4th-circle spell – [Expel Equipment]!
Isang kulay asul na ilaw ang tumama kay Fegan, at biglang nangisay ang kanyang katawan.
Naging Seryoso naman bigla ang mukha ni Madeline. Nakadepende sa spell na ito kung matatalo ba nila si Fegan.
Ang [Expel Eqyuipment] ay isang espesyal na spell. Ang armor at sandata ng iyong kalaban ay mawawala dahil dito. Hindi man mukhang matindi ang epekto nito, pero kapag kaharap mo ang isang melee class holder na katulad ni Avenger Fegan, malaking tulong ito.
Pero parang Dissociation ang spell na ito, dahil maaari itong salagin.
Bumalot ang asul na kidlat sa katawan ni Fegan habang umuugong naman ang armor nito na tila ba natatanggal!
"Imposible!"
Pero nang mga oras na iyo, isang malaking posting liwanag ang bumuwag sa mukhang nasa likuran niya.
Biglang natahimik ang buong Hall.
Tanging ang ingay ng pag-ubo ni Collins ang naiwan.
"Lumayas ka!" sabi niya.
Ang kapangyarihan ng Evil Spirit Overlord Diggles na nakakabit kay Fegan ay natanggal na ni Collins!
Biglang bumaba ang mga resistance nito.
Natatarantang tiningnan naman ni Fegan ang mga armor nitong isa-isang natatanggal. Sinubukan niyang damputin ang kanyang sandata pero lumipad na rin palayo ang kanyang greatsword dahil sa asul na kidlat. Sa lakas ng pagtalsik nito ay bumaon pa ito sa dingding!
Sa loob ng ilang sandal, natanggal na ang lahat ng armor at sandata ni Fegan, at tanging uniporme na lang nito ang natira!
'Gumana!'
Pawis na pawis ang noo ni Madeline.
Kung pumalya ang 4th-circle spell na ito, siguradong mas nahirapan pa siya at si Collins.
Pero ngayon, wala nang kawala si Fegan na ang armor at sandata!
"Sumuko ka na Avenger," mahinang sabi ni Madeline. "Pasukuin mo na rin ang mga tauhan mo at hindi kita papatayin."
Sumuko?
Si Fegan na wala nang armor at sandata ay biglang tumawa. "Wala ka talagang kamuwang-muwang, Madeline."
"Hindi ko pa naipaghihiganti ang aking galit. Paano akong susuko sa inyong mga tao?"
Sumimangot si Madeline at sinabing, "Naging tao ka rin noon."
"Noon," sagot ni Fegan, "Pero magmula noong inisip ng mga taong 'yon na ako ang pinagmumulan ng plague at inialay ako sa isang god, hindi na akong naging tao uli."
"Maghihiganti ako sa lahat ng nabubuhay."
"Ito ang nakatadhana sa akin."
Bumuntong hininga si Madeline. Kahit paano ay may nalalaman siya sa pinagdaanan ni Avenger Fegan. Masaklap at nakaka-awa ang nangyari dito.
Pero hindi lahat ng kaawa-awang tao ay pinatawad sa kanilang mha nagawang kasalanan, at kailanman ay hindi pa naging malambot ang puso ni Madeline sa mga uri ni Fegan!
"Kung ganoon, mamatay ka na." Biglang nag-iba muli ang reaksyon ni Madeline.
"Naranasan ko nang mamatay. Gusto mo bang malaman kung ano ang pakiramdam …" Humagikgik si Fegan, " Isa pa, Madeline, sa tingin mo ba, dahil natanggal mo na ang armor ko, wala na akong magagawa sayo?"
Habang nagsasalita ito, biglang nagbagong anyo ito.
Isang pares ng pakpak na gawa sa nabubulok na laman ang lumabas mula sa kanyang likuran.
Biglang naging bakal at matalas ang kanyang mga kamay na para bang mga dagger!
"Hindi lang ako tumunganga noong mga lumipas na taon. Gumawa ako ng mga pagbabago sa katawan ko, at kuntento naman ako sa kinalabasan nito."
"Ano sa tingin mo? Lady City Lord?"
Biglang tumawa ng malalim si Fegan. Biglang bumilis ang kanyang katawan at pumagaspas ng napakabilis ang kanyang mga pakpak. Umangat siya sa lupa at lumipad patungo kay Madeline!
"Mag-ingat ka!" Sigaw ng namumutlang si Collins.
Hindi rin nito inakalang gagawin ito ni Fegan sa kanyang katawan!
Isang lumilipad na melee class ay isang malaking panganib sa mga Wizard!
"Kung hindi ko kayang labanan ang isang undead, paano ko pa magagawang umangat sa pagiging Legend?"
Makikitang hindi natitinag si Madeline habang pasugod rin ito kay Fegan, pinagdikit nito ang mga kamay nito na para bang nagdadaral at naghanda ng isang spell.
Walang siyang intension na iwasan ito, sa katunayan, gusto niyang direktang kalabanin si Fegan!
"Bobong Wizard!"
Mabilis na lumipad si Fegan at hindi nagtagal ay nakarating ito sa harap ni Madeline, walang habas naman nitong isinaksak kay Madeline ang matalim nitong mga kamay.
…
Sa world of decay, sa supreme throne.
"Mapoot na mga tao…"
"Madidispatya rin kita, Silver God!"
"Nagawa mong i-dispel ang anino ko ng dalawang beses ngayong araw."
Maririnig ang sigaw ng Evil Spirit Overlord na si Diggles sa buong decaying plateau.
Nanatiling tahimik ang lahat ng Evil Spirit. Iba't iba ang kanilang mga hugis, pero lahat sila ay nakakapandiri ang itsura.
Ang lugar na ito ay puno ng usok, dumi, at negatibong enerhiya. Pero para sa mga Evil Spirit na ito, ito ang pinakamainam na sustansya.
"Lord, ang mga walang kwentang tao katulad ni Morris ay hindi magagawa ang nais mo."
"Ako na lang ang ipadala mo."
Isang malaking halimaw na tila kasing laki ng isang maliit na burol ang mabagal na lumapit mula sa malayo.
Hindi mabagal o mabilis ang kanyang pananalita, pero mayroon itong napakalakas na presensya.
"Hindi pa ito ang tamang oras," seryosong sabi ni Diggles. "Alam kong gusto mong makakuha ng merit pero hindi mo pa tapos higupin ang kapangyarihan ng buong Rotting Sea."
"Kung pupunta ka sa Feinan, mabilis kang mapapansin ng mga tao. Hindi alam ng mga Half-Legend o ng mga bagong Legend kung anong dapat gawin sayo. Pero marami pa ring Legend ang piniling manatili sa Feinan."
"Mukhang mas aktibo sila ngayon kumpara dati. Lalo na ang Inheim na 'yon na walang takot na pinatay ang avatar ng isang god. Kapag tumuloy ka, isang suntok lang ng taong 'yon ay magiging abo ka na."
Natahimik ang higante saglit bago tuluyang sinabing, "Sino ang balak mong ipadala?!"
Saglit na nag-isip si Diggles hanggang sa pumitik ito. "[Deciever]!"
Isang kaaya-ayang babae, na kasing ganda ng isang fairy, ang lumitaw sa kanyang harap.
"Lord. Handang sundin ni Deciever ano mang iuutos niyo." Kaaya-aya rin sa pandinig ang kanyang boses at nakakagaan ng kalooban.
Sumimangot si Diggles. "Wag kang laging mag-anyong Moon Goddes Faniya. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko ang babaeng 'yon!"
"Opo, Lord." Biglang nagpalit anyo ang babae, naging kulay ginto ang buhok nito at naging isa pang magandang babae.
"Ang anyo na lang ng Guradian God na gusto mo," mahinhin nitong sinabi.
Napakamot na lang sa kanyang ulo si Diggles. "Mayroon ang mahalagang ipapagawa sayo."
"Patayin ang Madeline at Collins na 'yon?" Tanong nito.
"Hindi, gusto kong buksan mo ang White Deer Cave at gumawa ng isang Disaster Door," mariing sabi ni Diggles.
"Nang sa gayon, maaaring makapunta sa Feinan ang hukbo ng Evil Spirit natin, kahit pa maisasara rin kalaunan ang Disaster Door."
"Pero siguradong masisira ang River Shore City at mga karatig na lugar nito!"
"Ito ang magsisilbing leksyon ko sa kanila!"
"Tandaan mo, bago mo magawa ang Disaster Door, kailangan mong itago kung sino ka talaga."
Tumango ang babae. "Ako na po ang bahala, Lord."
"Kaming mga Shapeshift Sorcerer ay mahusay sa pag-iibang anyo. Madali kong maitatago ang sarili ko."
"Pero kapag natapos nag misyon na ito…"
Nabuburyong iwinasiwas ni Diggles ang kanyang kamay. "Kapag natapos ang misyon na ito, palalayain ko ang nakababata mong kapatid. Pwede na kayong umalis pagkatapos noon."
"Maraming salamat, Lord." Bahagyang yumuko ang babae bago naglaho na parang bula.
Biglang may masamang ngiti na gumuhit sa mukha ni Diggles habang nakaupo sa trono.
"Pakawalan ang nakababata mong kapatid?"
"Kalokohan."
…
Sa Second Hall. Patuloy pa rin ang labanan sa pagitan ng mga Demon God Enforcer at mga sundalo.
Kahit na sinusuportahan ang mga ito ng Wizard corps, parami pa rin nang parami ang mga namamatay na knight.
Sa bawat Demon God Enforcer na napapatumba nila, may dalawang knight rin na namamatay!
At mas marami pang tao ang nakakatanggap ng malubhang pinsala.
Malala na ang sitwasyon sa laban.
May dala nang mga sibat ang iba sa mga gwardya at pinalibutan na rin ang mga Demo God Enforcer. Mas ligtas man ang istratehiyang ito, hindi naman ganoon kaganda ang epekto nito.
Pinanghihinaan na ng loob ang hukbo ng River Shore City.
"Hindi pa rin natatalo ni Lady Madeline at Sir Collins ang Fegan na 'yon."
Masyadong mahirap kalaban ang mga Demon Gd Enforcer, hindi na natin kakayanin 'to."
"Oo nga, tinatapon na lang natin ang mga buhay natin."
May ilang tao na ang nagsimulang magreklamo sa mga pribadong hukbo ng mga noble.
Mayroon lang dalawampu't dalawang Demon God Enforcer pero pinahihirapan nito ang hukbo ng higit sa isang-daan katao.
Sadyang nakakatakot ang lakas ng mga ito sa laban.
Bawat grupong nakapalibot ay may sensyales ng panghihina.
Nang biglang isang boses ang nagsalita mula sa isang maliit na grupong nakapalibot sa Demong God Enforcer. "Tumabi kayo."
"Ako na ang tatapos."
Nagulat ang lahat sa kanilang nakita.
Si Baron Marvin!
Siya nga!
Kakatapos lang nilang mapanuod ang pagpatay nito sa isang Demon God Enforcer at hindi nila mapigilang balaan ito, "Masyadong mapanganib na kalabanin sila nang mag-isa, Baron Marvin!"
Binunot ni Marvin ang kanyang mga Dagger at mahinahong tumango.
"Hindi na mahalaga 'yon, ako na ang bahala"
Walang nasabi ang lahat, pero nagbigay daan ang mga ito kay Marvin.
Huminga nang malalim si Marvin at biglang sumugod!
Lumingon naman ang Demon God Enforcer at itinaas ang kanyang malaking greatsword, at inatake si Marvin gamit ito.
"Mag-ingat ka, Lord Marvin!" Sigaw ng isa sa mga sundalo.
Ano pa man ang inasal nila noong una, dahil sa pagpapakita ng lakas at kakaibang dunong ni Marvin, itinuring na ng mga sundalo ng River Shore City si Marvin bilang isa sa kanila.
Nakaramdam ng pagkamangha at pag-aalala ang mga tao nang makita nilang haharapin ni Marvin nang mag-isa ang malalakas na Demon God Enforcer.
Marami na sa mga ito ang gumanda na ang tingin kay Marvin at halos sambahin na ito.
Ayaw nilang makitang mamatay si Marvin nang dahil sa Demon God Enforcer!
…
Tila kidlat si Marvin sa bilis, dahil ito sa kanyang Demon hunter Steps at Flicker combo na binibigyan siya ng kakayahang dumaan sa isang mailap na daan.
Matapos niyang iwasan ang greatsword, umatake na rin si Marvin.
Burst! Night Jump!
Tumalon si Marvin sa braso ng Demon God Enforcer, pinulupot nito ang kanyang mga paa sa braso nito at ginamit ang bilis para umikot-ikot.
"Klang!"
Epektibo ng Edge Snatch, at bumagsak sa lipa ang malaking greatswrod ng Demon God Enforcer.
Galit na itinaas ng halimaw na ito ang kanyang kamao at gustong suntukin si Marvin hanggang sa mamatay.
Pero ikinagulat ng lahat ang sumunod na nangyari!
Biglang nagbagong anyo ang katawan ni Marvin.
Naging isa itong malaking Basiliks mula sa pagiging isang payat na tao, at pinuluputan ang Demon God Enforcer!
"Bang!"
Pumilantik ang buntot ng Basilisk sa braso ng Demon God Enforcer kaya nasalag nito ang suntok.
Pagkatapos noon, pumulupot ang katawan ng ilang ulit sa katawan ng Demon God Enforcer!
"Sssss!"
Lumabas ang dila ng Basilisk, at binuksan ang bunganga para kagatin ang ulo ng Demon God Enforcer na noon ay suot pa rin ang kanyang helmet.
Tahimik na bumaon sa armor at bungo ng Demon God Enforcer at makamandag na pangil ng Basilisk.
[Napatay mo ang Demon God Enforcer, nakakuha ka ng 1189 battle exp.]
[Hinigop mo(Basilisk-shape) ang soul fire ng isang Demon God Enforcer. Na-doble ang battle experience. (2378 exp)]