"Yan pa talaga ang pinag-aalala mo?"
Kumibot ang kilay ni Hathaway, at muli siyang sumabog sa galit.
"Hindi, hindi, hindi….Gusto ko lang malaman kung pwede pa bang magamit 'to bilang isa pang uri ng atake." Mabilis na sagot ni Marvin.
"Balak mo bang hayaan na lang siyang maging yelo?" Sinulyapan niya ang nanigas na si Madeline at tinanong.
"Akin na."
Wala nang iba pang sinabi si Hathaway at basta na lang iniabot ang kanyang kamay.
Pilit na tumawa si Marvin at saglit na nagdalawang isip, saka nito tuluyang ibinigay ang ikatlong pahina ng Book of Nalu kay Hathaway.
Pero syempre, itinabi pa rin nito ang libro ng alchemy.
Mas ligtas na ibigay ni Marvin ang pahina ng librong iyon kay Hathaway kesa kay Madeline.
Tutal naliwanagan naman siya nang makita niya ang [Rebirth], ang ika-anim na pahina ng Book of Nalu. Wala naman sigurong magiging problema kung makita niya rin ang ikatlong pahina.
Dahil sa kanyang pagiging Seer, may kakayanan siyang makita ang mga kasinungalingan ng God of Deception. Kaya naman mas magiging ligtas ito sa kanya.
At isa pa, malaki na ang naitulong ni Hathaway kay Marvin. At dahil sa kanyang presensya, maraming taong nagtatangka sa White River Valley ang sumuko na.
At dahil hindi pa sapat ang kanyang angking lakas, wala naming problema si Marvin sa pag-angkla sa mas malakas na tao.
…
Kinuha ni Hathaway ang ikatlong pahina at itinago ito nang hindi ito tinitingnan.
Suminghal ito at iwinagayway ang kamay, nabasag naman ang yelong bumabalot kay Madeline.
"Hathaway!" Nanginginig si Madeline, nagulat at nagalit naman ito nang makita si Hathaway.
"Kay Marvin galling ito, tandaan moa ng pangako mo."
"Sa kanya na ang River Shore City," seryosong paalala ni Hathaway.
Binato niya ang isang piraso ng dilaw na papel kay Madeline.
Agad namang natigilan ito.
"Ito ang…"
Ika-anim na pahina ng Book of Nalu!
"Ipapahiram ko muna sayo 'yan. Sa kasalukuyan mong talento at abilidad, siguradong mababaliw ka kapag direkta mong tiningnan ang ikatlong pahina," aroganteng sabi ni Hathaway.
"Tandaan moa ng sinabi mo. Kapag naging Legend ka, ang River Shore City at iba mo pang mga pwersa ay mapupunta kay Marvin."
"Kung hindi, ang Three Ring Towers ang makakaharap mo."
Pagkatapos niyang saihin ito, hindi na nito tiningnan si Marvin o si Madeline at agad na umalis sakay ng kanyang magic carpet.
Masayang-masaya naman si Madeline habang hawak ang papel.
Natigilan naman sa kanyang kinatatayuan si Marvin.
Anong nangyari?
Siya ang naghirap para sa pahina ng Book of Nalu pero basta na lang itong kinuha ni Hathaway. Tapos ay gumawa pa siya ng kasunduan kay Madeline bilang kinatawan niya.
Bakit parang pakiramdam niya ay kontrolado ni Hathaway ang kanyang buhay?
Noong oras na iyon, isang maliit na boses ang umalingawngaw sa kanyang tenga, "Aalis na ako, babalik na ako sa Three Ring Tower. Mag-iingat ka."
"Wag mo ring kakalimutang akin ka…"
…
Hindi na rin nagtagal si Madeline matapos umalis ni Hathaway.
Kailangan niyang isuko ang lahat para maging isang Legend.
Hindi naman magiging madali ang pag-advance sa pagiging Legend!
Sa pagkakakilala ni Marvin kay Madeline, hindi siya naniniwalang tunay na ibibigay sa kanya ni Madeline ang River Shore City.
Sinabi niya lang ang lahat ng iyon para kumbinsihin siya, at para makuha nito ang Book of Nalu.
Gayunpaman, dahil tinulungan na siya ni Hathaway sa kasunduang ito, sa oras na hindi niya ito tuparin, malalasap nito ang bangis ng isang Seer!
Sa relasyon na mayroon si Hathaway at ang Shadow Thief na si Owl, pati na ni Leymann…. Isama pa ang koneksyon ni Marvin kay Constantine…
Siguradong hindi kakayanin ni Madeline, na isang baguhang Legend, ang ganitong uri ng mga kalaban.
'Kung magiging maayos ang lahat, pwede akong makakuha ng isang malaking teritoryo dito sa katimugan sa tulong ng buong White River Valley at Rier Shore City.'
'Kung makakakuha ako ng mga bagong teritoryo, posible nang makabuo ng isang bansa kapag natapos ang Great Calamity!'
Ito ang nasa isipan ni Marvin.
Pero syemrpre, hindi ito magiging madali. Kailangan niya ring lumakas para maprotektahan ang kanyang teritoryo.
Kung ang Rocky Mountain naman ang pag-uusap, matapos ang Great Calamity, ang rason kung bakit nakayanang protektahan ang lahat ng nasasakupan nito ay dahil sa angking lakas ng tatlong Fate Sisters.
"Tara na."
Isinama ni Marvin si Isabelle pabalik ng White River Valley, at dito na nga nagtatapos ang kanilang misyon sa Scarlet Monastery.
…
Gabi na nang makarating ang kanyang karwahe, ang mga regalo ni Madeline, at ang mga tauhan nito sa palasyo.
Nakabalik na rin si Anna. Mas simple ang naging advancement quest nito kumpara kay Marvin, at dahil sa ilang taon nitong paghahanda, matagumpay siyang nakapag-advance sa [Sword Dancer], isa sa mga advancement path ng mga fighter.
Bagay na bagay ang kanyang mga specialty para sa isang swordsman.
Napansin rin ni Marvin na sa tuwing mag-a-advance ang mga tulad nito ay hindi laging nagsisimula ang mga ito sa level 1.
Halimbawa na lang, matapos mag advance ni Anna sa [Sword Dancer], naabot niya agad ang level 3 Sword Dancer.
Isa siyang level 5 Fighter – Level 3 Sword Dancer, kaya naman, sa isang iglap ay naging isa siyang level 8, 2nd rank class holder.
Sa madaling salita, talentado rin sa swordsmanship ang Half-Elf na butler ni Marvin.
Pero kailangan niyang hatiin ang kanyang atensyon sa mga pangangailangan ng White River Valley.
…
Sa loob ng aklatan, hindi na inabala ni Marvin si Wayne nang malaman nitong tulog ang kanyang kapatid.
Bahagyang tinanong nito kung ano ang nangyari sa White River Valley habang wala siya.
Detalyado at kumpleto naman ang ulat ni Anna. Mahusay talaga siya sa ganitong mga bagay.
Lalo pa't nakasanayan na nito ang madalas na pag-alis ng Overlord sa kanilang teritoryo.
Kalmado namang pinakinggan ito ni Marvin at hindi niya mapigilang sumimangot.
Sa pagkakataong ito, umalis si Anna para mag-advance sa Moonlight Forest at isinama na niya ang gwardyang naunang umalis.
Ayon kay Anna, kahit na matagumpay na nakalagpas ang gwardya sa Spider Crypt, inatake naman ito ng mga mountain bandit bago ito makarating sa Black Dock Harbor.
Kahit na maswerte itong nakaligtas, malubha naman itong nasaktan. Nag-aagaw buhay na ito nang matagpuan siya ni Anna sa isang maliit na bayan sa Black Dock Harbor.
Kung hindi dahil sa mabilis niyang paghahanap ng Priest ng Silver Church sa Black Dock Harbor, baka namatay na ang gwardyang ito.
Matapos noon,t sinubukang hanapin ni Anna si Lola at si Old Tucker pero walang balita tungkol sa mga ito.
Hindi nakita ng mga gwardya ng Black Dock Harbor ang babaeng ito.
"Baka itinakbo na ng manggagantsong 'yon 'yung pera," sabi ni Anna.
Wala namang imik si Marvin.
Tinakbo nga kaya niya 'yung pera? Hindi ito ang palagay ni Marvin.
Tinanong pa nito ang kanyang astrological sign bago ang laban na 'yon. Talaga bang hindi niya ito mapagkakatiwalaan?
Sa tingin ni Marvin ay nasa panganib si Lola.
Gayunpaman, hindi pa niya maaaring pagtuonan ng pansin ito.
Limitado ang kanyang enerhiya at lakas, kaya niya lang protektahan ang isang bahagi ng kanyang nasasakupan.
Habang wala naman na siyang masasabi pa sa ibang mga bagay. Dahil sa maayos na pamimigay ng pagkain, ganadong-ganado na magtrabaho ang mga tao.
Mahusay naman si Wayne sa pagiging isang Overlord. Nirerespeto at minamahal rin siya ng lahat bilang Proxy Overlord.
Base sa sitwasyon ngayon, mukhang makakapag-ani na ang mga farmer ng White River Valley bago ang tag-lagas.
Ang ani ngayon ay mukhang higit pa sa sapat para sa parating na tag-lamig. At base sa napag-usapan, maaari pa itong magsilbing pambayad ng buwis.
Kuntento naman si Marvin sa lahat ng ito.
Marami pa naman siyang ginto. Basta pagkain ang pinakamahalaga sa ngayon.
Tigang ang lupa ng White River Valley. Habang mataba naman ang lupa sa kabila ng ilog, pero bahagi na ito ng kasukalan. Walang nakaka-alam kung gaanon karaming halimaw ang naninirahan dito.
Kung gusto niyang makakuha ng mga bagong teritoryo kailangan niyang gawin ang nararapat.
Kahit na gusto ni Marvin na mapabilis ang pag-unlad ng kanyang teritoryo, kailangan niya pa ring isa-isahin ang mga hakbang.
Una ay ang kasukalan sa dakong silangan, lalo pa at alam niya ang kalagayan nito.
Kailangan niya lang kumuha ng wilderness clearing order mula sa South Wizard Alliance para mapalayas ang mga Ogre at makapagtayo ng pantalan.
Sa ganitong paraan, maaari siyang kumuha ng mga taong kwalipikado na mula sa ibang mga rehiyon para gawin ang trabaho.
Dahil kung gagamitin niya lang basta ang kanyang kayamanan para hikayatin ang ibang mga tao mula sa ibang mga rehiyon na manirahan sa White River Valley, maaaring makita ito ng ibang mga Overlord bilang hamon at mauwi pa sa isang digmaan.
Ibang-iba naman ang magiging sitwasyon kapag may hawak siyang wilderness clearing order.
Hinihikayat ng Suth Wizard Alliance ang mga tao na magbukas pa ng mga panibagong teritoryo. Isang halimbawa na rito ang White River Valley. Isa itong teritoryong nakuha ng lolo ni Marvin matapos itong kumuha ng wilderness clearing order.
Bago iyon, tinitirhan ng napakaraming gnoll at wild goblin ang lugar na ito.
…
"Halos ganoon rin naman ang lagay ng iba pang mga bagay." Natapos na ang pag-uulat ni Anna tungkol sa kalagayan ng kanilang teritoryo.
"Pero may tatlong taong dumating na nakilala mo ata." Dagdag nito.
"Mga bisita?" nagulat si Marvin.
"Oo. Fidel ang pangalan ng una, ang sabi nya ay kaibigan mo siya… sa basement ko muna siya pinatuloy… sabi niya gusting-gusto niya ang kapaligiran sa basemetn. Pero pakiramdam ko mapanganib siyang tao," sabi ni Anna.
Noong una ay kampante pa siya noong naroon pa si Hathaway sa kanilang teritoryo.
Kung mayroon mang manggulo, siguradong hindi ito palalampasin ng Legend Wizard at tuturuan ito ng leksyon.
Ngayong umalis na si Hathaway, nagsimula na siyang mag-alala para sa mga bagay-bagay.
"Si Fidel? Pumunta siya?" Natuwa si Marvin. 'Nabagot a baa ng lalaking 'yon sa Despair Hills?'
May mga nakuhang kabaong si Marvin sa Scarlet Monastery at kailangan pa niya ng tulong ayusin ang mga ito.
"Wag kang mag-alala, kaibigan ko talaga si Fidel. Hindi siya manggugulo," paninigurado ni Marvin kay Anna. "Eh sino pa yung dalawa?"
"Ang isa ay yung lalaking binanggit ko sa iyo noon." Pabulong na sabi ni Anna na tila gusto itong ilihim.
"Sinong lalaki?" Tila nalilito si Marvin.
Naging abala siya masyado noong mga nakaraan, may binanggit nga bang si Anna sa kanya?
"Yung lalaking 'yon, yung nagsisisigaw sa palasyo na gusto niya raw akong pakasalan…"
"Yung nagsabing siya raw ang Greatest Alchemist sa buong mundo…"
Tila nabalisa si Anna.
"Yung taong peacock?" biglang naintindihan ni Marvin kung sino ang tinutukoy ni Anna.
Hindi niya gaanong binigyan ng pansin ang lalaking ito. Saka na niya titingnan kung talaga mahusay ito o hindi.
Kung hindi siya mahusay, at ipinagpatuloy pa nito ang panggugulo kay Anna, palalayasin niya ito agad sa palasyo.
"Sino ang huli?"
"Yung huli?" Biglang nagiba ang mukha ni Anna.
"Sabi niya siya raw ang mapapangasawa niyo."