Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 156 - Sullen Shadow Prince

Chapter 156 - Sullen Shadow Prince

"Roar!"

Umalingawngaw sa buong kagubatan ng White River Valley ang atungal ng oso.

Ang mga residenteng inilipat sa Northern Mine ay natakot nang marinig ang atungal.

Sinusubukan naman silang pakalmahin nina Anna at ng mga gwardya.

Kahit na nakakatakot ang mga ingay at kita ang takot sa mukha ng mga ito, makikita pa rin ang pagkahinahon sa kanilang mga mata.

Malaki ang tiwala nila na gagawin ng kanilang Overlord ang lahat para malampasan ang krisis na ito.

Pagkatapos ng laban ngayong gabi, baka kailanganin nilang muling buoin ang kanilang mga bahay. Pero basta nandyan si Lord Marvin, mayroon dilang pag-asa.

Para sa mga taga White River Valley, ang kasalukuyang Marvin ay isang taong kayang gumawa ng mga himala.

"Mama, gusto kong tulungan si Lord Marvin na kalabanin ang mga masasamang tao," sabi ng isang bata sa loob ng kweba.

Isang batang babae ang nagsabi nito. May kagaspangan ang balat nito dahil pinanganak ito sa isang mahirap na pamilya.

Lumapit si Anna, niyakap ang bata at hinimas ang ulo nito. "Mabait na bata. Paglaki mo, kayang-kaya mo nang gawin 'yon."

Matapos sabihin ito, humarap siya sa lahat at sinabing, "Kahit na hindi ko alam kung anong klaseng mga kaaway ang darating ngayong gabi, ginagawa ni Lord Marvin ang lahat para protektahan ang lugar na ito."

"Alam naman ng lahat kung sino ang Twin Snakes Cult. Grupo sila ng mga masasamang tao. Pero maraming inimbitahang expert si Lord Marvin, kaya magtiwala lang tayo sa kanya."

"Kailangan lang natin manatili dito at maghintay na mag-umaga."

"Malapit na ang umaga, maniwala kayo sa akin."

Sa dalampasigan ng nanigas na ilog.

Isang dwelo sa pagitan ng Asuran Bear at Devil Fish ang nagaganap!

Hawak ni Marvin ang alas. Dahil mas malakas talaga ang mga oso kumpara sa isda, kaya naman hindi na masukat ang lakas nito dahil sa Dragon Strength na ininom nito.

Ang inaalala lang ni Marvin ay ang napakalakas na depensa ng Devil Fish!

Walang habas niyang hinahampas ito at kinakalmot, pero tahimik lang na iniinda ito ng Devil Fish.

Ngunit, paglipas ng mahabang oras, mayroon lang kaunting lamat sa katawan nito.

Mahihirapan siyang patayin ito sa taas ng vitality nito!

May limitasyon lang ang pagiging Asuran Bear ni Marvin, pati na ang kanyang Dragon Strength at Bersek Beast.

Ang mas kinainis pa ni Marvin, kahit na mas mahina ang Devil Fish doppleganger ng Crimson Patriarch, marami pa rin itong mga Divine Spell na maaaring gamitin para tumakas.

Pamilya si Marvin sa mga galaw ng mga Divine Spell kaya naman nakatuon ang atensyon ni Marvin sa mga kinikilos nito.

"Bang!"

Isa na namang atake ang tumama sa Devil Fish, kaya naman bumagsak ito sa dalampasigan.

Napigilan na naman niya ang isa pang Divine Spell!

Walang alinlangan na dinamba ito ng Asuran Bear.

Hindi na niya bibigyan ng pagkakataon na tumakas ang Crimson Patriarch. Itinaas nito ang dalawan kamay at niyakap ang Devil Fish, saka niya ito binalibag!

"Bang!"

Nagkaroon ng isang malaking butas sa malambot na dalampasigan.

'Pucha. Ang tibay talaga ng balat niya…' Nararamdaman na ni Marvin na unti-unting nauubos ang kanyang lakas.

Ngayong nababawasan na ang lakas ni Marvin, kapag humaba pa ang laban siguradong wala na siyang pag-asang manalo.

'Kailangan kong bilisan!' Nag-aalala na siya.

...

Sa kabilang banda, kritikal na rin ang kalagayan ng Crimson Patriarch.

Mahusay makipaglaban ang Devil Fish sa tubig. Kaya kung hindi pinatigas ni Hathaway ang tubig, siguradong pinaglaruan na nito ang Asuran Bear.

Pero nawala agad ang lamang ng Devil Fish dahil sa spell ng Legend Wizard.

Wala na itong magawa kundi indahin ang mga atake ni Marvin!

Kaliwa't kanan ang paghagis sa kanya ng Asuran Bear, hirap na hirap na ito sa kanyang sitwasyon!

Kahit na napakalakas ng depensa nito at mayroon itong mataas na Constitution, masakit pa rin ito.

Siya ang kapita-pitagang Twin Snakes Patriarch, pumapangalawa sa World Ending Twin Snakes.

Pero hinahagis-hagis lang na parang isang laruan ng isang oso? Hindi ito katanggap-tanggap.

Pero wala itong magawa.

Napipigilan ang kanyang mga Divine Spell sa tuwing sinusubkan nyang gamitin ang mga ito.

Tila mukha isang tatanga-tanga at malamya ang osong ito, pero bawat atake nito ay nasa tiyempo.

Nagamit na niya ang Life Severing Shriek at ang Void Shift naman ay hindi pwede magamit kapag nasa anyo siya ng Devil Fish.

Nagpapaikot-ikot na lang siya.

Gagamit siya ng Divine Spell? Pipigilan. Lalaban? Ihahagis. Tatakas? Haharangan…

Mabilis na bumagsak sa lupa ang Crimson Patriarch!

Pumasok ang napakaraming ideya sa kanyang isip, pero hindi siya makahanap ng paraan para tumakas.

Ang masama pa rito, tila alam ng oso ang lahat ng tungkol sa kanya. Sa bawat galaw niya ay mabilis na nakakabawi ang oso.

Napakapangit sa pakiramdam nito!

Pero may pag-asa pa si Auzin.

Dahil naramdaman niyang kaya naging ganito kalakas ay may ginamit itong kakaibang pamamaraan.

Unti-unti na itong nanghihina.

Hinihintay na lang ni Auzin ang tamang pagkakataon para makatakas.

Unti-unti nang hinihingal na ang oso. Dinaganan nito ang Devil Fish at tila gusto nitong dukutin ang mga mata nito, pero pumikit si Auzin at napakatibay rin ng mga talukap ng mata nito. Hindi makalusot ang kuko ng oso!

Wala pa rin nakakalamang sa dalawa at nanatiling table ang laban.

"Constantine!"

Umalingawngaw ang boses ni Endless Ocean.

"Ako bahala." Mahusay na iniwasan ni Constantine ang atake ng Basiliks, patuloy namang binarbaril nito ang bahagi kung saan nahahaati ang mga ulo ng Basilisk!

Dahil sa pagpatay ni Inheim sa Goshawk, dalawa na lang ang natitira.

Gumamit ng isang spell si Endless Ocean para hindi makagalaw ang isa sa mga ulo. Nagpakawala namang ng dilaw na hamog na may lason ang isa pang ulo nito.

Pero dahil sa Warding Wind ni Endless Ocean, agad na nawala ang hamog at wala nang natira pa.

"Bilisan mo!" Sinulyapan ni Endess Ocean nag nagaganap na laban sa malayo. Alam niyang hindi na magtatagal si Marvin.

Alam rin nito ni Constantine.

Ang problema lang, ang Basilisk na ito ang pangunahing katawan ng Crimson Patriarch, kaya naman ito ang pinakamalakas sa lahat. Sunod-sunod ang pag-cast ng mga Divine Spell nito. Kung hindi dahil sa patuloy na pagtulong sa kanya ni Endless Ocean, marahil natalo na si Constantine!

Napakalas rin ng depensa ng Basilsik.

Enchanted ang mga baril at mga bala ni Constantine, at bawat isa ay gawa sa ginto! Napakamahal ng mga ito.

Kung ibang halimaw ang kalaban nito, tadtad na ng butas ang mga ito.

Pero mga gasgas lang ang makikita sa leeg ng basilisk.

Sadyang napakatibay ng depensa nito…

'Seer nga talaga si Hathaway, hindi niya ako niloloko.' Isip-isip ni Constantine.

Nagngalit ang ngipin nito at makikita ang sakit na naramdaman nito sa kanyang mukha.

''Yon na lang ang pwede kong gamitin.'

Sa susunod na sandal, tumalon ito para iwasan ang atake ng Basiliks habang itinatabi ang dalawang baril niya.

Mahusay itong tumalon sa ulo ng Basilik at nagpadula pababang leeg nito.

At biglang tumigil ito na para bang nakadikit ang mga paa nito sa Katawan ng Basilisk.

Mayroong mga gasgas sa bahaging 'yon!

"Pucha, mapipilitan akong gamitin ang Demon Slaying Sword, patay ka na Auzin!"

Pinagdikit ni Constantine ang kanyang mga palad na tila nagdarasal, saka niya pinaghiwalay ang mga ito. Isang kulay abong greatsword ang biglang lumabas sa kanyang mga kamay!

Tila naramdaman ng Basilisk ang panganib. Kaya naman nagsimulang iwasiwas ang katawan nito para subukang alisin si Constantine sa likuran nito.

Pero mabilis na tinulungan ni Endless Ocean si Constantine!

[Legend Divine Spell – Swamp Prison]!

Biglang lumabot ang lupa sa paligid ng katawan ng Basilisk, at hindi na ito makagalaw.

Unti-unting itinaas ni Constantine ang kanyang Demon Slaying Sword, inikot niya ang katawan bago tuluyang inatake ang bahagi na mayroong mga gasgas gamit ang greatswrod!

Biglang mayroong lumabas na mga simbolo sa Demon Slaying Sword.

Tahimik na nahiwa ng greatsword ang leeg ng Basilisk at direktang naputol ang pangunahing ulo nito!

"Kruuash…"

Isang kakaibang tunog ang umalingawngaw. Agad na naging bato ang katawan ng Basilisk dahil sa pagkakaputol ng pangunahing ulo nito.

Nadurog naman ang bato at napirapiraso. Bigla namang lumipad sa kalangitan ang Demon Slaying Sword na nasa kamay ni Constantine. Naging isang bulalakaw ito at lumipad pa-hilaga!

"Napakadamot… Mukhang hindi ko na ulit mahihiram ulit."

Bulong ni Constantine habang naglalakad sa mga batong dating katawan ni Auzin. Makikita ang panghihinayang sa mukha nito.

Ang Demon Slaying Sword ang pinakamalakas na kagamitan ni Constantine. Nagawa niya itong hiramin para magamit ng tatlong beses, at iyon na ang ikatlong gamit niya dito.

Pagkatapos itong magamit, lilipat naman ito sa ibang tao.

'Half-artifact pa naman 'yon…'

"Sige na!" Pakiusap ni Endless Ocean, "Malapit nang maabot ni Marvin ang limitasyon niya."

Sa loob ng kagubatan, pinalilibutan ng tatlong Legend ang Shadow Prince.

"Ano mang gawin niyo, hindi lalagpas sa isang doppleganger ang mawawala sa akin ngayong gabi. At siguradong mamatay ang isa sa inyo ngayong gabi!" seryosong sabi ni Glynos.

Bigla siyang naging malabo!

Si Hathaway ang pinupunterya niya!

Nang biglang may sampung kulay asul na krystal ang lumitaw sa dibdib ni Hathaway!

'Space-Time Diamonds!'

Nanlaki ang mga mata ni Glynos at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Natigilan siya sa kinatatayuan niya!

[Legend Spell – Space-Time Bind]!

Isa ito sa mga nakakatakot na spell na natutunan niya matapos niyang mag-advance sa pagiging Legend. Pero mayroong matinding kinakailangan para ma-cast ang spell na ito. Kailangan nito ng sampung Space-Diamond bilang casting material, bawat cast ay lalamunin ang isa sa mga ito!

'Ano naman kung mayroon kang Space-Time Bind?'

'Mayroon ring Divine Power ang avatar ko, kayang-kaya niyang tapatan ang ganyang uri ng spell!'

'Ang dalawampung segundong Space-Time Bind ay mapipigilan lang ako ng hindi lalagpas sa dalwang segundo!'

Ito ang iniisip ng Shadow Prince.

Pero higit pa sa kanyang inaakala ang mga sumunod na nangyari.

Isa-isang nawala ang mga Spce-Time Diamond na nasa dibdib ni Hathaway.

Bahagyang namutla ang kanyang mukha.

Sa loob lang ng tatlong segundo, ginamit niya ang [Space-Time Bind] ng hindi bababa sa sampung beses!

Sa madaling salita, kahit na umepekto pa ang Divine Power resistance, dahil sampung beses ginamit ang spell na ito, mapipigilan pa rin siya nito ng dalawampung segundo!

Matapos ma-cast ang panghuling spell, nanghihinang bumagsak si Hathaway sa lapag!

Ginamit na niya ang lahat ng lakas niya para sa spell na 'yon.

"Anong ginagawa mo?!" Natataranta na ang Shadow Prince.

Tiningnan niya si Inheim, pero hindi niya inasahang hindi kikilos si Inheim.

"Hehe… Ako naman?"

"Ilang taon akong walang ginawa, ilang tao kaya ang nakakatanda…"

"Ang titolo ng unang God Thief!"

Lumapit si Owl at tumawa. Sa isang iglap, labing-limang paper doll doppleganger ang lumitaw!

Sa kabuoan ay labing-anim Shadow Thied, kasama si Owl, ang umatake sa Shadow Prince at hinawakan si Glynos!

[Legendary Steal]

Naging berde ang mukha ng Shadow Prince!

"Plop!"

Sa una, nawala ang kanyang mga damit at pang-ilalim at direktang inihagis sa kagubatan.

Sa susunod na sandal, ang isang larawan ng isang goddess na guto niya ay nakuha at inilagay sa lapag.

Nagtulong-tulong ang labing-anim na Shadow Thief para palalisahin ang Shadow Prince!

Hindi mabilang ang mga kamay ang humihimas sa mala-diyos na katawan ng Shadow Prince.

Hindi na ito maituturing na pakikipaglaban!

Napakalaswa nito!

Napakalaswa!

Pakiramdam ng Shadow Prince ay mababaliw siya!

Para bang ilang-daang taon ang nagdaagn dalawampung segundo.

Habang nakakatakot na tumatawa ang Shadow Thief na si Owl, ninakaw ang kanyang mga kagamitan at ibinato kung saan-saan, kapaki-pakinabang man ang mga ito o hindi.

Sa pang labing-isang segundo, isang pares ng pakpak ang biglang lumitaw sa kamay ng Shadow Thief.

Bago pa man niya masiyasat ang mga ito bigla na lang lumipad sa kalangitan ang mga pakpak!

"Isang artifact…" Ngumiti si Owl, tahimik lang na pinagpatuloy ni Owl ang pagkapkap sa katawan ng Shadow Prince.

Pinanuod lang ni Iheim ang Shadow Prince.

Ang dahilan kung bakit niya hinanap sina Hathaway at Owl ay hindi para patayin o ipahiya ang Shadow Prince kundi para nakawin ang isang bagay mula rito.

Ang Time Molt!

Mayroong na lang pitong segundong natitira. Pinagpapawisan na si Owl. Matindi ang hirap ng Legendary Steal.

Hubo't hubat lang na nakatayo ang shadow prince sa kagubatan habang umiihip ang malamig na hangin sa katawan nito.

Kasabay nito, labing-anim na lalaki ang patuloy na humahawak sa kanyang katawan.

Ikinainis ito ng Shadow Prince.

Parang gusto na niyang umitak.