Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 129 - The Overlord Returns!

Chapter 129 - The Overlord Returns!

Sa di inaasahang pagkakataon, makikita ang kaganapan White River Valley mula sa magic screen!

May rebelyong nagaganap sa kaniyang teritoryo!

Kahit pa pumayag si Madeline na paalisin siya, at kahit pa magmadali siya pabalik sa White River Valley, aabutin siya ng isang oras para lang makabalik.

Baka tapos na ang rebelyon sa oras na dumating siya. At maaaring kontrolado na ni Toshiroya at ng kanyang mga tauhan ang kanyang palasyo!

Huminga ng malalim si Marvin at seryosong tinanong si Madeline, "Ano bang gusto mo?"

"Wala. Sa totoo lang, wala rin akong pakielam sa ginawa mo kanina." Pagmamataas na sabi ni Madeline habang nagsasalin ng alak sa isang baso. Makikitang hilig nitong aliwin ang kanyang sarili.

Tiningnan nito si Marvin at sinabing, "Sa mundong, nirerespeto ang malalakas, at kakaibang potensyal ang ipinikita mo para purihin ka ng mga tao."

"Gusto kong makipagtulungan sayo."

Makipagtulungan?

Akala ni Marvin mali siya ng pagkakadinig.

Ang City Lord ng River Shore City, isang 4th rank expert at isang Half-Legend, gustong makipagtulungan sa kanya?

"Ang Magic Holy Grail." Sa wakas ay ibinunyag na ni Madeline kung ano ang habol niya. "Kailangan ko 'yon. Mabilis kumalat ang balita sa mga Wizard. Napahangan mo ang napakaraming tao sa ipinakita mong galing sa Three Ring Towers."

"Alam kong na sayo ang Holy Grail, Tama?"

Walang nagawa si Marvin para itanggi ito, kaya tumango na lang siya.

Tunay na nasa kanya ang [Lance's Holy Grail].

Kahit na malaking tulong kay Wayne ang item na ito, hindi nagdalawang isip si Wayne na ibigay ito kay Marvin nang hingin ito sa kanya.

'Magic Holy Grail…' Biglang bumilis ang pag-iisip ni Marvin. Mukhang gustong pumunta ni Madeline sa lugar na 'yon kung gusto niyang makuha ang Magic Holy Grail.

Masyado pang maaga, hindi pa dapat mangyayari ito!

Biglang naging listo ang diwa ni Marvin.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Ibinaba ni Madeline ang kanyang iniinom at disididong sinabi na, "Tutulungan kitang pigilan ang rebelyon sa teritoryo mo. Kapag ipinahiram mo sa akin ang Magic Holy Grail, poprotektahan ng River Shore City ang White River Valley. Alam kong nakipag-alyansa ka na sa Ashes Tower ng Three Ring Towers. Pero napakalayo ng Three Ring Towers dito."

"Gustuhin man kayong protektahan ni Hathaway, aasa lang siya sa kantanyagan niya para matakot ang ilang taong may masasamang intension. Pero iba ang River Shore City. Kayang-kaya namin kayong tulungan ano mang oras na kailanganin niyo."

"Kasama na dito ang malaking problema niyo: ang pagkain."

"Pwede kong ibenta sainyo ang isang bahagi ng pagkain naming sa murang halaga."

Kahali-halina ang boses ni Madeline.

Pero alam ni Marvin na pagpapanggap lang ito.

Kung hindi dahil sa koneksyon niya kay Hathaway, at sa Holy Grail na mula sa Three Ring Towers, si Madeline na mismo ang nakipaglaban para dito.

At ang tanging dahilan kung bakit siya nagtyatyagang makipag-usap sa kanya ngayon dahil hindi ito nangangahas na gumawa ng kahit ano.

Pero kita sa mga mata nito na kailangang-kailangan nito ang Magic Holy Grail.

Kung hindi tatanggapin ni Marvin ang inaalok niya, maaaring hindi siya agad makalabas sa kwartong 'yon.

Pinag-isipan niyang mabuti ito at saka ito nagsalita. Ikinagulat naman ni Madeline ang kanyang mga sinabi.

Saglit na napaisip si Madeline bago tuluyang tumango.

Kahit na medyo kakaiba ang hinigiling ni Marvin, kahit papaano pareho pa rin naman ang kahahantungan ng mga bagay.

Kaya naman, maya-maya lang, may isang malaking agila ang dumapo sa bintana ng kwarto ni Madeline.

"Dahil ayaw mong ako na ang tumapos ng problema, sana magtagumpay ka, Baron Marvin."

Dumungaw si Madeline mula sa kanyang bintana, tila kinulang sa tela ang kanyang pulang pantulog.

Pumagaspas ang pakpak ng Great Falcon na nagdulot ng malakas na hangin. Kaya naman hinangin ang manipis na pantulog ni Madeline at nakita ang kanyang mala-porselanang mga hita.

Sumampa na si Marvin sa likod ng Great Falcon, ininda niya lang ang bugso ng hangin habang lumilipad sila patungo sa White River Valley!

Matagal-tagal na ring problema ng Rier Shore City ang Scarlet Monastery.

Ilang beses na ring nagpadala na si Madeline ng Disciplinray Knights at mga gwardya para harapin ang mga masasamang elemento rito.

Pero wala itong magawa dahil sa dalawang Pain Monks na nagbabantay dito.

Masyadong malakas ang mga Pain Monk na ito. Kahit na mga 3rd rank lang ito, hindi sila tinatablan ng magic.

Kapag kinalaban ng malapitan ang mga ito ng kanyang mga sundalo, marami ang mapapahamak dahil kulang ang mga expert combat classholder ng mga ito.

.

Matapos ang ilang beses na pagsubok, panandalian munang isinantabi ni Madeline ang pag-atake sa lugar na 'yon.

Kuntento naman ang mga halimaw sa loob nito sa kung ano ang meron sila. Lalo pa't mula noong namatay ang Lich na hindi naabot ang pagiging god, nanahimik na ang mga ito. Ang hindi nila alam, hindi patay kundi natutulog lang ito.

Pero biglang naglitawan ang mga Demon God Enforcer sa River Shire City noong mga nakaraan!

Tauhan ang mga ito ng master ng 3rd Hall na si Avenger Fegan.

Mukhang may masamang binabalak ang mga ito. Kaya naman nayamot si Madeline.

Hindi naman sa hindi kaya ni Madeline ang dalawang Pain Monk, sadyang maraming buhay ng kanyang mga sundalo ang kailangan isasakripisyo.

Pero dahil sa biglang paglitaw ng mga Demon God Enforcer, mas determinado na si Madeline na was akin Scarlet Monastery.

Pagkatapos ng paglilinis niya ng kanyang munisipyo at ang pagpigil sa Dark Sweet Poison, agad na naghanda ang maagap na City Lord na ito para sa kanyang pangatlong misyon!

At 'yon ay ang pag-atake sa Scarlet Monastery.

Hindi matatapatan ng kahit ano ang tulong na maibibigay ng Magic Holy Grail na hawak ni Marvin para sa labang ito. Malaking bagay para sa kanyang mga sundalo ang iba't ibang Aura at Anti-Curse ability nito. Ang mga ito'y hindi maibibigay kahit ng isang makapangyarihang Silver Church Priest.

Tandang-tanda ni Marvin na hindi nagtagumpay ang pagsugod ni Madeline sa Scarlet Monastery.

'Baka mabago na ang kalalabasan ng laban ngayon dahil sa akin.'

'Pero baka wala ring magbago. Lalo pa't napakalakas ng taong 'yon…'

Kumapit ng mabuti si Marvin sa likod ng Great Falcon habang inaalala ang usapan nila ni Madeline.

Tutulungan ni Madeline na makabalik si Marvin sa White River Valley, kapalit nito, tutulungan mismo ni Marvin si Madeline sa labang ito.

Siya ang mamamahala sa Magic Holy Grail. At gusto niyang siya ang mangunguna sa paglimas ng mga gamit at kayamanang matitira kapag nagtagumpay sila.

Walang problema si Madeline sa dalawang kondisyon ni Mavin dahil walang interes si Madeline sa kayamanan ng Scarlet Monastery o sa Magic Holy Grail. Ang mahalaga ay naroon ang Magic Holy Grail at magamit ito sa kanilang pag-atake.

Sa ngayon ay mayroong kasunduan ang dalawa.

Mas ikinagulat ni Madeline na hindi nabanggit ni Marvin ang tungkol sa problema nila sa pagkain.

Mayroon kaya siyang ibang nahanap na solusyon?

Takang-taka ang Witch.

Malinaw naman na River Shore City lang ang maaaring makapagdala ng pagkain sa lugar na 'yon.

Gayun pa man, ang misteryosong si Baron Marvin, ay umalis na sakay ng kanyang Great Eagle.

Nabalot ng kaguluhan ang buong White River Valley!

Sa paanan ng bundok, nagtipon-tipon ang mga tao.

Sumigaw ang isang batang mamula-mula ang balat:

"Makinig kayong lahat!"

"Gaano na ba katagal mula nang makita natin ang Overlord?"

"Noong isang buwan pa kulang ang pagkain natin pero ayaw pa ring tanggapin ng walang kwentang Half-Elf na 'yon ang inaalok ng Chamber of Commerce ng River Shore City!"

"Wala siyang ibinibigay na pagkain sa atin!"

"Pinagkakait niya ang pangangailangan ng mga mamayan! Hindi naman ganito dati sa White River Valley, pero mukhang nagbago na ang lahat!"

"Sa tingin ko palihim niyang pinatay ang Overlord at saka siya gumawa ng mga pekeng kautusan para mapunta sa kanya ang teritoryo!"

"Hindi niyo ba nakita ang sunod na 'yon?! 'Yon ang kamalig na pinaghirpan nating itayo. 'Yon sana ang pagkain natin para sa tag-lamig, pero wala nang natira. Nasunog na lahat!"

"Gusto ata tayong patayin sa gutom ng traydor na babaeng 'yon. Hindi tayo pwedeng manatiling walang ginagawa!"

"Kailangan nating pumunta sa palasyo at magprotesta!"

Maraming tao ang nakumbinsi ng mga sinabi ng taong iyon.

Kaya naman walang pag-aatubiling sumunod ang mga 'to patungo sa palasyo!

...

"Miss Anna, anong gagawin natin?"

Dumungaw si Andre sa ibaba ng palasyo, kinabahan siya ng matindi. Napakaraming tao ang naroon sa labas ng palasyo.

Naikandado naman na ng garrison ang gate ng palasyo pero hindi pa rin sila napanatag.

Dahil kahit sila mismo ay natatakot at naguguluhan ang isipan.

Maraming bali-balita sa White River Valley noong mga nakaraang araw. Mayroon daw masamang balak si Anna para agawin kay Marvin ang pagiging Overlord.

Lalo pa't kulang sa impormasyon ang mga karaniwang tao. Hindi pa umaabot sa River Shore City ang nakakamanghang galing na ipinamalas ni Marvin sa Three Ring Towers. Kaya mas imposibleng makarating ito sa isang probinsya gaya ng White River Valley.

Noong umalis siya, pinili ni Marvin na pumuslit lang upang hindi na makapukaw pa ng atensyon.

Pero ngayon, malaking isyu na ang pagdedesisyon ni Anna para sa White River Valley dahil hindi naman siya ang tunay na Overlord.

Wala sa kanya ang katapatan ng mga tao. Isa lang siyang butler ni Marvin, isang kinatawan lang ng Overlord ng White River Valley.

"Kamusta ang kamalig?" Mahinahong tanong ni Anna.

"Nasunog na ang lahat. Isang linggo lang ang itatagal ng mga natirang pagkain,"malungkot na sabi ni Andre.

Halos mabilaukan si Anna nang marinig ito!

Inasahan na ni Anna na nakapasok na sa palasyo ang espiya pero hindi niya inaasahang magtatagumpay ito.

Pakiramdam niya'y wala na siyang magawa dahil nagtagumpay pa rin ito kahit mahigpit na binabantayan ang kamalig.

Kung nandito lang siya, magiging maayos ang lahat.

Hindi mapigilang isipin ni Anna si Marvin.

Nang biglang umalingawngaw ang isang aroganteng tawa, "May bumabagbag ba sayo, mahal kong Anna?"

"Mas maganda ka pa sa liwanag ng buwan ngayong gabi."

Ang nagsasalita ay isang lalaking magara ang damit. Sinabi niya 'yon kahit na wala namang liwanag ng buwan nong gabing iyon. Sinubukan niyang yakapin si Anna.

Pero tinulak siya palayo ni Andre!

"Lumayo ka kay Miss Anna!" Nasusuklam na sinabi ni Andre.

"Aba, bastos ka ah. Ang lakas ng loob mong kausapin ng ganyan ang pinakamahusay na Alchemist!" Galit na tinitigan ng lalaki si Andre, "Hindi mo ba alam na napakalaki ng problema ng teritoryo niyo ngayon?"

"Kung gugustohin naman ni Miss Anna, pwede ko naman gawan ng solusyon ang problema para sa inyo."

"Hindi na kailangan, Mister Edward! Kami na ang bahalang lumutas nito." Sagot ni Anna.

Subalit, sa mga oras na 'yon hindi na makatiis ang mga tao.

Nagpadala na sila ng kanilang kinatawan, ang taong nangumbinsi sa kanila.

Lumapit ito at sumigaw, "Gusto naming makita ang Overlord!"

"Gusto naming malaman ang kalagayan ng teritoryong ito. Ibalik niyo na sa amin ang pagkain. Sakim at taksil na babae, kung hindi kayo susunod sa mga kagustuhan naming…."

Hindi pa man ito tapos magsalita, may malakas na hangin ang nagmula sa kalangitan!

Isang anino ang biglang nahulog mula sa kalangitan at lumapag sa tabi ng taong nagsasalita.

Isang nakakasilaw na liwanag ang lumabas.

Umikot si Marvin, hawak ang dalawang dagger sa magkabilang kamay. Wala siyang pakielam sa taong natumba sa kanyang likuran.

Tiningnan niya ang mga nagpoprotesta:

"Nagrerebelde ba kayo?"