"Walang saysay ang panunuya mo saki."
Tumawa ang Heavenly Sword Saint. "Pero gusto kita. Tuso ka."
"Bibigyan kita ng pagkakataon. Ibababa ko nag lakas ko sa level mo at lalabanan kita gamit ang espada ko."
"Sabi mo purong taktika. Kung kaya mong salagin ang sampung atake ko, pwede kang kumuha ng isang item mula sa underground floor."
Tumango si Marvin. "Sige."
Dahan-dahang tumayo ang Heavenly Sword Saint at naglabas ng espada, at biglang sinaksak ito patungo kay Marvin.
'Nagsimula na?'
Napigil ang paghinga ng lahat.
Dilat na dilat nag mga ito habang nanunuod. May kutob sila na nasa Master level na ng swordsmanship ng Heavenly Sword Saint, habang si Marvin naman ay mayroong Expert Cruved Dagger Mastery. Tila langit at lupa ang pinagkaiba ng dalawa. Kahit pa pigilan ng Heavenly Sword Saint ang kanyang lakas, siguradong hindi ito kakayanin ni Marvin!
Pero magmula noong pumasok sila sa Scarlet Monastery, mali ang lahat ng bagay na inakala nila kay Marvin.
Inaabangan nila kung muling makakagawa ng isang milagro si Marvin!
…
Mukhang pangkaraniwan lang ang pagsaksak na ginawa ngunit tila nahirapan rito si Marvin.
Hirap na hirap si Marvin. Ibang-iba ang nararamdaman nito sa ipinapakita nitong pagiging kalmado.
Talagang hindi kaya ni Marvin ang lakas ng Heavenly Sword Saint. Kahit pa pinigilan ng ng mapagmataas na nilalang na ito ang kanyang lakas, napakahusay pa rin ng swordsmanship nito.
Malaki ang agwat ni ng Dagger Mastery ni Marvin at ang swordsmanship ng taong ito.
Pero kung sampung atake lang, naniniwala pa rin si Marvin na kakayanin niya!
Lalo pang bumilis ang reaksyon ni Marvin, na una pa lang ay pambihira na sa bilis, dahil sa Super Reflex bonus nito.
Sa mga pagkakataong hindi nagkakalayo ang lakas ng dalawang magkatunggali, malaking bagay ang bilis ng reaksyon ng isang tao.
'Hindi ko maiiwasan ang espada niya.'
'Kumpara sa swordsmanship, mas nakatuon lang sa isang bagay ang mga dagger technique. Pwedeng gamiting ang espada sa pag-salag o sa pag-depensa, habang ginagamit lang ang mga dagger sa pagpatay.'
'Pwede lang itong gamitin sa pag-atake!'
Ito ang pumasok sa isip ni Marvin.
Himiyaw ito at ginamit ang Demon Hunter Steps para sumugod habang naka-krus ang kanyang mga dagger at itinulak ito pataas.
Nasalag niya ang espada.
…
"Ha?" Nagulat ang Heavenly Sword Saint.
Kakaibang pamamaraan ang ginamit nito para salagin ang kanyang unang atake… Ngayon lang siya nakakita ng ganito.
"Mahusay…"
Pero hindi ito nagdalawang isip.
Sinalubong nito ang curved dagger, at bahagyang iwinasiwas ang espada!
Ikalawang atake.
Walang magawa si Marvin kundi umatras.
Masyadong mahusay ang ginawa nito. Napigilan ang pag-atake ni Marvin at napa-atras ito.
Ikatlo, isang biglaang pagtarak!
Pareho lang ito sa nauna nitong ginawa, pero matapos niyang iwasan ang pangalawang atake, medyo mahirap ang naging posisyon ni Marvin, wala siyang nagawa kundi muling ulitin ang una niyang ginawa.
'Magaling..'
Biglang sumugod muli si Marvin habang nakataas ang kanyang kaliwang dagger, at sinalubong ang talim ng espada.
"Klang! Woosh!"
Kumisap ang mga patalim.
Nasalag ng kaliwang dagger ang espada, kaya nakagawa ito ng espasyo para sa kanang dagger.
Ito ang unang beses na makikita ang gulat sa mukha ng Heavenly Sword Saint.
Wala siyang nagawa kundi umatras para iwasan ang atakeng ito!
Sa isang iglap, nagpalitan ng anim na atake ang dalawan!
Matapos ang anim, tila tabla ang naging laban.
Ikinagulat ito ng lahat ng sundalo ng River Shore City, lalo pa silang namangha kay Marvin!
Isang katorse anyos na bata ay kayang tapatan, pagdating sa skill, ang isang makapangyarihang nilalang na isang libong taon nang naubuhay?
Paano nangyari iyon?
Hindi nila ito maunawaan!
Pero alam ni Marvin na mas marami siyang karanasan sa pakikipaglaban, mas malakas sa kahit na sino sa mundong ito, kasama na ang mga nilalang na matagal nang nabubuhay o kahit mga god!
Kaya kayang mag-PK ng mga pangkaraniwang tao na ito? O mag-farm ng mga halimaw?
Hindi.
Tanging mga manlalaro ang makakagawa nito.
Para mapalakas ni Marvin ang kanyang sarili noong mga panahong iyon, kinalaban ni Marvin ang iba't ibang mga halimaw para mahasa ang kanyang straight dagger skill na halos maperpekto na niya. Isang atake lang ay napatay na niya ang Shadow Prince na si Glynos.
Kahit pa nag-iba na ang kanyang class, at curved dagger na ang gamit niya ngayon, mayroon pa ring pagkakapareho ang dalawang sandatang ito.
Isa pa, isang bahagi lang naman ng laban ang mga sandata.
Mayroong pang, pagdedesisyon at pagmamasid.
Sa tatlong ito, kung itinuturing ni Marvin bilang pangalawa ang sarili, walang sino man sa Feinan ang nagsasabi sila ang nangunguna.
Nahasa na ng husto ang kanyang fighting instinct.
…
Gayunpaman, nahirapan pa rin si Marvin sa labanng ito sa Heavenly Sword Saint.
Halos perpekto na rin ang swordsmanship ng kanyang kalaban habang ang kanyang dagger mastery ay malayo pa sa puntong iyon. Umaasa lang siya sa kanyang karanasan para labanan ang Heavenly Sword Saint!
Ika-walong atake.
Ikaw-siyam.
Ika-sampu.
Tumigil ang magkabilang panig. Pinunasan ni Marvin ang kanyang pawis gamit ang kanyang mga kamay na nanginginig, at tumango sa kanyang kalaban.
Nanatiling mahinahon ang Heavenly Sword Saint, hindi siya nagpakita ng kahit kaunting kahihiyan. Huming alang ito ng malalim at sinabing, "Nakakatakot."
"Ilang taon mula ngayon, baka hindi na kita kayanin. Akala ko noon ako na ang pinakamahusay sa Feinan, pero hindi ko naman inakalang nagkamali pala ako."
Pilit na ngumiti si Marvin. Hindi naman siya isang henyo. Ilang beses na rin siyang muntik mamatay dahil sa hindi mabilang na pakikipaglaban sa mga halimaw.
"Pumunta ka na sa underground floor." Tumuro na ang Heavenly Sword Saint sa kanyang kaliwa. Bigla namang bumukas ang isang madilim na lagusan sa isang sulog ng Fourth Hall.
"Tandaan mo, isang bagay lang ang maaari mng kunin. Kabisadong-kabisado ko ang undergroundfloor. Kung higit pa sa isa ang kunin mo, papatayin kita."
Tumango si Marvin at itinabi ang kanyang mga dagger saka mabilis na lumapit sa lagusan.
…
Natuliro ang mga tao ng River Shore City.
Tapos na?
Nagpalitan lang ng pangkaraniwang atake ang dalawa, tapos na?
Hindi nila maintindihan kung paanon nasabing malakas ang mga ginawa ni Marvin.
Nagpatalo ba ang Heavenly Sword Saint?
May ilang taong hindi kumbinsido ang nagsalita. "Sir Sword Saint, gusto ko rin subukan ang lakas ko."
Mahinahon pa rin ang ang Heavenly Sword Saint. "Sige."
…
Binaybay lang ni Marvin ang madilim na lagusan at hindi siya lumingon kahit isang beses, hindi rin nito pinansin ang mga sinesenyas ni Madeline.
Alam naman niya kung ano ang gusto nitong sabihin.
Sa katunayan, hindi alam ni Marvin kung ano ang kukunin niya.
Napakaraming mahahalagang bagay sa loob ng underground floor. Mga Half-Legend item, mga makapangyarihang Magic Scroll, mga sandata, mga hiyas…. Ito ang mga kayamanang nakuha ng Lich noong gising pa ito. Bawat item ay mahalaga.
Kaya ngayon, lahat ng ito ay nakabaon na sa Scarlet Monastery kasama niya.
Pababa at paikot ang lagusan. Nang umabot si Marvin sa pinakababa, isang Wizard fire ang kusang sumindi at iniliwan ang lihim na kwarto.
May mga magugulong bagay habang mayroon mga bagay na maganda ang pagkaka-ayos.
Pero ni isa sa mga io ay walang alikabok kahit na napakatagal na panahon nang nakaimbak ang mga ito.
Naglakad si Marvin patungo sa ginta ng kwarto kung saan nakalagak ang bangkay ng isang usa.
Hinawakan niya ang malambot na balahibo ng usa. "Heaven Rainbow Deer…Tsk…."
Mayroon pang malaking rainbow antler sa bangkay. Bawat gramo ng antler na ito na mayroong pitong kulay ay kayang makagawa ng isang Goblin Bomb.
Sa kanyang kaliwa makikita ang tumpok ng mga sandata, habang sa kanan niya ay mga istante ng libro.
Saglit na nag-isip si Marvin bago tuluyang lumapit sa mga istante ng libro.
…
Sa Fourth Hall.
"Klang!" Isang sandata ang nalaglag sa lupa. Pawis na pawis ang noo ng knight.
Nakatutok ang isang espada sa kanyang leeg.
Kayang siyang patayin ng kanyang kalaban kung nanaisin nito.
Pero hindi ito ginawa ng kanyang kalaban.
"Pang labing-walong tao…"
Kinuyom ni Madeline ang kanyang kamao.
Lahat ng mga expert sa swordsmanship, kasama na pati ang mga Vampire, ay sinubukan nang makipagtagisan ng galing kay Heavenly Sword Saint.
Pero lahat sila ay hindi ito kayang tapatan…. Kahit na hindi ito ang pinakamagandang paraan para ilarawan ito.
Hindi man lang tumagal ng tatong atake ang mga ito.
Sa katunayan, hindi man lang nakalagpas sa unang atake ang labing-lima sa mga ito.
Walang nasabi ang mga nanonood.
Ngayon lang nila napagtanto kung gaano kalakas si Marvin.
Napakahusay ng swordsmanship ni Heveanly Sword Saint. Kahit na pinigilan nito ang kanyang tunay na lakas para kalabanin ang mga ito, hindi pa rin ito matapatan ng mga sumubok.
Ikinalungkot naman ito ng mga tao.
"Mayroon pa bang gustong sumubok?"
Namumutlang tiningnan ni Madeline ang mga tao sa kanyang likuran.
Sa mga oras na iyon, hinihiling niya na sana ay isa siyang swordsman para subukang labanan ang taong ito.
Nang sa gayon, mayroon man lang siyang kahit kaunting pag-asa.
Pero umaasa pa rin siya.
Kahit na napakamisteryoso ng batang iyon, alam naman niya siguro kung ano ang pinakamahalagang bagay sa underground floor, hindi ba?
Pero kung kuhanin man niya ito, ibibigay kaya nito ito sa kanya… o papahiramin man lang ba siya nito?
Sumasakit ang ulo ni Madeline.
Alam niyang matalino siya at kaya niyang mabasa ang nasa puso ng mga tao, pero hindi niya mabasa ang katrose anyos na batang ito.
Ibang-iba ang amyas ng pag-iisip ng probinsyanong Baron na ito mula sa kanyang tunay na edad.
'Kung ang Book of Nalu man ang kunin niya….'
'Hm… Basta makapag-advance ako sa Legend, gagawin ko ang lahat ng gusto niya!'
Desidido na si Madeline.
Noong mga oras na iyon, isang lalaki ang naglakad mula sa mga Blood clansmen.
May suot siyang isang balabal at napakalumanay ng pagkilos. "Sir Heavenly Saint, pasensya na sa abala."
"Gusto ko rin sanang sumubok."
Tumango lang ang Heavenly Sword Saint at sinabing, "Sige."
…
Sa ikalawang palapag, sa ikatlong hanay ng istante ng libro.
Pamilyar na pamilyar si Marvin sa sulok na ito at kinuha niya ang isang libro.
Sa nakaraan niyang buhay, tanging ang unang grupong makakalusot sa Scarlet Monastery ang makakakuha ng Book of Nalu. Kahit na na-farm na niya ang instance na ito ng ilang ulit, hindi niya nakuha ang Book of Nalu.
Kahit na walang nakatalo sa Heavenly Sword Saint, naibabaling pa rin nila ang atensyon nila sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng ilang miyembro, habang ang iba ay palihim na papasok sa underground floor.
Pero limitado lang ang oras ng mga ito.
Hindi ito katulad ngayon na may oras siya para pumili.
Nag-alinlangan pa si Marvin sa dami ng mga kayamanan, pero sa huli, pinili pa rin niya ang libro.
"Ron Kail's Science of Alchemy." Ang pangalan ng librong ito. Isa itong magandang alchemy book na wala nang iba pang kopya.
At ang pahina ng Book of Nalu ay nakaipit sa loob nito.
'Bahala na nga, kunin ko na nga ito.'
.
Nag-aatubling tiningnan ni Marvin ang iba pang mga kayamanan, bago tuluyang tumulikod at naglakad paakyat.
Naglakad siya sa madilim na lagusan bago tuluyang makabalik sa Fourth Hall, kung saan nakarinig siya ng tunog ng pagsaksak.
Nasaksak ng espada ng Heavenly Sword Saint ang balikat ng lalaking nakabalabal.
Naawa sa kanya ang lahat ng mga nanunuod.
Dahil itong si Gwyn ng Blood clan, ay umabot hanggang sa ika-siyam na atake.
Pero wala na silang oras para maawa kay Gwyn, dahil napunta muli agad ang atensyon nilang lahat kay Marvin!
Agad na lumapit si Madeline kay Marvin at buong pusong umaasang tinanong, "Anong kinuha mo?"