"Ito ang bagay na 'yon…"
Hindi na natapos ni Marvin ang kanyang sinabi, bigla na lang siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan!
Tahimik lang sa aklatan. Hindi makagalaw si Marvin sa kanyang posisyon, akmang bubuksan pa rin niya ang pinto.
Matapos ang halos tatlong minuto, si Marvin, na tila nagising mula sa isang bangungot, ay biglang sinarado ang pinto!
"Bang!" Ginamit niya ang lahat ng kanyang lakas.
Sa mga susunod na sandali, napasandal siya sa pinto at napa-upo, tila nanghihina.
.
Nanlalamig ang pawis ni Marvin.
"Ang… Ang bagay na 'yon…"
Naninigas ang buong katawan ni Marvin, nanlalambot at nanghihina siyang nakasalampak sa lapag. Inabot ng limang minuto bago siya makabawi ng kaunting lakas.
At nang pinilit na ni Marvin tumayo, basing-basa na ang sahig dahil sa pawis ni Marvin!
Gumapang siya patungo sa kanyang kama at nahigi, unti-unti siyang bumabawi ng lakas.
Nakatulala lang siya, habang paulit-ulit sa kanyang isipan ang kanyang nakita.
...
Matapos buksan ang pinto, walang nakita si Marvin kundi isang silid na walang laman!
At sa isang banda ng kwarto ay may mural.
Kilala ni Marvin ang mural ito. Nakita na niya ito habang nagsasaliksik sa isang templo sa ilalim ng lupa!
Pero iba ang mural ito kumpara sa nakita niya sa templo.
Isa itong lumulutang na mural!
Sa isang iglap, nakita ni Marvin ang isang kakila-kilabot na eksena:
May misteryosong kapangyarihang humila sa kanya sa kadiliman, habang nangyayari ito, marrinig ang boses ng isang batang babaeng umaawit mula sa kalayuan.
Ang boses na 'yon ay isang ballad, at 'yon din ang narinig niya noong siya ay nasa lihim na lagusan.
Kasabay ng kakaibang ballad na ito ay isang nakakakilabot na eksena.
Sa gitna ng kadiliman ay may naglalagablab na apoy. Maraming lalaki at babaeng nakahubad malapit sa apoy. Nakasuot ng itim na maskara ang mga lalaki habang putting maskara naman ang suot ng mga babae.
Iniikutan nila ang apoy. Nang biglang may nagbago.
Biglang nilapitan ng mga naka-maskarang lalaki ang mga naka-maskarang babae.
Maririnig ang mga ungol sa paligid ng apoy habang unti-unting humihiwalay ang kanilang mga kaluluwa sa kanilang mga katawan.
Sa bandang huli, biglang nalanta ang mga ito.
Makikita ang bilis ng kanilang pagtanda!
Natuyo ang kanilang mga balat, at umihip ang hangin sa kanilang mga kalansay. Kumakalat ang kanilang mga buto sa mga nakakabighaning bulaklak na namumukadkad sa lupa.
Isa-isa silang namatay, at nagkalat sa lupa ang kanilang mga maskara.
Naglalagablab pa rin ang apoy habang patuloy pa ring inaawit ang ballad.
Sa huli, isang babae lang ang natira. Balot ng dugo ang kanyang katawan.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang maskara upang ipakita ang kanyang maamong mukha.
Halos mabilaukan si Marvin nang makita niya ito!
Ang mas nakakakilabot pa rito ay tila nakatingin ang batang babae kay Marvin nang may kakaibang ngiti sa mukha nito.
Sa mga sumunod na sandal, biglang lumobo nang lumobo ang babae.
Tila may isang nilalang na lumalaki sa loob ng kanyang katawan.
Kinilabutan ang buong katawan ni Marvin. Hindi niya maigalaw ang kanyang buong katawan.
Tinitigan lang siya ng babae.
Ang kanina'y ngiti ay biglang naging nakakatakot na pagtitig!
Natuliro siya nang makitang naging ulo ng Great Devil ang ulo ng babae!
Tatlo ang mata, isang ngiti na tila hindi isang ngiti, at nakatitig sa kanya.
Pakiramdam niya ay unti-unting siyang namamatay!
...
'Mabuti na lang at gamit ko ang Vanessa's gift…'
'Kung hindi, siguradong napahamak na ako!'
Sinilip ni Marvin ang Willpower check at huminga ng malalim.
Hindi lang pala ganoon ka-simple ang mural na iyon.
Ang mga taong makakakita nito ay lalamunin ng isang ilusyon. Maaaring ang ipinapakita sa ilusyong iyon ay nangyari talaga noon at napapanuod muli dahil sa isang lihim na taktika.
Ipinagmamalaki ni Marvin ang kanyang mataas na willpower, pero hindi niya inaakalang dito masusubukan ito!
Kung hindi dahil sa malaking dagdag ng Vanessa's gift sa kanyang fear resistance, baka nahirapan na si Marvin na makawala sa ilusyong iyon!
Hindi na nakakapagtakang mariing ibinilin ng kanyang ama na wag na wag itong bubuksan.
Anong klaseng tao ba ang kanyang lolo!
Higit isang oras pang nanatili si Marvin sa kanyang kama bago nakabawi ng sapat na lakas.
Gayunpaman, ang lihim ng kanyang napakabait na lolo ay higit pa sa kanyang inaakala.
Siguradong may koneksyon ang mural na ito sa mga Anzed at sa mga Great Devil. Isama na rin dito ang kanyang Numan na bloodline…
Pero hindi na muna porpoblemahin ito ni Marvin.
Sa kanyang palagay, kung hindi siya makakahanap ng isang bagay na hihigitan pa ang Vanessa's gift sa pagpapataas ng kanyang fear resistance, hindi siya makakapasok sa kwartong iyon.
'Kailangan planuhin ko ng mabuti ang susunod kong gagawin.'
Malalim pa ring nag-iisip si Marvin nang biglang dumating si Anna.
"Young Master, handa na po ang lahat."
"Anong nangyari? Bakit ka namumutla?"
Pinilit ngumiti ni Marvin at umiling. "Kailangan ko ng mushroom soup. Pakisabi sa kusinero na dagdagan ang kale."
Makakatulong ang Kale para makabawi si Marvin. Isa ito sa mga sangkap sa paggawa ng Spirit Recovery Potion.
Kailangan makabawi kaagad ni Marvin dahil may aasikasuhin pa siya ng gabing iyon.
…
Noong gabing 'yon, sa labas ng siyudad.
Mayroong maliit na sako ng gamit na nakasabit sa kanyang likuran. Kinakabahan ito kaya naman lingon ito nang lingon sa paligid.
Kanina pa nakasarado ang gate ng siyudad, pero may maliit pang pinto na nakabukas na mayroong dalawang gwardyang nagbabantay dito.
Sa di kalayuan, isang maliit na anino ang mabilis na lumapit.
"Sir Marvin." Magalang si Lola.
"Wag ka na magpanggap. Alam ko kung sino ka." Bahagyang ngumiti si Marvin. "Isa kang mapangahas na manggagantsong kayang utuin ang mga gnoll para palabasin sa kanyang selda. Bakit parang masyado kang magalang sa isang probinsyanong Overlord?"
Natigilan si Lola, nagulat siya at sinabing, "Ikaw si…"
Bago pa man makapagsalita si Marvin, hindi na itinuloy ni Lola ang kanyang sasabihin.
Matalino siyang tao.
Hininaan ni Lola ang kanyang boses, "Mukhang totoo pala ang mga bali-balita."
"Totoo man o hindi, mahalaga pa ba 'yon?" Tugon ni Marvin.
Hindi niya inaasahang magiging mapilit si Lola, "Napakahalaga!"
"Kung ikaw nga si Masked Twin Blades, ikaw ang nagligtas sa akin."
"At ikaw lang ang kauna-unahang naniwala sa akin pagkatapos kong lokohin."
Napakatapat ng kanyang mga sinasabi.
Bahagyang natuwa si Marvin, pero walang emosyon pa rin niyang sinabing, "Talaga ba? Tara na!"
"Uhm, Sir Marvin, Hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung saan tayo pupunta!"
"Sa Jewel Bay," sagot ni Marvin.
"Pero hindi dito ang daan papuntang Jewel Bay!" Sagot ni Lola, "Sundan mo ko, ituturo ko sayo daan, mali ang dinadaanan mo."
"Hindi, hindi mali ito."
Hindi nagpaawat si Marvin at dumeretso pa-hilaga pagbaba nila ng bundok.
"Mas mabilis ang daan dito."
Parang manika si Lola na hila-hila ni Marvin. Tiningnan niya ang mataas na bulubundukon sa malayo, pagtapos ng ilang saglit, tinanong niya, "Gusto mong dumaan sa Shrieking Mountain Range?!"
"Eh ano naman?" Kaswal na sabi ni Marvin, "Wala nang natitirang pagkain sa teritoryo ko, kailangan natin makabalik sa loob ng isang linggo!"
"Ito lang ang pinakamabilis na daan."
…
Nakalimutan na ng karamihan ang tungkol sa Shrieking Mountan Range.
Matatagpuan ito sa paligid ng Jewel Bay. Sa katunayan, hindi ito nakaguhit sa mga mapa ng karamihan sa malalaking siyudad.
Kakaunting tao lang sa Jewel Bay ang naglalakbay pa-timog dahil sa Shrieking Mountain Range.
Sa katunayan, ito lang ang naghahati at nasa pagitan ng White River Valley at Jewel Bay.
Maaaring magkaroon ng kalakaran ang White River Valley at Jewel Bay basta dumaan sila sa Shrieking Mountain Range.
Pero walang sino man ang gagawa nito.
Una, maliit na teritoryo lang ang White River Valley, at hindi nito kayang gumawa ng daaanan sa mula dito patungong Jewel Bay. Pangalawa, hindi interesado ang Jewel Bay na makipagkalakal sa isang maliit na bayan sa probinsya.
Samu't saring mga halimaw at nilalang ang naninirahan sa Shrieking Mountain Range.
Kung hindi lang sa isang misteryosong pwersa na humahadlang sa mga halimaw na maka-alis ng Shrieking Mountain Range, marahil araw-araw inaatake ng mga ito ang Jewel Bay.
Mga Harpy, Wyvern, Blood Ooze, at may mga nagsasabi ring mayroong umaaligid na Green Dragon sa loob ng nito.
Walang nakaka-alam kung gaano karaming halimaw ang nasa loob nito.
Pero hindi makalabas ang mga ito sa bulubunduking ito dahil sa isang misteryosong kapangyarihan. Kaya naman hindi sila makapagdulot ng kaguluhan sa labas nito.
Mayroong ilang adventurer, na hindi takot mamatay, ang paminsan-minsang pumapasok sa Shrieking Mountain Range para maghanap ng kayamanan. Pero kadalasan mga desperado na lang ang gumagawa nito.
Karamihan sa mga adventurer dito ay mahal pa rin ang kanilang mga buhay. Kaya naman ipinagbabawal na ang pagpasok dito.
Sa panig naman ng White River Valley ng bulubunduking ito, mas mapayapa dito kumpara sa Jewel Bay. Wala nang ibang mga halimaw ang sumugod dito bukod sa mga gnoll.
Sa dakong hilagang-kanluran ng palasyo ay ang minahan at ang River Shore City, at sa dakong hilagang-silangan naman ay ang daan patungong Shrieking mountain Range.
Tatawirin ni Marvin at Lola ang Shrieking Mountain Range ngayong gabi!
Sumapit na ang gabi, kaya naman kakaiba na ang pakiramdam ng hamog na bumabalot sa Shrieking Mountain Range.
Maganda ang mga tanawin dito.
Pero halos mabaliw na si Lola!
"Mawalang galang na Sir, pero Legend po ba kayo?" Malakas na tanong ni Lola sa gitna ng kagubatan.
"Hindi," sagot ni Marvin.
"Mawalang galang na Sir, pero takot po ba kayong mamatay?" Nababaliw na si Lola.
"Hindi," sagot ni Marvin.
"Mawalang galang na Sir, pwede po bang sa ibang paraan niyo na lang ako patayin?" Kitang-kita ang kalungkutan sa mukha ni Lola.
"Hindi."
Isinama lang ni Marvin si Lola pero hindi ito gaanong nagsasalita, bagkus ay mas nagmamadali lang ito. Matipid at paminsan-minsan lang rin ito sumagot.
Sumuko na si Lola dahil wala siyang makuhang matinong sagot mula kay Marvin.
Patuloy lang naglakad ang dalawa hanggang sa maghating gabi at makarating sila sa lugar na iniisip ni Marvin.
Mapanglaw at puno ng durog-durog na bato ang lugar na ito.
Sa harap naman nila ay may isang matarik na burol.
Pero nagpatuloy lang maglakad si Marvin pa-silangan, at nagpabalik-balik sa harap ng burol bago tuluyang tumigil sa harap ng isang kweba.
"Ano'ng nasa loob nito?" Kinakabahang tanong ni Lola.
"Isa itong lagusan," sa wakas sumagot na si Marvin. "Kapag dumaan tayo sa lagusang ito, makakatawid na tayo sa Shrieking Mountain Range at makakarating sa Jewel Bay sa loob ng isang araw."
Mas ligtas para sa atin na dumaan dito."
"Mayroon ka palang lihim na lagusan!" Huminahon na si Lola at makikita ang tuwa sa kanyang mukha. "Hindi ko inakalang marami ka palang alam."
"Wag ka munang masyadong makampante."
Pumasok si Marvin sa lagusan. "Mayroon pa ring panganib sa lagusang 'to."
"May pangalan ang daanang 'to."
"[Spider Crypt] ang tawag nila rito."
"At tulad ng sinasabi sa pangalan, maraming naghihintay sa atin sa loob."
"At gutom sila. Lagi silang gutom."