__
TL: Mayroong pagbabago sa mga rank. Half-Legend ay 4th rank na ngayon. (Lahat ng 'to ay nasa dulo ng Chapter.)
_________
Walang kaalam-alam si Marvin sa nangyari sa Thousand Leaves Forest.
Nagmamadali siya pa-timog papuntang River Shore City.
Noong naglalakbay siya papunta doon, marami siyang nakitang taong naglalakad sa pangunahing kalsada, tila sinusubukan ng mga itong umalis ng River Shore City.
Mukhang natataranta ang mga ito. Ang ilang sa mga ito ay magagara ang damit pero naglalakad sila para makalabas ng siyudad.
Mayroon ring kasamang mga opisyal ng munisipyo sa mga ito. Noong nanghingi siya ng tulong sa mga ito, karamihan sa mga ito'y hinamak-hamak lang siya.
'Nangyari na nga…Ang pagpapalayas sa mga opisyal ng River Shore City.'
Nag-isip si Marvin habang patuloy na naglakad.
Mas maagang ring nangyari ang mga kaganapan sa River Shore City kumapara sa nakatakda. Marahil dahil rin ito sa kanyang mga ginawa.
Mas maagang bumalik ang City Lord ng River Shore City kesa sa inaasahan.
Ang City Lord ay isang Half-Legend Witch na kapantay ni Hathaway, isang mataas na 4th rank class holder.
Pero hindi isya sinwerte gaya ni Hathaway; hindi siya Seer. Noong maabot na sana niya ang pagiging Legend, biglang nawasak ang Universe Magic Pool. Kahit na nalampasan niya ang willpower check, na dulot ng pag-agos ng chaos magic sa kanyang katawan, tumigil na ang kanyang paglakas, nanatili na lang siya sa level 20 at hindi na nakapaglevel-up.
Kung hindi lang isa sa lugar kung saan nagsisimula ang mga manlalaro, kung saan sunod-sunod na lumitaw ang maraming "Golden Generation" na manlalarong mayroong mga heroic build, marahil nawasak na rin dahil sa mga halimaw ang River Shore City.
…
Pagpasok ni Marvin sa River Shore City, natagpuan niyang mas matamlay pa ito kesa noong umalis siya. Kakaunti na lang ang mga tao sa kalsada, kaya tila napakalungkot ng kapaligiran.
In fact, River Shore City's previous prosperity was somewhat fake.
Sa katunayan, ang kaunlaran ng River Shore City noong nakaraan ay panlabas lang.
Maraming bilang ng mga ilegal na kalakaran ang nagaganap rito, at ang munisipyo ay nakikipagsabwatan sa mga kaduda-dudang mga noble at merchant, tinutulungan pa ng mga ito na kumita sila sa mga ordinaryong tao.
Napakalaking halaga ng kayamanan ang umiikot sa iilang tao lang. At napakarami ring hindi makatwirang pwersa ang naghuhurementado.
Maraming kabataan ang pinipiling maging mababang miyembro ng mga gang dahil kung hindi, hindi sila kikita ng pera.
Nagkukubli ang kadilimang ito sa huwad na karangyaan na mayroon ang siyudad. Tanging kapag pinasok moa ng kasulok-sulukan ng siyudad sa gabi, saka mo malalaman ang tunay at nakakasukang realidad nito.
Pero napabuti na ang sitwasyon ngayon.
Dahil natanggal na ang pansamantalang City Lord. Lumabas na mula sa kanyang Wizard Tower ang tunay na nagmamay-ari sa River Shore City. Tinapos na nito ang kanyang seklusyon.
Umabot na ang kanyang lakas sa level 20, ang hangganan ng pagiging Half-Legend, kaya naman pinamahalaan na niya muli ang kanyang teritoryo. Isa lang siyang Viscount kung kaya mas mababa ang posisyon niya sa South Wizard Alliance.
Pero wala itong kaugnayan sa kanyang lakas. Ito'y dahil maliit lang ang River Shore City. Kung nanaisin niyang magbukas ng mga panibagong lupain sa kasukalan para sa Alliance, mas magiging angkop ang Countess na rank.
Sa madaling salita, matapos muling magpakita sa publiko ng City Lord na ito, mas bumuti ang kalagayan ng River Shore City.
Kahit na ang insidente ng Dark Sweet Poison ay tila kontrolado na ng Wizard Regiment at ng mga knight ng Silver Church.
Pinag-uusapan ng mga tao sa kalsada ang pinagmulan ng plague. Madalas ring mabanggit ang pangalan ng Siver Knight na si Gordian.
Tila, dahil malaki ang naiambag niya sa pagkakahuli ng mga plague follower na siyang nagkakalat ng Dark Sweet Poison!
Madalas ring mabanggit ang Masked Twin Blades.
Hindi mapigilang ngumiti ni Marvin nang marinig ito.
Sa sagot niya sa liham ni Ana, nabanggit niyang kailangan magpanggap ni Agate at Amber bilang Masked Twing Blades at pumatay ng ilang masasamang tao sa River Shore City, at sadyaing ikalat ang balita tungkol rito.
Mukhang ginawa na nga ito ni Anna, kundi, hindi masyadong pag-uusapan si Masked Twin Blades sa loob ng River Shore City.
Tumaas ng isang puntos ang kanyang Region Myth.
Dagdag pa rito na panay positibo ang mga kwento. Hindi na iniisp na isang walang pusong mamamatay tao, na mag-isang iniligpit ang Acheron Gang, si Masked Twin Blades. Hindi na rin nila ito tinuturing na criminal na pinatay ang lahat ng tao sa bahay ni Miller. Malaki ang pinagbago nito. Naging isa na siyang mabuting tao na gumagawa ng kabutihan sa paligid.
Labis itong ikinatuwa ni Marvin.
…
"Ibig-sabihin, karamihan ng mga balita ay kayo mismo ang nagkalat? Sinabi niyong isang mayaman ngunit masamang merchant si Miller at bahagi siya ng isang masamang kulto? Tapos tsaka niyo ipinagsabi na isang bayani si Masked Twin Blades?" Tanong ni Marvin.
Sa isang tagong eskinita, muling nakipagkita si Marvin sa Phantom Assassin na si Kyle Amber.
Iniwan siya ni Marvin sa River Shore City para bantayan si Toshiroya, ang noble na sinasabi nilang nanggaling sa isang siyudad sa hilaga. Matagal na raw nitong pinupunterya ang White River Valley.
Noon pa man, mahalaga talaga ang impormasyon. Kung minsan, mas tumataas ang pagkakataong matalo moa ng iyong kalaban kapag mas marami kang nalalaman tungkol sa kanya.
Umiling si Amber. "May nakita akong isang pulubing Bard. Mura lang ang hiningi niyang bayad pero magaling siyang magsalit."
"Ang maganda pa doon, walang limitasyon ang taong ito. Gagawin niya ang lahat basta babayaran siya."
"Tsaka isa pa, katotohanan lang naman ang ipinakalat niya."
Tumango si Marvin. Mahusay ang ginawa ng Phantom Assassin.
Pero may isang bagay na mas gusto niyang malaman.
"Eh si Toshitorya? Ang ang Lynx," tanong ni Marvin.
Hindi pa niya nalilimutan na noong sinusubukan niyang bawiin ang teritoryo niya, ilang beses na sinubukan ng Lynx na isabotahe ang plano!
Nagawa ni Cat Verne na pasugurin sa kanya ang mga Disciplinary Knight pagkatapo ng laban niya sa mga gnoll sa White River Valley!
Si Toshiroya naman, malinaw na pareho lang sila ng intension ni Miller. Siguradong may kinalaman rin ito sa pagsugod ng mga Gnoll.
Kahit ano pa ang dahilan nito, may kabayaran ang pagtatangkang pagsira sa mga pinapahalagan ni Marvin!
At 'yon ay kamatayan!
Tiniis niya lang ito dahil gusto niyang malaman kung sino ang nag-utos sa Lynx.
Pero oras na para kumilos.
...
Pambihira ang diskarte ni Amber sa pagkalap ng impormasyon sa River Shore City.
Agad nitong sinabi kay Marvin lahat ng natuklasan niya.
At tulad ng inaasahan, noong araw na umalis si Marvin, marami ang nagbago sa River Shore City!
Pinalayas ng tunay na City Lord ang pumalit sa kanya, at nagsimulang linisin ang mga korap na tao sa munisipyo.
Higit sa kalahati ng mga opisyal ng munisipyo ay nasibak sa pwesto, at isang-katlo ang napalayas.
Binawi rin ang lahat ng ari-arian ng mga ito!
Ang hepe ng Wizard's regiment ang umasikaso ng mga bagay-bagay, nakipag-ugnayan ito sa mga gwardya ng River Shore citu at mga Disciplinary Knight, kasama na rin ang suporta ng Silver Church.
Mabilis nangyari ang lahat ng ito.
Kitang-kita ang pagiging desidido ng City Lord.
Ang mga taong nakita ni Marvin sa pangunahing kalsada ay mga noble at mga opisyal ng munisipyo. Pinalayas sila sa River Shore City at wala silang nagawa kundi maghanap ng ibang ikabubuhay sa ibang teritoryo..
Pagkatapos, ang malawakang pagtugis naman sa mga plague follower. Malaki ang naging ambag nito sa pagtigil ng pagkalat ng Dark Sweet Poison.
Nagsisimula pa lang na magdulot ng problema an Dark Sweet Poison noong napigilan ito. At syempre, may naiambag si Marvin dito. Kung hindi niya napatay ang matalinong plague envoy, hindi mapapadali ang lahat ng ito para sa mga nakatataas ng River Shore City.
Noong mga panahong ito, nagpatupad ng isang mahigpit na curfew sa buong siyudad. Nabalot ang River Shore City ng matinding pagdidisiplina.
Ito ang pagbabalik ng disiplina. Kahit na hindi pa siya Legend, sapat na ang kanyang lakas para katakutan siya ng lahat ng tao sa River Shore City.
At noong din, kapag mas mahirap ang isang tao, mas panatag ang loob niya. SA wakas ay alam nilang protektado na sila.
At naapektuhan din si Toshiroya sa mga nangyayari.
Dahil sa kanyang pinagmulan, hindi kinuha ng City Lord ng River Shore City ang kanyang mga ari-arian, bagkus ay pinalayas lang ito.
At sa pagkaka-alam ni Amber, hindi pa agad na umalis ang taong ito noong pinalayas siya!
Ang sabi ay nanatili pa raw ito sa isang lugar malapit sa siyudad, sa isang maliit na kampo, at lihim na nagpaplano.
Dahil mayroong experto sa grupo ni Toshiroya na kayang makita kahit invisible ang tao, hindi na nangahas pang lumapit si Amber, kaya hindi na siya nakakuha ng karagdagan impormasyon tungkol sa plano ni Toshiroya.
Alam niya lang na nasa isang burol ito sa pagitan ng River Shore City at White River Valley!
…
"Malapit 'to sa White River Valley."
"Mukhang may masama talagang binabalak ang lalaking ito."
Biglang makikita sa mata ang kagustuhang pumatay ni Marvin, "Paano naman ang Lynx?"
"Pinahuli ng City Lord ang Lynx, bilang halimbawa sa mga taong nakikipagsabwatan sa mga opisyal."
"Nakakulong na ngayon ang anim na miyembro nito sa isang selda sa loob ng siyudad," mabilis na sagot ni Amber.
"Isang selda?" tanong ni Marvin.
Masama ang kutob niya sa pagkilos ni Toshiroya.
Pero hindi pa niya ito pwedeng puntahan mag-isa.
Kailangan malaman muna niya kung ano talagang binabalak ng taong ito!
…
Dakong hilaga ng River Shore City, sa Black Water Prison.
Tinulak ng dalawang gwardya ang isang bata.
Masyadong madilim para makita ang itsura ng bata.
"Anong kaso nito?" Tanong ng taong namamahala sa pagrerehistro.
"Lumabag sa curfew. Madilim na pero nagtatatakbo pa rin siya sa kalsada. Inakala ba niyang biro lang ang martial law na ipinatupad?" tanong ng gwardya.
Makikita ang takot sa mukha ng bata. Marahil na tatakot ito sa maaaring manyari sa kanya.
"Isang linggo, sa ikapitong selda." Walang naramdamang ano mang bahid ng kasamaan sa bata ang nagbabantay kaya agad niya itong pinapasok.
Pagipas ng sampung minute, nakakandado na ang Selda. Nakakulong na si Marvin kasama ng ipang matipunong lalaki sa loob ng isang maliit na selda.
"Oy! Bagito…" Isang lalaking walang damit pang-itaas at tadtad ng tato ang may masamang ngiti sa kanyang mukha. "Mukhang mabait ka ah."
Maririnig naman sa isang sulok ng selda ang tawanan.
Biglang may matinis na boses na nagsabing,"Mondin, dahan-dahanin mo lang, yung bagitong nauna diyan namatay kinabukasan pagkatapos mong paglaruan."
"Hindi pa naman naming natitikman 'yon."
"Dahan-dahanin mo ah. Hayaan mo namang mabuhay 'yan ng ilang araw."
Tumawa ng malakas ang lalaking tadtad ng tato, "Pucha, anong pinagsasasabi mo?"
"Hoy bata! Halika rito dilaan mo ko…"
Hindi pa man ito tapos sa kanyang sinasabi, isang mabigat na kamao ang tumama sa mukha nito, kasunod ang tunong ng nababasag na ngipin!
Agad na natahimik ang buong selda!