Natahimik ang buong Spider Crypt.
Tiningnan ni Lola si Marvin, bahagyang nagulat ito at pabulong na itinanong, "Bakit mo pinipisil ang mukha ko?"
Hindi siya pinansin ni Marvin, tumayo ito at tumingin sa direksyon kung saan pumunta ang Red Spider.
"Umatras na muna siya sa ngayon," seryosong sabi ni Old Tucker. "Sinabi ko naman sa inyo tuso ang Matriarch Spider na 'to. Ilang beses ko na siyang sinubukang patayin, pero imposible kong magawa 'yon na ako lang mag-isa."
"Kakayanin, kung magtutulungan tayo," kampanteng sabi ni Marvin.
Tiningnan ni Old Tucker si Marvin, at matapos ang panandaliang pagdadalawang isip, tumango ito.
Naramdaman nitong mas malakas pa si Marvin kesa sa kanyang rank.
Sa mga sumunod na sandali, agad na tumakbo ang Halfling patungo sa kaloob-loban ng kweba!
"Sundan niyo akong mabuti!"
Hinila ni Marvin si Lola bago siya sumunod kay Tucker.
Alam niyang sinusundan ni Old Tucker ang naiwang bakas ng Red Spider.
Isa itong pambihirang skill.
Tanging ang advanced class ng mga Thief ang merong [Tracker].
Ang Night Tracking ni Marvin ay kailangan pa ng gamit na pagmamay-ari ng kanyang susundan para matunton ito. Habang nagbato lang ng bolang apoy ay kaya na siyang sundan ni Old Tucker kahit na wala itong gaanong bakas na naiwan.
Walang kahirap-hirap at mabilis na nasusundan ni Old Tucker ang Red Spider. Isang bagay na tanging si Old Tucker, na isang tunay na tracker lang ang makakagawa!
Habang patuloy ang pagsunod ni Old Tucker, sinundan lang siya ng mabuti ni Marvin. Natataranta namang hinawakan ni Lola si Little Tucker at sinabing, "Protektahan mo ko!"
Namula ang batang Halfling. Hindi siya gaanong nakakahalubilo ng mga babae, at si Lola ay isang magandang babae.
Hinawkaan niya nang mahigipit ang hawak niyang dagger at tumango.
Ngumiti si Lola, bahagyang nakampante ito, at biglang sinabi sa Halfling, "Oh ano pang tinitingin-tingin mo, bilisan na natin!"
"Anong gagawin natin kapag nawala natin sila?"
"Kasalanan mon a 'yon, ni hindi ko nga makita ang mga anino nila!"
…
Sa kaloob-looban ng lagusan, biglang bumagal si Old Tucker, nagmamasid.
Pambihira ang ginawang pagkilos ng Red Spider. Pinag-aralan niya ito nang mahabang panahon.
Ang kakaibang pamamaraan ng paglalakad na ito ay mag-iiwan ng kakaibang mga marka. Dito umasa si Old Tucker para masundan ang Red Spider.
Sinundan lang ni Marvin si Old Tucker, hinawakan niya nang mahigpit ang kanyang mga dagger.
Kahit na sanay silang magtrabaho nang mag-isa, hindi na rin masama ang pagtutulungan ng mga high level na tao. Sa mga expert, hindi na kailangan ng maraming salita, simpleng senyas lang ay sapat na para maiparating nila ang mga nais nilang sabihin.
Malapit na.
Mas komplikado ang bahagi ng lagusan na ito.
Ang pangunahing daan ay malalim na lagusan pa rin, makikita naman ang mga butas sa mga pader nito. Napakaraming buto ang nakakalat sa paligid nito.
Pagmamay-ari ng mga adventurer ang mga buto na ito.
Dahil sa dami ng mga buto ng adventurer, ibig sabihin malapit na sila sa Jewel Bay.
Pumasok ang mga ito sa Spider Crypt sa lagusan na malapit sa Jewel Bay.
Hindi tumatagal ang mga adventurer na ito bago sila humantong bilang pagkain ng mga spider.
Tahimik lang na sumenyas si Old Tucker, itinuturo nito ang isang kweba sa bandang itaas.
Tumango si Marvin.
Agad siyang tumauo sa gilid, at ginamit ang Hide. Walang kahirap-hirap na puamsok si Tucker nan aka-Stealth.
[Summon Night Crow]!
[Shadow Doppelganger]!
Agad namang lumabas ang mga skill ni Marvin. Nag-Hide din ang Shadow Doppleganger.
At lumipad naman papasok sa kweba ang uwak.
Matapos niyang i-summon ang Night Crow, lumitaw rin sa kanyang hara pang nakikita ng Night Crow.
Nakakapagpalit siya ng kanyang nakikita, mula sa kanyang sariling nakikita at sa nakikita ng Night Crow.
Mayroon ring Darksight ang Night Crow kaya malinaw itong nakakakita kahit na napakadilim sa loob ng lagusan.
May ilang kulay pulang tuldok na makikita sa loob ng kweba.
Alam ni Marvin na ito'y mga bakas ng nakakalasong apoy ng Red Spider. Bawat kulay pulang marka ay makamandag!
Kung madidikitan ng pangkaraniwang tao ang kamandag ng Red Spider, agad-agad itong mamamatay!
Ito ang dahilan kung bakit sobrang nakakatakot ang Spider Matriarch na ito. Kung ikukumpara sa Red Spider, maituturing pang maamo ang ibang mga gagamba.
'Tatlong beses sa isang araw kayang magdura ng apoy na makamandag ang Red Spider. Nagamit na niya ito ng isang beses, kaya kung gusto nating ligtas na mapatay ito, kailangan nating itong piliting gamitin pa ang dalawang natitirang atake nito."
'Ang una nating kailangan gawin ay palabasin siya sa lungga niya!'
Kumabog ang puso ni Marvin, bigla niyang kinontrol ang Night Crow para lumipad-lipad sa loob ng kweba.
Sinandya ni Marvin na paliparin ito nang maingay at agad naman itong nakita ng Red Spider!
Bigla itong lumapit sa Night Crow at tila dadambahin na niya ito.
Matagal na itong naninirahan sa madilim na lagusang ito, at mawalak na ang kalaaman nito kung ikukumpara sa ibang mga hayop, pero ang isang hayop na gaya ng uwak ay hindi pamliyar para sa kanya.
Hindi pa siya nakakakita ng ganito dati. Kaya naman naging mausisa ito dito.
Pero mahusay ang paglipad ng Night Crow, bumababa ang lipad na tila tatakas ito.
Mabilis namang gumapang pababa ang Red Spider para habulin ito.
…
Pagkakataon ko na!
Hindi kumikilos sa dilim si Marvin sa dilim. Hindi niya rin makita si Old Tucker, pero alam niyang isang Thief ito kaya alam niyang hindi ito kikilos hangga't hindi kinakailangan,
Kailangan pa rin niyang umasa sa sarili niya.
Mahirap talagang hanapin ang kweba ng Red Spider. Sa katunayan, ito ang pinakatrabaho ng mga Thief sa mga grupo.
Medyo mahina ang mga Thief kung labanan ang usapan. Dahil kahit na ang isang makapangyarihang Phanton Assassin, isa o dalawang beses lang kayang gumamit ng burst. At kapag hindi pa nila napatay ang kanilang kalaban, maaaring mamatay sila.
Mayroong tatlong bagay na nagpapahirap sa pagkalaban sa Red Spider. Una, ang taglay nitong kaalaman. Ikalawa, kaya nitong magbuga ng apoy na makamandag. At ikatlo, magaling itong magtago.
Nagawan na ni Old Tucker ng paraan ang ikatlo sa mga ito, kaya naman masaya na si Marvin dito.
Pumagaspas palabas ang Night Crow, kasunod nito ang isang malaking gagambang kakaiba ang paggapang.
Ang Red Spider na si Elizabeth ay isang Black Spider na dumaan sa isang mutasyon. KAtulad lang rin siya ng iba pang mga Black Spider, kaunting sutla lang ang kayang gawin kaya madalas ay umaasa sila sa paggapang.
Sinadya ni Marvin na pabagalin ang Night Crow. Dahil dito, nahuli ito ng Red Spider at inilapit sa panga nito!
Sa sumunod na sandal, isang anino ang biglang lumabas at inatake ang Red Spider na nasa harapan!
Binuksan ng Red Spider ang kanyang bunganga at lumabas ang nakakatakot na bola ng apoy. Direktang tinamaan naman ang nasabing anino.
"Pshhh…"
Ang mala-taong anino ay biglang naging tila isang tumpok ng anino na lang at kumalat sa lupa.
Naggamit na ang Shadow Doppleganger!
Nakapaghanda na si Marvin. Malakas rin naman siya kaya hindi na niya kailangan pa ang kanyang Shadow Doppleganger. Ginamit lang naman niya ito bilang pandoble lang sa kanyang sarili na makakapagligtas sa kanya.
Nagawa nilang ipagamit sa gagamba ang ikalawa nitong atake.
Nagbilang nang tahimik si Marvin.
Kasabay nito, napansin ng Red Spider na mayroong mali at bumalik muli sa kanyang kweba!
'Hindi siya pwedeng makatakas!'
Nagngalit ang ngipin ni Marvin, handing-handa na siyang kumilos,nang biglang may aninong bumagsak mula sa kisame!
Si Old Tucker!
Gulat na gulat si Marvin habang pinapanuod ang Halfling na bumabagsak galing sa kisame ng lagusan. Tila ba naglakad sa kisame ang lalaking ito.
Bihira lang siya makakita ng ganito, at bampira lang ang nakita ni Marvin na gumagamit ng ganito!
Mas mahusay pa kesa kay Marvin ang pagkilos ni Old Tucker!
Dahan-dahan naman itong lumapag sa katawan ng Red Spider at walang habas na isinaksak ang dalawang ancient green dagger sa ulo ng Red Spider.
"Skrrrrrrrh!"
Isang hindi kaaya-ayang hiyaw ang umalingawngaw. Nanlambot ang mga paa ng gagamba, kaya naman agad itong bumagsak sa lapag mula sa kisame.
At ang maingat na si Old Tucker ay sinamantalaga ang pagkakataon na ito at muling nawala mula sa paningin ni Marvin!
'Hindi na nakakapagtakang buhay pa ang lalaking 'yon hanggang ngayon. Masyado siyang maingat.'
'Ibinabad sa lason nag mga dagger… pero napakataas ng Poison Resistance at HP ng Red Spider.'
'Siguradong hindi pa siya namatay sa atakeng 'yon.'
Tiningnan ni Marvin ang Red Spider na panandaliang nagpagulong-gulong bago tuluyang umakyat muli. Huminga siya nang malalim bago niya tanggalin ang Hide!
Saktong-saktong tumama an gang isang dart sa ulo ng Red Spider!
Biglang namang nagalit ang Red Spider at agad na binugahan si Marvin ng makamandag nitong apoy!
'Masama 'to!' Si Old Tucker na nagtatago ay nagulat.
Hindi niya inakalang magiging mapusok si Marvin!
Pero sa sunod na sandali, biglang bumaling pa-kanan ang katawan ni Marvin.
Burst!
Shadow Step!
Sinundan naman ito ng… Anti-Gravity Steps!
Muntik nang tamaan si Marvin ng makamandag na apoy. Kasabay nang pagtakbo sa kisame ni Marvin ang pag-iwas nito sa bawat atake ng Red Spider.
"Hissssssss!"
Galit na umatungal ang Red Spider kay Marvin.
Sinipa naman ni Marvin nang malakas ang matigas na pader ng lagusan at mabilis na nakababa mula sa kisame. Magkasunod naman ang pag-atake nito gamit ang dalawang dagger!
"Klang!""Klang!"
Halos hindi na nasalag ng Red Spider ang atake ni Marvin gamit ang mga galamay nito!
Pangkaraniwan lang ang power level ni Marvin. Ngunit, napakataas naman ng speed nito.
Ilang segundo lang ang inabot para maka-20 na hiwa dito!
Ika-21 na hiwa!
Biglang nagkaroon ng malabong na marka sa mga galamay ng Red Spider!
Ika-22 na hiwa!
At tuluyan na ngang naputol ang kaliwang galamay ng Red Spider, kaya naman nagpagewang-gewang ito.
Kitang-kita ang bonus ng Reckles Dual Wielder. Nagdulot nang matinding pinsala sa Red Spider ang sunod-sunod na pag-atake ni Marvin.
"Ha!"
Pagkatapos nito, tumalon naman nang napakataas si Marvin. Ang Red Spider naman na nawala ang isang bahagi ng depensa nito, ay sinubukan namang kagatin si Marvin.
Agad namang iniwasan nito ni Marvin at napunta sa likod ng gagamba.
Umikot ito, pinagdugtong niya ang dalawang dagger para makabuo ng tila gunting. Saka nito sinaksak ang likod ng Red Spider na isinama pa ang bonus ng Reckless Dual Wielder!
Bumagsak sa lupa ang ulo ng Red Spider!
"Plop!" Bahagyang napa-atras ang katawan nito bago tuluyang bumagsak rin sa lupa.
Kuntento namang bumaba si Marvin mula dito.
Itinigil na rin ni Old Tucker ang kanyang Stealth. Makikita ang gulat sa mga mata nito, "Kahit ang mga malalakas na Warrior ay hindi ganoon kahusay ang mga blade technique!"
Hindi pa man ito nakakakpagsalita ay lumitaw na ang isang maliit na anino mula sa kabilang dulo ng lagusan.
Little Tucker!
"Tulong!" Nababahalang sabi ni Little Tucker, "Nahuli ng Black Spider yung babae!"
Si Lola!
Natuliro si Marvin, nalimutan niya mayroon pang natitirang Black Spider!
"Nasaan siya?" Agad na kinapitan ni Marvin si Little Tucker at tinanong.
"Hinuli siya tapos hinila papasok sa isang kweba." Namumula sa galit ang maliit na Halfling habang nagdadabog, "Kasalanan ko 'to, di ko siya naprotektahan."
Agad namang bumalik si Marvin at ginamit ang [Night Tracking]!
Mayroon siyang itinabing gamit nito, napaghandaan na niya ang ganitong sitwasyon. Masusundan niya 'to!
'Sana abutan ko pa sila!'
Sa kanilang buong paglalakbay patungong Jewel Bay, ngayon lang nabalisa si Marvin.