Kumukurap-kurap ang mga ilaw sa loob g Hidden Granary. Kakaiba ang pakiramdam sa loob.
Wala nang katao-tao sa lugar na 'yon, walang kahit ano.
Ang mga taong kontrolado ng mga 2nd rank Cleric ay nagtakbuhan na palabras matapos mamatay ng lahat ng mga Cleric. Kaya naman wala nang naabutan ang garrison ng Black Dock Harbor.
"Anong nangyari? Sa tingin mo ba sinabi ng binate ang tungkol sa pagsugod natin?"
"Kaya umalis na kaagad sila?"
Nayayamot namang tiningnan ng 3rd rank Wizard ang kanyang kapaligiran.
Wala nang kabuhay-buhay ang buong Hidden Granary. Walang ni isang nilalang ang naiwan.
Ang nakita lang nila ay bangkay ng dalawang Osse Dog na sugatan.
Wala nang iba.
"Sir, mukhang wala talagang kahit ano rito."
Balita ng ilang rogue ang bumalik matapos ng kanilang pagmamanman sa loob.
Nayayamot namang tiningnan ng 3rd rank Wizard si Old Tucker. Seryoso naman ang mukha ni Old Tucker at napa-iling na lang.
"Maniwala ka sa skill ko, kaibigan," sabi ni Old Tucker.
Agad namang kinapa ng Wizard ang dala nitong lagayan ng gamit. Nang maramdamang naroon pa ito, nakahinga ito ng maluwag at sinabing, "Alam ko kung ano ang kakayahan mo."
"Magpatuloy na tayo."
Pero nang mga sandaling 'yon, nagbalik ang isa pang rogue, gulat na gulat ito. "Sir may nakita po ako!"
Paglipas ng tatlong minute, nakarating na ang lahat sa kweba ng Oficer Cleric!
Mayroong bangkay ng Basilisk, at bangkay ng anim na 2nd rank Cleric. Makikita rin ang bakas ng isang matinding labanan…
Makikita ang gulat sa mukha ng lahat!
Habang tinitingnan nila ang mga bakas, malinaw na nagkaroon ng malaking labanan dito.
Matindi rin ang mga sugat na natamo ng anim na 2nd rank na Cleric.
Kapareho ng mga sugat ng mga ito ang sugat ng dalawang Osse Dog.
"Siguradong ang Basilisk na 'to ang Officer Cleric ng Twin Snakes Cult na nagpalit anyo…"
Di maipinta ang mukha ng 3rd rank Wizard, "Para mapilitan itong magpalit anyo at maging basilisk, pagkatapos ay pinira-piraso pa ito… isang Legend baa ng may kagagawan nito?"
Tahimik na umiling si Old Tucker.
Lumapit siya sa isa sa mga 2nd rank Cleric at tiningan mabuti ang ikinamatay nito, saka ito nakaraiting sa isang konklusyon.
"Kaibigan! Maniniwala ka ba kapag sinabi kong lahat sila'y mag-isang napatay ng binatang noble?"
Umismid ang Wizard, "Hindi ba Ranger siya na malapit nang umabot ng 3rd rank?"
"Imposible."
Pero siguradong-sigurado si Old Tucker. "Parehong-pareho ang mga marka."
Natigilan ang Wizard, seryoso nitong tiningnan si Old Tucker at halos lumubog ang mga mata sa gulat.
Walang alam ito kung ano ang koneksyon ni Old Tucker at ng noble na 'yon pero alam niyang hindi magsisinungaling si Old Tucker.
Hindi rin maitatanggi ang galing ng Tracking skill ng Halfling na ito.
"Galing siya rito," sabi ni Old Tucker habang tinitingnan ang mga malabong bakas ng paa sa lupa.
Nanatiling tahimik ang 3rd rank wizard.
Kahit na hindi niya ito matanggap, lahat ng ebidensiya ay ito ang sinasabi!
Isang 2nd rank na binatang noble ang mag-isang tumapos sa isang sangay ng Twin Snakes Cult!
Isang bagay ito na hindi kayang gawin ng maraming 3rd rank na Wizard.
Pero nagawa ito ng lalaking 'yon.
"Sino siya? Anong pangalan niya?" Hindi mapigilang tanong ng Wizard.
"Ang pangalan niya ay…" Sagot ni Old Tucker sa kanyang isipan.
Nang bigla siyang pinigilan ng 3rd rank na Wizard, "Sandali!"
Bigla rin natigilan si Old Tucker.
Nagkatinginan ang dalawa at nanatiling tahimik.
Napagtanto nilang hindi maaaring lumabas ang pangalan nito, kahit pribado pa ang usapan!
Maraming iba't ibang tao ang kasapi sa mga gwardya at malakas ang kakayahang manghimasok ng Twin Snakes Cult… Paano na lang kung nagkataon na may nakikinig?
Kapag sinabi nila ang pangalan nito, maaaring subukan siyang patayin ng Crimson Partiarch habang pasibol pa lang ito!
Kahit na matabil ang dila ng 3rd rank na Wizard na ito, dahil naging kaibigan naman ito ni Old Tucker, mukhang hindi naman masama ang taong ito.
Bigla nitong seryosong sinabi na, "Halughugin niyo ang buong kamalig na ito, tingnan niyo kung may naiwan pang bakas ng Twin Snakes Cult."
"Kung wala naman sunugin niyo na ang lahat."
"Ipagbigay alam niyo sa lahat na ang Black Dock Garrison ang tumapos sa base na ito. Siguradong malaking pabuya ang makukuha natin sa ating pagbalik!"
Tahimik na tumango ang lahat. Alam nilang pinoprotektahan ng Wizard ang binatang 'yon sa pamamagitan ng pagpukaw ng atensyon ng Twin Snakes Cult.
Hindi natatakot ang Black Dock Harbor sa paghihiganti ng Twin Snakes Cult dahil suportado sila ng South Wizard Alliance, kaya wala silang dapat ikatakot!
Dahan-dahang tumayo si Old Tucker, hindi pa rin ito makapaniwala. Pero nang maalalang pinatay ni Marvin ang Red Spider na si Elizabeth, na matagal nang nagdudulot sa kanya ng problema, ay hindi niya maiwasang matuwa.
Maraming pang henyong natitira sa mundo.
...
Tuloy lang ang pagdaloy ng napakalamig na ilog. Natapos na rin ang kadiliman at may liwanag nang lumabas sa harap ni Marvin.
'Sa wakas!'
Natuwa si Marvin, habang nakahiga pa rin siya sa likod ng golden bull, sinusundan pa rin nito ang daloy ng ilog.
Isang beses pa lang siyang nakadaan dito sa laro. Noong mga panahon na 'yon, may tinatakasan siyang gurpo na humahabol sa kanya. Direkta siyang nakatakas patungong River Shore City, panandalian siyang nanatili doon at nakisalamuha. Pero ang pinakamalaking rason ay ang pag-farm niya sa Scarlet Monastery na instance.
Hindi naman niya gaanong binigyan ng pansin ang White River Valley. Maliit na lugar lang ito at wala rin naman siyang mapapala rito.
Ngayong naisip na niya ito, ang ilog na ito ay ang isa sa mga sangay ng ilog na dumadaloy sa White River.
Pero dahil walang makapasok dito dahil sa malapit ito sa Shrieking Mountain Range, walang pakielam ang mga tao rito.
Diretsong mapupunta ang mga golden bull na ito sa White River Valley basta sundan lang nito ang ilog!
'Mukhang bukod sa Spider Crypt, pwede ring magamit ang ilog para makabalik ng White River Valley mula Jewel Bay."
Pinagisipan ito ni Marvin.
Nahiga siyang muli sa likod ng golden bull at nagpatuloy na nagpa-anod.
Hindi nagtagal, nakita na ni Marvin ang mga pamilyar na mga tanawin. Isang masukal na gubat, maliit na sapang nakakonekta sa White River.
Malaki ang inilawak ng ilog. Tiningnan ni Marvin ang kanyang mga Wishful Rope, sinisigurado niyang bawat golden bull ay kasunod niya sa kanyang pag-uwi.
Napaka-aga pa nang mga oras na 'yon. Maraming farmer sa White River Valley ang nagsimula nang linangin ang lupa.
Ang trigong naaninila noong tag-init ay napakahalaga. Kahit na marami nang nagugutom, nagpursigi pa rin sila sa kanilang pagsasaka.
Kung hindi nila lilinangin ng maayos ang lupa, hindi sila makakapag-ani sa tag-lagas. Para naman sa paparating na tag-lamig, wala na silang magagawa rito.
Noong mga nakaraang araw, sinabi ni Dame Anna na personal na pumunta si Lord Marvin sa Jewel Bay para kumuha ng pagkain na siguradong magkakasya para sa buong tag-lamig.
Pero maraming tao ang duda rito.
Kahit pa tila ibang-iba na si Lord Marvin kumpara noon.
Matapos mabawi ang White River Valley, mailap pa rin ito sa mga tao, pero nagdulot naman ng kabutihan ang mga ibinaba nitong kautusan. Ang pagpatay niya sa ibaba ng kanyang palasyo ay malaki ang naiambag para mabago ang kanyang imahe, bukod sa pagiging prestihiyoso, nakadagdag rin ito ng kantanyagan sa kanyang dating malumanay at mabait na pag-uugali.
Mas naging kapani-paniwala pa ang balitang si Baron Marvin ang Masked Twin Blades.
Para sa karamihan, ang kasalukuyang Marvin ay mas nagmumukha nang isang Overlord na kayang ipagtanggol ang kanyang teritoryo.
Gayunpaman, hindi pa rin sila naniniwalang makakapagdala ito ng pagkain.
Lalo pa't napakalayong lugar ng Jewel Bay.
Karamihan pa sa mga farmer dito ay buong buhay nang naninirahan sa White River Valley. Ang pinakamalayong lugar na naabot ng mga ito ay ang minahan.
Narinig nila na mayroong isang malaking bundok ang naghihiwalay sa White River Valley at Jewel Bay, at ang paglalakbay paikot dito ay aabutin ng hindi bababa sa kalahating buwan.
Mabagsik na tao si Lord Marvin, pero hindi naman niya kayang lumusot sa bundok hindi ba?
Ito ang nasa isipan ng karamihan ng mga tao.
…
Ito rin ang nasa isip ng matandang si Old Tom.
Bilang isa sa mga pangkaraniwang farmer mula sa White River Valley, isa siya sa mga unang henersyon ng mga farmer na sumunod sa lolo ni Marvin patungo dito.
Mas marami tong nalalaman kumpara sa ibang mga farmer dahil kahit papaano'y nakarating na ito sa River Shore City.
Alam niyang, hindi magtatagumpay si Marvin maliban na lang kung bigla itong naging isang makapangyarihang Wizard tulad ng kanyang lolo.
"Sa kasamang palad, ang tunay na nagmana ng kakayahan ng Old Lord ay si Master Wayne. Kaso nga lang nag-aaral pa ito ng magic sa malayong lugar."
"Mukhang hindi na natin maiintay ang magic ni Master Wayne."
Noong nililinang ni Old Tom ang bukid, kausap nito ang kanyang anak habang humihipak ito ng tabakong sila mismo ang may gawa.
Sumang-ayon naman ito sa kanyang ama at ipinagpatuloy ang pagtatrabaho.
Masakit para kay Old Tom na makitang papayat nang papaya ang kanyang anak araw-araw. Kahit na namimigay si Dame Anna ng pagkain araw-araw, hindi pa rin ito sapat!
Pagkatapos ng pananakop ng mga gnoll, mas lalong naghirap ang pamumuhay ng mga tao.
Bumuntong-hininga ito at tumingala. Nang biglang may napansin itong aninong lumulutang sa White River.
'Anong…'
'Ano 'yon!'
Hindi maaninag ni Old Tom kung ano ito kaya agad nitong tinawag ang kanyang anak.
Tumingin naman si Little Tom at nagulat sa kanyang nakita sa White River. Mayroong ginintuang bagay at nakatayo ang isang lalaki dito.
Ilang saglit pa ay sumigaw ito, "Si Lord Marvin!"
"Bumalik na si Lord Marvin!"
….
Bumalik si Lord Marvin!
Naging isang malaking kaganapan ito sa White River Valley!
Di nagtagal, lahat ng mga farmer sa White River Valley ay gulat na gulat nang nakatingin na kay Marvin. Ikinalat pa nila ang balita sa ibang tao sa loob lang ng maikling panahon. Kaya anmang ang kanina'y tahimik na White River Valley ay napuno ng ingay at pagkasabik!
Ilang minuto pa ang lumipas, dumaong na si Marvin sa isang patag na bahagi ng dalampasigan.
"Lord Marvin!"
Hindi mabilang ang mga taong naki-usyoso. At nang marinig ng garrison at ni Anna ang balita, agad ring pumunta ang mga ito.
Lalong-lalo na si Anna; hindi niya inakalang sa ganitong paraan babalik si Marvin sa White River Valley!
Hindi ba't isinama niya si Lola na bumili ng pagkain sa Jewel Bay? Bakit siya nagdala ng napakaraming golden bull pabalik?
Bago pa man mapakagsalita si Anna, hinila ni Marvin papunta sa dalampasigan ang mga golden bull sa pamamagitan ng paghila nito sa isa sa mga ulo ng golden bull!
Nagkagulo ang lahat!
Ganito pala kalakas si Lord Marvin! Kung titingnan, parang napakabigat ng mga ito pero nagawa niyang hilahin padalampasigan nang mag-isa ang mga ito.
Napakamahiwaga!
Pero maraming tao pa rin ang nagulat, "Hindi bumuli ng pagkain si Lord Marvin?"
"Magkano kaya ang bili niya diyan sa mga golden bull… Gaano karaming pagkain kaya ang maipapalit para sa isang golden bull!"
"Ang tanong, saan niya kaya ipapalit ang mga 'yan?"
Nagdududa na ang lahat.
Hinila ni Marvin ang isang Golden Bull at sinabihan si Anna na maglagay ng isang malaking sapin sa dalampasigan.
Binigkas ni Marvin ang isang incantation, at sa harap ng lahat, unti-unting binuksan ng golden bull ang bibig nito.
"Krshhh!"
Bumuhos ang ginintuang trigon a para bang umuulan!
Sa isang iglap natahimik ang lahat nang nasa dalampasigan.
"Wag na kayong mag-alala" Bahagyang ngumiti si Marvin. "Nagbalik na ako, wala nang magugutom."
Naghiyawan ang mga tao sa sobrang galak.
Nagdiwang ang buong White River Valley!