isa talaga itong barko ng mga alipin. Isang barko ito na palihim na bumibili at nagbebenta ng mga alipi.

Nawalan na ng pakielam ang South Wizard Alliacne tungkol ditto. Lalo pa't ang kaunlaran ng Six Pearl Harbor ay halos ang kalakaran ng mga alipin ang dahilan.

Malinaw ang mensahe mula sa Clairvoyance. Nahanap na nila si Lola, at kasalukyan siyang nasa Southie.

Mukhang noong pabalik sila sa Black Dock Harbor, nakasalubong ni Little Tucker at Lola ang mga mounted bandit. Ang mga ito ay nakikipagtulungan sa mga nagbebenta ng alipin.

Pumapatay ang mga to ng mga tao saka nila binebenta ang mga bata at magagandang babae. May kagandahan si Lola kaya naman siguradong maibebenta nila ito ng mahal. Isama pa si Little Tucker na isang Hafling, isang pambihirang nilalang, kaya naman siguradong buhay pa ang mga ito.

Naniniwala si Marvin na ang tusong si Lola ay kakayaning alagaan ang kanyang sarili sa ngayon. Pero baka hindi na ito magtagal.

Kaya naman nagdeisyon na siyang silipin ang Southi ngayong gabi.

Nabalitaan niya na nakadaong ang Southie sa ikapitong berth ng Black Dock Harbor.

Magpapahinga sila at mag-aayos sa Black Dock Harbor ng tatlong araw bago sila tumungo sa Bass Harbor bago tuluyang tumungo pa-Norte.

Marami sigurong expert sa long ng Southi, marahil may kasama pa silang 4th rank, pero sigurado namang wala silang kasamang Legend.

Kaya naman kailangan maging maingat ni Marvin.

Gabing-gabi na noong dumating siya sa daungan.

Karamihan ng mga sailor ay wala sa kanilang mga Bangka, sa halip ay nasa bahay aliwan ang mga ito. Masaklap at walang hanggan ang buhay sa karagatan. Bibihira silang dumaong kaya naman kapag dumaong sila, siguradong maghahanap sila ng paglalabasan ng init na nararamdaman nila.

Baka nga mayroon pang mga patakaran sa isang slave boat para lang masiguradong mayroong maiiwan.

Pero hindi natatakot si Marvin.

Pamilyar naman siya sa buhay sa loob ng isang barko. Ang mga manlalarong sa Jewel Bay nagsisimula ay ilang beses nang nakakasakay sa mga warship, o dikaya ay sa mga trade ship.

Katamtaman lang ang laki ng Southi na mayroong hindi hihigit sa 200 na mga alipin. Ibig-sabihin, mayroong humigit kumulang na 20 tao na nagbabantay dito.

'Kadalasan, may expert na tagapangasiwa. May tyansa ring ang kapitan ay wala mismo sa barko.'

Hindi na gumamit si Marvin ng Stealth, at direktang ginamit ang Demon Hunter Steps, kaya bigla itong nawala sa daungan at agad na napunta sa barko.

May ilang sailor ang nagbabantay na hindi man lang napansin ang pagsakay ni Marvin. Wala silang naramdaman!

Ito ang lamang ng mga Night Walker.

'Sana walang nangyaring masama kina Lola at Little Tucker.'

'Kung hindi…' Biglang nanlisik ang mga mata ni Marvin.

TAhimik niyang binuksan kabin ng barko at dumeretso sa isang makipot na daan.

Napakadilim sa loob.

Bumaba siya ng dalawang palapag at saka gumamit ng Stealth para malampasan ang mga gwardya, nakarating na siya sa ikatlong palapag mula sa taas.

Sa ikatlong palapag, mayroong mga pangkalakal. Pero alam nilang ang mga magagaang bagay lang agn isinasama nila gaya ng mga bulak.

Ang mga tunay nilang kinakalakal ay nasa ibaba pa.

Nakahanap siya ng pwesto kung saan makikita niya ang liwanag sa mga siwang ng sahig.

'Hmmm? Paano kaya nagkaroon ng ilaw?' Nagtataka si Marvin.

Idikit niya ang kanyang tenga dito at nakinig!

Sa sumunod na sandali, isang pamilyar na boses ang kanyang narinig, "…At sigurado akong magiging ligtas doon."

"Maniwala ka sa akin, hindi ba masyado na kayong pinapagod ng kapitan niyo? Ni hindi niya nga maibigay ang pinakasimple niyong hinihingi, hindi rin siya kwalipikado para maging kapitan niyo!"

"Kikilos tayo bukas ng gabi. Wala namang makikielam kapag nagpalit ng kapitan ang Southie… Kailangan nating panatilihing sikreto ito. Lalo pa't malaking akusasyon ang pagpaplano ng isang rebelyon."

"Kapag pumalya tayo, mamamatay tayong lahat."

Nanlaki ang mata ni Marvin sa gulat.